Tatlong taon ang nakalipas simula nang tuluyang mabasag ang puso ni Michael Luna. Mula sa araw na iyon sa simbahan, dala-dala niya ang sakit at ang pangakong hindi na muling magpapaloko. Ang dating nerd at tahimik na si Michael ay ngayon isa nang tanyag na abogado, hinahangaan hindi lamang sa kanyang husay sa korte kundi pati na rin sa kanyang mala-yelo at mapanuyang pag-uugali. Kung dati’y binibigyan niya ng tiwala ang bawat nakikilala, ngayon ay nag-iingat na siya, lalong-lalo na pagdating sa mga kababaihan.
Ang kanyang dating kalmadong personalidad ay napalitan ng pagiging prangka at malamig. Sa bawat kasong hinahawakan niya, walang puwang ang emosyon, tanging katwiran at ebidensya lamang ang mahalaga. Minsan na siyang pinagtaksilan, kaya't tinuldukan na niya ang kanyang pangarap na magmahal muli. Para sa kanya, ang pagmamahal ay isang ilusyon lamang—isang pangarap na kayang basagin ng kasinungalingan.
Naging mailap siya sa mga babae, at bagaman marami ang sumusubok makuha ang kanyang atensyon, walang nakakapasok sa kanyang puso. Madalas siyang puntirya ng mga balitang pang-iskandalo sa social media, ngunit nanatiling pribado ang kanyang buhay, binabalot ng misteryo ang kanyang bawat kilos. Sa kabila ng kanyang pagiging milyonaryo at tagapagmana ng Luna Hotelier, na may mga sangay sa iba't ibang bansa, hindi siya nakitaan ng interes sa mga karangyaan. Lahat ng kanyang oras at lakas ay nakatuon sa kanyang law firm, kung saan tinutulungan niya ang mga kliyenteng nabiktima ng pagtataksil o kawalan ng hustisya. Para kay Michael, ito ang kanyang paraan upang iligtas ang iba mula sa kanyang naranasan—isang tahimik at makahulugang paghihiganti laban sa konsepto ng pag-ibig.
Ngunit sa kabila ng kanyang malamig na panlabas, lingid sa lahat, may bahagi pa rin sa kanya ang hindi ganap na gumaling. Isang araw, sa isang court hearing para sa isang prominenteng kaso, nakatapat niya ang isang bagong prosecutor na hinahangaan sa buong departamento ng pulisya. Si Jasmine Estrada, isang napakatalinong babae na walang kinatatakutan, ay nagdala ng kakaibang hamon sa buhay ni Michael. Sa bawat pagtatalo nila sa korte, tila unti-unting nagigising ang damdaming akala ni Michael ay tuluyan nang namatay.
Ang kanilang mga mata ay nagtagpo sa silid ng korte. Isang titig na puno ng pagtataka, pang-uuyam, at sa kabila ng lahat, isang damdaming hindi matukoy ni Michael. Ang kanilang bangayan sa korte ay nagpaalab ng bagong kabanata sa kanyang buhay, at isang tanong ang bumabalot sa kanyang isipan: kaya pa ba niyang bigyan ng pagkakataon ang pag-ibig, o magiging mailap siya habambuhay?
Sa loob ng opisina ng Luna Law Firm, tahimik at malamig ang paligid. Wala ni isang batang babae ang nagtatrabaho doon; ang mga empleyado ni Michael ay pawang mga matatandang babae na bihasa sa batas at mga aspeto ng kaso. Pinili niya ito hindi dahil sa ayaw niya sa kabataan kundi dahil gusto niyang siguruhin na walang kahit sino ang magdadala ng abala o emosyon sa kanyang propesyonal na espasyo. Ang opisina ni Michael ay naging simbolo ng malamig na hustisya, walang puso, at walang bahid ng alinlangan sa kanyang kagustuhang magtagumpay.
Kilala si Michael sa legal industry hindi lamang dahil sa kanyang yaman at posisyon bilang tagapagmana ng Luna Hotelier kundi dahil sa kanyang walang kinatatakutang prinsipyo sa korte. Subalit may kasamang pangamba ang bawat hakbang sa paligid niya. Ang kanyang mga empleyado, kahit beterano na sa propesyon, ay takot pa rin sa kanya. Bawat utos ni Michael ay sinusunod nila nang walang pag-aalinlangan. Isa siyang abogado na hindi nagpapakita ng awa sa mga kliyenteng kanyang ipinagtatanggol—kahit pa alam niyang may bahid ng kasalanan ang mga ito.
