“Sandali lang, Frances. Huwag mong ibababa.”
Umabante si Analyn palapit sa kotse. Pagtapat niya roon ay agad na bumaba ang salaming bintana.
“Sino ba ang kausap mo sa telepono mo at wala kang pakialam sa naghihintay sa ‘yo?”
Namilog ang mga mata ni Analyn pagkakita sa sakay nito.
“Sir Anthony!”
Hindi sinagot ni Analyn ang tanong ni Anthony. Sa halip ay agad niyang binuksan ang pintuan at sumakay roon. Halatang pagod si Anthony base sa mukha niya pero binalewala muna iyon ni Analyn.
“Sir Anthony, pwede bang ihatid mo ako ngayon? Emergency lang.”
Wala ng nagawa si Anthony at napilitang ibuwelta ang sasakyan. Binalikan naman ni Analyn si Frances sa telepono.
“Frances, huwag kang matakot. Ganito. Umalis ka ngayon diyan sa apartment mo. Hindi ka safe diyan. Mas mabuti siguro kung magpunta ka muna sa murang hotel o apartelle. Pupuntahan kita run. I-text mo na lang sa akin ang pangalan at address. Papunta
“Tama! Umalis ka na muna dito sa Tierra Punta.” Pumalakpak pa si Analyn. “Good idea.”Nang narinig ito ni Frances, nag-alanganin siya."Pero nandito ang trabaho ko. Baka hindi ako makahanap agad ng trabahgo sa pupuntahan ko. At saka, paano kung mahanap niya ang mga magulang ko?”"Alin ba ang mas importante? Ang trabaho mo o ang buhay mo?” may pagkayamot na tanong ni Anthony. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng hindi agad makapag-desisyon.“Ikaw na nga ang may sabi na hindi mo akalain na kayang gawin ni Jiro ang saktan ka.”Hindi sumagot si Frances, at sa halip ay yumuko na lang.“As for your parents, kaya nga importante na makapagpa-blotter ka,” dagdag pa ni Anthony, “para hindi lang ikaw ang may proteksyon, pati na ang mga magulang mo.”Mahinang tumango si Frances.“Okay. Sige. Payag na ko. Kung ganon, maagang-maaga bukas, aalis na ako. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon sa mga magulang ko. Ayaw kong mag-alala sila s
Nilingon ni Analyn si Anthony para sana gisingin ito, pero nakita niyang dumilat na rin ito at nakatitig na ngayon sa kanya.“Ah, Sir–”Walang sali-salita na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan niya at saka sinundan ang taxi. Iyon nga sana ang sasabihin ni Analyn kanina pero hindi niya iyon naituloy sabihin sa takot na magalit ang bagong gising lang na si Anthony.Pagkatapos nilang tahimik na ihatid si Frances sa bus station ay umalis na sila roon. Tahimik lang sila pareho sa biyahe at parang walang gustong magsalita. Nagulat na lang si Analyn ng mahalata niya na binabaybay ni Anthony ang daan papunta sa DLM Building.Hindi na nakatiis si Analyn at nagsalita.
Pagkasabi ay binuksan ni Anthony ang brown packaging na nasa tabi ng note para tingnan ang laman nito. Pagkabukas niya rito ay agad na sinalubong ang ilong ni Anthony ng matapang na amoy kaya napalayo siya ng kaunti.“What’s this?” tanong niya kay Analyn na may maasim na mukha.Bago pa masagot ni Analyn ang tanong ng lalaki ay nakarinig sila ng mga boses mula sa labas ng pintuan.Napasulyap si Analyn sa relo niya. Marahil ay nagdadatingan na ang mga empleyado ng President’s Office. Agad na lumipad ang tingin ni Analyn sa binata, kitang-kita ang pagpa-panic sa mukha nito.Agad na dinampot ni Anthony ang brown bag at ang note ni Analyn, sabay tingin kay Analyn. “Come with me.”
