Sa ikatlong araw ng paglilitis, dumating si Michael sa courtroom na may kumpiyansang hindi natitinag. Ngunit sa oras na umupo siya, naramdaman niyang may kakaibang tensyon sa silid. Naroon na si Jasmine Estrada, ang kilalang prosecutor na may reputasyong hindi nagpapatalo, lalo na pagdating sa mga kasong may kaugnayan sa mga karapatang pantao. Si Jasmine ang tipo ng abogado na hinahangaan at kinakatakutan; siya ang ‘Diyosa ng Katarungan,’ hindi lang dahil sa ganda kundi sa galing niya sa pagbabara ng mga kalabang abogado.
Pag-upo niya, kinindatan siya ni Jasmine, na para bang may gustong iparating. Ngunit bago pa man makapag-react si Michael, nagsimula na ang paglilitis, at ang galit na tinig ni Jasmine ang narinig ng lahat.
“Ladies and gentlemen of the court, alam natin na walang sinuman ang dapat makaligtas sa mata ng batas. Higit lalo kung ang krimen ay kinasasangkutan ng pananakit at panggagahasa sa isang inosenteng tao,” panimula ni Jasmine, mahigpit ang tingin kay Michael.
Bilang pagkontra, tumayo si Michael, nag-aayos ng kanyang suit at may mapanuksong ngiti sa labi. “Ang biktima ay nagsisinungaling lamang. Walang konkretong ebidensya ang kanilang panig. Maaaring nag-aambisyon lamang ng pera at atensyon, kaya isinagawa ang kasong ito.”
Hindi nagpatinag si Jasmine. “Atty. Luna, kung ganoon ba ang iniisip mo sa bawat kaso? Na lahat ng biktima ay naghahangad lang ng pera?” tanong ni Jasmine, sadyang pino ngunit may halong sarkasmo. “Baka nalilimutan mo ang tunay na kahulugan ng hustisya. Ang batas ay hindi laruan, at hindi rin ito para sa mga nais lamang yumaman.”
Naglakad siya patungo sa witness stand kung saan nakaupo si Mara, ang biktima. Nilapitan niya ito nang may pagkalinga at tapang, bago muling humarap sa hukom at sa buong korte. “Narito tayo upang bigyang-boses ang mga biktimang sinasawalang-bahala. Ang ebidensya ay hindi lamang sa mga mata ng mayaman at makapangyarihan. Ang ebidensya ay nasa mga sugat, sa mga takot, sa mga bangungot na dala ng pang-aabuso. Kung ganito ba ang sinasabi mong kasinungalingan, Mr. Tan?”
Agad na tumayo si Michael, tinamaan ng diin ng mga sinabi ni Jasmine ngunit pilit na hindi nagpapahalata. “Objection, Your Honor! Hindi angkop ang mga emosyonal na pananalita ni Prosecutor Estrada dito. Hindi ito isang drama sa telebisyon, ito ay korte.”
“Objection sustained,” sagot ng hukom, ngunit may bahid ng pagka-inis ang tono sa direksyon ni Michael.
Hindi natinag si Jasmine at ngumiti siya nang malamig kay Michael. “Atty. Luna, ang korte na ito ay hindi manlilinlang para lang magtagumpay. Sa ngalan ng hustisya, hahayaan ba nating makaligtas ang isang may sala dahil lamang sa kawalan ng pusong makatao ng kanyang abogado?”
“Kung ako ay pusong-bato sa mata mo, Ms. Estrada, ito ay dahil trabaho ko lamang ang ipaglaban ang aking kliyente. Hindi ako narito upang magpakita ng awa, kundi upang manaig ang batas,” sagot ni Michael, ngayon ay may halong iritasyon na rin.
“Batas? O ang butas sa batas?” matalim na balik ni Jasmine. “Mukhang masyadong sanay ka na sa pangangalkal ng loopholes para lamang mailigtas ang taong nakagawa ng kasalanan. Kung tinatanggap mo man ito bilang prinsipyo ng isang abogado, paano mo nakikitang malinis ang iyong konsensya, Mr. Luna?”
Ngumiti si Michael, halatang naiinis ngunit hindi nagpapatalo. “Ms. Estrada, wala akong paki sa emosyon mo sa kasong ito. Ang trabaho ko ay panatilihin ang karapatan ng aking kliyente at magtagumpay sa korte.”
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Jasmine at humarap sa hukom. “Your Honor, sa kaso pong ito, malinaw na ipinapakita ng depensa na wala silang iniisip kundi ang pagligtas ng isang mayamang kliyente sa kabila ng malinaw na pang-aabuso na naganap.”
