Home / Romance / Captive by Lust Lover / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Captive by Lust Lover: Chapter 101 - Chapter 110

159 Chapters

Kananata 101

Isa pa bakit siya interesado na malaman kung kilala ko si Jake ?, ang lalaking nagtangkang ipadala ako sa kabilang buhay. Kailangan kong makatakas, at mabilis. Kung sakaling malaman ni Jake na nabuhay ako, tiyak na babalik siya para tapusin ang trabaho niya. Pero paano ako makakatakas kung halos wala na akong lakas? Ang simpleng pagkilos ko ay nagpapalala ng kirot mula sa sugat ko, at ang pasa sa balikat ko ay parang dagdag na gasolina sa apoy ng paghihirap ko. Hindi ko nga maitayo ang sarili ko, paano pa ang tumakas? Gusto ko na lang maiyak sa galit. Muli akong nakatulog, pero kahit sa panaginip, bumabalik ako sa madilim na eskinita at sa mga matang nakatitig sa akin. Mabuti na lang at ang mahina at banayad na tunog ng pinto na sumasara ang bumawi sa akin mula sa bangungot, ibinabalik ako sa realidad. Umaasa na isa itong nars na may dalang panibagong dosis ng painkillers, inilingon ko ang ulo ko at napatitig sa... kay Jake, na nakatayo sa pintuan. “What the hell…” sigaw ng utak ki
last updateLast Updated : 2025-01-10
Read more

Kabanata 102

"Hindi?" paos kong tanong."Hindi ako tanga," inikot niya ang mga mata habang isinusuksok ang hiringgilya sa kanyang bulsa. "Kilalang-kilala ko ang guwardiyang nagbabantay sa labas ng pintuan mo. Wala akong duda kung ano ang gagawin niya kung tinapos ko ang buhay mo.""Ano?" Napalunok ako, ang laway ko parang natuyo na sa lalamunan."Siguradong sasabihan niya si Boss Harley kung sino ang huling bumisita sa'yo bago ang pag-atake. Pinaghihinalaan na niya ako, kaya hindi ko ipagsasapalaran na gawin ko to ngayon."Hindi ko maitago ang pagka-gulat ko. Tinititigan ko siya na parang bang tumatagos ang tingin ko sa kaniyang mga mata, napansin ko ang kakaibang awra na bumabalot sa kaniya. Dahil sa pagkakamaling nagawa niya at pumalpak ang plano niyang pagpapatahimik saki. Pero ang malas niya dahil mismong ang taong pinagtataguan niya ang nakakuha sakin. Sa ngayon siguro nga hindi pa niya ako papatayin, pero ano ang susunod niyang plano?"Hindi mo ako papatayin?" paninigurado kong tanong."Oo L
last updateLast Updated : 2025-01-10
Read more

Kabanata 103

"Shhh." Hinaplos niya ang aking pisngi gamit ang mga daliri, para bang sinusubukan akong pakalmahin sa malumanay na galaw na iyon. Pero dahil sa takot ay halos maghabol ako ng hininga.Biglang lumayo si Jake mula sa akin nang marinig niya ang katok sa pinto. Bago ko pa masabi ang anuman, pumasok ang isang lalaking kilala ko na. Nagising ako nang mag-isa, umaasang tuluyan na niya akong iiwan. Ngunit wala siyang planong umalis. "Good morning," magalang niyang bati, pumasok at isinara ang pinto sa likod niya. "Ano ang ginagawa mo dito, Jake?" tanong niya kay Sir Jake, na nakaupo sa tabi ko.“ teka boss. Mali ang hinala mo. ! mali ang iniisip mo.” parang tuta nitong sabi, kung kanina ay para itong asong ulo na gustong manakmal ngayon naman ay bahay ang buntot nito sa takot. "Sinabi kasi boss sakin ni Marneth na nandito ka sa ospital, pero nang pumasok ako, si Lilly lang ang nakita ko. Kakagising lang niya.""I see." sabi niya pero tila hindi naniniwala, lumapit siya sa kama ko at nagla
last updateLast Updated : 2025-01-10
Read more

