Pagkatapos makausap ni Analyn si Frances, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib niya. Naniniwala rin siya na makakapag-desisyon ang babae ng tama. Para kay Analyn, kapag hindi natuloy ang kasal ng dalawa, wala na ring dahilan si Karla para hingan siya ng pera at hindi na rin pag-iinitan ng babae ang advance payment ng Papa niya sa ospital.
Pero halos magi-isang linggo na. Nagtataka si Analyn kung bakit walang paramdam sa kanya ang dalaga. Kinakabahan siya na baka biglang nagbago ang isip nito at tutuloy pa ring pakasalan si Jiro. Sabi nga nila, love is blind that lovers can not see. Baka sa sobrang pagmamahal ni Frances kay Jiro ay pikit-mata na lang itong tatanggapin ang lalaki. O baka naman hindi pumayag si Jiro na makipag-hiwalay sa kanya si Frances at kung ano ang nagawa ng lalaki sa kanya.
Naisipan ni Analyn na i-message na lang si Frances at kumustahin ito, pero biglang may komosyon na nangyari sa unahan ng opisina nila.
Nakita n
Kahit na naging okay na si Analyn at Anthony nung umaga bago sila pumasok, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon maghapon na magkita. sa DLM Building.Isa pa, walang oras na makalabas ng opisina nila si Analyn. Masyado siyang tutok sa paghahanap ng kliyente at pagbibigay ng mga design proposal.Hanggang sa halos ang buong isang linggo ay naging ganito ang routine ni Analyn. Mula ng maupo si Fatima bilang manager ng Design Department, nagsimula ng dumami ang trabaho ni Analyn. Hindi na rin para magreklamo si Analyn. Hindi naman siya nakakaranas ng pambu-bully rito at tahimik ang mundo niya, hindi katulad nung si Sir Richie at Vi pa ang mga nakaupo.Kamakailan, may nakuhang collaboration project si Anthony sa isang nangungunang softdrinks na produkto. Hindi pa alam ni Fatima kung kanino ibibigay ang responsibilidada ng design. Pero gustong-gustong makuha ni Analyn iyon para sa kita.Kasabay nun, umalis si Anthony, kasama si Vivian, at iba pang top
“Sandali lang, Frances. Huwag mong ibababa.”Umabante si Analyn palapit sa kotse. Pagtapat niya roon ay agad na bumaba ang salaming bintana.“Sino ba ang kausap mo sa telepono mo at wala kang pakialam sa naghihintay sa ‘yo?”Namilog ang mga mata ni Analyn pagkakita sa sakay nito.“Sir Anthony!”Hindi sinagot ni Analyn ang tanong ni Anthony. Sa halip ay agad niyang binuksan ang pintuan at sumakay roon. Halatang pagod si Anthony base sa mukha niya pero binalewala muna iyon ni Analyn.“Sir Anthony, pwede bang ihatid mo ako ngayon? Emergency lang.”Wala ng nagawa si Anthony at napilitang ibuwelta ang sasakyan. Binalikan naman ni Analyn si Frances sa telepono.“Frances, huwag kang matakot. Ganito. Umalis ka ngayon diyan sa apartment mo. Hindi ka safe diyan. Mas mabuti siguro kung magpunta ka muna sa murang hotel o apartelle. Pupuntahan kita run. I-text mo na lang sa akin ang pangalan at address. Papunta
“Tama! Umalis ka na muna dito sa Tierra Punta.” Pumalakpak pa si Analyn. “Good idea.”Nang narinig ito ni Frances, nag-alanganin siya."Pero nandito ang trabaho ko. Baka hindi ako makahanap agad ng trabahgo sa pupuntahan ko. At saka, paano kung mahanap niya ang mga magulang ko?”"Alin ba ang mas importante? Ang trabaho mo o ang buhay mo?” may pagkayamot na tanong ni Anthony. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng hindi agad makapag-desisyon.“Ikaw na nga ang may sabi na hindi mo akalain na kayang gawin ni Jiro ang saktan ka.”Hindi sumagot si Frances, at sa halip ay yumuko na lang.“As for your parents, kaya nga importante na makapagpa-blotter ka,” dagdag pa ni Anthony, “para hindi lang ikaw ang may proteksyon, pati na ang mga magulang mo.”Mahinang tumango si Frances.“Okay. Sige. Payag na ko. Kung ganon, maagang-maaga bukas, aalis na ako. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon sa mga magulang ko. Ayaw kong mag-alala sila s
Nilingon ni Analyn si Anthony para sana gisingin ito, pero nakita niyang dumilat na rin ito at nakatitig na ngayon sa kanya.“Ah, Sir–”Walang sali-salita na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan niya at saka sinundan ang taxi. Iyon nga sana ang sasabihin ni Analyn kanina pero hindi niya iyon naituloy sabihin sa takot na magalit ang bagong gising lang na si Anthony.Pagkatapos nilang tahimik na ihatid si Frances sa bus station ay umalis na sila roon. Tahimik lang sila pareho sa biyahe at parang walang gustong magsalita. Nagulat na lang si Analyn ng mahalata niya na binabaybay ni Anthony ang daan papunta sa DLM Building.Hindi na nakatiis si Analyn at nagsalita.
