Sa huling araw ng paglilitis sa korte, sa loob ay malamig at tahimik ang lahat ng tao sa courtroom, hindi ko maiwasang kapitan ang mga kamao ko sa mga kasinungalingan na naririnig ko. Makita ko pa lang si Evony ay parang gusto ko na siyang tapusin. Mabuti na lang at napipigilan ko pa ang sarili ko. Alang-alang kay Marielle . GUsto kong magkaruon na ng katahimikan ang buhay namin. Katabi ko si Marielle, hawak niya ang kamay ko nang mahigpit. Sa harapan, nakaupo si Evony, ngumingisi siya sa amin ng may pait. Kitang kita din sa mga mata niya ang matinding galit. Alam kong gagawin niya ang lahat para makalabas siya at maipagpatuloy pa niya ang paghihiganti niya sa akin, sa amin ni Marielle. "All rise!" sigaw ng bailiff. Tumayo ang lahat habang pumasok na ang judge, matikas ito at seryoso. Nang makaupo na siya, nagsimula ang hearing. Unang tumayo ang abogado ni Evony. Mayabang ang tindig nito, parang sigurado na siyang panalo. “Your Honor, my client, Evony, has been falsely accused. The
Huling Na-update : 2025-01-02 Magbasa pa