Share

Kabanata 0007

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-11-02 11:14:44

Arianne

Hindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.

Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang trabaho si Victor kaya dalawa na kami ngayong intindihin ko.

Ang kaigihan lang sa lugar na ito ay isang sakay lang ng tricycle hanggang sa bahay. Maglalakad papuntang sakayan kapag palabas ngunit madali na ang pauwi.

“Sa tabi na lang ho,” sabi ko sa driver at tumigil naman sakto sa tapat ng gate namin.

“D’yan ka nakatira?” tanong ng matandang driver.

“Oho,” nakangiti kong tugon. Ayaw ko namang magsungit sa mga tagarito dahil hindi ko pa naman sila kilala. Kailangan maging mabuti ang pakikitungo ko para naman hindi nila ako bastusin or pag tangkaan ng masama lalo at bago pa lang ako rito.

Tinulungan ako ni manong sa box na dala ko ng mapansin niyang nahihirapan akong buhatin.

“Dito na lang po, salamat.”

“Walang anuman.” Nakangiting sabi ng matanda ng mailapag niya na ang box ng mga pinamili ko matapos kong buksan ang gate. Umalis na rin ito pagkatapos pero hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang tingin niya, hindi lamang sa akin, kung hindi pati na rin sa bahay.

Binuhat ko na ang box matapos kong maisara ang gate at pumasok na ako sa bahay. Ang nakakaasar ay naratnan ko ang unggoy na nasa sala habang pinatatahan pa rin ang babaeng ewan.

May utak ba itong Victor na ito? Hindi ba niya narinig ang pagdating ko at ni hindi man lang sumilip para tingnan kung may dala ba ako o wala? Tsaka, anong meron sa babae at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin? Ano yan, unli cry?

Dumiretso na lang ako sa kusina at hindi ko na sila pinansin. Maiinis lang ako kung iintindihin ko pa sila kahit na nakakagalit na ang tagpong nakikita ko.

Kanina lang ay nanggagalaiti ang unggoy dahil sa paghatid ni Donnie sa akin. Tapos ngayon ay may kayakap siyang ibang babae. Ano yon?

Habang isinasalansan ko ang mga groceries ay naririnig ko pa silang nag-uusap. “Bakit ka nag-asawa ng iba? Ang akala ko ba ay hindi mo ako papabayaan?” tanong ng babae.

Sa totoo lang ay naiinis ako sa narinig ko, pero hindi ko na pinahalata dahil baka isipin pa ng unggoy na may gusto ako sa kanya.

“Wala tayong magagawa, gusto ng ama ko eh.”

“At talagang sumama pa siya sa’yo rito? Hindi ba niya naisip na sinasakal ka niya?” tanong naman ng babae. Aba at ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino ba ang nagdala sa akin dito? At ako pa? Ako pa ang nananakal sa unggoy?

Mabilis akong kumilos upang salansanin na ang lahat dahil hindi ko na ma-take ang mga naririnig ko na sadya pa yata nilang ipinaparinig sa akin. Nang tuluyan akong makatapos ay iniwan ko na sila para pumasok sa kwarto at napansin kong tumingin pa sa akin ang unggoy.

Pagpasok ko sa kwarto ay hindi naman din ako mapakali. Sino ang babaeng iyon? Mukhang bata pa siya, siguro ay nasa bente. Ano ang kaugnayan niya kay Victor? May relasyon ba sila? No, hindi dapat mangyari sa akin ang nangyari sa nanay ko.

Arranged marriage din ang kasal namin kaya hindi malayong mangyari iyon. Kung magkaganon man ay hinding hindi ko hahayaan na saktan ako ng unggoy na yon. Over my dead and sexy body.

Kinuha ko ang laptop ko na nasa laptop bag kasama ang ilang mga documents tungkol sa aming product. Ang mabuti pa ay basahin ko na lang ang mga iyon kaysa isipin ko pa ang dalawang nasa sala.

Subsob na ako sa ginagawa ko at nagtagumpay na akong mawala sa isip ko ang unggoy ng tumawag si Candy.

“Kailan ulit tayo magkikita para ma-check natin kung okay na.” Nasabi ko na kasi sa kanya na natapos ko ng basahin ang lahat at sa palagay ko ay okay na at ready to go na ang product.

“Sige, ako naman ay any time pwede,” tugon ko.

“Siya nga pala, may pang budget ka pa ba?”

