Semua Bab I SECRETLY WED the BOSS: Bab 11 - Bab 20

83 Bab

11 - PERA, PERA, PERA

Akala ni Analyn, pagkatapos malaman ng mga ka-opisina niya na kasal na siya ay wala ng problema. Napansin niya na nag-iba na ang trato sa kanya ng mga kasamahan niya pagkatapos nun. Iyong iba ay tahasan siyang pinag-uusapan kahit pa nandoon lang siya at naririnig niya. Iyong iba ay nagpupunta pa talaga sa mesa niya at kung ano-ano ang pang-iinsulto na sinasabi sa kanya. Nasasaktan man, pero kailangang tiisin lahat iyon ni Analyn.“Okay lang. Sige lang,” mahinang sabi ni Analyn sa sarili. After all, ang Papa niya naman ang nakinabang sa kasalang inoohan niya.Nang gabi ring iyon, may meeting na dinaluhan si Anthony kaya naman late na siya nakauwi sa bahay. Pagkapasok ng bahay, agad niyang hinubad ang coat niya pati na ang sapatos niya. Nagsuot siya ng tsinelas niyang pambahay at nakahanda ng umakyat ng hagdan nang mapahinto siya sa pag-akyat. May nakita siyang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan ni Anthony ang babaeng nakabaluktot sa sofa. Tila balisa ito habang natutulog. Halos ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-24
Baca selengkapnya

12 - HUWAG PATULAN

Pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila, saka lang niya nalaman na nagpa-meeting pala ang boss niya ngayong umaga. Wala naman siyang natanggap na abiso kaya wala siyang alam. At dahil hindi siya nakita nito sa loob ng meeting room, as usual, puro insulto na naman ang sinasabi nito kay Analyn sa harap ng buong departamento. Alam na alam ni Analyn dahil dinig na dinig niya ang mga sinasabi nito kahit nasa labas siya ng meeting room.“Hindi ko kailangan ang tatamad-tamad na mga empleyado dito sa departamento ko! Aanhin n’yo ang ganda, kung wala naman kayong sipag sa trabaho? Ano’ng oras na ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ni dulo ng buhok ni Analyn dito?” Alam ni Analyn na kapag pumasok pa siya ngayon sa loob ng meeting room ay hindi naman hihinto si Richie sa pagbira sa kanya. Sa tingin ni Analyn, para pa ngang mas nasisiyahan si Richie na may audience siya habang nilalait siya. Para kasing ang dating mas makapangyarihan siya kapag ganun. Umalis na si Analyn sa la
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-24
Baca selengkapnya

13 - SIMPLENG PROJECT DESIGNER

Walang nakapagsalita sa nangyari. Lahat ay tulala na nakatingin kay Analyn. Hindi nila inaasahan na ang tahimik na si Analyn ay kayang gawin ang ganung katapang na kilos.“Analyn,” pagtawag kay Analyn ng babaeng sinampal niya, “may araw ka rin sa aking malandi ka,” galit na galit na sabi nito, sabay duro pa ng daliri kay Analyn, “pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsampal sa akin.”Hindi na nagawang sumagot ni Analyn dahil pagkasabi nun ay tumalikod na ang babae at naglakad pabalik sa mesa niya. Iyong mga nanonood naman sa kanila ay isa-isa na ring nag-alisan mula sa pagkakatyo nila sa mga puwesto nila. Agad namang hinila ni Michelle si Analyn palayo roon. “Friend, kamag-anak mo pala si Gabriela Silang?” pabirong sabi nito kay Analyn.“Hindi ko naman siya kakantiin, kung hindi niya ako kinanti,” seryosong sagot ni Analyn, “isa pa, masyado ng foul ang binitawan niyang salita sa akin. Hindi ko na puwedeng palampasin.” “Ang inaalala ko lang, friend… baka mapag-initan ka na naman ni boss
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-25
Baca selengkapnya