Sa puntong ito, huminga nang malalim si Mara at sa isang tinig na puno ng damdamin, nagsalita siya. “Kung talagang walang kwenta ang sinasabi ko, sana hindi na ako naglakas-loob na magsalita rito. Sana hindi na ako humarap sa publiko at ibinahagi ang napakasakit na karanasang ito.”
Tila bahagyang natigilan si Michael sa damdaming ipinakita ni Mara. Ngunit sa kabila ng lahat, pilit niyang pinipilit na magpakatatag. Tumindig siya at humarap kay Jasmine.
“Mahirap ang trabaho ko, Ms. Estrada. Hindi ako bayani tulad mo na nagpapakitang tunay na tagapagtanggol ng biktima. Ngunit ito ang aking propesyon, at gagawin ko ang lahat upang manaig ang aking kliyente.”
“Pero sana sa ginagawa mo, Mr. Luna, hindi mo na sinasakripisyo ang dignidad ng isang tao,” tugon ni Jasmine, diretso ang tingin at puno ng tapang. “Dahil ang totoo, sa bawat pagsuway mo sa tunay na hustisya, ikaw din ay nagiging kasangkapan ng mas masahol pang sistema ng kasamaan.”
Hindi makapagsalita si Michael. Ang mga katagang binitiwan ni Jasmine ay tila tumagos sa kanyang kaibuturan, ngunit pilit niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
Ngumiti si Jasmine nang bahagya at binitiwan ang huling pahayag. “Atty. Luna, ang hustisya ay hindi nabibili. Huwag mo sanang kalimutan iyon.”
Sa gitna ng paglilitis, humarap si Jasmine kay Mr. Tan, ang suspek. Sa kanyang mga kamay, hawak niya ang isang bundle ng ebidensya: mga larawan, testimonya, at resulta ng forensic examination na nagpapatibay sa kwento ng biktima.
"Magtatanong lamang ako, Mr. Tan," malamig ngunit mabagsik ang tinig ni Jasmine habang tumitig kay Tan. "Maaari bang ipaliwanag kung paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili sa lahat ng ebidensyang ito? Kung wala kang sala, bakit may mga nakasaksi sa ginawa mong pananakit?"
Ngunit bago pa man makasagot si Tan, mabilis na tumayo si Michael at humarap kay Jasmine, kita ang pangungutya sa kanyang mga mata. “Objection, Your Honor! Ang tanong ni Prosecutor Estrada ay malinaw na leading question at maliwanag na para lamang lituhin at pasamain ang aking kliyente!”
Tumango ang hukom, ngunit pinahintulutan si Jasmine na magpatuloy. "Itutuloy ko na ang tanong, Your Honor," aniya, matapang pa rin ang tingin kay Michael. "Mr. Tan, napakaraming ebidensya laban sa iyo. Lahat ng ito ay malinaw na tumuturo sa iyong pagkakasala. Bakit nga ba hindi ka dapat paniwalaan ng korte?"
Tumingin si Tan kay Michael, tila naghihintay ng gabay sa kanyang susunod na hakbang. Nagpatuloy si Michael sa kanyang pabalang na tono, at biglang humakbang paharap upang sagutin si Jasmine.
“Ms. Estrada, parang napakalinaw ng paniniwala mo na tama ang mga ebidensya. Ngunit tandaan mo, ebidensya pa lang ang mga ito—walang konkretong pruweba na ito ang katotohanan. At kung ang mga testimonya ay mga kwento lamang, maaari itong itapon, lalo na’t mula sa isang tao na maaaring naghahangad lamang ng kabayaran.”
Tila hindi nagustuhan ni Jasmine ang pahayag ni Michael. Tumitig siya rito, puno ng galit at paninindigan. "Atty. Luna, hindi lahat ng tao ay kagaya ng mga kliyente mo na nagbabayad para lamang sa sariling interes. Ang babaeng ito ay humarap dito dala ang matinding trauma at takot, at hindi niya kailanman ipagpapalit ang dignidad niya para sa pera."
“Kung ganoon pala, Ms. Estrada, bakit hindi niya isinasantabi ang mga emosyon niya at lumaban ng patas?” maanghang na tugon ni Michael. “Wala sa korte ang luha, wala dito ang emosyon. Ang kailangan ay katibayan—at wala kayong sapat na patunay na si Mr. Tan ay nagkasala. Sinuman ang maaaring tumayo at magkwento ng trauma, ngunit iba ang pakikipaglaban sa totoong hustisya.”