“Alam mo naman na limited lang ang pera ko at ayaw ko naman ng mag-apply ng trabaho dahil gusto kong mag-focus sa business natin.”

“Eh paano yan? Basta kung kapusin ka ay sabihin mo lang sa akin.”

“Ang pinakamabisang solution ay ang mai-launch na natin ang product. Hindi naman pwedeng umasa ako sayo. Isa pa, na-budget ko naman ang savings ko mula sa mga part time jobs ko before kaya alam kong kakasya pa ang pera ko.”

“O siya, ikaw ang bahala. Basta sinasabi ko lang na kung kailanganin mo ay nandito lang ako.”

“Okay, thank you. Kita na lang tayo.”

“Okay, bye.” Paalam niya bago na end ang aming call.

Bumalik ako sa ginagawa ko at nagulat na lang ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.

“Arianne,” tawag ng unggoy.

Nakaupo ako sa kama patalikod sa pintuan kaya hindi ko na napansin na bumukas iyon.

“What? Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko habang sinasalansan ko na ang mga papel na nasa ibabaw ng kama at inilagay na iyon sa laptop bag para hindi ko makalimutan pagpunta ko sa meeting place namin.

Nanatili siyang nakatayo at nakatingin lang sa akin. Nailagay ko naman na lahat sa bag pati na ang laptop kaya naman tumayo na rin ako mula sa kama at inilagay ang gamit ko sa loob ng aparador.

“Si Nancy kasi.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Sino naman ‘yon?”

“Yung bata sa labas.”

“Hindi na siya bata. But what about her?”

“Can she stay here? Pansamantala lang.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Pakiulit nga ng sinabi mo, para kasing nabingi ako.”

“Please naman, Arianne. Pansamantala lang habang hindi ko pa siya naihahanap ng malilipatan.”

“Dito siya pansamantala habang hindi MO pa naihahanap ng malilipatan? At ano yon, ibibili mo siya ng bahay?”

“Hindi sa ganun.”

“At ano?”

“Hayaan mo muna siyang dumito sa atin—”

“Saan mo siya balak patulugin?” tanong ko. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“Dito sa kwarto. Pareho naman kayong babae kaya okay lang na magtabi muna kayo sa kama.”

Nasisiraan na ba ng ulo ang unggoy na ‘to?
MysterRyght

Sino naman kaya si Nancy sa buhay ni Victor? Hello po! Sana ay magustuhan at suportahan niyo po ang story na ito nila Victor at Arianne. Huwag niyo po kalimutan na mag-iwan ng like, comment or gem votes at i-review niyo na rin po para magkaroon po ng chance na magka slot sa App. Maraming salamat po!

| 98
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Virginia Tanola
nice story I like it
goodnovel comment avatar
Lydia Saliwan
nakakaaliw ang story gusto ko
goodnovel comment avatar
Angelina Aragon
maganda ang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0008

    Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping t

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0009

    Ang nangyari ay si Rico na boyfriend ni Candy ang unang dumating. Isa siya sa mga kasosyo namin at mukhang sila na rin talaga ng aking best friend ang magkakatuluyan.“Nasaan na si Candy?” tanong ko habang isinasara ko ang pintuan.“Susunod na lang daw, pero baka mamaya maya pa. Alam mo naman ‘yon,

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0010

    Arianne“Baba na,” sabi ng unggoy ng makarating kami sa apartment pero hindi ako kumilos at nanatiling masama ang tingin sa kanya.“Huwag mo na akong galitin, babe.” Nanlisik ang mga mata ko dahil sa endearment na naman niya.“Huwag mo akong tawagin ng kahit na anong endearment. Isa pa, sinabi ko na

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0011

    ArianneMaaga akong gumising ng kasunod na araw. Ay, hindi pala maaga, hindi talaga ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na ‘yon! Argh!! Nakakinis!! Ano ba naman kasi talaga ang dapat kong asahan sa lasing?Ang akala kong honeymoon na namin ay hindi natuloy. Bakit? Dahil biglang nakatulog

    Last Updated : 2024-11-03
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0012

    ArianneLumipas pa ang tatlong araw at naging maayos naman ang pagsasama namin ni Victor. ‘Yun nga lang ay talagang hindi siya tumigil sa pagtawag sa akin ng babe at paghalik halik na hinayaan ko na rin dahil asawa ko naman.“Good morning, babe.” Kagaya na lang ngayong umaga. Kakagising ko lang at a

    Last Updated : 2024-11-04
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0013