Pagkasabi ay binuksan ni Anthony ang brown packaging na nasa tabi ng note para tingnan ang laman nito. Pagkabukas niya rito ay agad na sinalubong ang ilong ni Anthony ng matapang na amoy kaya napalayo siya ng kaunti.“What’s this?” tanong niya kay Analyn na may maasim na mukha.Bago pa masagot ni Analyn ang tanong ng lalaki ay nakarinig sila ng mga boses mula sa labas ng pintuan.Napasulyap si Analyn sa relo niya. Marahil ay nagdadatingan na ang mga empleyado ng President’s Office. Agad na lumipad ang tingin ni Analyn sa binata, kitang-kita ang pagpa-panic sa mukha nito.Agad na dinampot ni Anthony ang brown bag at ang note ni Analyn, sabay tingin kay Analyn. “Come with me.”
Wala sa loob na pinagmasdan ni Anthony ang dalaga. Siya ang kauna-unahang babae na nakapasok dito sa kuwarto niya sa opisina. At ang unang tao na nagmulat sa kanya sa totoong estado niya ngayon na pilit niyang itinatago sa loob ng maraming taon. Pero noon, may isang tao rin na ganito ang epekto sa kanya.Hindi! Hindi maaaring siya rin iyon.“Ano naman ang alam mo sa pagiging malungkot sa itaas? May naiisip ka bang paraan para mawala ang kalungkutan na ‘yon?”Nang tila biglang may naalala si Analyn.“Ay, Sir Anthony! Male-late na ko! Baka mapag-initan ako ni Fatima, I mean, boss Fatima. Unang araw niya bilang boss at siyempre, magpapa-impress ‘yun sa departamento namin.”“May
Sa pagkainip ni Analyn na makalabas sa kuwarto ni Anthony ay hindi sinasadyang nakaidlip ito. Lalo na at halos wala siyang tulog kagabi sa kakabantay sa mga taong dumarating at umaalis sa labas ng hotel na tinutuluyan ni Frances.Nagmamadaling bumalik si Anthony sa kuwarto sa loob ng opisina niya. Gusto niyang mainis kay Analyn nang mabungaran niya ito na natutulog sa sofa. Nag-effort siya na paalisin ang mga tauhan niya para makalabas dito si Analyn tapos ay tutulugan lang pala siya.Pero nawala ang inis ni Anthony nang maalala na halos wala pa palang matinong tulog ang dalaga. Kaya siguro hindi nito napigilan ang makatulog habang naghihintay sa lanya.Gigisingin na sana ni Anthony ang dalaga pero tila may mahikang nag-uutos sa kanya na huwag muna. Kaaya-ayang pagmasdan ang natutulog na mukha nito. Ngayon lan
As usual, pagpatak ng alas-singko ay eksaktong nag-time out na si Analyn at dumiretso na sa sakayan ng bus. Habang naghihintay ng parating na bus, nag-vibrate ang telepono niya sa bulsa.From: FrancesAte Analyn, nandito na ako sa bahay ngparents ko.Napabuga ng hangin si Analyn, at saka sinagot ang mensahe ni Frances ng maikling mensahe lang din. Ingat.Ilang minuto na ang nakakaraan, pero wala pa ring dumarating na bus. Sa tingin ni Analyn ay lampas na sa treinta minto siyang nakatayo roon. Inuwi pa naman niya ang laptop niya ngayon at bigat na bigat siya habang nakasukbit ito sa balikat niya. Isa pa, wala pa siyang matinong tulog mula kagabi kaya antok na antok na rin siya at halos hinihila na ng
