Ramdam ko ang kaba sa boses ni Mommy. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon ko ngayon. Masyado pang sariwa ang lahat—masyadong magulo. “Ayos lang ako, My. May inaasikaso lang ako dito sa ospital,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko para hindi siya lalo pang mag-alala. “Ospital? Bakit? Ano’ng nangyari?!” Napakagat ako sa labi. Maling choice of words. “Ah, hindi ako. May tinutulungan lang akong kaibigan. Huwag kang mag-alala, okay lang ako.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “Sigurado ka, anak? Kung may problema ka, sabihin mo lang, ha? Dadating kami diyan kung kailangan mo ng tulong.” “Promise, My. Ayos lang ako.” Saglit siyang tumahimik. Parang pinakikiramdaman niya kung nagsasabi ba ako ng totoo. “Okay. Basta mag-iingat ka, Harley. At sana naman umuwi ka na soon. Miss na kita, anak.” “Miss ko rin kayo, my” Pagkababa ko ng tawag, napasandal ako sa dingding. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin—mukhang pagod at gulo-gulo an
Terakhir Diperbarui : 2025-01-06 Baca selengkapnya