Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of I SECRETLY WED the BOSS: Chapter 21 - Chapter 30

83 Chapters

21 - PAANO NAKAUWI

Nagmamadaling isinara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya, kasabay ng pagtahip ng dibdib niya. Sapo-sapo ang ulo na naglakad siya papunta sa kama niya. Nahimasmasan na siya nang bahagya, pero nagtataka siya kung bakit siya nasa kuwarto ni Anthony ngayon-ngayon lang. Naupo siya sa gilid ng kama niya habang hinihilot ang noo niya. Ang natatandaan niya, pumunta siya sa restaurant na sinabi ni boss Richie na dadaluhan nito na dinner party, at sasamahan niya ito roon. Pagkatapos, pinainom siya ni Michael ng alak. Hindi lang isang baso. Actually, hindi na matandaan ni Analyn kung ilang baso ng alak ang tinungga niya. Kaya siguro masakit ang ulo niya ngayon.Pero ang tanong niya sa sarili kung bakit nandito na siya sa bahay ni Anthony. Paano siya nakauwi? Ano’ng oras siya umuwi? Sa kakaisip, hindi sinasadyang napatingin si Analyn sa suot niyang damit. Iyon pa rin naman ang suot niya nang nagpunta siya sa restaurant. Nakaramdam siya ng kampant
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

22 - GUWAPO NA MALAS

Naglalakad si Vi nang biglang may humila sa kanya mula sa loob ng pantry sa opisina. “Vi, ano’ng nangyari? Sabi mo hindi papasok ngayong araw si Analyn?” Sumimangot si Vi, at saka biglang naisip ang kuya niyang si Robert. “Pwede ba, huwag na huwag n’yo ng mababanggit sa akin ang pangalan na ‘yan?”Nagtinginan ang mga kasamahan ni Vi na nasa loob ng pantry. Lalo lang nainis si Vi. Ang gusto lang naman niya ay turuan ng leksyon si Analyn. Planado na ang lahat. Ang huling sabi ng Kuya niya sa text ay naroroon na kagabi si Analyn sa restaurant kasama nila ni boss Richie. Pero nakakapagtakang nandito ngayon si Analyn at hindi sinasagot ng kapatid ang mga tawag niya.“Bwisit talaga ‘yang Analyn na ‘yan! May sa malas!”Hindi na makapaghintay si Vi na dumating ang araw na magantihan niya si Analyn.  MULA ng mawala si boss Richie sa Design department, mas nakakapagtrabaho na ng mabuti ang lahat ng emple
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

23 - PANSININ MO AKO

“Hala! Bakit nandito si  boss Anthony?” gulat na sabi ni Michelle sa likuran ni Analyn. Hindi namalayan ni Analyn na nasa likod na pala niya ang kaibigan sa katititingin kay Anthony sa mesa nito. Paano ba naman, napaka-finese nitong kumain. Akala mo prinsipe na de numero ang pagsubo. Para bang ninanamnam niyang mabuti ang lasa ng pagkain. “Pati kung kumain, ang hot ano?” puna uli ni Michelle.“Hot, hot ka diyan. Iinit talaga ang ulo niyan sa atin kapag nakita niya tayong nakatunganga sa kanya. Tara na! Dito tayo sa kabilang side!” aya ni Analyn sa kaibigan. “Bakit naman ang layo ng napili mong mesa?” tanong ni Michelle. Ayaw kasi ni Analyn na makita siya ni Anthony. Hindi pa nga malinaw sa kanya kung ano talaga ang nangyari kagabi at si Anthony ang nag-uwi sa kanya. Lalo na at nahihiya siya rito sa pagpasok at pagtabi niya sa kama nito. Pakiramdam niya, hindi niya kayang tumingin at makipag-usap kay Anthony
last updateLast Updated : 2024-11-28
Read more