Yumakap si Anthony kay Analyn. Kakatapos lang ng mainit milang pagniniig.“Kumusta naman ‘yung bagong hire n’yo?” tanong ni Anthony, at saka isiniksik ang mukha niya sa gilid ng leeg ni Analyn.Bahagyang nilingon ni Analyn ang lalaki.“Bakit mo inalis sa Design si RJ? Tapos ang pinalit mo, wala namang alam sa pagdi-design. Nakakainis ka.”Bahagyang natawa si Anthony. Pilit niyang pinaharap sa kanya ang mukha ni Analyn. “May gusto sa ‘yo ang ugok na ‘yun kaya kailangan niyang malayo sa ‘yo. Delikado.”Inirapan ni Analyn ang lalaki. “Delikado sa akin? O delikado sa ‘yo?” Muling tumawa si Anthony.“Iyong ipinalit mo, mas boss pa sa akin,” sabi uli ni Analyn.“Ganun lang ‘yun, pero mapagkakatiwalaan naman ’yon,” pagkontra ni Anthony.Ang hindi alam ni Analyn, sinadya ni Anthony na kunin si Karl para bantayan si Analyn at i-report sa kanya ang lahat ng detalye ni Analyn sa araw-araw.“Inaantok na ko,” sa halip ay sagot ni Analyn sabay hikab. Humalik si Anthony sa buhok ni Analyn, “go, s
Pagkatapos makipag-usap sa mga doktor, nagpasya si Analyn na iwan na muli ang Papa niya sa ospital. Pagsakay niya ng elevator, nabungaran niya sa loob si Edward. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Analyn pagkapasok niya sa loob. “May dinalaw lang bago magpunta sa meeting. Hindi ka ba pinasama ni Anthony dun?”Napataas ang isang kilay ni Analyn. “Kasama mo si Anthony sa meeting ngayon? Meeting ng ano?” “Ow… sorry. Hindi na naman ba sinabi sa iyo ng asawa mo? May meeting kami ngayon kasama ng Mama niya. Hindi ba nabanggit ko sa iyo last time na papasok na rin sa internet business ang De la Merced? Since hindi naman kasama sa line up ng mga kumpanya ng DLM ang internet business, makikipag-partner siya sa akin.” “Ano?” Sa tingin ni Analyn ay ang pakikipag-partner kay Edward ang pinakahuli nitong gagawin. Hindi ba nga at para silang aso’t pusa sa tuwing magkikita sila?“At hindi lang kami ni Anthony ang involve dito. Involve din si Tita Emily.”Ang Mama ni Anthony? Ito ba ang sina
Pagdating sa bahay ni Anthony, agad na dumiretso sa itaas si Analyn para silipin ang Papa niya. Pero bago pa siya makapasok sa kuwarto nito ay nasalubong niya ang kasambahay na nag-aalaga sa Papa niya.“Mam! Mabuti at nakabalik ka na!” masaya nitong sabi kay Analyn.Nagtaka si Analyn. “Bakit? Ano’ng nangyari?”“Nalaman namin na may paggalaw sa Papa n’yo dalawang araw na ang nakakaraan.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Talaga ba?”“Tingnan mo rito sa CCTV, Mam…” at saka nauna ng naglakad ang kasambahay papunta sa monitor na nasa loob ng kuwarto ng Papa ni Analyn. Agad na sumunod si Analyn dito. Ipinakita ng kasambahay ang recorded video kung saan nakitang gumagalaw ang ilang daliri sa kamay ng Papa ni Analyn. Natutop ni Analyn ang kanyang bibig. Hindi siya makapagsalita sa sobrang saya. Agad niyang kinopya ang video at pinadala kay Jan. Hindi pa nakontento si Analyn, at agad na tinawagan si Jan.“Doc Jan, ano ang dapat nating gawin? For the first time, sa loob ng apat na taon, ngayo