Wala sa loob na pinagmasdan ni Anthony ang dalaga. Siya ang kauna-unahang babae na nakapasok dito sa kuwarto niya sa opisina. At ang unang tao na nagmulat sa kanya sa totoong estado niya ngayon na pilit niyang itinatago sa loob ng maraming taon. Pero noon, may isang tao rin na ganito ang epekto sa kanya.Hindi! Hindi maaaring siya rin iyon.“Ano naman ang alam mo sa pagiging malungkot sa itaas? May naiisip ka bang paraan para mawala ang kalungkutan na ‘yon?”Nang tila biglang may naalala si Analyn.“Ay, Sir Anthony! Male-late na ko! Baka mapag-initan ako ni Fatima, I mean, boss Fatima. Unang araw niya bilang boss at siyempre, magpapa-impress ‘yun sa departamento namin.”“May
Sa pagkainip ni Analyn na makalabas sa kuwarto ni Anthony ay hindi sinasadyang nakaidlip ito. Lalo na at halos wala siyang tulog kagabi sa kakabantay sa mga taong dumarating at umaalis sa labas ng hotel na tinutuluyan ni Frances.Nagmamadaling bumalik si Anthony sa kuwarto sa loob ng opisina niya. Gusto niyang mainis kay Analyn nang mabungaran niya ito na natutulog sa sofa. Nag-effort siya na paalisin ang mga tauhan niya para makalabas dito si Analyn tapos ay tutulugan lang pala siya.Pero nawala ang inis ni Anthony nang maalala na halos wala pa palang matinong tulog ang dalaga. Kaya siguro hindi nito napigilan ang makatulog habang naghihintay sa lanya.Gigisingin na sana ni Anthony ang dalaga pero tila may mahikang nag-uutos sa kanya na huwag muna. Kaaya-ayang pagmasdan ang natutulog na mukha nito. Ngayon lan
As usual, pagpatak ng alas-singko ay eksaktong nag-time out na si Analyn at dumiretso na sa sakayan ng bus. Habang naghihintay ng parating na bus, nag-vibrate ang telepono niya sa bulsa.From: FrancesAte Analyn, nandito na ako sa bahay ngparents ko.Napabuga ng hangin si Analyn, at saka sinagot ang mensahe ni Frances ng maikling mensahe lang din. Ingat.Ilang minuto na ang nakakaraan, pero wala pa ring dumarating na bus. Sa tingin ni Analyn ay lampas na sa treinta minto siyang nakatayo roon. Inuwi pa naman niya ang laptop niya ngayon at bigat na bigat siya habang nakasukbit ito sa balikat niya. Isa pa, wala pa siyang matinong tulog mula kagabi kaya antok na antok na rin siya at halos hinihila na ng
“Ano’ng gagawin ko, Sir Anthony? Hindi ko naman alam na alam pala ni Jiro ang password ni Frances sa chat. Hindi ko in-expect na itse-check niya ang account ni Frances,” natatarantang sabi ni Analyn, pagkababa niya sa tawag ni Jiro.Kalmadong isinara ni Anthony ang laptop niya, sabay baling kay Analyn. “Bakit ba ang ligalig mo?”“Bakit nga hindi? Na-discover ni Jiro ang chat namin ni Frances. May idea na siya kung ano’ng nangyari. Ayaw niyang maniwala na hindi kami nagkita ni Frances. Paano kung mahanap niya si Frances? O, ang mga magulang ni Frances? Ay wait, tatawag pala ako sa police hotline.”Nag-dial si Analyn sa telepono niya habang nanginginig ang mga kamay. Sa sobrang taranta niya, dumulas ang teleponong hawak at nahulog.
Katulad ng ipinangako ni Anthony, araw-araw na nga niyang isinasabay sa pagpasok at pag-uwi si Analyn. Pero dahil sa sobrang busy ng lalaki, minsan ay hindi nagtatagpo ang mga oras nila. May mga araw na kailangan niyang manatili sa opisina ng Design para hintaying matapos si Anthony sa mga trabaho niya. Wala siyang choice kung hindi ang maghintay kaysa naman mabulaga siya na nag-aabang na pala sa labas si Jiro sa kanya.Hindi rin akalain ni Analyn na maagang nagigising si Anthony. Kinailangan pa tuloy gumising ng mas maaga ni Analyn kaysa sa nakasanayan niya. Sinisiguro ni Analyn na dalawang oras bago gumising si Anthony ay nagising at nakapag-ayos na siya.Madalas kasi na nakasakay na si Anthony sa sasakyan niya at doon na lang siya nito hihintayin habang abala ito sa laptop niya. Kaya naman laging nagmamadali ang dalaga na bumaba at sumakay sa naghihint
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom
Araw ng kaarawan ni Brittany. Maliwanag ang buong kabahayan at bakuran ng mga Esguerra dahil marami silang inimbita para iselebra ang araw na iyon. Walang katapusan ang pagdating ng mga bisita. Lahat ay may dalang mahal at importanteng regalo para sa dalaga ng mga Esguerra. Tuwang-tuwa si Brittany sa atensyon na natatanggap niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong dumating, isang tao lang ang hinahanap pa niya. “Bakit wala pa si Anthony?” Tumayo si Brittany at saka muling sumilip sa bakuran sa ibaba kung saan naka-set up ang mga mesa at upuan para sa mga bisita.Iniwan ni Brittany ang bintana at saka wala sa loob na tinanong ang kasama niyang kasambahay sa loob n g kuwarto niya.“Ano’ng oras na ba?” Aware naman si Brittany na maaga pa ang gabi, pero naiinip na kasi siya sa pagdating ni Anthony. Saka naman may pumasok na isa pang kasambahay. “Mam, may dumating pong regalo galing kay Sir Anthony,” sabi nito habang may hawak na maliit na kahon.Hindi malaman ni Brittany kung matutuwa