24 - OWN DESIGN

“An– Sir Anthony!”Nagulat si Analyn nang makita si Anthony na nasa harap ng mesa niya. Bakit nandito itong taong ito? Hindi ba at iniwan namin siya ni Michelle sa elevator? Kanina pa ba siya sa harapan ko?Pasimpleng sinuyod ni Analyn ng tingin ang paligid. Baka mamaya ay may nakatingin na naman sa kanilang dalawa na mga kasamahan nila at mapag-usapan pa sila. “I want to see the company’s proposed packaging design,” pautos na sabi ni Anthony. Nang narinig iyon ay agad na tumayo si Analyn at saka kinuna ang laptop niya. “Ah yes, Sir.” Bubuksan na sana niya ang laptop, nang bigla siyang natigilan at napahinto.“Ah, Sir… Sir Anthony. Sorry. Wala po sa akin ang approved design. Kung gusto mong makita, kay V– kay boss Vi na lang.”Naningkit ang mga mata ni Anthony. Nalito siya bigla. Mabilis niyang inalisa ang nangyayari. “From the last time I talked with Richie, nabanggit niya na he is
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

25 - I WILL FULFILL YOUR WISH

“In that case, I will fulfill your wish.”Muling tiningnan ni Anthony ang pamilyar na disenyo at nagmamadaling lumabas na ng opisina ni Vi.Kinakabahang nasundan na lang ng tingin ni Vi si Anthony. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. Pero base sa timbre ng boses nito, parang may alam siya sa disenyo. Iniisip niya kung nagsumbong nga ba talaga si Analyn sa kanya.Pero kahit pa nagsumbong si Analyn kay Anthony, hindi gumagana ang laptop nito. Wala siyang pruweba kay Anthony na totoo ang sinasabi niya. At alam ni Vi na hindi basta-basta maniniwala ang isang tulad ni Anthony sa isang sabi-sabi lang at walang katibayan.Nagmartsa si Vi sa loob ng opisina niya. Naglakad siya paroon at parito sa maliit na espasyo nito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makampante. Hindi niya matukoy ang totoong damdamin ni Anthony. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kanina.Samantala, pagkalabas ni Anthony mula sa opisina ni Vi ay dumiretso siy
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

26 - SALAMAT, SIR ANTHONY

Naramdaman ni Anthony na tila may nakatingin sa kanya kaya mabilis niyang sinupil ang ngiti bago nilingon si Raymond. Nahuli niyang nakangiti ito sa kanya na tila nanunukso. Tiningnan niya ng masama ang lalaki na nagbibigay babala na wala siyang nakita kay Anthony. “Salamat, Sir Anthony, salamat,” masayang-masaya na sabi ni Analyn habang yakap-yakap ang laptop niya. Napukaw nun ang atensyon ng dalawang lalaki at sabay silang lumingon kay Analyn. Nagpatuloy ito sa masayang pag-indak yakap ang laptop niya. Tunay na walang pagsidlan ang saya na nararamdaman niya ngayon.“Instead of thanking me, use your brain on your work,” sa halip ay sagot ni Anthony. Hindi alam ni Anthony kung maaawa o maiinis siya sa dalaga. Tinatapakan na siya sa departamento niya, pero hindi niya makuhang lumaban. Sayang ang talento niya na inaabuso ng mga nagiging boss niya. Kung hindi pa niya nakita mismo ng dalawang mata niya ang disenyo na iyon ni Analyn, malamang
last updateLast Updated : 2024-11-29
Read more

27 - THE CONCEPT IS SUPERFICIAL

Nang pumasok si Analyn sa Design department, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. Agad siyang nilapitan ng mga kasamahan niya. “Bakit? Ano’ng nangyari? Bakit ka pinaakyat ni boss Anthony sa opisina niya?” Si Michelle ang nagtanong.Malalim na bumuntong-hininga si Analyn. “Gusto nga kasing makita ni Sir Anthony ang ga drawings ko sa laptop ko, kaso hindi talaga nito mabuksan. Napagalitan pa tuloy ako.”“Kawawa ka naman,” sabi ng isang kasamahan ni Analyn.“Oo nga. Pakiramdam ko tuloy para rin akong napagalitan ni boss Anthony,” sabi naman ng isa pa.Tahimik na naglakad si Analyn papunta sa mesa niya. “Tapusin ko na nga ang mga papel na ‘to.”Samantala, hindi mapigilan ng nakatagong si Vi ang mapangiti. Biglang nawala ang kabang kanina pa niya nararamdaman. Ngayon, nakakasigurado siya na talagang walang kamukha ang disenyo niya.Umalis na siya sa may pintuan at kinuha ang bag niya. Mabuti pang umuwi na siya. Panatag na ang lo
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

