“Tama! Umalis ka na muna dito sa Tierra Punta.” Pumalakpak pa si Analyn. “Good idea.”Nang narinig ito ni Frances, nag-alanganin siya. "Pero nandito ang trabaho ko. Baka hindi ako makahanap agad ng trabahgo sa pupuntahan ko. At saka, paano kung mahanap niya ang mga magulang ko?”"Alin ba ang mas importante? Ang trabaho mo o ang buhay mo?” may pagkayamot na tanong ni Anthony. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng hindi agad makapag-desisyon.“Ikaw na nga ang may sabi na hindi mo akalain na kayang gawin ni Jiro ang saktan ka.”Hindi sumagot si Frances, at sa halip ay yumuko na lang.“As for your parents, kaya nga importante na makapagpa-blotter ka,” dagdag pa ni Anthony, “para hindi lang ikaw ang may proteksyon, pati na ang mga magulang mo.”Mahinang tumango si Frances. “Okay. Sige. Payag na ko. Kung ganon, maagang-maaga bukas, aalis na ako. Pero hindi ko muna sasabihin ngayon sa mga magulang ko. Ayaw kong mag-alala sila s
Last Updated : 2024-12-07 Read more