Share

Kabanata 0004

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-10-30 00:36:45

Arianne

Pulang pula ang mukha ko habang nakaupo ako. Magkaharap kami sa dining table at nagkakape siya. Aalis na ako ngunit hindi siya pumayag na hindi ko siya samahan sa pagkakape.

“Bilisan mo naman at may lakad pa ako.” Hindi ko na napigilan ang pagkainis dahil parang nananadya pa ito habang humihigop ng kanyang kape.

“Bakit ka ba nagmamadali? Malay mo mahalikan kita ulit eh di lalong kumpleto na ang araw mo.”

Nang dahil sa pagtugon ko sa halik niya kanina ay lalo pang lumakas ang pang-aasar sa akin ng h*******k na unggoy na ito. Bakit ba kasi nasarapan ako eh.

“Look, may kailangan akong puntahan at ayaw kong matagalan dahil may importante rin akong gagawin. Kukuha pa ako ng gamit ko sa bahay dahil ilang piraso lang naman ng damit ang dinala ko.”

“Huwag ka ng pumunta sa inyo at ako na ang bahala sa mga gamit mo,” sabi niya matapos humigop na ulit ng kape.

“Hindi na dahil hindi ka nila papapasukin doon.” Na siya namang totoo dahil nuknukan ng pagka matapobre ang mga tao doon eh mga wala rin naman. “Kaya pakibilisan na ang pag-inom sa kape at ng makaalis na ako.”

Wala na rin siyang sinabi at humigop na lang ulit sa tasa niya habang pinagpa-piano ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa.

“Finally!” I exclaimed kasabay ang pagtayo ko mula sa aking kinauupuan ng ilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa.

Paalis na ako ng bigla niya akong pigilan. “Ano na naman?”

“Bakit ba napakasungit mo?” Tila inis niyang tugon.

“Paano naman, sinabi ko ng nagmamadali ako eh parang lalo kapang nagtatagal. Hindi ko naman na obligation na hintayin ka pa sa pagkakape mo pero pinagbigyan na kita eh hindi ka pa rin kuntento!”

Kung naiinis siya ay ganun din ang nararamdaman ko. Idagdag pa ang possibility na makita ko ang pamilya ng ama ko mamaya kaya lalong nakakainit ng ulo.

“Saan ka ba pupunta?”

“Sinabi ko na di ba? Sa bahay para kumuha ng gamit at may kailangan akong i-meet para kumita.”

“At bakit kailangan mong kumita?”

“Bakit, may trabaho ka ba?” tanong ko rin. “Kung hindi ako kikilos ay pareho tayong mamamatay ng dilat ang mga mata sa gutom.”

“May pera ako.” Ang tibay din nito. Ni hindi man lang kumurap ng sabihin ang mga katagang iyon.

“Buhay pa tatay mo ay kukunin mo na talaga ang mana mo? Okay na yung wala kang trabaho at kaya kitang buhayin. Pero hindi ko maaatim na makasama ka kung ganyan ka kagarapal.”

“Garapal? Pera ko rin naman ang kinukuha ko ah!” Nangatwiran pa talaga. “At hindi ba at pera rin ang dahilan ng pagpapakasal mo sa akin?” galit niyang tanong. Hindi yata nagustuhan ang salitang garapal.

“Wala ako ni isang kusing na nakuha o makukuha sa pagsasama nating ito. Ikaw may mamanahin, ako, wala. Kaya huwag mong masabi-sabi sa akin ang tungkol sa perang nakadikit sa kasal natin dahil kayo lang ng ama ko ang makikinabang dito.”

Tinalikuran ko na siya dahil wala namang saysay makipag-usap sa isang katulad niyang kaugali pa yata ni Mike Aragon na aking ama.

“Sira ka talagang babae ka, hindi mo man lang ako in-invite sa kasal mo!” bulalas ni Candy na aking bestfriend at business partner na rin. Nasa isang apartment kami na ginawa naming meeting place at office na rin para sa negosyong pinagsososyohan namin.

