Napalunok ako at umiwas ng tingin. “Okay,” buntong-hininga ko. “Nakapagtapos ako hanggang kolehiyo, nakatira ako sa isang studio apartment, wala akong trabaho ngayon at… iyon na siguro iyon. Wala namang interesting thing tungkol sa akin.” Mukhang nagulat siya sa sagot ko, pero hindi niya iyon binigyang-pansin. “Ngayon, ikaw naman,” baling ko sa kanya. “Miss Mysterious,” sagot niya, sabay kindat. “I was born and raised in Manila. Nakatira akong mag-isa, very close sa parents ko, at gaya ng sinabi ko, isa akong negosyante,” aniya, at sa pagtatapos ng kanyang sagot, dinilaan niya ang kanyang tuyong labi. Sinusuri ko ang bawat salita niya, pero hindi ako sigurado kung dapat kong paniwalaan iyon. May kakaiba akong nararamdaman sa kanya, parang sinasabi niya lang ang gusto kong marinig. Sa totoo lang, parang hindi tugma ang impresyon ko sa sinasabi niya. Ang iniisip ko? Si Sir Jake. Ang buong kalbaryong ito ay nagsimula dahil sa relasyon niya sa fiancée niya at ang muntik kong pagk
Last Updated : 2025-01-16 Read more