Nilingon ni Analyn si Anthony para sana gisingin ito, pero nakita niyang dumilat na rin ito at nakatitig na ngayon sa kanya.
“Ah, Sir–”
Walang sali-salita na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan niya at saka sinundan ang taxi. Iyon nga sana ang sasabihin ni Analyn kanina pero hindi niya iyon naituloy sabihin sa takot na magalit ang bagong gising lang na si Anthony.
Pagkatapos nilang tahimik na ihatid si Frances sa bus station ay umalis na sila roon. Tahimik lang sila pareho sa biyahe at parang walang gustong magsalita. Nagulat na lang si Analyn ng mahalata niya na binabaybay ni Anthony ang daan papunta sa DLM Building.
Hindi na nakatiis si Analyn at nagsalita.
Pagkasabi ay binuksan ni Anthony ang brown packaging na nasa tabi ng note para tingnan ang laman nito. Pagkabukas niya rito ay agad na sinalubong ang ilong ni Anthony ng matapang na amoy kaya napalayo siya ng kaunti.“What’s this?” tanong niya kay Analyn na may maasim na mukha.Bago pa masagot ni Analyn ang tanong ng lalaki ay nakarinig sila ng mga boses mula sa labas ng pintuan.Napasulyap si Analyn sa relo niya. Marahil ay nagdadatingan na ang mga empleyado ng President’s Office. Agad na lumipad ang tingin ni Analyn sa binata, kitang-kita ang pagpa-panic sa mukha nito.Agad na dinampot ni Anthony ang brown bag at ang note ni Analyn, sabay tingin kay Analyn. “Come with me.”
Wala sa loob na pinagmasdan ni Anthony ang dalaga. Siya ang kauna-unahang babae na nakapasok dito sa kuwarto niya sa opisina. At ang unang tao na nagmulat sa kanya sa totoong estado niya ngayon na pilit niyang itinatago sa loob ng maraming taon. Pero noon, may isang tao rin na ganito ang epekto sa kanya.Hindi! Hindi maaaring siya rin iyon.“Ano naman ang alam mo sa pagiging malungkot sa itaas? May naiisip ka bang paraan para mawala ang kalungkutan na ‘yon?”Nang tila biglang may naalala si Analyn.“Ay, Sir Anthony! Male-late na ko! Baka mapag-initan ako ni Fatima, I mean, boss Fatima. Unang araw niya bilang boss at siyempre, magpapa-impress ‘yun sa departamento namin.”“May
Sa pagkainip ni Analyn na makalabas sa kuwarto ni Anthony ay hindi sinasadyang nakaidlip ito. Lalo na at halos wala siyang tulog kagabi sa kakabantay sa mga taong dumarating at umaalis sa labas ng hotel na tinutuluyan ni Frances.Nagmamadaling bumalik si Anthony sa kuwarto sa loob ng opisina niya. Gusto niyang mainis kay Analyn nang mabungaran niya ito na natutulog sa sofa. Nag-effort siya na paalisin ang mga tauhan niya para makalabas dito si Analyn tapos ay tutulugan lang pala siya.Pero nawala ang inis ni Anthony nang maalala na halos wala pa palang matinong tulog ang dalaga. Kaya siguro hindi nito napigilan ang makatulog habang naghihintay sa lanya.Gigisingin na sana ni Anthony ang dalaga pero tila may mahikang nag-uutos sa kanya na huwag muna. Kaaya-ayang pagmasdan ang natutulog na mukha nito. Ngayon lan
As usual, pagpatak ng alas-singko ay eksaktong nag-time out na si Analyn at dumiretso na sa sakayan ng bus. Habang naghihintay ng parating na bus, nag-vibrate ang telepono niya sa bulsa.From: FrancesAte Analyn, nandito na ako sa bahay ngparents ko.Napabuga ng hangin si Analyn, at saka sinagot ang mensahe ni Frances ng maikling mensahe lang din. Ingat.Ilang minuto na ang nakakaraan, pero wala pa ring dumarating na bus. Sa tingin ni Analyn ay lampas na sa treinta minto siyang nakatayo roon. Inuwi pa naman niya ang laptop niya ngayon at bigat na bigat siya habang nakasukbit ito sa balikat niya. Isa pa, wala pa siyang matinong tulog mula kagabi kaya antok na antok na rin siya at halos hinihila na ng
“Ano’ng gagawin ko, Sir Anthony? Hindi ko naman alam na alam pala ni Jiro ang password ni Frances sa chat. Hindi ko in-expect na itse-check niya ang account ni Frances,” natatarantang sabi ni Analyn, pagkababa niya sa tawag ni Jiro.Kalmadong isinara ni Anthony ang laptop niya, sabay baling kay Analyn. “Bakit ba ang ligalig mo?”“Bakit nga hindi? Na-discover ni Jiro ang chat namin ni Frances. May idea na siya kung ano’ng nangyari. Ayaw niyang maniwala na hindi kami nagkita ni Frances. Paano kung mahanap niya si Frances? O, ang mga magulang ni Frances? Ay wait, tatawag pala ako sa police hotline.”Nag-dial si Analyn sa telepono niya habang nanginginig ang mga kamay. Sa sobrang taranta niya, dumulas ang teleponong hawak at nahulog.