Nung araw na iyon ay anibersaryo ng DLM Group of Companies. May programang magaganap sa hapon. At dahil si Anthony ang presidente nito ay kailangan niyang magbigay ng speech.Maraming imbitadong mga taga-press at mga kaibigan ng pamilya De la Merced. Nakatayo sa gilid ng stage si Analyn habang nakatunghay kay Anthony na nagsasalita na ngayon sa itaas ng entablado. Mataman siyang nakatitig sa lalaki ng biglang bumulong si Michelle na nasa tabi niya. “Hindi mo na ako binalikan dun sa sinend ko sa ‘yong picture.”Nilingon ni Analyn ang kaibigan.“Ano’ng picture?”“Iyong picture ni boss Anthony at saka iyong babaeng nakatalikod na kuha dun sa bahay ni boss. ‘Yung sabi ko na parang ikaw. Pero siyempre, imposible namang maging ikaw.”“Baka photoshop lang ‘yun.”“Kunsabagay…”Muling itinuon ng dalawa ang atensyon sa nagsasalitang si Anthony hanggang sa matapos ang lalaki. Nakisabay sila sa palakpakan ng mga tao. Napansin ni Analyn ang mabilisang pagsulyap ni Anthony sa direksyon niya bago
Nagtaka si Anthony ng dumating siya. Nakabaluktot pa rin sa sofa si Analyn kahit na alam nitong dumating na siya. Kalimitan ay tatayo na ito agad kapag pumasok na siya sa loob ng bahay. “May masakit ba sa ‘yo?” tanong ni Anthony.Inot-inot na bumangon at naupo sa sofa si Analyn, “nagpunta ang Mama mo kanina. Nag-usap kami.”Sandaling natigilan si Anthony pero hindi naman kinakitaan ng pagka-sorpresa ang mukha niya. Naupo siya sa tabi ni Analyn.“Ano’ng sinabi niya sa ‘yo?”Huminga ng malalim si Analyn.“Gusto niyang ako na ang mag-initiate ng pakikipaghiwalay sa ‘yo.”Huminga ng malalim si Anthony, “huwag mo na lang pansinin. Wala lang iyon masabi.”Wala naman talagang plano si Analyn, pero hindi pa rin niya mapigilang hindi maapektuhan. Kapag sinunod niya si Emily, para na rin niyang ipinanalo agad sa laban nila ang babae. Hindi alam ni Analyn kung ano ang naisipan niya, bigla niyang niyakap sa beywang niya si Anthony. “Sir Anthony, kapag dumating ba ang panahon na kailangan mong
Kinabukasan, maagang nakatanggap ng text message si Analyn. Unknown:Magkita tayo ngayon sa park sa loob ng Grace Village. Biglang sumikdo ang dibdib ni Analyn. May hinala na siya kung sino ang nag-text sa kanya. Wala pa naman ngayon si Anthony. Marami siyang kailangang puntahang social events ngayong araw. Sa mga sandaling ito, maaaring nandun na ang Mama ni Anthony at naghihintay na sa kanya. Walang nagawa si Analyn kung hindi ang magpunta sa park. Naglakad lang si Analyn. Wala siyang pinagsabihang kasambahay kung saan siya pupunta.Abot-tanaw na ni Analyn ang Mama ni Anthony. Nakaupo ito sa isang bench doon habang panay ang buga ng usok ng sigarilyo. Nag-iisa lang siya sa bahaging iyon. Naramdaman niya siguro na may parating kaya lumingon siya sa gawi ni Analyn. Tinitigan ni Emily si Analyn habang naglalakad ito palapit sa kanya. Kinabahan naman si Analyn sa klase ng titig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nakakalason ang tingin nito at anumang oras ay babagsak na lang siya ng
