Share

Kabanata 0006

Author: MysterRyght
last update Huling Na-update: 2024-11-01 13:14:14

Arianne

“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.

“Hindi.”

“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong balak sagutin siya dahil mukhang hindi rin naman niya ako papaniwalaan. Kinuha ko ang dalawang maleta at naglakad papunta sa kwarto ngunit pinigilan niya ako.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit niyang sabi na ikinainis ko. Pumiksi ako dahil hinawakan niya ako sa braso at ang higpit non.

“Nasasaktan ako!” reklamo ko. “At ano ba ang gusto mong sabihin ko? Sinabi ko na hindi siya ang importanteng pinuntahan ko. Hindi mo ba nakita ang mga dala ko?” inis kong tugon.

“Exactly. Gamit mo ang dala mo, ibig sabihin galing ka sa inyo. So ano ang dahilan at magkasama kayo ngayon?” galit pa rin niyang tugon.

“Nadatnan ko na siya sa bahay nila Mr. Aragon. At walang sasakyan na nagdadaan sa subdivision kaya nag magandang loob yung tao na ihatid ako.”

“Nag magandang loob? Hindi marunong si Donnie ng ganun. Mag-ina silang walang pakialam sa kahit na kanino.” Wala naman din akong pakialam doon, pero dahil nga sa tinulunggan ako ng tao kahit na pakitang tao lang ay kailangan ko pa ring magpasalamat na hindi maintindihan ng unggoy na ito.

“Concern sila sa akin. Pinapunta daw siya ng Mommy niya kila Mr. Aragon para alamin kung okay lang ako.” Nauubos na ang pasensya kong sagot.

“Bakit ba Mr. Aragon ka ng Mr. Aragon dyan?”

“Dahil ayaw ko siyang tawaging ama. Dahil wala akong amang kagaya niya!” Sigaw ko at hindi na siya nakaimik. Pero dahil naisip ko na ayaw ko ng away at hindi maganda na lagi na lang kaming ganito ay sinikap kong kumalma.

“Tsaka na tayo mag-usap kapag pareho ng malamig ang mga ulo natin.”

“Malamig ang ulo ko at mas lalong hindi ako galit sayo. Ikaw itong mainit ang ulo na nakasigaw agad,” sabi niya sabay talikod. Naiwan akong nakanganga dahil ang lumabas pa ay ako ang basta nagalit ng walang dahilan.

“Argh!!! Nakakagigil!!!” inis kong sigaw at tsaka nagpatuloy na sa pagpasok sa silid para ayusin ang mga gamit kong naisalba ni Manang Lina.

Inisa-isa ko ang mga damit at puro naman mga sinusuot ko ang nakuha niya. Mabuti naman at may pwesto pa para sa akin sa closet at sa tingin ko ay kasya naman ang mga gamit ko.

Nang mailagay ko na ang lahat ay dumapo ang tingin ko sa nag-iisang larawan namin ng nanay ko na magkasama. Laking pasalamat ko at nailigtas pa iyon kaya kahit papaano ay may alaala pa rin niya akong makikita.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha ng maalala ko kung paano tratuhin ni Mike Aragon ang napakabait kong ina.

Lumaki ako na nakikitang sinisigawan ng aking ama ang aking ina na ni minsan ay hindi ko nakitang umiyak. Palagi siyang nakangiti sa tuwing kakausapin ako kasabay ang paghingi ng sorry dahil wala siyang magawa sa tuwing pinapagalitan din ako ng aking ama.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ako pinag-aral ng ama ko. Pero may palagay si Manang Lina na dahil iyon sa nanay ko. Iniisip niya na pinakiusapan niya ang tatay ko para lang patapusin or pag-aralin ako. Pero kahit ganon ay hindi nag tanong ni minsan man ang tatay ko ng tungkol sa akin o sa pag-aaral ko.

Magkaiba ang school namin ni Mikaela. Doon siya sa mamahalin at isa pa, ayaw niyang makasama ako sa iisang paaralan. Sa akin ay okay lang din ‘yon. Mas gusto ko nga actually dahil nakakakilos ako ng maayos. Hanggang sa makatapos ako ay wala man lang sinabi si Mike Aragon.

Muli ay tinignan ko ang larawan ng aking ina. Ayaw ko ng alalahanin pa ang mga pinagdaanan niya o naming dalawa sa kamay ng pamilyang ‘yon. Sobrang sama nila.

Binuksan kong muli ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko at tsaka inilagay ang larawan doon. Para sa akin ay kayamanan ko ng maituturing iyon kaya dapat kong pag-ingatan.

Pagkasara ko ng closet ay humarap ako sa pintuan kasabay ang pagpahid ng aking luha at nakita kong nakatayo roon si Victor.

“Kanina ka pa dyan?” tanong ko.

“Kakadating lang,” tugon niyang walang kahit na anong expression.

“Anong kailangan mo?” Lumakad na ako palapit sa pintuan kung saan siya nakatayo para lumabas din ng silid. Naalala kong bibili pa nga pala ako ng mga groceries.