Kabanata 104

LILLY POVIlang oras ang nakalipas matapos ang pag-alis nila Mr.Sobel ay bumalik din ito kaagad. Pumalit siya sa lugar kung saan kanina lang nakaupo ang nagbabanal-banalang si Jake. Parang ang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar. Alam kong bawat salitang bibitawan ko ay kailangan kong maging maingat. Hindi ko pwedeng bastahan na lang magsalita nang hindi nag-iisip-alam ko ang nakataya dito. Hindi man ako ang mawala pero ayokong mawala ang magulang ko. "Binaril ka, Lilly. May nagtangkang patayin ka," sabi niya nang diretso, na para bang wala nang duda sa kanyang isip.Nanatili akong tahimik. Ang problema? Hindi ko pwedeng aminin kung sino ang nasa likod ng nangyari."Patayin ako?" tanong ko, pinilit kong magmukhang inosente at gulat. "Sino naman aang gustong pumatay sa akin? Wala naman akong kaaway, wala akong ginagawang masama. Siguro nagkamali sila, baka napagkamalan lang ako."Pinandilatan niya ako ng mata, parang alam na alam niya na nagsisinungalin
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Kabanata 105

Hininto ko ang paghinga, mahigpit na hawak ang mga kumot sa kama. Ang lapit ni Harley ay lubhang nakapangibabaw parang tumigil ang pagtakbo ng isip ko. Sa isang iglap, tila may lumang susi na bumukas sa puso ko, nagbibigay ng puwang para kay Harley Sobel. Pero, ano nga ba ang nilalaro niyang ito? Sinusubukan ba niya akong takutin o akitin? Kung ang huli ang kaniyang dahilan, aba, magaling siya!"I-ikaw rin," pautal kong sagot, hindi kayang alisin ang tingin sa kanyang magaganda at malalalim na mga mata."Salamat," sagot niya habang ngumiti ng malapad, ipinapakita ang mapuputi at pantay niyang ngipin. "Sapat na ang papuri para sa ngayon. Ayokong isipin mong hindi ako gentleman"Bahagya siyang pumikit at tila hinugot ako palabas ng kakaibang pagkatulala. Pagkatapos ay seryoso siyang nagsalita: "Habang wala kang malay, binanggit mo ang isang pangalan, Lilly. Ang pangalang iyon ay Jake."Nawala ang dugo sa mukha ko. Pakiramdam ko’y nanigas ang buong katawan ko habang pilit na pinipigilan
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Kabanata 106

Isinuot niya ang kanyang jacket, at maingat na iniabot ang mga butones nito. Sa bawat galaw niya, nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi, pinipilit pigilan ang sarili na humanga nang labis. Ang kanyang itim na shirt ay perpektong nakadikit sa kanyang maskuladong katawan, na para bang dinisenyo para lamang sa kanya. Si Harley Sobel, isang lalaking punong-puno ng alindog at misteryo.Bigla siyang yumuko palapit sa akin. Natigilan ako, parang huminto ang oras. Hindi ko kayang huminga. Ang kanyang magagandang, malalalim na madilim na mga mata ay tila nanghihila sa akin. Napalipat ang tingin ko sa kanyang noo, pababa sa kanyang ilong, at pagkatapos sa kanyang labi, na sobrang lapit na sa akin.Napaisip ako: "Kaya ko bang mawala ang sarili ko para sa isang lalaking tulad niya?"Si Harley ay perpekto sa lahat ng aspeto, hindi lang ang itsura niya, kundi pati ang kanyang aura. Ang kanyang amoy ay nakakabighani, parang mamahaling pabangong ginawa
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Kabanata 107

MARNETH POVMaganda ang mood ko ngayon. Nagkita kami ni Jake sa bahay. Nasa byahe pa lang ay pinapabasa na niya ang pechay ko ng dahil sa mga dirty text message na binabato miya sa akin kaya naman nagmamadali talaga ako sa pagmamaneho. Halos liparin ko ang kalsada dahil sa pag kibot ng aking pechay.Pagkadating ko sa bahay. Sinalubong kaagad ako ni Aling Tina, ang aking kasambahay. Kinuha niya ang mga gamit ko sa sasakyan at binilinan kong dalhin ito sa aking office room. Matagal na sa akin si Aling Tina, siya na nag-alaga sa akin mula ng pinanganak ako kaya naman alam kong safe ang sikreto ko sa kaniya. Mas itinuturing ko pa siyang ina kaysa sa tunay kong magulang. Masyado siyang protective pagdating sakin, pinagluluto niya ako ng pagkain, pinapagalitan paminsan-minsan dahil sa mga kalokohan ko pero in the end siya lang ang nag-iisang kakampi ko. Halos lahat ng tao mabilis matakot sakin, pero si Aling Tina? Never! Gayunpaman mahal ko siya at nirerespeto ko siya. Kung may isang taong
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Kabanata 108

