Kinabukasan Pagpasok ko sa opisina, agad akong sinalubong ni Evony. Masaya siyang nakangiti at seryoso, halatang may gusto siyang sabihin. "Marielle, salamat kagabi, ha. Kahit ayaw ko talaga noong una, naging okay naman," sabi niya sa akin, pero parang may iba sa tono niya. "Of course! Alam kong mag-eenjoy ka. Si Jacob nga, natuwa rin na makilala ka," sagot ko, pero ramdam kong parang may bigat ang usapan. Ngumiti siya nang bahagya pero hindi sumagot agad. "Alam mo, Marielle, may gusto lang sana akong itanong sa'yo. Huwag kang magalit, ha?" "Oo naman, ano 'yun?" sagot ko, bahagyang kinakabahan. Nagbuntong-hininga siya bago magsalita. "Sigurado ka bang okay si Jacob para sa'yo? Alam mo na... parang hindi ko lang siya narraamdaman na genuine." Parang tinamaan ako ng kung ano sa sinabi niya. "Evony, seryoso ka ba? Si Jacob ang pinaka-supportive na tao sa buhay ko. Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Pasensya na," sabi niya, medyo tumingin sa malayo. "Pero noong gabing 'yun, par
Last Updated : 2024-12-10 Read more