Napasinghap ang mga tao sa loob ng korte, habang ang biktima ay bahagyang naluha sa pagdedepensa ni Michael sa kanyang kliyente. Subalit hindi natinag si Jasmine. Lumapit siya kay Michael, hindi magpapatalo.
“Alam mo, Atty. Luna, nakakaawa ang batas kung ito’y ginagamit lamang para baluktutin ang katotohanan,” matalim niyang sinabi. “Ang hustisya ay hindi lamang tungkol sa panalo o talo. Ito ay para sa mga taong nawalan ng boses, sa mga taong biktima ng karahasan. Kung sa tingin mo ay matutulog ka nang mahimbing matapos ang kasong ito, iniisip mo lang ang pansarili mong kaligayahan at hindi ang kaligtasan ng iba.”
Napansin ng hukom ang tensyon sa pagitan nila at inutusan si Jasmine na magpatuloy sa pagtatanong sa kliyente. Ngunit sa oras na iyon, naramdaman ni Michael ang panggigigil ni Jasmine na ipaglaban ang katarungan.
Nagpatuloy si Jasmine, at muling humarap kay Tan. “Mr. Tan, ang iyong mga salita ay sadyang walang laman, at wala akong naririnig kundi mga palusot mula sa isang taong may kasalanan.” Ngunit bago pa man makapagsalita si Tan, muling bumalik si Michael sa kanyang depensa.
“Objection, Your Honor! Ang prosekusyon ay malinaw na humahakbang na lampas sa hangganan ng etika sa korte!” Ngunit sa pagkakataong ito, tila naiinis na rin ang hukom at binalaan si Michael na huwag masyadong magpabalang sa prosekusyon.
Bagaman abala at puno ng tensyon ang bawat paghinga sa loob ng korte, nagpatuloy si Jasmine sa kanyang pagtatanong, hindi alintana ang mga pabalang na interbensyon ni Michael. Ang kanyang mga mata ay naglalagablab ng determinasyon habang nakatutok kay Tan, at tila bawat salita niya ay may dalang matinding pagnanais na makamit ang hustisya para sa biktima.
“Mr. Tan, ipaliwanag mo kung bakit may mga galos at sugat ang biktima, kung sinasabi mong wala kang kasalanan,” madiing tanong ni Jasmine. Ang kanyang boses ay puno ng awa para sa biktima ngunit matalim at walang takot habang humaharap kay Tan. Hindi niya pinapayagang mabale-wala ang sinumang biktima na nagtitiwala sa sistema ng hustisya.
Ngunit biglang sumingit si Michael, hindi nagpapatalo. “Objection, Your Honor! Napakalinaw na inuudyukan ng Prosecutor Estrada ang aking kliyente na magbigay ng sagot na hindi naaayon sa batas. Isa itong taktika upang iligaw ang pag-iisip ng korte sa tunay na kwento.”
Tumayo si Jasmine, nagpupuyos ang damdamin ngunit kalmado ang tinig. “Atty. Luna, inuulit ko—hindi ito taktika, kundi paghanap ng katotohanan. Hindi ba’t napaka-ironic na ikaw ang magsabi ng ganito, gayong alam mong ang kliyente mo ay may kasalanan?”
Napaiktad si Michael, ngunit nagpatuloy siya sa kanyang kumpiyansang tono. “Ms. Estrada, sinasabi mo bang ako, o ang sinumang abogado, ay may obligasyong magsalita laban sa sariling kliyente? Maliwanag na tungkulin ko bilang abogado na ipagtanggol siya nang buong puso, kahit ano pa ang iniisip mo sa kanya.”
Hindi nagpatinag si Jasmine. “Tama ka, Atty. Luna. Ngunit tandaan mo rin na tungkulin ng bawat abogado, lalo na ng bawat hukom, na tiyakin na ang mga biktima ng karahasan ay nakakarinig ng hustisya, hindi ng pera o kasikatan.” Lumapit siya sa mesa ni Michael, nagtataglay ng matinding kumpiyansa. “Hindi lahat ng kaso ay nabibili, Atty. Luna. At kahit ilang beses mo pang protektahan ang may sala, may hangganan ang lahat. Mag-ingat ka sa araw na babalik sa iyo ang mga ginagawa mo.”
Napahinga nang malalim si Michael, na tila nainis sa katatagan ni Jasmine. Ngunit kahit ano pa ang kanyang sinabi, dama niya ang lakas ng boses at prinsipyo ni Jasmine—isang boses na tila bumabasag sa kanyang paninindigan sa pera at kasikatan.
“Magkikita pa tayo, Ms. Estrada,” malamig niyang sinabi, ngunit nakalabas na ang bahid ng inis sa kanyang tinig.