28- WATERMARK

“Okay. Okay. Sorry. Nakalimutan ko ‘yan sabihin. Sorry. First time ko lang kasi mag-present, medyo kinakabahan ako.”  Bahagya pang yumukod si Vi sa mga tao niya.Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn.“Thank you for adding that up, Analyn. You are very meticulous, napansin mo ang maliit na bagay na ‘yun,” nakangiting sabi ni Vi kay Analyn, kahit sa loob niya ay gigil na gigil na siya sa babae.“You may take your seat, Analyn.”Pero hindi sumunod si Analyn. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya na ipinagtaka ni Vi.“Hindi mo ba itatanong  boss Vi kung bakit alam na alam ko?Biglang nanlamig ang mga kamay ni Vi sa tanong na iyon ni Analyn. Idagdag pa ang confident na aura ngayon ng babae. Habang siya ay kanina pa kinakabahan at ang gisto na lang niya ay matapos na ang panahon na ito. Pero naisip niya, kahit ano pa ang sabihin ni Analyn ngayon, wala naman siyang patunay na sa kanya ang disenyo.“Okay, pagbibigyan
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

29 - GRATEFUL

Pero nagpumiglas si Vi sa mga humawak sa kanya. “Ayoko! Hindi ako aalis dito! Walang makakapagpaalis sa akin dito kung hindi si boss Anthony lang!” “Nagnakaw ka ng design ng ibang tao, tapos ang lakas ng loob mong sabihing ayaw mong umalis?” nanunuyang sabi ni Mr. Lee kay Vi.Humulagpos si Vi mula sa mga humahawak sa kanya at saka niya sinugod si Analyn.“Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Sinet-up mo ko!” galit na galit na sabi niya rito habang nakaturo ang daliri niya kay Analyn at panay ang tulo ng mga luha.Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Ako na nga ang ninakawan mo ng design, ikaw pa ang may ganang magalit sa akin? Dapat lang ‘yan sa ‘yo.”“Sige na, ilabas n’yo na ‘yan,” utos ni Mr. Lee sa mga security guard na naroroon.Sa pagkakataong ito, hindi na nagreklamo si Vi at kusang sumama na sa mga guwardiyang kumuha sa kanya.“Hmp! Sino na ngayon ang nag-plagiarized daw? Hah! Ang matindi pa, ngayon, alam na ng bu
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more

30 - QUITS

Nakakaloko ang ngiti ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Samantalang halos mawalan ng kulay ang mukha ni Analyn.“Sir! Hindi maganda ‘yan! Nakikinig ka sa mga usapan ng may usapan.”“Nakikinig? If I remember it correctly, nakatayo kayo nun sa tapat ng kotse ko.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Saka lang niya naalala ang eksena na iyon na nakatayo sila ni Michelle sa tapat ng isang magarang sasakyan. Malay ba niya na may nakasakay doon, tapos ang malas pa niya dahil si Anthony pala ang sakay nun. Umirap si Analyn sa hangin.“Bakit kasi ibang sasakyan ang gamit mo nun? Malay ko ba. Eto lang ang alam kong sasakyan mo.”Bahagyang natawa si Anthony.“Tara na. Ano pa’ng ginagawa mo riyan? Sumakay ka na at ipagluluto mo pa ako, di ba?”Humalukipkip si Analyn.“Sorry, Sir. Dahil nakinig ka sa usapan ng may usapan, binabawi ko na na ipagluluto kita ngayon.“Tsk! You’re so ruthless.”“Kasalanan mo.”
last updateLast Updated : 2024-11-30
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status