“Ayaw mo?” tila nanghahamon na tanong nni Fatima kay Analyn.
“Wala akong sinabing ayaw ko. Ang tinatanong ko lang kung bakit parang biglang nagbago ang isip mo. Ano ang dahilan mo? For sure, may dahilan ka kung bakit bigla mong ibinibigay sa akin ngayon iyang project na ‘yan,” sinulyapan pa ni Analyn ang folder na nasa ibabaw ng mesa niya ngayon.
Tumuwid ng pagkakatayo si Fatima, at saka humalukipkip. Nakuha na rin nila ang atensyon ng ilang mga tao roon sa departamento. Tahimik na nagmamasid sa kanila ang mga nasa paligid nila.
Nagpa-revise ang client sa design. At base sa gusto nilang outcome, lumitaw doon ang style mo. Kaya… sa iyo ko na ibinibigay ang project.”
Pinalabas ni Fatima sa paraan ng pagsasalita niya na utang na lo
Itinulak ni Anthony ang pintuan ng kuwarto niya para lang magulat sa nakita.“Himala. Hindi ka yata natutulog ngayon.”Nakaupo si Analyn sa sofa habang tila nag-iisip na nakatitig sa screen ng laptop niya. Alas diyes na ng gabi, at ngayon lang natapos si Anthony sa mga gawain niya. Bago rin sa paningin ni Anthong ang nakataling buhok ni Analyn. Tila mas na-emphasize ang magandang facial feature nito. Maganda rin pala ang babaeng ito kahit paano.Nag-angat ng tingin si Analyn at saka seryosong tiningnan si Anthony.“Huwag kang magulo. Nagbi-brainstorming kami ng sarili ko.”Hindi napigilan ni Anthony ang matawa sa isinagot sa kanya ng dalaga
Sa isang tahimik na coffee shop malapit sa tabi ng dagat, maraming tao ngayong gabi. Palibhasa ay araw ng Biyernes, kaya siguro maraming gustong magliwaliw at magtanggal ng pagod pagkatapos ng isang linggong trabaho.Karamihan sa mga customer na naroroon ay mga magbabarkada o mga pares na mag-asawa o magkasintahan. Nang wala ano-ano ay may biglang sumigaw sa ibabaw ng mga nagkakasayahang mga boses.“Seven years! Seven years na tayong may relasyon. Sa tinagal-tagal natin, nakuha mo pa akong lokohin?!”Biglang natahimik ang buong coffee shop. Pati ang mga staff ay biglang natigil sa kanilang mga ginagawa. Kandahaba ang leeg ng lahat ng tao para hanapin kung sino sa mga customer ang nagsalita nun.Natigilan si Anthony. Maski siya ay nabigla sa lakas ng bos
Muling pinindot ni Anthony ang MUTE na buton para ma-UNMUTE ang mikropono, at saka nagsalita.“Well, yes… I want to know the absorption rate. Do you have the figures?”Tinakpan ni Analyn ang bibig niya ng kamay niya. Pinipigilan niyang makagawa ng ingay habang naka-UNMUTE ang mikropono ng laptop ni Anthony. Ultimo paghinga nga ay pinipigilan niya rin.Nang natapos magsalita ang taga Finance Department, muling nagsalita si Anthony. Hindi alam ni Analyn kung dahil ba sa kaba kaya tila wala siyang maintindihan sa mga sinasabi ni Anthony.O dahil habang nagsasalita si Anthony ay sa kanya ito nakatingin at hindi sa screen ng laptop niya, kung saan naroroon ang mga ka-meeting niya. Hindi alam ni Analyn kung nanunukso ba o nang-aasar ang klase ng tingin ni Anthony sa kanya.Sa tantiya ni Analyn, hinihimay ni Anthony ang ini-report nung taga Finance, pero wala talaga siyang naiintindihan sa mga sinasabi at binabanggit n