Well wala pa naman talaga yung mismong negosyo. Nasa kalagitnaan kami ng pagprocess kasama ang iba pa naming kaibigan.

Isa akong chemical engineer and we are formulating skin care and cosmetic products. Dahil nauuso ang mga pampaganda at pampaputing sabon ay iyon ang una naming product.

“Manahimik ka Candy at alam mo naman na normal na araw lang sa akin iyon.”

“So, kamusta naman si Victor Monteclaro?” tanong niya dahilan upang maalis ang tingin ko sa papel na hawak ko na naglalaman lang naman ng result ng research na ginawa din namin. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang ngiti sa kanyang mga labi habang taas baba pa ang kanyang mga kilay.

“Ano ang inaasahan mong sagot ko?” tanong ko rin. Pero sinikap ko na maging casual lamang ang tinig ko dahil ayaw kong makahalata siya ng kahit na ano.

“Grabe, walang honeymoon?” Bakas ang gulat sa mukha niya kaya naman natawa ako bago napailing tsaka ko sinabi sa kanya ang nangyari sa aming “honeymoon”.

“Alam mo, bakit hindi mo na lang siya kausapin na magsosyo sa atin kapag nakuha na niya ang mana niya?”

“Sira ka talaga. Sinabihan ko na nga ng garapal tapos magsa-suggest pa ako ng ganun. Eh di mas garapal na ako niyan.” Binato ko sa kanya ang nilamukos kong papel at tatawa-tawa na lang na binasa ang iba pang result.

Walang kaalam alam ang ama ko sa mga plano kong ito. Hindi naman din kasi nagtanong sa akin ng tungkol sa nangyayari sa buhay ko kahit na minsan.

May tatlo pa kaming kaibigan na kasosyo at wala sila ngayon dahil oras ng pahinga nila. Sila kasi ang gumawa ng research para sa mga ingredients ng aming product kaya kami naman ni Candy ang mag-i-evaluate ng result.

Ng matapos kaming mag bestfriend ay naghiwalay na kami ng landas. Lagpas lunchtime na at dahil busog pa ako sa brunch namin ni Candy kanina ay dumiretso na ako sa bahay ng aking ama.

“Anong ginagawa mo rito?” galit na tanong ni Sonora ng makita akong pumasok ng main door. Nasa living room silang tatlo at bisita si Donnie na panganay na anak ng aking biyenan na lalaki.

“Huwag kang mag-alala, kukunin ko lang ang ibang gamit ko at aalis na rin ako.” Tapos ay lumakad na ako papunta sa hagdanan ngunit bigla akong napatigil ng magsalita ulit si Sonora.

“Wala ka ng gamit na babalikan dahil pinatapon na lahat ng ASAWA ko.” Talagang pinagdiinan pa niya na akala mo ay may aagaw pa sa kanya. Pero hindi ko nagustuhan ang sinabi ng bruha kaya naman imbis na paakyat ay lumapit ako sa kanila.

“Anong ipinatapon? Dad, is that true?”

“I'm really sorry, Arianne. Ako ang may kasalanan nito. Wala na kasing paglagyan ang mga sapatos ko kaya naman kinailangan ko ng isa pang silid,” singit ni Mikaela na mukhang gustong magpanggap na mabait sa harapan ni Donnie.

“At dahil walang paglagyan ang mga sapatos mo ay ipinatapon mo ang mga gamit ko? Ang mga gamit ng nanay ko na tunay ASAWA?” galit kong sabi dahilan upang masampal ako ni Sonora.

“Ako ang asawa at wala ng iba!”

“Kabit ka at hindi magbabago iyon lalo at nandyan at buhay na ebidensya ang anak mo!” ganting sabi ko kaya ang ama ko naman ang siyang sumampal sa akin.

“Walang modo! Walang utang na loob!” galit na sabi Mike Aragon. Hindi ko na magawang tawagin siyang ama.