HARLEY POV“O, busy ka na naman ba dahil sa babaeng ‘yun?” bungad ni Pearl habang nakaupo siya sa gilid ng sofa, ang mga mata’y nangungusap, puno ng hinala.Tumingin ako sa kanya, walang anumang emosyon sa mukha. “Hindi naman,” sagot ko nang walang kagatol-gatol. “Halos magkasabay lang kami ni Jake na umalis kanina.”Nararamdaman ko ang titig niya, may halong selos at inis. Pero alam ko kung ano ang iniisip niya, hindi lang selos iyon, kundi takot. Takot na baka makakuha ng puwang ang babae sa buhay namin.“Bakit ganyan ang mga tingin mo, Pearl?” malamig kong tanong. “Sinabi ko na sa’yo, hindi ko gusto ang babaeng ‘yun. At kung sakaling gusto ko man siya…na hindi naman totoo…malalaman mo agad mula sa akin.”Tumawa siya nang bahagya, ngunit halatang pilit. Lumapit siya sa akin at hinimas ang likod ko, marahang bumulong, “Bakit naman ako mag-iisip ng ganyan? Malaki ang tiwala ko sa fiancé ko na hindi niya ako lolokohin.”Napabuntong-hininga ako. Ayokong dagdagan pa ang tensyon. Pero hind
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Kabanata 109

HARLEY POVIsang tawag lang sa tamang tao ang kinailangan para malaman ko ang lahat tungkol sa mga magulang ni Lilly. Mayroon silang kompanyang pinapatakbo nang magkasama, ngunit kasalukuyan silang nagfa-file ng annulement kaya naman pala mas pinili niyang umalis na sa kanilang bahay dahil sa walang tigil na pagbabangayan ng mga ito. Mabibigyan ko ng bonus itong si Mario dahil bukod sa pinapatrabaho ko ay buong detalye sa nangyari sa nakaraan ni Lilly ang isinama niya. Ilang mga nakakaintrigang impormasyon tungkol sa kaniya ang idinagdag nito.Napapangiti ako habang nag-iisip. Isang babaeng mayaman ang nagpapakahirap magtrabaho. Kung ako ang tatanungin, hindi ko aakalain na ang isang tulad niyang may kaya sa buhay ay magtitiis sa ganitong klaseng trabaho. Ngunit narito siya, nagsusumikap para sa sarili.“Mmm… Lilly…” mahina kong banggit. Hindi ko maiwasang mapansin ang pagiging malakas niya. Tila may tinatago siyang lakas na hindi basta-basta nakikita. Siguro, sa likod ng lahat ng kan
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Kabanata 110

“Huwag mong alalahanin 'yan, bibilhan na lang kita ng bago. Ang mahalaga ay buhay ka. Kamusta ang pakiramdam mo?”“Sa totoo lang? Hindi ko alam Ma! Masakit ang katawan ko, mahina, nahihilo. Pero kaya naman.”“Umuwi ka na anak, kami na ang mag-aalaga sayo!” Nakupo ngayon lang sila ganyan. Kilang kilala ko sila Mama, hindi magtatagal at babalik na naman ang bangayan nila sa bahay.“Hindi na Ma,” mariin kong pagtanggi sa kanila. Rinding rindi na ako sa mga bangayan nila. Kaya nga ako umalis sa bahay para hindi ko na marinig ang ganuon araw-araw.“May sarili naman akong apartment Ma, babalik na lang ako dun paglabas ko. Okay lang po ako!”“Hindi na natin pa kailangan pag-diskusyunan ito. “ biglang sabat na sabi ni Papa. Ang mukha niya ay naging seryoso. Isang bagay na hindi ko nakikita sa kaniya. “Lilly, may putang inang gustong bumaril sayo, diyosko naman! naiintindihan mo ba? May nagbabalak na patayin ka! Hindi pwedeng walang tumingin sayo. Kailangan may magbantay sayo.”“i’ll do it!”
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more
PREV
1
...
910111213
...
16
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status