Habang pauwi si Perlie, malamig ang hangin sa labas ngunit ramdam niya ang kakaibang init ng kaba sa kanyang dibdib. May itim na kotse na tila sumusunod sa bawat liko niya. Sinubukan niyang baguhin ang ruta, lumiko sa mga masikip na kalsada, ngunit hindi ito nawala sa kanyang paningin. Nang lumapit na siya sa kanyang condo, mabilis niyang pinabilis ang paglalakad, ang mga hakbang niya ay sabay sa tibok ng kanyang puso.Pagdating niya sa pintuan, nanginginig niyang kinuha ang kanyang keycard at sinubukang buksan ang smart lock gamit ang password.Perlie (halos pabulong, nanginginig):"Bat mali? Bakit hindi gumagana?"Sinubukan niya ulit, ngunit muling nag-error ang smart lock. Habang tinitingnan ang keypad, napatigil siya nang maramdaman niyang may papalapit na anino sa kanyang likuran.Paglingon niya, nakita niya ang isang lalaking nakaitim, nakasumbrero, at tahimik na lumalapit sa kanya. Halos mahipan ang kanyang kaluluwa sa takot, at sa sobrang gulat, nalaglag ang kanyang keycard sa
Last Updated : 2024-11-28 Read more