    Arianne“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa lalaki. Prente itong nakaupo sa sofa at nagkibit balikat lang. Bumaling ako kay Mike na prente din sa pagkakaupo katabi ang bruhang si Sonora.“Mabuti naman at dumating ka na, maupo ka,” wika ng matanda ngunit wala akong balak gawin ang sinabi niya. Mas

    Last Updated : 2024-11-04
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0014

    “Hindi ko ipinamimigay ang asawa ko kaya manigas kayo. Kung ano ang natanggap niyo sa nangyaring kasalan namin ay makuntento kayo.”Pagkasabi ko non ay tumingin ako kay Victor na nanatili pa ring nakaupo katabi si Mikaela. “Hindi ka pa tatayo diyan?” tanong ko sa kanya ngunit hindi naman siya sumago

    Last Updated : 2024-11-04
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0015

    Arianne“Why are you telling me this, Donnie?” tanong ko kahit na parang naaalangan ako sa pwede niyang isagot dahil alam ko kung gaano ako ka pinagbabawalan ng unggoy na iwasan ang lalaking ito.“I know you’re already married to my little brother and this is inappropriate, but I can’t help it, Aria

    Last Updated : 2024-11-05

Latest chapter

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0228

    Juliette“Hindi ba at assistant ka dati ni Donnie?” tanong ni Don Damian. Nakaluwas na kami at dalawang araw pagkatapos ay kaharap na namin ang pamilya niya.“Yes po, Sir,” nag-aalangan kong sagot.“At anak niyo ang napaka-cute na bata na ‘yan?” tanong pa niya na ngiting ngiti. Mukha ngang totoo ang

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0227

    Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makasakay sa kanyang kotse. Pero bago yon ay nilingon pa muna niya ako at ngumiti.Muntik ko ng maiangat ang aking kamay para kawayan siya, buti na lang at napigilan ko ang aking sarili. Kung hindi ay nakakahiya, baka kung ano

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0226

    Juliette“Sasama ka na sa akin,” sabi ni Donnie ng makabalik na kami ng bahay. Si Julius ay tahimik lang na nakatingin sa amin.Mukhang hindi makapaniwala ang kapatid ko lalo at ang sasakyan ng lalaki ang ginamit namin kanina papunta ng barangay. Idagdag mo pa ang pagbabayad niya sa utang namin.“An

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0225

    Pero sa kaso namin, ako ang tinatarget niya.“Babayaran ka daw ni Julius pag nag-anihan.” Hindi ako umaalis sa pintuan at hindi rin naman siya nagtangkang pumasok. Basta nasa tapat lang siya ng bahay namin.“Sinabi ko naman sa kanya na kailangan ko na ang pera. Papayag lang akong hindi niya muna bay

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0224

    JulietteHindi ko inaasahan na makita ang lalaking ito. Alam kong nandito ang planta ng kumpanya ngunit alam ko rin na hindi naman ito nabibisita ninuman sa mga matataas ang katungkulan sa main office.“Let’s hear it,” sabi niya ulit.Ano ba ang nakain niya para alukin ako ng kasal? Wala naman siyan

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0223

    “I already did at ngayon ay free na akong gawin ang kahit na ano, business or personal.”Hindi siya umimik at nanatiling nakatingin lang sa akin kaya ganon din ang ginawa ko. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan at suot pa rin niya ang suot niya kanina ng makita ko siya sa fast food. Shorts na miksi

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0222

    DonnieSinundan ko si Juliette hanggang sa tumigil ang tricycle sa isang bungalow style na bahay na may bakuran. Walang gate although may nakaabang na dalawang maliit na poste para doon. Nakita ko ng pumasok doon ang babae dala ang take-out food niya from the fast food.Nanatili ako sa aking sasakya

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0221

    DonnieNanatili ako sa Nueva Ecija at tumuloy sa isang hotel matapos kong i-suspend ang matandang manager. Mabuti na lang ay napaghandaan ko na ito kaya nakapagdala ako ng extrang gamit. Naisip ko na kasi na may something dito sa planta, managerial conflict, mga ganon and I was right.Nagconduct ako

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0220

    DonnieMaaga pa lang ay bumiyahe na ako papunta sa Nueva Ecija. Malayo iyon kaya hindi pwedeng magpatanghali kung ayaw kong abutin ng siyam siyam sa EDSA ng dahil sa traffic. Mag-isa lang ako at bahala nang tumawag si Cesar mamaya sa planta para ipaalam ang pagdating ko. But he will have to wait for

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status