Nagkasundo si Analyn at Cora na araw-araw silang magkikita at maga-bonding sa coffee shop ng huli. Sabi kasi ni Cora, dahil sa depress si Analyn, kailangan niya na may nakakausap lagi, lalo na at mag-isa na lang sa buhay si Analyn.Mabait si Cora. Lagi itong may nakalaan at words of wisdom para sa dalaga sa araw-araw na nagpupunta siya roon. Sa totoo lang ay nagi-guilty na nga si Analyn sa kabaitan na ipinapakita sa kanya ng dating ka-may ari ng Coxi Bottles. Napagtanto niya na hindi na siya komportable sa mga kasinungalingan na sinabi niya kay Cora. Kailangan na niyang makakuha ng tiyempo para ipagtapat kay Cora ang lahat at subukang makuha ang lisensiya ng copyright ng Coxi Bottles na hawak ni Cora.Isang gabi na magpupunta na ulit si Analyn sa coffee shop ni Cora, nagulat siya nang makita si Anthony na nakaupo sa loob ng sasakyan nito.“Ano’ng ginagawa mo riyan? Hindi mo ba sinabihan ang driver mo na ihatid ako–”
Wala sa wisyo habang naglalakad palayo sa coffee shop ni Cora. Tila malalim ang iniisip nito.Nang makarating siya sa pinagparadahan ng sasakyan ni Anthony, huminto siya sa tapat ng lalaki na nakasandal sa labas ng kotse niya.“Kasuklam-suklam talaga ang mga lalaki,” sabi niya sa harap ni Anthony pero sa kawalan siya nakatingin.Agad na nagdikit ang mga kilay ni Anthony pagkarinig sa sinabi ng babae. “Bakit naman?”“Hindi sila makuntento sa babaeng mahal nila. Humahanap pa rin sila ng ibang putahe. Hindi ba nila alam na napakasakit para sa isang babae ang maghintay ng ilang taon sa lalaki, pagkatapos lolokohin ka lang pala?”“Don’t count me.”Binawi ni Analyn ang tingin sa kawalan at saka hinarap si Anthony.“At ano’ng karapatan mong iitsa-pwera ang sarili mo sa mga lalaking manloloko? Nagawa mo na bang magmahal? Kawawa ang mga babae sa tulad mong makapangya
“Sinubukan ni Fatima na hingin ang copyright license mula kay Cora, pero hindi niya iyon nakuha… Ibig sabihin… alam ko na! Alam ko na! Alam ko na, Sir Anthony…”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony, gustong-gusto na niyang malaman kung ano ang nasa isip ni Analyn ngayon.“Kailangan kong makausap ng personal si Xian. Siya pala ang dapat kong kinausap at hindi si Cora! Tama! Salamat sa impormasyon, Sir. Ang galing-galing mo talaga!”Napapantastikuhang nakatingin lang si Anthony sa dalaga. Pero aaminin niya na bahagyang tumaba ang puso niya sa papuri nito sa kanya.“Tara na, Sir Anthony. Umuwi na tayo. Alam ko na ang gagawin ko.”Tatayo na sana si Anthony pero pinigilan ito ni Analyn.“Wait. Ayaw mo ba talaga ng barbeque? Sarap ng pusit nila! Obvious na sariwa. Recommended. Kuha ka na, treat ko sa ‘yo dahil sa imporamasyon mo.”Seryo
Kakatapos lang mag-shower ni Analyn. Mahihiga na sana siya pagkatapos magpatuyo ng buhok nang mag-ring ang telepono niya.Agad siyang kinabahan nang makita ang pangalan ni Cora sa screen ng telepono niya. Pero pilit niyang isinantabi ang kaba. Baka paranoid lang siya at may sasabihin lang sa kanya ang babae. Baka magtatanong lang kung bakit hindi siya nagpunta kanina sa coffee shop nito.Pagkatapos huminga nang malalim, sinagot na ni Analyn ang tawag. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Cora.[“Kasabwat ka ba niya?”]Malamig ang boses ni Cora, hindi ito ang karaniwang sarili nito ngayon.Nung una ay hindi maintindihan ni Analyn ang tanong ni Cora. Pero biglang pumasok sa isip niya ang mukha ni Xian. Mukhang nagpunta na si Xian at nagka-usap na silang dalawa.Hindi malaman ni Analyn kung ano ang isasagot kay Cora. Hindi niya alam kung paano ba niya ipagtatanggol ang sarili. Na
