Home / Romance / Captive by Lust Lover / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng Captive by Lust Lover: Kabanata 71 - Kabanata 80

159 Kabanata

Kabanata 074

Napangiti si Evony, mukhang gumaan ang pakiramdam niya. "Salamat, Jacob. Ayoko lang na ma-misinterpret." Habang kumakain kami, bumalik ang natural na kulitan. Pero sa kabila ng mga ngiti, naramdaman kong mas maingat na si Evony. At si Jacob, bagamat nakangiti, parang may hinahanap na hindi niya masabi. Pagkaalis ni Evony, napabuntong-hininga si Jacob habang nakaupo sa sofa. "Okay naman siya," sabi niya, pero parang nag-iisip. "Bakit? Ano'ng iniisip mo?" tanong ko, naupo sa tabi niya. "Wala naman," sagot niya, tumingin sa akin. "Pero sana nga, tuluyan nang maayos ang lahat. Ayoko lang na magkaroon ng problema. "Promise, wala nang magiging problema," sagot ko saka ko siya niyakap. Pero sa loob ko, hindi ko maiwasang magtanong. Totoo na ba talagang maayos ang lahat? O may mga bagay pa ring nananatiling nakatago? Kinabukasan abala na naman sa trabaho buong araw. Walang kalagyan ang pagod ko ngayong mga panahon na to. Ang daming meetings at mga pinapagawa ng aming mga boss. Ma
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Kabanata 074.a

Napagkasunduan naming magkita ng pamilya ni Jacob matapos ang mahaba-habang panahon. Sa hiling ng kanyang mga magulang, pumayag akong sumama sa dinner na inihanda nila sa kanilang bahay. Sa totoo lang, magaan ang loob ko sa pamilya ni Jacob. Hindi sila gaya ng ibang mga biyenan na naririnig ko sa mga kwento - sila ay mabait, maalaga, at palaging ipinaparamdam na tanggap nila ako sa kabila ng nakaraan ko. Pagpasok namin sa bahay, bumungad agad ang mainit na pagbati ng kanyang Mommy at Daddy. Nasa isang sulok din ang kanyang Lola, na nakangiti at halatang sabik makipag-usap sa akin. Napansin ko rin ang maayos na pagkakaayos ng bahay nila ngayon - ang lamesa ay may magandang tablecloth, may mga pinggan na tila bagong labas sa cabinet, at ang masarap na amoy ng nilutong pagkain na sumasalubong sa akin. Ramdam na ramdam ko ang effort nila para sa gabing iyon. Habang nasa hapag-kainan na kami, napuno ang paligid ng tunog ng mga kubyertos at kaswal na kwentuhan. Napag-usapan ang trabaho ni
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Kabanata 074.b

Hindi pa man nag-iinit ang aking katawan sa upuan ay biglang tumawag ang aking mga kaibigan. Nagkakaayaan kaming mag kape sa labas, inaya ko si Jacob pero binigyan niya ako ng space para makipag unwind sa aking mga kaibigan. Yumakap ako sa kaniya at nagpasalamat. Hindi na ako nagpalit ng damit at umalis na din ako kaagad. Kasama si Evony sa lahat ng lakad ko kaya naman nag-usap kaming doon na lang kami magkikita kita, nagpunta kami sa isang paboritong cafe kung saan madalas kaming nagkukulitan. Nandoon din sina Liza, Naomi, at Belle. Masaya ang simula ng kwentuhan - mga updates sa trabaho, balita tungkol sa mga pamilya, at pati na ang mga plano sa paparating na holidays. Habang abala kami sa pagkain ng cake at pagtikim ng kape, napunta ang usapan sa akin. Sa una, simpleng tanong lang ang mga ibinabato nila. “Marielle, kumusta na kayo ni Jacob?” tanong ni Naomi. “Mukhang blooming ka ngayon, ah!” Ngumiti ako at sinabing, “Maayos naman kami. Medyo busy sa trabaho, pero okay naman na
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Kabanata 074.c