Isang araw, isang mayamang kliyente ang pumasok sa kanyang opisina. Ang taong ito ay nasasangkot sa isang kasong rape at pananakit ng kanyang empleyada. Bagaman lantaran ang ebidensya at malinaw ang salaysay ng biktima, si Michael ay ni hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang kaso.
“Mr. Tan, welcome,” bati ni Michael sa kliyente, may mapanuksong ngiti habang inaabot ang kamay nito.
“Salamat, Atty. Luna. Alam ko, malaki ang magiging tulong mo sa akin,” tugon ni Mr. Tan, habang nakaupo nang maayos at may tiwala sa kanyang abogado.
"Kung kaya kong pabagsakin ang sinumang humahadlang sa tagumpay ng aking kliyente, gagawin ko," malamig at buo ang boses ni Michael. "Walang kaso na hindi ko kayang talunin, at walang ebidensya na hindi kayang baligtarin."
Nagpakawala si Mr. Tan ng mapanuyang ngiti. “Yun ang gusto kong marinig. Alam mo naman na itong babaeng ito, nagsisinungaling lang para makakuha ng pera.”
Hindi man lang kumurap si Michael. Para sa kanya, ang prinsipyo niya ay malinaw: kahit pa sino ang nasasangkot, basta’t bayad at kilala, siya ay lalaban para sa kanila. Hindi niya iniisip ang biktima, ang hustisya, o kung sino ang nasa tama. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang manalo at makilala bilang pinakamahusay na abogado.
Dumating ang araw ng trial ni Mr. Tan, ang kliyenteng kanyang ipinagtatanggol laban sa kasong rape. Sa harapan ng hukom, hindi man lang nagdalawang-isip si Michael sa bawat salitang kanyang binitiwan.
“Nagpapasalamat kami sa inyong pagdinig, Kagalang-galang na Hukom. Ang babaeng ito, na pinipilit maghain ng reklamo, ay wala nang ibang intensyon kundi ang siraan ang aking kliyente para makuha ang kanyang pera,” madiin niyang sinabi habang nakatingin sa babaeng complainant. Ang biktima, na halatang galit at puno ng hinanakit, ay hindi nakatiis at nagsalita.
“Kasinungalingan! Alam ng Diyos kung ano ang ginawa sa akin ng taong yan. Ikaw—" lumuluha niyang sinabi habang tinuturo si Mr. Tan. “Binaboy mo ako, pinahiya mo ako, at heto ka ngayon, nakatayo sa harap ng lahat ng taong ito na parang wala kang ginawa!”
Pero walang takot sa mga mata ni Michael. “Akin pong ipinapaalala na ang hukuman ay hindi lugar para sa emosyon,” sabi niya, malamig at walang pag-aalinlangan. Sa likod ng bawat salita niya ay ang kanyang paniniwala na siya ang may kontrol sa lahat. Ang bawat argumento niya ay mabigat at matalas, na tila wala nang makakapigil sa kanya.
Pagkatapos ng pagdinig, lumapit si Mr. Tan sa kanya at nginisian ito, tila ba isang pasasalamat sa walang kapantay na pagtatanggol. “Mabuti na lang at ikaw ang abogado ko, Atty. Luna. Hindi ko akalain na kahit ganito ang kaso, kaya mo pa ring pagtakpan.”
Nginitian lang siya ni Michael, at sa isang malamig na tono ay sinabi, “Isa lang itong trabaho, Mr. Tan. Bayad ka, kaya gagawin ko ang lahat para manalo tayo.”
Nang gabing iyon, habang nakaupo sa kanyang opisina, may tumawag sa kanya mula sa telepono. Ang dating kaklase at matalik na kaibigang si James.
“Mike,” sabi ni James, halatang nag-aalala sa tono nito. “Hindi ka ba naaawa sa ginagawa mo? Alam mong may kasalanan ang mga kliyente mo, at sa kabila ng lahat, pinagtatakpan mo pa rin sila?”
Tumawa lang si Michael nang mapait. “James, matagal ko nang iniwan ang ‘awa’ at ‘konsensya’ sa larangan ng batas. Hindi na iyon bahagi ng trabaho ko.”