Nagulat si Analyn na nandoon siya sa lugar malapit sa coffee shop ni Cora. Nakatayo siya sa walkway ng baywalk. Hindi pa niya maisip kung paano siya napunta roon nang biglang sumulpot si Anthony sa tabi niya.Hinawakan nito ang isang kamay niya at saka bahagya itong pinisil.“We will be together forever,” seryosong sabi ng lalaki sa kanya.Hindi sumagot si Analyn, naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Hanggang sa unti-unti ay biglang lumalabo ang mukha ni Anthony. Parang drawing lang na binubura ng pambura ng lapis ang mukha niya hanggang sa tuluyang hindi mo na makilala ang mukha niya.Bumalikwas ng bangon si Analyn. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nasiguro niyang nasa kuwarto siya sa bahay ni Anthony. Napahawak si Analyn
alawang araw ng nanatili sila Anthony at Analyn doon sa hotel. Hindi umalis si Anthony at lahat ng mga business transactions at mga meeting niya ay pina-kansel niya munang lahat. Wala silang ginawa ni Analyn maghapon kung hindi ang manood ng mga pelikula at mga kung ano-anong palabas sa cable habang yakap-yakap ni Anthony sa Analyn sa kama. Ang pagkain nila, puro room service. Isang action movie ang pinapanood nila ngayon. Feel na feel ni Analyn ang kasalukuyang eksena ng biglang mag-ring ang telepono niya. Hindi agad tumalima si Analyn. Masyado itong naka-concentrate sa pinapanood. Hindi rin tumitigil ang pag-ring ng telepono. Hanggang sa mainis na siya sa walang tigil na pagtunog ng telepono. Naisipan niyang utusan si Anthony. “Abutin mo ang phone ko, please. Ang ingay, eh!” Agad namang sumunod si Anthony. Mas malapit kasi siya sa kinalalagyan ng telepono ni Analyn. Pero pagkadampot ni Anthony sa telepono, naputol na ang tawag. Sa halip, isang text message ang big
Sumimangot si Analyn. Wala naman kasing kakaiba sa call log at sa contacts ng telepono ni Anthony. Sa totoo lang, iilan nga lang ang naka-save na numero roon. Palibhasa, magaling tumanda ng numero si Anthony. Kaya niyang maitambal ang numero at ang taong nagma-may ari nun sa isip lang niya.Ang social media account niya naman, ni walang notification at ang chatbox niya ay dalawang tao lang ang lagi niyang kausap. Siya at si Lolo Greg.Marami namang chat request pero hindi sinasagot ni Anthony ang mga iyon. Pinindot ni Analyn ang chat ni Greg, nakita niya ang huling mensahe nito na lagi siyang uuwi ng maaga para raw nagkikita silang dalawa lagi. Hindi napigilan ni Analyn ang matuwa. Bigla niya tuloy na-miss ang matanda. Pinuntahan niya ang chatbox na para sa kanya, at saka pinalitan ang pangalan niya roon ng ‘Babe’. Hindi napigilan ni Analyn ang mahinang mapahagikgik sa ginawa niya, sabay iniisip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Anthony kapag nakita iyon. Saka lang naalal
