Huling sesyon ng paglilitis. Mataas ang tensyon sa loob ng korte habang si Michael Luna ay nakatayo sa harap ng saksi, si Mara, ang biktima. Tumitig siya ng matalim kay Mara, na bagamat puno ng takot, ay matatag na nakaupo sa witness stand.“Ms. Mara,” nagsimulang magtanong si Michael, kalmado ngunit mapanlinlang ang tono. “Sabi mo’y nasaktan ka sa sinasabing insidente. Ngunit, wala ka bang nakitang paraan upang makaiwas o makatakas?”Bahagyang nanginig si Mara, bakas sa kanyang mukha ang takot at sakit na bumabalik sa kanyang alaala. “Sinubukan ko, ngunit masyadong—” Napahinto siya, tila nabubulunan ng damdamin, pero ipinagpatuloy niya ang sagot. “Masyado siyang malakas, at hindi ko siya kayang labanan.”Ngumiti si Michael, at muli niyang pinindot ang kahinaan ng biktima, halatang may layuning ilihis ang atensyon ng hukuman. “At sa palagay mo, ito bang akusasyon ay hindi maaaring nadala lamang ng galit o hinanakit?”Hindi nakapagsalita si Mara. Ang luha ay pumatak sa kanyang mga mata
Magbasa pa