14 - PRIVATE NUMBER

“Analyn.”Bahagyang nagulat si Analyn sa pagtawag ni Anthony sa kanya. Lalo na ng lumapit si Anthony sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya. “Bakit hindi ka pa diretsong umuwi pagkatapos ng trabaho mo?”Naguluhan si Analyn sa inaakto ni Anthony. Gusto niya sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito, pero sadyang mariin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Lalong nagtaka si Analyn nang lingunin ni Analyn ang lalaking may pilat sa mukha. “Kayo? Ano ba’ng kailangan n’yo?”Sa halip na matakot ang lalaki, bahagya lang itong tuumawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Ang lakas ng loob ni Anthony na sitahin siya gayong nag-iisa lang siya, samantalang ang lalaki ay maraming kasama at mukhang mga palabang katulad niya.“Ano? Magpapakabayani ka ba dito kay ganda?” sita ng lalaki kay Anthony.Hindi sumagot si Anthony, at seryoso lang na nakatingin sa lalaki na tila sinusukat ang kakayanan nito.“Okay, tingnan nga natin ang ibubuga mo,” nakangising sabi ng lalaki kay Anthony. Naglabas ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-25
Baca selengkapnya

15 - ASAN ANG EBIDENSYA

Kinabukasan, minabuti ni Analyn na gumising ng mas maaga. Hindi niya kayang harapin si Anthony ngayon. Pagkatapos ng tsismis tungkol sa eksena nila ni Anthony sa elevator kahapon, pihadong hindi rin makakaligtas ang pagtatanggol sa kanya ni Anthony nung uwian. Matagumpay niyang naiwasan si Anthony, pero pagdating niya sa opisina, si boss Richie naman ang nakasalubong niya. Bakit kaya ang agang pumasok nito? Walang pagpipilian si Analyn kung hindi batiin ang boss niya. Ngumiti si Analyn at saka ito binati.“Good morning, boss.”Tiningnan lang siya ni Richie at bahagyang tumango. Walang emosyon ang mukha nito. Nang nakalampas na si Analyn kay Richie, biglang huminto ang lalaki at tinawag si Analyn. Biglang huminto si Analyn sa paglakad at saka hinarap si Richie. “Boss?”“Samahan mo ko mamaya. May dinner party akong pupuntahan. Dress nicely. There are some business partners there. At ayokong
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-26
Baca selengkapnya

16 - IF YOU NEED HELP

“Enough!” Sabay na napalingon si Analyn at Vi kay Richie. Itinuro ni Richie si Analyn. “Ikaw, Analyn. Huwag kang magparatang sa kasamahan mo. Paano mo nasabing ikaw ang gumawa nito, wala ka ngang maipakita sa akin ngayon. Bakit parang napakagaling mo kung magsalita ka? Wala ka pa namang napatunayan sa departamentong ito. I tell you, kung hindi ka magbabago, hindi ka tatagal sa departamento ko. This design department will not tolerate your bad habits!”Buong tapang na hinarap ni Analyn si Richie.“Boss Richie, design ko ‘yan. Ako ang gumawa. At patutunayan ko ‘yan sa ‘yo.”Bahagyang natawa si Richie.“Patutunayan mo? Kanino? Kapag sinabi ko sa managemen na design ni Vi ito, that's it! Design ni Vi ito, at walang kokontra dun. Sa tingin mo, hindi sila maniniwala kapag sinabi ko ‘yun?”Mariing naikuyom ni Analyn ang malayang kamay niya. Hawak niya kasi sa isa ang laptop niyang ayaw magbukas.So, naniniwala si boss Rich
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-26
Baca selengkapnya

17 - WELCOME DRINK

Nagulat man si Analyn sa sinabi ni Anthony ay naisipan pa rin niyang magpasalamat sa lalaki. “Thank you. Sir. Maraming salamat, pero kaya ko pa naman.”Dahil mukhang desidido naman si Analyn na hindi magpatulong kay Anthony, nilingon ng binata ng assistant niya para senyasang aalis na sila roon. Kaagad namang nagpunta sa CCTV room si Analyn nang naglakad ng palayo ang dalawa.Sa loob ng CCTV room, natuklasan ni Analyn na ang lahat ng video ngayong umaga sa kanilang departamento ay burado lahat. Nanghina siya sa nalaman. Nagsisi siya na hindi siya nagpunta agad sa CCTV room pagkatapos ng sagutan niya kay Vi at boss Richie.Napakabilis ng mga kalaban niya. Nasira agad nila ang ebidensya na panghahawakan niya sana. Saka lang napansin ni Analyn ang sunod-sunod na message alert mula sa telepono niya. Wala sa loob na tiningnan ni Analyn kung bakit. Doon niya nakita sa group chat ng departamento nila ang maraming mensahe ng pagbati kau Vi, kas
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-26
Baca selengkapnya