“Saan ka galing?” tanong ni Anthony na may dalang dalawang plastic bottle ng mineral water. Galing siya sa labas, sa kusina ng kuwartong okupado lang dapat ni Analyn. Natigilan si Analyn sa tanong ni Anthony. Itinuro niya ang direksyon ng CR sa kuwarto sa hotel. “Nag-CR. Bawal ba?” “Bakit mo pa sinuot ang damit mo kung sa CR ka lang pupunta?” Napatingin si Analyn sa suot na damit pangtulog. Pagkatapos ay nagtatakang nag-angat ng tingin kay Anthony. “Bakit? Ano’ng masama?” naguguluhan niyang tanong. Ibinaba ni Anthony ang dalawang plastic bottle sa ibabaw ng bedside table.“Dapat hindi ka na nagdadamit kasi huhubarin ko lang uli ‘yan.” Pagkasabi nun ay binuhat ni Anthony si Analyn at saka bahagyang initsa sa ibabaw ng kama. “Anthony!” Malokong nakangiti si Anthony na tumabi kay Analyn. “Hindi pa tayo tapos. Kaya huwag ka munang nagsusuot ng damit,” sabi nito habang hinuhubad ang damit pantulog ng babae. Wala namang nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod. After all, tatlong
Wala na sa mood si Analyn kaya nagpaalam na siya kay Mrs. Chan. Lumabas na siya sa venue at saka naglakad papunta sa direksyon ng elevator. Kasama sa binayaran ng auctioners ang isang kuwarto sa hotel. Napagdesisyunan ni Analyn na doon na lang magpalipas ng oras. Wala rin naman siya sa mood umuwi, at sayang ang ibinayad ni Mrs. Chan kung hindi niya gagamitin ang kuwarto. Sinalubong si Analyn ng tahimik at may kadiliman na corridor pagkalabas niya ng elevator. Mag-isa lang siyang naglalakad. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang ingay ng mga takong ng sapatos niya. Pagliko ni Analyn papunta sa hanay ng kuwarto niya ay may bigla na lang humila sa kanya. Mabilis siya nitong isinandal nito sa pader at saka siniil ng halik. Sinubukang magpumiglas ni Analyn pero sadyang malakas ang lalaki. Pero ng makilala niya ang amoy nito ay saka lang niya nakilala ang lalaki. “Anthony!” sambit ni Analyn ng makawala ang mga labi niya mula sa halik ni Anthony. Bahagyang tumawa si Anthony at sak
Kahit na nakaupo lang, kapansin-pansin pa rin ang taglay na matapang na aura ni Anthony. Hindi pwedeng hindi mapapalingon ang dadaan sa puwesto niya. May babaeng naupo sa tabi niya. May inabot iyon na papel at ballpen kay Anthony. Binasa iyon ng lalaki at saka pinirmahan. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa siya pinagmamasdan ni Analyn mula sa di-kalayuan.Napansin ni Mrs. Chan si Analyn. Bumulong ito sa tapat ng tenga niya. “Gusto mo bang lapitan siya at mag-hello?”Agad na binawi ni Analyn ang tingin niya kay Anthony. “Hindi.”Naiinip na si Analyn. Hindi pa nagsisimula ang bidding. Parang gusto na nga niyang magpaalam kay Mrs. Chan at umuwi na. Pero nasa lugar na siya. Hahayaan na lang niya na maranasan niya ang mga ganitong event sa buhay ng mga mayayaman. Anong malay niya, baka bukas-makalawa, wala na siya sa sirkulasyon na ito.Dahil katabi siya ni Mrs. Chan, maraming nag-aatend sa bidding ang lumalapit sa ginang at nakikipag-usap dito. Isinasabay na ni Mrs. Chan na ipakilal
Kinabukasan, maagang umalis si Analyn. Sinamahan niya sa check up ang Papa niya. “Magaling na ang Papa mo. Konting therapy na lang at ituloy lang ang mga gamot niya, ilang buwan pa at magiging one hundred percent na siyang makakabalik sa dati,” nakangiting sabi ni Jan. Tipid na ngumiti si Analyn. “Mabuti naman.” “By the way, binuwag na ang medical team na binuo ni Sir Anthony,” pahabol ni Jan. Tumango lang si Analyn. Inaasahan naman niya iyon. Nagtataka lang siya na hindi man lang binanggit ni Anthony sa kanya. “Tutuloy na kami, Doc Jan,” paalam ni Analyn sa doktor at saka tumayo na.Sumunod na ring tumayo si Damian. “See you sa next check up po,” nakangiting paalam ni Jan kay Damian.Nang lumabas si Analyn at ang Papa niya mula sa clinic ni Jan, may narinig siyang boses. “Mrs. De la Merced!” Nagtuloy-tuloy lang sa paglakad si Analyn, hindi pinansin ang narinig niya. Unang-una, naisip niya na hindi naman siguro siya ang tinatawag dahil wala namang nakakaalam na asawa siya ni