“Minsan natatakot ako sa kung ano na ang nagagawa sa’yo ng propesyon mo, Mike,” ani James, may lungkot sa kanyang boses. “Ang batas ba para sa'yo ay talagang tungkol na lang sa pera at kapangyarihan?”
Para kay Michael, ang lahat ay malinaw. Hindi siya nagbibigay ng hustisya para sa moralidad o para sa mga taong hindi kayang magbayad. Ang hustisya na kilala niya ay para sa mga handang magbayad para sa kanilang mga kasalanan, para sa mga may kayang magpatahimik ng boses ng kanilang mga biktima.
Para kay Michael Luna, malinaw ang bawat hakbang sa kanyang landas. Hindi siya narito para sa mga idealistang konsepto ng hustisya o moralidad; narito siya para sa mga kliyenteng handang magbayad ng malaking halaga, handang magbayad upang patahimikin ang mga biktima at ikubli ang katotohanan. Sa kanyang pananaw, ang batas ay laro lamang ng kapangyarihan at pera—isang larong siya ang master.
Ngunit si Jasmine Estrada, ang kilalang prosecutor na walang inuurungan lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa karapatang pantao, ay nagngingitngit sa galit. Matagal na niyang nasusubaybayan ang mga galaw ni Michael sa korte, at ngayon, nasaksihan niya ang pagbaluktot ng hustisya sa ilalim ng mga makapangyarihang salita ng taong kanyang kinasusuklaman.
Nang siya ang tawagin upang magbigay ng pahayag para sa biktima, tumayo si Jasmine nang may mabigat na determinasyon. Naglakad siya patungo kay Michael, bitbit ang isang sobre na naglalaman ng mga ebidensya at pahayag na sumusuporta sa katotohanan ng kanyang panig.
“Tanggapin mo ito, Atty. Luna,” madiin niyang sabi habang inaabot ang sobre. “Ito ang naglalaman ng katotohanan ng kaso—ang hustisya na nararapat para sa biktima.”
Tiningnan lang ni Michael ang sobre, may bahid ng mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. Walang pangingimi, kinuha niya ito mula kay Jasmine. Ngunit bago pa man niya ito buksan, sa harap ng lahat, pinunit niya ang sobre, at bawat piraso ay bumagsak sa sahig.
“Wala akong interes sa tinatawag mong ‘katotohanan,’ Estrada,” malamig na sagot ni Michael, nakatingin nang direkta sa mga mata ni Jasmine, ang mga salita niya ay tila malamig na yelong bumabalot sa kanyang paligid. “Sa kasong ito, ang mahalaga ay ang aking kliyente, hindi ang iyong mga damdamin o pananaw.”
Tumindi ang tingin ni Jasmine sa kanya, at sa unang pagkakataon ay napansin ni Michael ang hindi matitinag na galit at determinasyon sa kanyang mga mata. Alam ni Jasmine ang totoo. Alam niyang may sala ang kliyente ni Michael, at hindi niya matanggap ang walang-pakundangang pagpapabagsak nito sa tunay na hustisya.
“Hindi lahat nabibili, Luna. At hindi mo kayang ikubli ang katotohanan magpakailanman. Hindi ka lalayo sa akin,” mariing sabi ni Jasmine, ang boses niya ay puno ng pangako at galit.
Ngumiti lang si Michael. “We’ll see, Ms. Estrada. Tignan natin kung ang tinatawag mong hustisya ay kayang bumangon mula sa ilalim ng pera at kapangyarihan ng aking kliyente.”
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa silid ng korte, at ang tensyon ay tila tumutusok sa bawat isa na naroroon. Saksi ang lahat sa bangayan ng dalawang abogado na tila hindi lang tungkol sa kasong ito, kundi laban ng mga prinsipyo at paninindigan.
“Kung yan ang iniisip mo, mas lalo akong lalaban para sa biktima,” tugon ni Jasmine, hindi tinanggal ang tingin sa mga mata ni Michael.
Napangisi si Michael, may halong pangungutya ang kanyang boses nang magsalita. “Tandaan mo ito, Jasmine. Wala akong pakialam sa tinatawag mong hustisya o moralidad. Ang mga batas ay nilikha upang pabagsakin, at ako ang nakakaalam kung paano iyon gawin nang maayos.”