“Sigurado ako, Atty. Luna. Hangga't may biktima at hustisyang dapat ipaglaban, asahan mong narito ako, laban sa sinumang ginagamit ang batas para sa sariling kapakinabangan,” mariing sagot ni Jasmine, at sa sandaling iyon, dama ng lahat na may bagong sigalot na nabuo sa pagitan ng dalawang abogado—isang laban na hindi lamang sa korte kundi pati sa kanilang prinsipyo at pananaw sa tunay na hustisya.
Para kay Michael Luna, malinaw ang bawat hakbang sa kanyang landas. Hindi siya narito para sa mga idealistang konsepto ng hustisya o moralidad; narito siya para sa mga kliyenteng handang magbayad ng malaking halaga, handang magbayad upang patahimikin ang mga biktima at ikubli ang katotohanan. Sa kanyang pananaw, ang batas ay laro lamang ng kapangyarihan at pera—isang larong siya ang master.Ngunit si Jasmine Estrada, ang kilalang prosecutor na walang inuurungan lalo na sa mga kasong may kaugnayan sa karapatang pantao, ay nagngingitngit sa galit. Matagal na niyang nasusubaybayan ang mga galaw ni Michael sa korte, at ngayon, nasaksihan niya ang pagbaluktot ng hustisya sa ilalim ng mga makapangyarihang salita ng taong kanyang kinasusuklaman.Nang siya ang tawagin upang magbigay ng pahayag para sa biktima, tumayo si Jasmine nang may mabigat na determinasyon. Naglakad siya patungo kay Michael, bitbit ang isang sobre na naglalaman ng mga ebidensya at pahayag na sumusuporta sa katotohanan ng
Huling sesyon ng paglilitis. Mataas ang tensyon sa loob ng korte habang si Michael Luna ay nakatayo sa harap ng saksi, si Mara, ang biktima. Tumitig siya ng matalim kay Mara, na bagamat puno ng takot, ay matatag na nakaupo sa witness stand.“Ms. Mara,” nagsimulang magtanong si Michael, kalmado ngunit mapanlinlang ang tono. “Sabi mo’y nasaktan ka sa sinasabing insidente. Ngunit, wala ka bang nakitang paraan upang makaiwas o makatakas?”Bahagyang nanginig si Mara, bakas sa kanyang mukha ang takot at sakit na bumabalik sa kanyang alaala. “Sinubukan ko, ngunit masyadong—” Napahinto siya, tila nabubulunan ng damdamin, pero ipinagpatuloy niya ang sagot. “Masyado siyang malakas, at hindi ko siya kayang labanan.”Ngumiti si Michael, at muli niyang pinindot ang kahinaan ng biktima, halatang may layuning ilihis ang atensyon ng hukuman. “At sa palagay mo, ito bang akusasyon ay hindi maaaring nadala lamang ng galit o hinanakit?”Hindi nakapagsalita si Mara. Ang luha ay pumatak sa kanyang mga mata
Sa bawat hakbang ni Michael palabas ng korte, tila bumibigat ang kanyang mga paa. Sa kanyang paglingon, muli niyang nakita si Jasmine na nakatayo sa tabi ni Mara, nagliliwanag sa tapang at tiwala. Hindi siya mapakali, kahit nakamit niya ang tagumpay na iyon. Ang mga salita ni Jasmine ay nanatiling nakaukit sa kanyang isipan—matapang, hindi natitinag, at puno ng pangako ng katarungan. Bago pa siya makalayo, narinig niya ang boses ni Jasmine na tumawag sa kanya."Michael!" sigaw ni Jasmine, na tumama sa tahimik na pasilyo. Huminto siya at dahan-dahang lumingon, pilit na pinapanday ang isang ngiti upang itago ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata."Sana’y alam mo ang bigat ng bawat kasong tinatanggap mo," malamig na sabi ni Jasmine, ngunit puno ng paninindigan. "Hindi palaging makakapagtago sa likod ng pera at kapangyarihan, Michael. Minsan, kahit ganoon kalaki ang kayamanan mo, may mga bagay na hindi mababayaran—gaya ng konsensya."Hindi makapagsalita si Michael sa tindi ng mga salita