“Ayaw kong makikita ka na kasama ang Donnie na ‘yon.” Namasahe ko ang aking sentido dahil sa sinabi niya. “Bakit, ayaw mo akong sundin?”

“Alam mo, ikaw na ang bahala. Basta ang sinasabi ko lang ay hindi sinasadya ang pagkikita namin. Kung kakatagpuin ko siya intentionally ay hindi mangyayari iyon dahil ayaw kong madamay pa sa drama ng pamilya niyo dahil kotang kota na ako sa sarili kong pamilya.”

Pagkasabi ko noon ay naalala kong kunin ang purse ko at cellphone. “Saan ka na naman pupunta?” tanong niyang kunot ang noo.

“Lalabas, bibili ng groceries at laman ng ref mo.”

“Huwag na, ako na ang bahala doon.”

“Saan ka kukuha ng pera? May trabaho ka?”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Ano naman ang kinalaman ng tiwala ko sa pagtatanong ko kung may trabaho ka or kung saan ka kukuha ng pambili?”

“Hindi ba tayo pwedeng mag-usap ng maayos?” tanong niyang nayayamot na naman.

“Ako pa talaga ang tinanong mo niyan?”

“Dahil ikaw itong ang daming sinasabi.”

“Ano naman ang sinabi ko? Sana kung nagtanong ako ay sumagot ka para wala na tayong usapan ngayon.”

“At kung sabihin kong wala akong trabaho, ano sayo ngayon?”

“Eh di manahimik ka at hayaan mo akong umalis dahil maggo-grocery nga ako.”

“Ikaw rin lang ang may gustong gumastos eh di sige, ikaw na ang mamili.” Humalukipkip siya at napa-iling na lang ako tsaka ko siya nilagpasan na at naglakad papunta sa pintuan palabas.

Paglabas ng pintuan ay may gate pa. May rehas na bakal ang harapan ng apartment na kasya ang dalawang motor. Pwede rin iyong gamitin na labahan lalo at maliit ang banyo. At dahil naisip ko ang labahan ay napapikit ako. Walang washing machine. Tsaka ko na nga lang iisipin iyon.

Bubuksan ko na ang gate ng unahan ako ni Victor. “Anong ginagawa mo?” tanong ko ng makalabas na ako matapos niya iyong buksan para sa akin at inakala kong gentleman din pala siya.

“Sasamahan kita.”

“Bakit?” tanong ko.

“Alam mo ba kung saan ka mamimili?”

“Mukha ba kong engot?” patanong kong sagot tsaka nagsimula ng maglakad.

“Kailangan ba talaga ay sarcastic ka?”

“Hindi ako sarcastic at kaya kong mag-isa kaya hindi ko kailangan ng alalay.”

“Ang gwapo ko namang alalay.” Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napatigil sa paglakad at tinignan siya. Tumigil din siya at tumingin sa akin. Lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin ng ngitian niya ako na hindi ko malaman kung bakit nakaramdam ako ng kakaiba kaya naman hindi na ako nagsalita at tinalikuran na siya.

Nasa pilahan na kami ng tricycle ng makasalubong namin ang isang babaeng umiiyak at agad na yumapos sa unggoy. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman or magiging reaksyon ko, dahil hindi ko naman akalain na mangyayari ang ganito.

“Iuwi mo na ako sa inyo, Vic. Ayaw ko na sa bahay, magsama na tayo…” sabi ng babae habang humahagulgol ng iyak.

Ano daw?
MysterRyght

Hi!!! Sana po ay suportahan niyo po ang story na ito nila Victor at Arianne. Mag-iwan naman po kayo ng like at comment at kung may gems po kayo ay pa-vote na rin. Maraming salamat!!!

| 99+
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
natatawa talaga ako sa unggoy HAHAHA nakakatuwa sila
goodnovel comment avatar
Minda Dela Cruz
nice story
goodnovel comment avatar
Lilibeth Loja Penoscas
ng uumpisa plng po mgbasa pero palagay q maganda ang kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0007

    ArianneHindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0008

    Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping t

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0009

    Ang nangyari ay si Rico na boyfriend ni Candy ang unang dumating. Isa siya sa mga kasosyo namin at mukhang sila na rin talaga ng aking best friend ang magkakatuluyan.“Nasaan na si Candy?” tanong ko habang isinasara ko ang pintuan.“Susunod na lang daw, pero baka mamaya maya pa. Alam mo naman ‘yon,

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0010

    Arianne“Baba na,” sabi ng unggoy ng makarating kami sa apartment pero hindi ako kumilos at nanatiling masama ang tingin sa kanya.“Huwag mo na akong galitin, babe.” Nanlisik ang mga mata ko dahil sa endearment na naman niya.“Huwag mo akong tawagin ng kahit na anong endearment. Isa pa, sinabi ko na