Habang nagpapatuloy ang paglilitis, dama ni Jasmine ang bigat ng kanyang misyon. Alam niyang mas malalim pa ang laban na ito, na hindi lamang siya nakikipaglaban para sa biktima kundi laban din sa ideyang kayang bayaran ng pera at kapangyarihan ang hustisya.
Dumating ang pangalawang araw ng trial ni Mr. Tan, ang kliyenteng kanyang ipinagtatanggol laban sa kasong rape. Sa harapan ng hukom, hindi man lang nagdalawang-isip si Michael sa bawat salitang kanyang binitiwan puno ng mga tao ang courtroom. Tahimik ang lahat, at ang bawat isa ay nakatutok sa kaso ni Mr. Tan. Naroon din ang biktima—si Mara, isang batang babae na nagtrabaho bilang empleyada ni Mr. Tan sa loob ng ilang taon. Lumapit siya sa witness stand, ang kanyang mukha’y bakas ang takot, ngunit may natatagong tapang sa kanyang mga mata. Hawak ng kanyang mga kamay ang gilid ng stand habang humihinga nang malalim, at ang mga mata niya’y hindi umaalis sa direksyon ni Michael, ang abogadong kanyang kinaiinisan at kinatatakutan.Si Michael naman ay may kalmadong ekspresyon, ngunit ang mga mata niya’y malamig. Tumayo siya, nag-aayos ng kanyang kurbata, bago humarap sa witness stand."Ms. Mara, maaari bang ipaliwanag mo sa hukuman kung bakit ka narito ngayon?" tanong ni Michael, ang tini
Sa ikatlong araw ng paglilitis, dumating si Michael sa courtroom na may kumpiyansang hindi natitinag. Ngunit sa oras na umupo siya, naramdaman niyang may kakaibang tensyon sa silid. Naroon na si Jasmine Estrada, ang kilalang prosecutor na may reputasyong hindi nagpapatalo, lalo na pagdating sa mga kasong may kaugnayan sa mga karapatang pantao. Si Jasmine ang tipo ng abogado na hinahangaan at kinakatakutan; siya ang ‘Diyosa ng Katarungan,’ hindi lang dahil sa ganda kundi sa galing niya sa pagbabara ng mga kalabang abogado.Pag-upo niya, kinindatan siya ni Jasmine, na para bang may gustong iparating. Ngunit bago pa man makapag-react si Michael, nagsimula na ang paglilitis, at ang galit na tinig ni Jasmine ang narinig ng lahat.“Ladies and gentlemen of the court, alam natin na walang sinuman ang dapat makaligtas sa mata ng batas. Higit lalo kung ang krimen ay kinasasangkutan ng pananakit at panggagahasa sa isang inosenteng tao,” panimula ni Jasmine, mahigpit ang tingin kay Michael.Bilan
Para kay Michael Luna, malinaw ang bawat hakbang sa kanyang landas. Hindi siya narito para sa mga idealistang konsepto ng hustisya o moralidad; narito siya para sa mga kliyenteng handang magbayad ng malaking halaga, handang magbayad upang patahimikin ang mga biktima at ikubli ang katotohanan. Sa kanyang pananaw, ang batas ay laro lamang ng kapangyarihan at pera—isang larong siya ang master.Ngunit si Jasmine Estrada, ang kilalang prosecutor na walang inuurungan lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa karapatang pantao, ay nagngingitngit sa galit. Matagal na niyang nasusubaybayan ang mga galaw ni Michael sa korte, at ngayon, nasaksihan niya ang pagbaluktot ng hustisya sa ilalim ng mga makapangyarihang salita ng taong kanyang kinasusuklaman.Nang siya ang tawagin upang magbigay ng pahayag para sa biktima, tumayo si Jasmine nang may mabigat na determinasyon. Naglakad siya patungo kay Michael, bitbit ang isang sobre na naglalaman ng mga ebidensya at pahayag na sumusuporta sa katotohanan ng