Pagdating ni Jasmine sa opisina ng Pasig Police Department, napansin niya agad ang babaeng naghihintay sa lobby. Naka-sunglasses ito kahit sa loob, at eleganteng nakaayos mula sa damit hanggang sa mga alahas. Mula sa kanyang postura, halatang-halata ang pagiging sosyal ng babae, tila sanay sa karangyaan at istilo.Naglakad si Jasmine papunta sa kanya, at bago pa man siya makalapit, tumayo na ang babae at tinanggal ang sunglasses. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito kay Jasmine, sabay ngiti na may halong pagkasabik at kaba.“Ikaw ba si Atty. Jasmine Estrada?” tanong ng babae, may pino ngunit mayabang na boses.“Oo. Ako nga po,” sagot ni Jasmine, bahagyang nagtataka. “Paano kita matutulungan?”**"Attorney Jasmine, paano kung malaman niya na humingi ako ng tulong sa iyo? Natatakot ako... hindi ko kayang magtiwala nang basta-basta sa ibang tao, paano kung matagpuan niya ako ngayon? Tulungan niyo po ako, attorney, ayaw ko nang bumalik sa asawa ko. Parang awa niyo na…"** Nanginginig
Sa loob ng maraming taon, akala ni Michael Luna ay perpekto ang kanyang mundo. Ang kanyang tagumpay, kayamanan, at pagmamahal kay Isabella Lopez—ang kaisa-isa niyang kababata at kasintahan—ay tila sapat na upang buuin ang kanyang pangarap na pamilya. Simula elementarya hanggang kolehiyo, silang dalawa ay magkasama, parang tadhana mismo ang nagtulak sa kanilang dalawa upang magpatuloy ang kanilang kwento. Ngunit dalawang araw bago ang kanilang kasal, ang ilusyon ni Michael ay tuluyang nabasag sa pinaka-masakit na paraan. Sabik siyang makita si Isabella, kaya't pumunta siya sa condo nito nang hindi nagpaparamdam. Alam niya ang passcode ng pinto, at alam niyang hindi na ito magugulat na naroon siya. Pero nang buksan niya ang pinto, may kakaibang naramdaman siya—isang malamig na kaba. Sa doorstep, may nakitang sapatos ng lalaki, hindi kanya. Ang kanyang mga mata ay sumilay ng galit, ngunit sinikap niyang huminga nang malalim.“Baka naman may kaibigan siyang bumisita,” pabulong niyang pina
Tatlong taon ang nakalipas simula nang tuluyang mabasag ang puso ni Michael Luna. Mula sa araw na iyon sa simbahan, dala-dala niya ang sakit at ang pangakong hindi na muling magpapaloko. Ang dating nerd at tahimik na si Michael ay ngayon isa nang tanyag na abogado, hinahangaan hindi lamang sa kanyang husay sa korte kundi pati na rin sa kanyang mala-yelo at mapanuyang pag-uugali. Kung dati’y binibigyan niya ng tiwala ang bawat nakikilala, ngayon ay nag-iingat na siya, lalong-lalo na pagdating sa mga kababaihan.Ang kanyang dating kalmadong personalidad ay napalitan ng pagiging prangka at malamig. Sa bawat kasong hinahawakan niya, walang puwang ang emosyon, tanging katwiran at ebidensya lamang ang mahalaga. Minsan na siyang pinagtaksilan, kaya't tinuldukan na niya ang kanyang pangarap na magmahal muli. Para sa kanya, ang pagmamahal ay isang ilusyon lamang—isang pangarap na kayang basagin ng kasinungalingan.Naging mailap siya sa mga babae, at bagaman marami ang sumusubok makuha ang kany
Dumating ang pangalawang araw ng trial ni Mr. Tan, ang kliyenteng kanyang ipinagtatanggol laban sa kasong rape. Sa harapan ng hukom, hindi man lang nagdalawang-isip si Michael sa bawat salitang kanyang binitiwan puno ng mga tao ang courtroom. Tahimik ang lahat, at ang bawat isa ay nakatutok sa kaso ni Mr. Tan. Naroon din ang biktima—si Mara, isang batang babae na nagtrabaho bilang empleyada ni Mr. Tan sa loob ng ilang taon. Lumapit siya sa witness stand, ang kanyang mukha’y bakas ang takot, ngunit may natatagong tapang sa kanyang mga mata. Hawak ng kanyang mga kamay ang gilid ng stand habang humihinga nang malalim, at ang mga mata niya’y hindi umaalis sa direksyon ni Michael, ang abogadong kanyang kinaiinisan at kinatatakutan.Si Michael naman ay may kalmadong ekspresyon, ngunit ang mga mata niya’y malamig. Tumayo siya, nag-aayos ng kanyang kurbata, bago humarap sa witness stand."Ms. Mara, maaari bang ipaliwanag mo sa hukuman kung bakit ka narito ngayon?" tanong ni Michael, ang tini