Kung kanina ay buo sa loob ni Brittany na maghintay kay Anthony, ngayon ay tila nawalan na siya ng tapang. Mangiyak-ngiyak na niligpit niya ang mga gamit at saka tumayo na mula sa sofa sa opisina ni Anthony kung saan siya naghihintay. Tumayo na siya at nakahanda ng lumabas mula roon ng bumukas ang pintuan at pumasok doon ang bulto ni Anthony. Kakaiba talaga ang aura ng lalaki kaya siguro hindi magawa ni Brittany na pakawalan ito. Sa kabila ng seryosong mukha ng lalaki, biglang napangiti si Brittany. Dumating ito, ibig sabihin ay importante siya rito. Matikas na naglakad si Anthony palapit kay Brittany. Lalong lumapad ang ngiti ni Brittany sa binata.“Anthony, kanina pa ako naghihintay sa ‘yo. Akala ko hindi mo na ako babalikan dito. By the way, dahil sa paghihintay ko sa ‘yo rito nagutom na ako. Let’s have dinner? May alam akong bagong bukas na resto sa isang bagong bukas na hotel sa–”“Hindi ako bumalik dito para makipag-dinner sa ‘yo.”Alanganing ngumiti si Brittany. Something is
“Grabe! Ang hirap naman palang dumalaw sa ‘yo!” pagrereklamo ni Michelle kay Analyn pagkasalubong ng huli rito. Mahina lang ang pagkakasabi ni Michelle nun. Natatakot siyang may makarinig at makarating kay Anthony ng sinabi niya.“Ang OA naman ng reaksyon nito…”Namilog ang mga mata ni Michelle. “Ano’ng OA dun? Sige nga, hiningan ako ng dalawang government ID, kinuha ang fingerprints ko, pwera pa sa pagtawag nung mga bodyguards na ‘yun sa ‘yo para itanong kung kilala mo talaga ako.”Bahagyang natawa si Analyn sa kadaldalan ni Michelle. “Aba, kulang na lang yata eh hilahin nila ‘yung balat ko sa mukha.”Kumunot ang noo ni Analyn. “Hilahin ang balat?”“Oo, di ba sa mga pelikula nagdi-disguise ‘yung mga bida o kontrabida? Nagsusuot sila ng maskara sa mukha para magaya nila ang mukha ng kalaban nila?” Muling natawa si Analyn. “Ang taba ng utak mo, ano? Naisip mo pa ‘yun?” “Huwag kang tumawa diyan. Totoo naman ang sinasabi ko. Saan ba tayo mag-uusap?” Luminga-linga pa si Michelle para
Kinabukasan, ginising si Analyn ng tunog ng telepono niya. Pupungas-pungas na pilit na idinilat ni Analyn ang mga mata. Napansin niya na mag-isa lang siya sa kama. Agad niyang tiningnan ang paligid at nakumpirma niya na nasa kuwarto siya ng bahay ni Anthony. Naalala niya ang lahat ng nangyari kagabi mula sa pagsundo sa kanya ni Anthony, hanggang sa bakbakan nila ni Anthony dito sa kama ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na siya pa talaga ang nag-initiate na makipag-s*x sa kanya ang lalaki. Kaya naman nasabunutan niya ang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang pagtunog ng telepono niya. Kung sino man ang tumatawag, malamang na masigawan niya ito.[“Hello, Analyn!”]“M-Michelle.”[“Magpaliwanag ka. Ano’ng nangyari?”]“Nangyari? N-Nalasing ako, di ba?” [“Bruha, hindi ‘yun ang tinatanong ko. Ano'ng nangyari at si boss Anthony ang naging asawa mo?”]Nakagat ni Analyn ang hinlalaki sa isang kamay niya.“Hindi ba pwedeng malayong kamag-anak ko si Sir Anthony?”Tumingala si Analyn sa kisame, s