All Chapters of Ang Husband kong Hoodlum: Chapter 1 - Chapter 10

12 Chapters

Chapter 1

ArianneNanggigigil na ako sa inis dahil 30 minutes na akong naghihintay ay wala pa rin ang lintik na Victor Monteclaro na 'yon. Nagbubulungan na ang mga bisita at kitang-kita ko ang pagkakangisi ni Mikaela, ang half sister ko na siyang dapat nasa kalagayan ko ngayon. Talagang nililingon pa niya ako. Nakaupo siya sa hilera ng upuan ng aking ama at ng kanyang kabit na ina ng hitad. Hindi ko na lang siya pinaglaanan ng aking panahon at nag-concentrate na lang ako sa pag-ipon ng pasensya para sa aking groom na may palagay akong nanadya dahil ayaw din niyang magpakasal. Pakiramdam ko ay inuugat na ako sa pagtayo sa likod lang ng arkong dadaanan ko kapag nagsimula ng tumugtog ang wedding march.Ang aga-aga at araw ng kasal ko. Siguro, dahil malas ako sa pagkakaroon ng amang meron ako ngayon ay mukhang minalas din ako sa mapapangasawa. Konting konti na lang at talagang aalis na ako't bahala na sila sa buhay nila.Nang sa tingin ko ay sobra na ang paghihintay ko ay nagdesisyon na akong iwan
Read more

Chapter 2

Arianne “Welcome sa ating mansyon!” Umikot ang mga mata ko sa sinabi ng unggoy na si Victor pagpasok namin sa kanyang maliit na tirahan. “Bakit, ang akala mo ba ay sa mansyon ka talaga ng mga Monteclaro titira?”“Wala akong pakialam kung saan ako nakatira, kaya ko ang sarili ko.” Hindi naman ako mapili sa bahay, kahit saan ay pwede ako basta hindi ko nakikita ang mukha ng mag-inang Sonora at Mikaela. Sa totoo lang, mas bearable pa yatang makasama ang unggoy na ito kaysa sarili kong pamilya.“Eh bakit umiikot yang mga mata mo eh hindi ko pa naman kinakain ang puke mo?” tanong niya. Nagulat ako dahil hindi naman ako sanay ng ganung mga salitaan.“Alam mo ang bastos mo! Pwede bang kapag kausap mo ako ay tanggalin mo ang mga salitang hindi kaaya-aya na lumalabas diyan sa bibig mo?” Mabilis kong sabi na tinawanan lang din ng unggoy.“To answer your question, dahil ang sakit sa tenga ng boses mo.” Iyon lang at naglakad na ako papunta sa nag-iisang silid. Pinihit ko ang seradura at binuksan
Read more

Chapter 3

AriannePagdilat ng aking mga mata ay napakagaan ng aking pakiramdam. Paglapat ng likod ko sa kama matapos kong maligo kagabi ay wala na akong namalayan na kahit na ano. Nagtangka akong bumangon ngunit may mabigat na kung anong pumigil sa akin para magawa ko iyon.Nang tignan ko ay kamay pala. Inangat ko ang dalawang kamay ko pero bakit meron pa ring nakapatong sa dibdib ko? Sinundan ko iyon at ganun na lang ang tili ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng talipandas na kamay na ngayon ay pumipisil-pisil pa sa dede ko.“Ahh!!!!” balikwas ng bangon ang unggoy na si Victor dahil sa gulat.“Ano yon? Saan? Saan ang sunog?” mabilis niyang tanong ng sunod sunod ng makababa ito sa kama.“Walang hiya ka! Anong ginagawa mo rito? Bakit ka dito natulog?” galit kong sabi. Biglang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at tsaka nasabunutan ang kanyang sarili.“Shit, nagtitili ka ng dahil dito ako natulog? Saan mo ako balak patulugin aber?” tanong din niya.“Eh di kung saan ka natutulog noong wa
Read more