    Huling Na-update : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0011

    ArianneMaaga akong gumising ng kasunod na araw. Ay, hindi pala maaga, hindi talaga ako halos nakatulog dahil sa kakaisip sa unggoy na ‘yon! Argh!! Nakakinis!! Ano ba naman kasi talaga ang dapat kong asahan sa lasing?Ang akala kong honeymoon na namin ay hindi natuloy. Bakit? Dahil biglang nakatulog

    Huling Na-update : 2024-11-03
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0012

    ArianneLumipas pa ang tatlong araw at naging maayos naman ang pagsasama namin ni Victor. ‘Yun nga lang ay talagang hindi siya tumigil sa pagtawag sa akin ng babe at paghalik halik na hinayaan ko na rin dahil asawa ko naman.“Good morning, babe.” Kagaya na lang ngayong umaga. Kakagising ko lang at a

    Huling Na-update : 2024-11-04
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0013

    Arianne“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa lalaki. Prente itong nakaupo sa sofa at nagkibit balikat lang. Bumaling ako kay Mike na prente din sa pagkakaupo katabi ang bruhang si Sonora.“Mabuti naman at dumating ka na, maupo ka,” wika ng matanda ngunit wala akong balak gawin ang sinabi niya. Mas

    Huling Na-update : 2024-11-04
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0014

    “Hindi ko ipinamimigay ang asawa ko kaya manigas kayo. Kung ano ang natanggap niyo sa nangyaring kasalan namin ay makuntento kayo.”Pagkasabi ko non ay tumingin ako kay Victor na nanatili pa ring nakaupo katabi si Mikaela. “Hindi ka pa tatayo diyan?” tanong ko sa kanya ngunit hindi naman siya sumago

    Huling Na-update : 2024-11-04

Pinakabagong kabanata

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0193

    Arianne“And what the fuck are you doing here?” galit na tanong Victor sa lalaking bagong dating. Kagaya ni Erik kanina ay kunot din ang noo niya ng tumingin sa akin na tila naghahanap ng sagot. “Huwag na huwag mong matingnan tingnan ang asawa ko. Babe, just look at me.”“He has temporary amnesia.”

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0192

    Arianne“Buti nandito ka, did you know?” excited na tanong ni Victor pagkakita kay Erik na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya habang iiling-iling naman ako. “But why do you look old?”“Umayos ka pare at pagod ako,” tugon naman ni Erik na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng hospital bed n

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0191

    Arianne“What do you mean?” tanong ko. Nalilito ako, bakit niya tinatanong kung sino ako? Hindi ba niya ako natatandaan?“Why are you calling me babe?”“Dahil babe kita,” sabi ko naman. Tapos ay pumasok na ang doktor kasunod si Candy na tumabi na agad sa akin.“Doc, why is he asking me kung sino ako

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0190

    ArianneNakatulog ako agad pero naramdaman ko na lang na tila may kumakaluskos sa paligid kaya naman agad akong napabangon.“Victor!’ sabi ko ng makita ang aking asawa na nakahiga na sa kabilang hospital bed habang paalis ang sa tingin ko’y doktor at nurse. Agad akong bumangon ngunit mabilis din ako

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0189

    Arianne“Please save my husband, doc.”“Kami na po ang bahala sa kanya.” Mabilis ng itinulak ng ilang nurses at doktor ang gurney kung saan nakahiga si Victor.Naramdaman ko naman ang kamay ni Erik sa aking balikat at inalalayan na ako para makasunod kami sa emergency room kung saan dadalhin ang aki

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0188

    ArianneGrabeng takot ang naramdaman ko ng paglingon ko sa aking kanan ay masilaw ako sa napakalakas na ilaw na nagmumula sa malaking truck. Hindi ko alam pero may palagay akong kami talaga ang tinutumbok niya dahil ng mapansin ko ang mabilis na pagpapatakbo ni Victor para malagpasan iyon ay parang

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0187

    Victor“Are you okay, babe?” tanong ko kay Arianne. Gusto ko sanang mag-stay doon dahil gusto kong personal na makita kung paano mahuli ang mga lalaking iyon. Gusto kong personal na makita kung paano sila managot sa pananakot sa asawa ko.Isa pa, paano si Sophia? Kawawa naman ang babae na nadamay pa

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0186

    VictorMukhang patayan kung patayan ang gustong mangyari ng lalaki. Kalmado ito na parang alam na alam na talaga nila ang kanilang gagawin.“Victor!” patuloy na sigaw ni Arianne habang hinihila na siya ng lalaki. Nag-aalala na ako, hindi lang para sa kanya kung hindi para sa aming anak.Napakakompli

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0185

    VictorHindi ko nasalo si Sophia dahil bigla na lang itong natumba. Tutulungan ko na sana siya ng mapansin ko ang lalaking may kutsilyo at uunday na naman ng panibagong saksak na agad kong nailagan at nahawakan ang kanyang kamay.“Victor!” sigaw ni Arianne na ikinatakot ko dahil baka mamaya ay siya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status