Huling sesyon ng paglilitis. Mataas ang tensyon sa loob ng korte habang si Michael Luna ay nakatayo sa harap ng saksi, si Mara, ang biktima. Tumitig siya ng matalim kay Mara, na bagamat puno ng takot, ay matatag na nakaupo sa witness stand.“Ms. Mara,” nagsimulang magtanong si Michael, kalmado ngunit mapanlinlang ang tono. “Sabi mo’y nasaktan ka sa sinasabing insidente. Ngunit, wala ka bang nakitang paraan upang makaiwas o makatakas?”Bahagyang nanginig si Mara, bakas sa kanyang mukha ang takot at sakit na bumabalik sa kanyang alaala. “Sinubukan ko, ngunit masyadong—” Napahinto siya, tila nabubulunan ng damdamin, pero ipinagpatuloy niya ang sagot. “Masyado siyang malakas, at hindi ko siya kayang labanan.”Ngumiti si Michael, at muli niyang pinindot ang kahinaan ng biktima, halatang may layuning ilihis ang atensyon ng hukuman. “At sa palagay mo, ito bang akusasyon ay hindi maaaring nadala lamang ng galit o hinanakit?”Hindi nakapagsalita si Mara. Ang luha ay pumatak sa kanyang mga mata
Sa bawat hakbang ni Michael palabas ng korte, tila bumibigat ang kanyang mga paa. Sa kanyang paglingon, muli niyang nakita si Jasmine na nakatayo sa tabi ni Mara, nagliliwanag sa tapang at tiwala. Hindi siya mapakali, kahit nakamit niya ang tagumpay na iyon. Ang mga salita ni Jasmine ay nanatiling nakaukit sa kanyang isipan—matapang, hindi natitinag, at puno ng pangako ng katarungan. Bago pa siya makalayo, narinig niya ang boses ni Jasmine na tumawag sa kanya."Michael!" sigaw ni Jasmine, na tumama sa tahimik na pasilyo. Huminto siya at dahan-dahang lumingon, pilit na pinapanday ang isang ngiti upang itago ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata."Sana’y alam mo ang bigat ng bawat kasong tinatanggap mo," malamig na sabi ni Jasmine, ngunit puno ng paninindigan. "Hindi palaging makakapagtago sa likod ng pera at kapangyarihan, Michael. Minsan, kahit ganoon kalaki ang kayamanan mo, may mga bagay na hindi mababayaran—gaya ng konsensya."Hindi makapagsalita si Michael sa tindi ng mga salita
Pagdating ni Jasmine sa opisina ng Pasig Police Department, napansin niya agad ang babaeng naghihintay sa lobby. Naka-sunglasses ito kahit sa loob, at eleganteng nakaayos mula sa damit hanggang sa mga alahas. Mula sa kanyang postura, halatang-halata ang pagiging sosyal ng babae, tila sanay sa karangyaan at istilo.Naglakad si Jasmine papunta sa kanya, at bago pa man siya makalapit, tumayo na ang babae at tinanggal ang sunglasses. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito kay Jasmine, sabay ngiti na may halong pagkasabik at kaba.“Ikaw ba si Atty. Jasmine Estrada?” tanong ng babae, may pino ngunit mayabang na boses.“Oo. Ako nga po,” sagot ni Jasmine, bahagyang nagtataka. “Paano kita matutulungan?”**"Attorney Jasmine, paano kung malaman niya na humingi ako ng tulong sa iyo? Natatakot ako... hindi ko kayang magtiwala nang basta-basta sa ibang tao, paano kung matagpuan niya ako ngayon? Tulungan niyo po ako, attorney, ayaw ko nang bumalik sa asawa ko. Parang awa niyo na…"** Nanginginig
Sa loob ng maraming taon, akala ni Michael Luna ay perpekto ang kanyang mundo. Ang kanyang tagumpay, kayamanan, at pagmamahal kay Isabella Lopez—ang kaisa-isa niyang kababata at kasintahan—ay tila sapat na upang buuin ang kanyang pangarap na pamilya. Simula elementarya hanggang kolehiyo, silang dalawa ay magkasama, parang tadhana mismo ang nagtulak sa kanilang dalawa upang magpatuloy ang kanilang kwento. Ngunit dalawang araw bago ang kanilang kasal, ang ilusyon ni Michael ay tuluyang nabasag sa pinaka-masakit na paraan. Sabik siyang makita si Isabella, kaya't pumunta siya sa condo nito nang hindi nagpaparamdam. Alam niya ang passcode ng pinto, at alam niyang hindi na ito magugulat na naroon siya. Pero nang buksan niya ang pinto, may kakaibang naramdaman siya—isang malamig na kaba. Sa doorstep, may nakitang sapatos ng lalaki, hindi kanya. Ang kanyang mga mata ay sumilay ng galit, ngunit sinikap niyang huminga nang malalim.“Baka naman may kaibigan siyang bumisita,” pabulong niyang pina