JACOB POV Alam kong matagal nang pinapasan ni Marielle ang bigat ng mga tanong at panghuhusga ng mga tao sa paligid namin tungkol sa hindi pa namin papagkakaroon ng anak. Sa bawat salu-salo at muling pagkikita, laging bumabalik ang parehong usapan, ang tanong na kahit naman ako ay gustong gusto ko na din pero siguro ay hindi pa panahon kaya naman naiinitindihan ko si Marielle kung nasasaktan siya dahil masakit sa isang babae ang paulit ulit na tanungin ng isang bagay na alam naman na ang sagot. Naguilty din ako dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi ko maiwasan minsan ang magtanong sa aking asawa tungkol sa bagay na yun. Naiingit din kasi ako sa tuwing may nakikita akong mga bata sa paligid. Kahit anong lakas ng loob ang ipakita niya, alam kong sa likod ng kanyang mga ngiti, may kirot na pilit niyang itinatago. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama at nakapatay ang ilaw ngunit bukas ang maliit na lampshade sa tabi niya. Habang tahimik siyang nagbabasa ng libro, ang kanyang m
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Kabanata 075

Pagkatapos ng isang masarap na hapunan sa ilalim ng mga bituin, bumalik kami ni Marielle sa villa. Ang hangin ay malamig at presko, at ang alon ng dagat ay tila isang malumanay na awit na nag-anyaya ng katahimikan. Nasa deck kami ng aming villa, nakaupo sa isang hammock na magkasama. Ang kanyang ulo ay nakasandal sa aking balikat, habang ang kanyang kamay ay mahigpit na nakakapit sa akin. "Mabuti naman at nakapag relax-relax din," bulong ko sa kaniya, ang aking tinig ay puno ng kasiyahan at lambing. "Hindi naman kailangang matapos," sagot niya, naramdaman kong idinampi niya ang kaniyang mga labi sa aking buhok. "Kung gusto mo love bumili tayo ng property dito para anytime na gustuhin mong mag unwind ay may mauuwian ka?." “Naku… naku hindi na okay na ako dito. Tama ng naranasan kong mag maldives” nahihiya kong sagot . Kilala ko si Jacob kung sakaling um-oo lang ako paniguradong bibili talaga siya “No,seriously love kung gusto mo?!” “Tumigil ka na love. Wag mo ng pag isipan at
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Kabanata 076

Ang aming paligid ay tahimik, tanging ang marahang pag-agos ng tubig mula sa jacuzzi ang naririnig ko. Puno ng usok na tola kami ini-steam ang silid, at ang lamig ng gabi sa labas ay parang hindi ramdam sa init na nararamdaman ng aking katawan. Naunang lumublob si Jacob ng nakahubo’t hubad, dahan dahan akong lumapit sa kaniya suot lamang ang manipis na robe. Napangiti ako ng matamis sa harapan niya bago ko tinanggal ang aking robe. Bumuyangyang sa kaniya ang aking hubo’t hubad na katawan. Mapang akit ang bawat kilos ko habang pumapasok ako sa loob ng jacuzzi na may mga rose petals at mabangong aroma. Nakadagdag sin ang scented rose candles sa ambiance para mas maging romantiko ang bawat sandali. Pag-upo ko, naramdaman ko ang malamig na kamay niyang dumampi sa balikat ko. Napalingon ako, at napansin kong nakatingin siya sa akin nang malalim. Lalo niyang nilamlaman ang kaniyang mga mata at ang bawat haplos ng kaniyang kamay sa aking katawan ang nagdadala ng kakaibang pagnanasa. A
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Kabanata 077

JACOB SOBEL POV Kinabukasan, sumakay kami sa isang maliit na bangka na dinala kami sa gitna ng malinis na dagat. Ang staff ng resort ay naghanda ng isang floating breakfast para sa amin isang tray ng prutas, croissant, kape, at sparkling wine na lumulutang sa ibabaw ng tubig sa isang maliit na kahoy na plataporma. "Jacob, sobra-sobra na ‘to," sabi niya, ang kanyang tawa ay nakakatuwa sa pandinig habang inaabot ang isang slice ng papaya. "Love kulang pa to sa lahat ng mga sakripisyo na ginawa po para sa atin" sagot ko, hinila siya palapit at hinalikan ang kanyang pisngi. "Hangga't kaya kong ibibigay ay ibibigay ko para sayo." Natatawa niyang iniligay ang kanyang ulo sa aking balikat, ang kanyang mga daliri ay gumuguhit ng maliliit na bilog sa aking braso. "Ang corny mo minsan, pero gusto ko din akalain mong sa harap ng ibang tao kinatatakutan ka pero pagdating sakin handa mong gawin ang lahat. I love you for that." "Minahal mo naman ‘tong corny na ‘to," sabi ko, sabay kaming nata
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