“Dad! Please huwag naman ganyan!” sabi ni Mikaela na akala mo talaga ay concern.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa galit at hindi ako papayag na basta ko lang tanggapin ang pananakit nila ng ganun-ganun na lang.

“Hindi ba at totoo naman?” tanong ko sa tatay ko. “Hindi ba at dahil sa kalibugan mo ay ginahasa mo ang nanay ko? Para hindi ka makulong ay ipinakasal kayo?”

Tapos ay bumaling ako kay Sonora. “Gaano ka kasiguro na walang ibang nabuntis yang sinasabi mong asawa mo? Na wala na siyang ibang kinalantareng babae maliban sayo? Hindi ba at anak niyo na ang malanding ‘yan ng pagnasaan pa rin niya ang nanay ko?”

“Manahimik ka Arianne!” Halos mapatid ang litid na sigaw ni Mike Aragon na ikinatawa ko.

“See? Tignan mo ang reaksyon niya, kaya mag-isip-isip ka. Baka bigla na lang may kumatok dito sa bahay na mas gahaman pa sayo at bigla na lang kornerin ang sinasabi mong asawa mo. Tapos kagaya ng nangyari sa nanay ko ay siya ding pakasalan niya at magiging kabit ka na lang ulit.” Sinabayan ko ng nang-uuyam na ngisi para mas lalo pa siyang mainis.

“Sabagay, once a kabit, always a kabit. And your daughter will remain a bastard.” dagdag ko pa. Hindi na ako papayag na tanggapin na lang ang lahat ng pang-aabuso at pangmamal-trato nila sa akin. Panahon na para lumaban ako lalo at wala na silang maipapanakot sa akin na medical needs ng namayapa ko ng ina.

“Arianne!” Nanlilisik na ang mata ng tatay ko kaya naman tumawa ako ng malakas tsaka ko sila tinalikuran. Pero bago yon ay napatingin ako sa tahimik lang na si Donnie na nakaupo at curious na nakatingin sa akin. Katabi niya si Mikaela na nanlilisik na rin ang mga mata sa akin.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gracie
Laban lang girl wag magpa api.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0005

    AriannePaglabas ko ng main door ay lumigid ako sa likod. Baka may alam ang mga kasambahay kung saan nailagay ang mga gamit ko kaya tatanungin ko sila.Dahil sa sama ng ugali ng pamilyang iyon ay malapit naman ako sa mga katulong. “Sabi ko na nga ba at babalikan mo ang mga gamit mo eh.”Ngumiti ako

    Last Updated : 2024-11-01
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0006

    Arianne“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.“Hindi.”“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong

    Last Updated : 2024-11-01
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0007

    ArianneHindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0008

    Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping t

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0009

    Ang nangyari ay si Rico na boyfriend ni Candy ang unang dumating. Isa siya sa mga kasosyo namin at mukhang sila na rin talaga ng aking best friend ang magkakatuluyan.“Nasaan na si Candy?” tanong ko habang isinasara ko ang pintuan.“Susunod na lang daw, pero baka mamaya maya pa. Alam mo naman ‘yon,

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0010

    Arianne“Baba na,” sabi ng unggoy ng makarating kami sa apartment pero hindi ako kumilos at nanatiling masama ang tingin sa kanya.“Huwag mo na akong galitin, babe.” Nanlisik ang mga mata ko dahil sa endearment na naman niya.“Huwag mo akong tawagin ng kahit na anong endearment. Isa pa, sinabi ko na

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0011

    ArianneMaaga akong gumising ng kasunod na araw. Ay, hindi pala maaga, hindi talaga ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na ‘yon! Argh!! Nakakinis!! Ano ba naman kasi talaga ang dapat kong asahan sa lasing?Ang akala kong honeymoon na namin ay hindi natuloy. Bakit? Dahil biglang nakatulog

    Last Updated : 2024-11-03
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0012

    ArianneLumipas pa ang tatlong araw at naging maayos naman ang pagsasama namin ni Victor. ‘Yun nga lang ay talagang hindi siya tumigil sa pagtawag sa akin ng babe at paghalik halik na hinayaan ko na rin dahil asawa ko naman.“Good morning, babe.” Kagaya na lang ngayong umaga. Kakagising ko lang at a

    Last Updated : 2024-11-04

Latest chapter

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0210

    VictorBwisit! Nakakalakad na ako pero ayaw ko ngang ipilit pa dahil hindi pa naman ako lubusang magaling. Kaya naman inis na inis ako sa aking sarili ngayon dahil nga nanganganak na si Arianne.“Pwede bang itigil mo ang kakagalaw ng mga paa mo?” sabi ni Donnie. Kanina pa niya ako sinisita dahil nag

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0209

    DonnieNatanggal na ang assistant ni Dad na ipinasok ni Mommy na naging panatag at nakuha pang magnakaw ng pera sa kumpanya na inakala niyang hindi malalaman ng kahit sino sa aking mga magulang.Wala siyang kamalay malay na nasa ilalim din siya ng mapanuring tingin ng aking ina at nakakuha ng mga eb

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0208

    ArianneNag-aalala ako kay Donnie at hindi ko napigilang sabihin iyon kay Victor.“Sa ngayon, bigyan muna natin siya ng time para magluksa. Alam naman natin kung gaano din niya kamahal ang kanyang ina.” Tumango na lang ako sa asawa ko at sumandig sa kanya.Napatingin ako kay Dad na mukhang malungkot

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0207

    Donnie“Hindi! At dahil kinampihan mo sila, mabuti pa na hindi ka na rin mabuhay pa dahil wala ka rin namang silbi!”Nagulat ako ng agawin ni Mommy ang baril mula kay George at itutok sa akin. Nasaktan ako at hindi makapaniwala na talagang ng dahil sa pera ay kaya niyang talikuran ang lahat.Handa n

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0206

    Victor“Ay!!” malakas na tili ni Arianne bago nawala ang video. Mukhang kinailangan ng tumulong ng kung sinuman na kumukuha ng mga pangyayari.“Victor, si Donnie!” bulalas ng aking asawa kaya naman agad ko siyang niyapos. Napatingin ako kay Dad at nag-aalalang tingin din ang binigay niya sa akin.Al

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0205

    ArianneSumunod ang pagdinig ng kaso ni Miranda. Nandoon si Donnie na siyang kumakatawan kay Dad at kay Victor. Kung tutuusin ay parang hindi tamang tignan dahil nga sa nanay niya ang nasasakdal. Ngunti desidido siya na maging maayos ang lahat para sa kanyang ina. Umaasa siya na magkakaroon pa ito n

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0204

    ArianneDumating ang araw ng hearing at kagaya ng plano ay nasa bahay lang kami. Nasa sofa kami at napapagitnaan kami ni Victor nla Mommy at Daddy. Katabi niya si Dad at ako naman si Mommy.Sa kaso ng mga Aragon ay kailangan ng testimony ko kaya naman isinulat ko na lang iyon ayon na rin sa suhestyo

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0203

    Arianne“Hayaan mo akong um-attend ng hearing, Victor.” Napatingin kami kay Dad dahil sa sinabi niya. Minabuti na kasi ng asawa ko na manatili na lang sa bahay dahil na rin sa inaakala nila Donnie na maaaring naroon din si George.“Delikado, Dad.” Naiintindihan ko ang pagtanggi ni Victor dahil nag-a

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0202

    VictorNaka wheelchair pa rin ako at weekly akong nagte-therapy kasama si Arianne. Buo naman ang tiwala ko na makakalakad pa ako dahil hindi naman ganon ka grabe ang naging aksidente ko. Talaga lang nabalian ako ng buto sa kaliwang paa dala ng pagkaka salpok sa fire hydrant tapos ay naipit pa.Kasam

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status