Alas onse na ng gabi, pero wala pa rin si Anthony. Nakailang akyat-baba na rin si Analyn. Nakailang balik na rin siya sa kuwarto ni Anthony at sa kuwarto ng Papa niya para patayin ang oras. Para hindi antukin, naisipan niyang tawagan si Edward. Naalala niyang hindi niya masyadong nakausap ang lalaki kaninang tumawag ito.May katagalan ng nagri-ring ang numero ni Edward bago nito sinagot ang tawag. Humihingal ito at parang naiinis ang boses.[“Ano ba ‘yun?”]“Bakit ka galit? Nakaistorbo ba ako?” [“Hindi lang istorbo, Analyn. Sobrang istorbo… ang galing ng timing mo!”]Pagkatapos ay may narinig si Analyn na boses ng babae sa background. [“Ano ba? Nambibitin ka, ah!”]Narinig ni Analyn na sinabihan ni Edward ang babae na magbihis muna at kumain sa ibaba. “Sir Edward, ano’ng ginagawa mo? Don’t tell me…”[“FYI, Analyn. Lalaki ako. May pangangailangan. I am single. Hindi ba pwedeng mag-enjoy naman ako?”]Sasagot sana si Analyn pero naunahan siyang magsalita ni Edward. [“Alam mo, Analyn
Malalim na ang gabi pero hindi pa bumabalik si Anthony. Naiinip na si Analyn. Nakailang silip na siya sa Papa niya at nakabalik na sa sala, pero walang Anthony na dumarating. Nung dumating si Greg at Ria, sabik na sumalubong si Analyn. Akala niya ay kasama na nila si Anthony. Na-disappoint man, agad na nagmano si Analyn sa matanda.“S-Si Anthony po, ‘Lo?”Huminga ng malalim si Greg, “naiwan pa siya, iha. Iniwan pa namin sila dun. Mukhang marami silang kailangang pag-usapan ng Mama niya.” Nalungkot si Analyn, gusto na niyang makita at makausap ang asawa.“Hindi pa po naghahapunan si Mam, Sir Greg,” sabat ni Edna sa usapan. “Oh? Bakit, apo?”“Hinihintay ko po si Anthony. Sabay na kaming kakain. Nag-aalala kasi ako sa kanya,” pagkatapos ay bumaling si Analyn kay Edna, “manang, itago mo muna ang mga pagkain. Kung matutulog ka na, iinitin ko na lang mamaya kapag dumating na si Anthony.”Agad na umalis na si Edna para asikasuhin ang mga pagkain. “Kumain ka na muna kahit papaano, baka n
Lahat ay nag-aabang kung sino ang sakay ng itim na sasakyan na mukhang bago pa dahil wala pa itong plaka. Nang sa wakas ay bumaba ang driver at binuksan ang likurang pintuan. Unang lumabas ang paa ng isang babae. Mataas ang takong ng suot nitong tila mamahaling sapatos. Ng tuluyang malantad ang babae, halos sabay-sabay na nagsalita ang mga nakatatandang kamag-anak ni Anthony. “Emily?” “Ikaw nga ba ‘yan, Emily?” “Mukhang si Emily.”“Si Emily nga ‘yan.”“Si Emily nga!”Napaisip si Analyn kung sino itong Emily na bagong dating. Pero ng naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ni Anthony na nakahawak sa kanya at nilingon niya ang mukha nito, nagkaroon na siya ng ideya kung sino itong Emily. Nakita ni Analyn ang pagi-iba-iba ng emosyon sa mukha ni Anthony. Gulat, pagkasabik, pagtataka, at galit. Hindi alam ni Analyn kung paano ito kakausapin ngayon.Halos sabay-sabay ding napatingin kay Anthony ang mga kamag-anak niya. Alam nilang sa mga sandaling ito, siya ang pinaka-apektado. “Ano’n