Katulad ng ipinangako ni Anthony, araw-araw na nga niyang isinasabay sa pagpasok at pag-uwi si Analyn. Pero dahil sa sobrang busy ng lalaki, minsan ay hindi nagtatagpo ang mga oras nila. May mga araw na kailangan niyang manatili sa opisina ng Design para hintaying matapos si Anthony sa mga trabaho niya. Wala siyang choice kung hindi ang maghintay kaysa naman mabulaga siya na nag-aabang na pala sa labas si Jiro sa kanya.Hindi rin akalain ni Analyn na maagang nagigising si Anthony. Kinailangan pa tuloy gumising ng mas maaga ni Analyn kaysa sa nakasanayan niya. Sinisiguro ni Analyn na dalawang oras bago gumising si Anthony ay nagising at nakapag-ayos na siya.Madalas kasi na nakasakay na si Anthony sa sasakyan niya at doon na lang siya nito hihintayin habang abala ito sa laptop niya. Kaya naman laging nagmamadali ang dalaga na bumaba at sumakay sa naghihint
“Ayaw mo?” tila nanghahamon na tanong nni Fatima kay Analyn.“Wala akong sinabing ayaw ko. Ang tinatanong ko lang kung bakit parang biglang nagbago ang isip mo. Ano ang dahilan mo? For sure, may dahilan ka kung bakit bigla mong ibinibigay sa akin ngayon iyang project na ‘yan,” sinulyapan pa ni Analyn ang folder na nasa ibabaw ng mesa niya ngayon.Tumuwid ng pagkakatayo si Fatima, at saka humalukipkip. Nakuha na rin nila ang atensyon ng ilang mga tao roon sa departamento. Tahimik na nagmamasid sa kanila ang mga nasa paligid nila.Nagpa-revise ang client sa design. At base sa gusto nilang outcome, lumitaw doon ang style mo. Kaya… sa iyo ko na ibinibigay ang project.”Pinalabas ni Fatima sa paraan ng pagsasalita niya na utang na lo
Itinulak ni Anthony ang pintuan ng kuwarto niya para lang magulat sa nakita.“Himala. Hindi ka yata natutulog ngayon.”Nakaupo si Analyn sa sofa habang tila nag-iisip na nakatitig sa screen ng laptop niya. Alas diyes na ng gabi, at ngayon lang natapos si Anthony sa mga gawain niya. Bago rin sa paningin ni Anthong ang nakataling buhok ni Analyn. Tila mas na-emphasize ang magandang facial feature nito. Maganda rin pala ang babaeng ito kahit paano.Nag-angat ng tingin si Analyn at saka seryosong tiningnan si Anthony.“Huwag kang magulo. Nagbi-brainstorming kami ng sarili ko.”Hindi napigilan ni Anthony ang matawa sa isinagot sa kanya ng dalaga
“Hi, Analyn! Laki ng damage nung kuwarto ko nang dahil dito kay Ton kaya ako naparito.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi. Alam naman niyang siya ang dahilan ng pagkasira ng property ni Edward at hindi si Anthony. Iniligtas lang siya ng amo. Tumayo si Edward at saka lumapit kay Analyn. Sinipat nito ang mukha ng dalaga kung alin ang may gasa dahil sa sugat niya.“Masakit pa ba?”Nailang naman si Analyn sa pagsipat ni Edward sa pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Hindi naman sinasadyang kay Anthony siya napatingin. Saktong nakatingin din pala sa kanya ang lalaki kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya kay Anthony.Nahalata ni Edward ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang magpaalam na para umalis.“Aalis na muna ako. Aasikasuhin ko muna ang kapatid mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kapatid ko. Pasaway kasi talaga ‘yun.”Tinapik ni Edward ang braso ni Analyn.“Don’t worry. Ako’ng bahala sa kapatid mo. Ibabalik ko
Nagmamadaling tinapos na ni Anthony ang paliligo para mapuntahan na niya si Analyn sa kuwarto ng dalaga. Hindi pa nawawala ang anestisya sa katawan ng dalaga kaya hindi pa ito nagigising.Tahimik na pumasok si Anthony sa kuwarto ng dalaga. Lumapit siya sa kama nito at saka matamang pinagmasdan ang mukha nito. Maputla pa rin ang mga labi niya, at natatakpan pa ng gasa ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Napakapayapa nitong pagmasdan. Sinamantala ni Anthony na pagmasdan ang dalaga habang hindi pa ito nagigising.Nang biglang tumunog ang telepono ni Anthony na nasa bulsa ng pantalon niya. Bago pa magising si Analyn sa ingay ng telepono niya ay minabuti ni Anthony na lumabas na muna ng kuwarto ng dalaga.NANG nagdilat ng mga mata si Analyn, isang nag-aalalang Manang Edna
Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman.Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.“De– De la Merced?”Nakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito.Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n
Hindi pa nakaka-move on si Analyn dahil sa nalamang kay Edward ang casino na kinaroroonan niya ngayon nang tabihan uli siya ni Carlito sa sofa.Inakbayan siya ng lalaki, habang ang isang kamay ay dumampot ng stick ng sigarilyo mula sa mesa. Agad namang dinampot ni Analyn ang lighter na naroroon din sa ibabaw ng mesa sa kabila ng kabang nadarama niya. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa mga labi ni Carlito, na ikinatuwa naman ng huli.“Michelle, eh kung sumama ka kaya mamaya sa bahay ko? Ang dami kasing istorbo rito. Doon, walang iistorbo sa atin,” nakangising sabi ni Carlito. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Analyn na parang gustong halikan ang dalaga.Nagkunwari naman si Analyn na nahulog ang lighter para magkaroon siya ng dahilan na yumuko at para hindi mahalikan ni Carlito.&nbs
“Boss Edward?” gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.“Boss Edward… ano’ng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?” nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.“May palabas ka raw rito, nasagap ko,” walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls