Share

Kabanata 0003

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-10-30 00:30:55

Arianne

Pagdilat ng aking mga mata ay napakagaan ng aking pakiramdam. Paglapat ng likod ko sa kama matapos kong maligo kagabi ay wala na akong namalayan na kahit na ano. Nagtangka akong bumangon ngunit may mabigat na kung anong pumigil sa akin para magawa ko iyon.

Nang tignan ko ay kamay pala. Inangat ko ang dalawang kamay ko pero bakit meron pa ring nakapatong sa dibdib ko? Sinundan ko iyon at ganun na lang ang tili ko ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng talipandas na kamay na ngayon ay pumipisil-pisil pa sa dede ko.

“Ahh!!!!” balikwas ng bangon ang unggoy na si Victor dahil sa gulat.

“Ano yon? Saan? Saan ang sunog?” mabilis niyang tanong ng sunod sunod ng makababa ito sa kama.

“Walang hiya ka! Anong ginagawa mo rito? Bakit ka dito natulog?” galit kong sabi. Biglang nagsalubong ang mga kilay ng lalaki at tsaka nasabunutan ang kanyang sarili.

“Shit, nagtitili ka ng dahil dito ako natulog? Saan mo ako balak patulugin aber?” tanong din niya.

“Eh di kung saan ka natutulog noong wala pa ako rito!” mabilis kong sagot kasabay ang pagpilig ng aking ulo dahil sa nakikita ko. Ang lapad ng kanyang dibdib at mga namumutok na pandesal sa tiyan ay tila nang-aakit at nanghahalina na niyaya ako para pisilin iyon.

Bumaba pa ang aking tingin at hindi ko na mapigilan ang panlalaki ng aking mga mata. Naka-boxer shorts siya at bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki. Ipinilig ko ulit ang aking ulo tsaka ko siya binato ng unan para takpan niya ang kanyang sarili.

“Dito ako natutulog bago ka pa man dumating sa bahay na 'to!” galit niyang sabi na muling inilapag ang unan sa kama.

“Takpan mo yang sarili mo at naiiskandalo ako!” sigaw ko sabay bato ulit sa kanya ng unan pabalik.

“Gustong gusto ng mga babae na nakikita ang katawan ko na ganito tapos ikaw naman ay gusto mong takpan ko?” tanong niyang nakangisi.

“Wala akong pake kung gusto nila, basta kapag kaharap mo ako ay huwag na huwag mong gagawin ang mga nagugustuhan nila sayo, tapos.” Bumaba na ako ng kama at tsaka kinuha ang robe ko na nakahanger na nakasabit sa handle ng closet at isinuot iyon. Nagsimula na akong lumakad papunta sa pintuan ngunit hinarang niya ako.

“Saan ka pupunta? Umiiwas ka sa usapan.”

“Anong umiiwas ang pinagsasabi mo? Kailangan kong mag-asikaso ng sarili ko dahil may pupuntahan ako.”

“Talaga lang ha?” sabi pa niya bago ako hinapit palapit pa sa kanya. Yung magkadikit na magkadikit kaya naramdaman ko ang katigasan ng kanyang pagkalalaki na tumutusok sa sikmura ko. “Bago ka umalis, good morning kiss muna.”

Hindi na ako naka-react dahil nasakop na niya ang bibig ko at sinimulang galugarin ng kanyang dila ang loob ng maibuka ko ang aking bibig dahil sa pagsinghap.

Natulala ako matapos niya akong bitawan. Nakatingin lang ako sa kanya na hindi makapaniwala dahil bad breath pa ako samantalang naaamoy ko pa rin ang toothpaste sa hininga niya. Kakarating lang ba niya?

“As much as I want to give you a sweet honeymoon experience, pasensya ka na at sobrang pagod at puyat ako. Matutulog muna ako at kukuha ng lakas para naman mapaligaya kita ng husto pag balik mo mula sa kung saan ka man lupalop pupunta.”

Pagkatapos no'n ay bumalik na siya sa kama at pabagsak na nahiga. Ang buhok niya ay nakalugay na kaya dapat ay mas lalo itong magmukhang unggoy sa paningin ko pero bakit ang gwapo niya bigla?

Mabilis kong ipinilig ang aking ulo at tsaka lumabas. Kung ano-ano ang naiisip ko dahil na rin sa pinaggagagawa sa akin ng lalaking ‘yon.

Pagdating ko sa kusina ay may nakita akong paperbag ng isang convenience store. Tinignan ko iyon at nakita kong kape, creamer at asukal ang laman non. Nagkakape ba sa umaga ang unggoy?

Dahil gusto kong mainitan ang sikmura ko ay nag-init na ako ng tubig sa takure. Kung may isang bagay man akong pinagpapasalamat sa pamilya ng ama ko ay yung natuto ako ng gawaing bahay dahil sa pang-aalipusta at pang-aalipin nila sa akin kaya naman kahit na anong gawaing bahay ay kaya kong gawin.

Hindi na ako nagbukas ng ref dahil alam ko naman na wala na ring laman iyon. Okay na ang kape at mamaya, bago ako umuwi ay maggo-grocery na lang ako.

Naligo ako pagkatapos at nakatapis na ako ng tuwalya na pumasok sa kwarto. Tulog na tulog naman ang unggoy kong asawa kaya okay lang na dito na rin ako magbihis.

Ang ilang damit na nadala ko ay nasa maleta pa at hindi ko pa inaayos. Sa CR na ako nag panty at bra para mabilis ang pagbihis ko at baka maalimpungatan pa ang unggoy.

“Sana man lang ay nagtanggal ka ng tapis para naman mabistahan ko kung maganda ba ang hubog ng katawan mo.” Napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Victor sabay tingin. Nakahiga pa ito sa kama pero sa akin naman nakatuon din ang mga mata.

“Ang akala ko natutulog ka?” Mabuti na lang at tapos na akong magbihis. Imbis na sumagot ay bumangon ito ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan ngunit sinikap kong hindi ipahalata sa kanya.

“Paano naman akong hindi magigising kung naamoy ko ang halimuyak mo?”

“Hoy! Kung ano man yang tumatakbo dyan sa kukute mo ay tigil-tigilan mo! Ang aga-aga eh kamanyakan na yang naiisip mo.”

“Bakit, masama ba? Asawa naman kita. Don't tell me wala kang balak na punan ang pangangailangan ko bilang asawa mo?” Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Hindi rin kasi pumasok sa isip ko na paghahanapan niya ako or pagnanasaan.

“Pareho nating hindi gusto ang kasal na ito kaya tama lang na maisip kong hindi natin kailangang—” hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko dahil mabilis na siyang nakalapit sa akin.

Naging napakalakas ng kaba ko lalo at halos nakadikit na siya sa akin. Hindi naman ako maliit, sadya lang mas mataas siya sa akin pero bahagya lang siyang nakayuko sa akin at ako naman ay nakatingala.

Kahit ayaw kong salubungin ang tingin niya ay hindi ko magawang umiwas. Dahan-dahang lumalapit ang kanyang mukha sa akin ngunit hindi ako makagalaw para sana lumayo. Nang halos konti na lang ang pagitan ng aming mga labi ay bigla siyang nagsalita.

“We're married, Arianne. Sa ayaw at sa gusto mo ay ibibigay mo ang pangangailangan ko bilang lalaki.”

Napalunok ako dahil sa kiliting gumapang sa katawan ko. Hindi ko malaman kung sasagot ba ako dahil natatakot akong baka kapag ibinuka ko ang aking bibig ay dumikit iyon sa kanyang mga labi.

Nahigit ko ang aking paghinga ng bigla siyang umunat pero nanatiling nakatingin sa akin. “But not now, natutuwa pa akong tuksuhin ka.”

Umangat ang kamay niya at naramdaman ko ang marahang paghagod ng kanyang daliri sa aking pisngi. “But I am going to please myself with this.”

Yun lang at naramdaman ko na naman ang kanyang mga labi sa hindi ko alam ay nakaawang ko ng bibig. Paano ba naman ay mabilis niyang naipasok qng kanyang dila at nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang paggalugad ng dila niya roon. Bakit na lagi niyang ginagawa ang ganon?

Walang ano-ano ay bigla ko na lang naipikit ang aking mga mata at may kusa ang aking bibig na tumugon sa kanya.
Comments (3)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
kinikilig ako dito ...
goodnovel comment avatar
Mariecris Coronel Reyes
nkakalibang din mag basa
goodnovel comment avatar
Gracie
I love it. Hindi nakaka stress!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0004

    Arianne Pulang pula ang mukha ko habang nakaupo ako. Magkaharap kami sa dining table at nagkakape siya. Aalis na ako ngunit hindi siya pumayag na hindi ko siya samahan sa pagkakape. “Bilisan mo naman at may lakad pa ako.” Hindi ko na napigilan ang pagkainis dahil parang nananadya pa ito habang hum

    Last Updated : 2024-10-30
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0005

    AriannePaglabas ko ng main door ay lumigid ako sa likod. Baka may alam ang mga kasambahay kung saan nailagay ang mga gamit ko kaya tatanungin ko sila.Dahil sa sama ng ugali ng pamilyang iyon ay malapit naman ako sa mga katulong. “Sabi ko na nga ba at babalikan mo ang mga gamit mo eh.”Ngumiti ako

    Last Updated : 2024-11-01
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0006

    Arianne“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.“Hindi.”“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong

    Last Updated : 2024-11-01
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0007

    ArianneHindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0008

    Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping t

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0009

    Ang nangyari ay si Rico na boyfriend ni Candy ang unang dumating. Isa siya sa mga kasosyo namin at mukhang sila na rin talaga ng aking best friend ang magkakatuluyan.“Nasaan na si Candy?” tanong ko habang isinasara ko ang pintuan.“Susunod na lang daw, pero baka mamaya maya pa. Alam mo naman ‘yon,

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0010

    Arianne“Baba na,” sabi ng unggoy ng makarating kami sa apartment pero hindi ako kumilos at nanatiling masama ang tingin sa kanya.“Huwag mo na akong galitin, babe.” Nanlisik ang mga mata ko dahil sa endearment na naman niya.“Huwag mo akong tawagin ng kahit na anong endearment. Isa pa, sinabi ko na

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0011

    ArianneMaaga akong gumising ng kasunod na araw. Ay, hindi pala maaga, hindi talaga ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na ‘yon! Argh!! Nakakinis!! Ano ba naman kasi talaga ang dapat kong asahan sa lasing?Ang akala kong honeymoon na namin ay hindi natuloy. Bakit? Dahil biglang nakatulog

    Last Updated : 2024-11-03

Latest chapter

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0228

    Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0227

    Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makasakay sa kanyang kotse. Pero bago yon ay nilingon pa muna niya ako at ngumiti.Muntik ko ng maiangat ang aking kamay para kawayan siya, buti na lang at napigilan ko ang aking sarili. Kung hindi ay nakakahiya, baka kung ano

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0226

    Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“An

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0225

    Pero sa kaso namin, ako ang tinatarget niya.“Babayaran ka daw ni Julius pag nag-anihan.” Hindi ako umaalis sa pintuan at hindi rin naman siya nagtangkang pumasok. Basta nasa tapat lang siya ng bahay namin.“Sinabi ko naman sa kanya na kailangan ko na ang pera. Papayag lang akong hindi niya muna bay

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0224

    JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyan

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0223

    “I already did at ngayon ay free na akong gawin ang kahit na ano, business or personal.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ganon din ang ginawa ko. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan at suot pa rin niya ang suot niya kanina ng makita ko siya sa fast food. Shorts na miksi

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0222

    DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakya

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0221

    DonnieNanatili ako sa Nueva Ecija at tumuloy sa isang hotel matapos kong i-suspend ang matandang manager. Mabuti na lang ay napaghandaan ko na ito kaya nakapagdala ako ng extrang gamit. Naisip ko na kasi na may something dito sa planta, managerial conflict, mga ganon and I was right.Nagconduct ako

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0220

    DonnieMaaga pa lang ay bumiyahe na ako papunta sa Nueva Ecija. Malayo iyon kaya hindi pwedeng magpatanghali kung ayaw kong abutin ng siyam siyam sa EDSA ng dahil sa traffic. Mag-isa lang ako at bahala nang tumawag si Cesar mamaya sa planta para ipaalam ang pagdating ko. But he will have to wait for

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status