Chapter 4

AriannePulang pula ang mukha ko habang nakaupo ako. Magkaharap kami sa dining table at nagkakape siya. Aalis na ako ngunit hindi siya pumayag na hindi ko siya samahan sa pagkakape.“Bilisan mo naman at may lakad pa ako.” Hindi ko na napigilan ang pagkainis dahil parang nananadya pa ito habang humihigop ng kanyang kape.“Bakit ka ba nagmamadali? Malay mo mahalikan kita ulit eh di lalong kumpleto na ang araw mo.”Nang dahil sa pagtugon ko sa halik niya kanina ay lalo pang lumakas ang pang-aasar sa akin ng hinayupak na unggoy na ito. Bakit ba kasi nasarapan ako eh.“Look, may kailangan akong puntahan at ayaw kong matagalan dahil may importante rin akong gagawin. Kukuha pa ako ng gamit ko sa bahay dahil ilang piraso lang naman ng damit ang dinala ko.”“Huwag ka ng pumunta sa inyo at ako na ang bahala sa mga gamit mo,” sabi niya matapos humigop na ulit ng kape.“Hindi na dahil hindi ka nila papapasukin doon.” Na siya namang totoo dahil nuknukan ng pagka matapobre ang mga tao doon eh mga w
Read more

Chapter 5

AriannePaglabas ko ng main door ay lumigid ako sa likod. Baka may alam ang mga kasambahay kung saan nailagay ang mga gamit ko kaya tatanungin ko sila.Dahil sa sama ng ugali ng pamilyang iyon ay malapit naman ako sa mga katulong. “Sabi ko na nga ba at babalikan mo ang mga gamit mo eh.”Ngumiti ako kay Manang Lina bago nagmano sa kanya. “Teka lang at kukunin ko.” Nawala lang siya saglit at pagbalik ay may hila ng dalawang maleta.“Pasensya ka na at ito lang ang nailigtas ko. Huli ko na kasi nakita ng ipagtatapon yan ni Ma'am Sonora at Mikaela eh.”“Okay lang po, maraming salamat.” Maigi na ang kahit papaano ay meron kaysa wala.“Eh kumusta ka naman sa asawa mo? Base sa naririnig kong pag-uusap nila ay sanggano at tambay daw iyong Victor na iyon. Totoo ba?”“Wala ho kayong dapat ipag-alala dahil mukhang mas maayos kasama ang asawa ko kaysa sa pamilya ng tatay ko.”“Mabuti naman kung ganon. Eh kumain ka na ba?” nag-aalala niyang tanong.“Tapos na ho kaya hindi niyo na kailangan na ipagt
Read more

Chapter 6

Arianne“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.“Hindi.”“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong balak sagutin siya dahil mukhang hindi rin naman niya ako papaniwalaan. Kinuha ko ang dalawang maleta at naglakad papunta sa kwarto ngunit pinigilan niya ako.“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit niyang sabi na ikinainis ko. Pumiksi ako dahil hinawakan niya ako sa braso at ang higpit non.“Nasasaktan ako!” reklamo ko. “At ano ba ang gusto mong sabihin ko? Sinabi ko na hindi siya ang importanteng pinuntahan ko. Hindi mo ba nakita ang mga dala ko?” inis kong tugon.“Exactly. Gamit mo ang dala mo, ibig sabihin galing ka sa inyo. So ano ang dahilan at magkasama kayo ngayon?” galit pa rin niyang tugon.“Nadatnan ko na siya sa bahay nila Mr. Aragon. At walang sasakyan na nagdadaan sa subdivision
Read more