18 - NAKAINOM LANG

Kinabahan si Analyn. Hindi niya alam na kasali ang pag-inom ng alak sa mga ganitong negosasyon sa kumpanya. Ang buong akala niya ay mauupo lang siya at makikinig sa usapan. “S-Sorry… hindi ako umiinom. Allergic ako sa alcoholic drinks.” Biglang sumama ang mukha ni Michael, ganun din iyong Robert. Hindi kasi talaga umiinom ng alak si Analyn, mababa ang alcohol tolerance niya. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin nito mamaya kung pagbibigyan niya ang alok nilang uminom siya ng tatlong baso.“Okay, ganito lang. Instead ng wine, iced tea na lang ang iinumin ko. Tatlong baso. Deal!”“Richie? Ano ba ‘tong tao mo?” reklamo ni Robert.“Ang KJ mo naman pala, Analyn,” sabi naman ni Michael.“Analyn, hindi mo naman pala kayang makipagsabayan dito, sana sinabi mo na agad kanina. Nagsayang lang ako ng laway sa ‘yo. Sana, iba na lang ang isinama ko,” reklamo naman ni Richie.Lahat ng tatlong lalaki ay sabay-sabay na nagsasalita. Hin
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-27
Baca selengkapnya

19 - DISAPPOINTED

Nanlaki ang mga mata ni Richie.“S-Sir An-Anthony.”Tila nanghina bigla si Richie nang makita ang big boss ng DLM sa harapan nya. Hindi niya tuloy napansin na lumuwag ang pagkakahawak niya sa katawan ni Analyn. Dumausdos tuloy si Analyn. Hindi sana maghihinala si Anthony, pero sa reaksyon na nakita niya kay Richie, alam niyang may mali kaya pinindot niya ang HOLD na buton para hindi magsara ang pintuan ng elevator.“S-Sir Anthony, ano’ng– ano’ng ginagawa n’yo rito? I mean, bakit kayo narito?”“Richie, ano ‘to?”“Ah, ah… ‘yung… ‘yung isa ko kasing tao sa Creatives, naparami ng inom. Eh, pagpapahingahin ko muna sa taas habang hinihintay ang sundo niya.”Ngumiti si Richie kay Anthony, pero hindi siya sigurado kung ngiti ba talaga ang nagawa niya o ngiwi.Hindi pinansin ni Anthony ang sinasabi ni Richie. Agad niyang dinaluhan si Analyn na nakahandusay pa rin sa lapag ng elevator. Agad niyang itinayo si Analyn at saka mabilis
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-27
Baca selengkapnya

20 - KANINONG KUWARTO

Pagkagaling kay Richie, agad na bumalik si Anthony sa sasakyan niya kung saan naroroon ang tulog na si Analyn. Pagbukas niya ng pintuan ay agad na sumalubong sa ilong niya ang matapang na amoy ng alcohol kaya nahigit niya ang kanyang paghinga. “Ayoko na… hindi ko na kaya… Hanggang isang baso lang ako.”Ang lasing na si Analyn ang nagsalita habang nakataas pa ang kamay nito at ikinakaway na tila pinipigil ang kausap na bigyan pa siya ng alak.Napabuga ng hangin si Anthony, at saka sinermunan si Analyn na parang maririnig siya nito.“Kung ayaw mo talagang uminom, hindi ka iinom kahit anong pilit nila sa ‘yo.”Nang mapagtanto ni Anthony na balewala lang ang pagsasabi niya nun dahil hindi naman naririnig ni Analyn, iniayos na niya ang dalaga sa pagkakaupo nito at saka siya umikot sa driver’s side. Habang nasa biyahe, hindi mapakali si Analyn sa upuan niya. Galaw siya ng galaw kaya nadi-distract si Anthony sa pagmamaneho niya. 
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-27
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
9
DMCA.com Protection Status