Kabanata 078

EVONY POVPanay ang tawag ko kay Marielle, ngunit ni isang sagot ay wala akong nakuha. Tumigil ang pag ring, at pagkatapos ay narinig ko ang tunog ng voicemail. Hindi ko na ulit sinubukan dahil alam kong wala ring mangyayari. Pinatay niya ang cellphone niya kaya hindi ko ito matawagan. Sobrang galit at inis ang nararamdaman ko. Napaupo ako sa gilid ng kama at ipinatong ko ang mga siko ko sa aking tuhod, hinayaan ko ang mga kamay ko na tumakip sa mukha ko. Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Bakit ganito? Si Marielle ang nag-iisang takbuhan ko sa lahat ng bagay ang taong hindi ko kailanman inakala na iiwan akong mag-isa sa ganitong sitwasyon.Kinabukasan, pagdating ko sa opisina, doon ko nalaman. Nag-second honeymoon pala sila ni Jacob. Second honeymoon? Hindi to maaari, hindi pwedeng magka-anak silang dalawa, hindi ako papayag? Para bang pinunit ang puso ko. Hindi dahil sa naiinggit ako, pero dahil wala man lang akong alam. Ano ba ang nangyayari? Sa gitna ng lahat ng stress s
last updateHuling Na-update : 2024-12-15
Magbasa pa

Kabanata 079

Evony POV Hindi ako nagseselos, pero may apoy na tila sumiklab sa kaluluwa ko, unti-unting nilalamon ang natitirang pasensya ko. Hindi ito tungkol sa pagmamahal ko kay Jacob o selos kay Marielle. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa kanya. Ang ayoko, ang ideya na maaring nagtagumpay siya—na magiging masaya siya kasama si Marielle habang ako, naiwan dito, binabagabag ng mga alaala. Mga alaala ng ginawa niyang nag-iwan ng lamat sa akin na hindi ko na alam kung kailan maghihilom. Napakapit ako sa gilid ng mesa, halos mabali ang mga daliri ko sa higpit ng pagkakahawak haabng matalim akong nakatingin sa kawalan. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Pero paano? Naroon sila sa Maldives, nag-eenjoy, namumuhay na parang wala silang iniwang pagkawasak. At ako? Nandito, nilulunod ng mga alaala, pilit na kinakalimutan pero patuloy na bumabalik sa tuwing sumisilip ako sa kawalan. Napapikit ako nang mariin, hinahanap ang kahit anong tibok ng katinuan sa isip ko. Hindi ko hahayaang mata
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa

Kabanata 080

Marielle POV Pagod pero masaya akong bumalik sa opisina matapos ang isang linggong honeymoon sa Maldives. Ang mga alaala namin ng puting buhangin, asul na dagat, at ang presensya ni Jacob sa tabi ko ay tila pumupuno sa bawat sulok ng isip ko. Napapangiti ako sa tuwing naalala ko ang lahat ng pinagsaluhan namin doon. Kahit simpleng paghinga lang ay nararamdaman ko ang hangin ng kaligayahan. Ngunit sa kabila ng kasiyahan, kailangan ko nang balikan ang trabaho. Ang opisina ay tila parehong bago at pamilyar, isang lugar na ngayon ay puno ng mga tanong at intriga. “Marielle! Grabe naman ‘yung mga pictures niyo sa Maldives!” bati ni Angela habang inaabot ang mainit na tasa ng kape. “Parang pang-magazine, ang dreamy!” Tumawa ako habang inaayos ang buhok ko. “Salamat. Alam mo naman si Jacob, mahilig talaga kumuha ng mga pictures. And he can be a good photographer” pagbibiro ko “Hindi lang ‘yun. Mukhang sobrang in love ka talaga. Nakakakilig!” Napatingin ako sa paligid, sinusubukan h
last updateHuling Na-update : 2024-12-16
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
16
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status