Chapter 7

ArianneHindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang trabaho si Victor kaya dalawa na kami ngayong intindihin ko.Ang kaigihan lang sa lugar na ito ay isang sakay lang ng tricycle hanggang sa bahay. Maglalakad papuntang sakayan kapag palabas ngunit madali na ang pauwi.“Sa tabi na lang ho,” sabi ko sa driver at tumigil naman sakto sa tapat ng gate namin.“D’yan ka nakatira?” tanong ng matandang driver.“Oho,” nakangiti kong tugon. Ayaw ko namang magsungit sa mga tagarito dahil hindi ko pa naman sila kilala. Kailangan maging mabuti ang pakikitungo ko para naman hindi nila ako bastusin or pag tangkaan ng masama lalo at bago pa lang ako rito.Tinulungan ako ni manong sa box na dala ko ng mapansin niyang nahihirapan akong buhatin.“Dito na lang po
Read more

Chapter 8

Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping tawag niya sa pangalan ko.“Sabi mo nakikiusap ka kung pwede at sinasabi ko ngayon na hindi pwede.”“Hindi ka talaga mapakiusapan?” tanong niya. “Ganyan kasama ang ugali mo?”Sinampal ko siya matapos niyang sabihin iyon at kita ko ang galit sa mukha niya. Pero bakit ko iintindihin ‘yon eh may sarili din akong galit?“Hindi mangyayari sa akin ang ginawa ni Mike Aragon sa nanay ko. Hinding hindi.” Matigas kong sabi at napansin kong medyo lumambot ang kanyang mukha ngunit saglit lang iyon. “Kung ako ang magpatira ng lalaki rito na nakita mong kayakap ko, okay lang sayo?”“Ibang usapan na—”“Ang kapal naman ng mukha mong sabihing ibang usapan iyon. Kapag ikaw pwede, kapag ako hindi?” putol ko sa
Read more

Chapter 9

Arianne“Baba na,” sabi ng unggoy ng makarating kami sa apartment pero hindi ako kumilos at nanatiling masama ang tingin sa kanya.“Huwag mo na akong galitin, babe.” Nanlisik ang mga mata ko dahil sa endearment na naman niya.“Huwag mo akong tawagin ng kahit na anong endearment. Isa pa, sinabi ko na sayo na ayaw kong makasama ang babae mo.”“Wala na si Nancy kaya bumaba ka na riyan.” Bago pa ako makasagot ay may dumating pa na dalawang motor. “Oh,” sabi ng lalaki sabay lapag ng maleta na dala ko papunta sa apartment.“Bakit niyo kinuha yan?” galit kong tanong tsaka ako bumaba sa motor para kunin ang maleta ko. Big bike iyon kaya nahirapan ako pero kaya naman.Nang mahawakan ko ang maleta ay hinila nna ako ni Victor papasok ng bahay. Isa sa kasama niyang mga lalaki ang nagbukas ng gate at pintuan matapos niyang ibato ang susi sa lalaking may dala ng maleta ko.“Alis na kami, good luck!” Kung makangisi ang mga lalaki ay parang nakakaloko.Tinalikuran ko na ang unggoy para pumasok sa kwa
Read more

Chapter 10

ArianneMaaga akong gumising ng kasunod na araw. Ay, hindi pala maaga, hindi talaga ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na ‘yon! Argh!! Nakakinis!! Ano ba naman kasi talaga ang dapat kong asahan sa lasing?Ang akala kong honeymoon na namin ay hindi natuloy. Bakit? Dahil biglang nakatulog ang unggoy! Kung kailan sarap na sarap na ako at kulang na lang talaga ay maghubad na kami ay bigla itong bumagsak sa tabi ko at naghilik.Hindi ko naman siya magagawang awayin ng dahil doon dahil baka isipin niya ang manyak ko. Kaya kailangan kong manahimik at magpanggap na walang kahit na anong nangyari sa pagitan namin kagabi.Nagluto ako ng almusal at idinamay ko na rin siya. Ayaw kong masabihan na wala akong kwentang asawa at sa akin pa niya isisi kung sakaling magka letse-letse ang pagsasama namin. At least ginawa ko ang part ko, nasa sa kanya na kung gagawin niya ang sa kanya.Kakatapos ko lang magluto at kakain na sana ako ng bumukas ang pintuan ng aming kwarto at lumabas ang unggoy
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status