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit
Dalawang buwan na ang nakalipas…Sa unang linggo pa lang ng buwan ay may isang magandang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng DLM Group of Companies. May isang international investor na mula pa sa Germany ang nag-invest ng 500 million US dollars dito. Muling nagbunyi ang buong pamunuan ng DLM. Sa unang pagkakataon mula ng umalis si Analyn, ngayon lang uli humarap sa media si Anthony. Sa tingin ng ibang tao, nakabawi na ito mula sa krisis na kinasadlakan niya dalawang buwan na ang nakakaraan.Sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga media, at pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinasibad ito ni Karl habang mabilis namang nagpahayag ng mga report ang sekretarya. Pero kung titingnan si Anthony, halata mong hindi siya interesado sa mga sinasabi ng sekretarya niya. “May balita na ba?” Tumigil ang sekretarya sa pagsasalita. Huminga ito ng malalim at saka sinagot ang paulit-ulit ng tanong ni Anthony sa loob ng dalawang buwan. “Wala pa po, boss. Hindi pa rin
“Paano ba nasusukat ang pagiging okay, ‘Nay Mercy?” balik-tanong niya sa ginang.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Analyn. Dadating din ang tamang oras at panahon. Malalaman mo na lang na naghilom na ang sugat sa puso mo. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo o kung ano’ng problema ang meron ka. Pero lahat ng nararamdaman mo, ibigay mo sa Maykapal. Siya lang ang makakatulong sa iyo. Ituturo niya sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Nang nagpunta si Analyn dito sa kumbento, hindi niya sinabi kay Mercy ang dahilan ng kagustuhan niya na pansamantalang manirahan sa lugar. Hindi rin naman siya tinanong ng matandang babae, at sa halip ay inirekomend pa siya sa head ng mga madre roon. Tumango-tango si Analyn. Nagbaling siya ng tingin sa iba’t-ibang mga punong nasa harapan ng kumbento, habang kinakapa niya ang damdamin niya ngayon. Pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Mercy.“Ikaw, ‘Nay. Matagal ka na kamo rito, hindi ka pa ba okay sa tagal mo na rito sa kumbento?”“Malalaki na
“Get out,” utos ni Anthony kay Karl, na siyang nakaupo sa driver's seat. “Boss, saan tayo pupunta?” tanong ni Karl. “I said get out! Ako ang magda-drive!”“P-Pero, Boss…” atubiling sagot ni Karl dahil napansin nito ang hindi magandang itsura ng mukha ng amo. “Aalis ka riyan o aalisin kita sa trabaho?” tila pikon na pikon na tanong ni Anthony. Nagmamadaling binuksan ni Karl ang pintuan at saka bumaba ng sasakyan.Mabilis namang umakyat ng sasakyan si Anthony pagkababa ni Kar. “Boss, samahan na kita,” alok ni Karl sa amo. “Shut up!” Pagkatapos ay malakas na isinara ni Anthony ang pintuan ng sasakyan niya. Wala ng nagawa si Karl ng pasibarin ng amo ang sasakyan nito. Sakto naman na kalalabas lang ng sekretarya ni Anthony at nakita niya ang pagharurot ng sasakyan na kinalululanan nito.“Bakit mo pinayagang mag-drive?” nag-aalalang tanong ng sekretarya kay Karl habang pareho silang nakatingin sa papalayong sasakyan ng amo. Binitiwan ni Karl ang tingin sa sasakyan at saka nagbaling
May nag-abot ng dokumento kay Anthony. SNakasulat doon na s isang kalapit na bansa nagpunta si Analyn. Pero paano kung pinapalabas lang ni Analyn na naroroon siya, pero ang totoo ay nasa ibang bansa na uli ito? Tinawag ni Anthony ang sekretraya at ang chief security ng security group niya. “Someone arrange a flight for me immediately. Susundan ko ang asawa ko.”“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” Napalingon ang lahat sa bagong dating. Si Elle. Madilim ang mukha nito habang magma-martsa papunta kay Anhony. “I mean, wala kang karapatan na sundan pa si Analyn. Hindi niya deserve ang isang tulad mo,” deretsahang sabi ni Elle ng nasa harapan na siya ni Anthony.“Paano mo nasabi ‘yan, Elle? Asawa ko si Analyn. Ano’ng reason para hindi ko siya sundan?” sagot ni Anthony.“Reason? Ano rin ba ang reason mo nung iniwan mo si Analyn sa Hongkong para bumalik dito at dalawin si Ate Brittany? Nasaan ka ba nung kailangan ka niya? Wala ka naman sa tabi niya. So ano’ng diprensiya ngayon na nasa ibang