Share

Ang Husband kong Hoodlum
Ang Husband kong Hoodlum
Author: MysterRyght

Kabanata 0001

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-10-30 00:16:34

Arianne

Nanggigigil na ako sa inis dahil 30 minutes na akong naghihintay ay wala pa rin ang lintik na Victor Monteclaro na 'yon. Nagbubulungan na ang mga bisita at kitang-kita ko ang pagkakangisi ni Mikaela, ang half sister ko na siyang dapat nasa kalagayan ko ngayon. Talagang nililingon pa niya ako. Nakaupo siya sa hilera ng upuan ng aking ama at ng kanyang kabit na ina ng hitad. Hindi ko na lang siya pinaglaanan ng aking panahon at nag-concentrate na lang ako sa pag-ipon ng pasensya para sa aking groom na may palagay akong nanadya dahil ayaw din niyang magpakasal.

Pakiramdam ko ay inuugat na ako sa pagtayo sa likod lang ng arkong dadaanan ko kapag nagsimula ng tumugtog ang wedding march.

Ang aga-aga at araw ng kasal ko. Siguro, dahil malas ako sa pagkakaroon ng amang meron ako ngayon ay mukhang minalas din ako sa mapapangasawa. Konting konti na lang at talagang aalis na ako't bahala na sila sa buhay nila.

Nang sa tingin ko ay sobra na ang paghihintay ko ay nagdesisyon na akong iwan ang lugar kaya naman tumalikod na ako at nagsisimula ng humakbang palayo ng biglang may pumigil sa akin.

“Hindi pa nga nagsisimula ang kasal natin ay aalis ka na agad?” sabi ng isang lalaking nakangisi. Nagtaka ako kung sino siya kaya naman tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Balbas sarado ito. 'Yong tipong hindi ko makilala ang mukha. Hindi man lang nag-ahit, nagmukha tuloy unggoy. Nakasuot siya ng maong pants, white na rubber shoes at white rin ang v-neck t-shirts niya na pinatungan ng maong na jacket.

Mayroon din itong hikaw sa kanang tenga niya at kwintas na parang pang-military. Napansin ko rin na medyo may cut siya sa bandang kilay na hindi naitago ng suot niyang shades. Ang buhok niya na hanggang balikat ay nakapusod ang kalahati. Anong feeling nito, pogi siya sa ganung ayos niya? Pwes, mukha talaga siyang unggoy.

“Satisfied? Nakapasa ba ako bilang groom mo?” tanong niya na akala mo talaga ay ang pogi niya. Sa totoo lang ay gusto ko siyang sagutin ngunit may pakiramdam akong walang mangyayari base na rin sa pagkakangisi niya sa akin na akala mo ay laro lang ang lahat ng nangyayari sa amin.

“Talagang inuna mo ang basag ulo kaysa sa kasal natin?” Inis kong tanong na lang para malaman din naman niya na hindi maganda ang ginawa niya. Kung ayaw niya sa kasal na ito ay mas lalong ayaw ko.

“Huwag kang mag-alala nandito na ako at makukuha na ng pamilya mo ang perang kailangan niyo,” maaskad niyang tugon ng hindi inaalis ang nakakainis na ngisi. Kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin pero hindi nakakaakit dahil alam ko naman na nang-uuyam siya.

Nainis din ako sa sinabi niya dahil ibigay man ng pamilya niya sa pamilya ko ang lahat ng yaman nila ay wala naman ni isang kusing na mapupunta sa akin. Tapos ako ang sasalo ng panlalait ng mga Monteclaro at ng mga feeling entitled and privileged na nagpapanggap na kaibigan at close sa pamilya nila. Great!

Hindi na siya sumagot at kinuha niya ang aking kamay tsaka pumwesto sa ilalim ng arko bago ko narinig ang tunog ng wedding march. Imbis na hintayin niya ako ay heto at parang ihahatid niya ako sa altar ang dating namin.

Pagdaan namin sa pwesto nila Dad ay napansin ko ang pagkainip sa kanyang mukha katabi ang tila naaalibadbaran na itsura ni Sonora. Si Sonorang shubit.

Tumigil kami sa harapan ng ewan ko kung abogado ba ito or what, hindi din naman kasi mukhang pari. Garden wedding. Yan ang klase ng kasal na gusto ko. Natupad naman, hindi nga lang kagaya ng inaasahan ko.

Wala ang saya, kilig at pagmamahal. Ito na siguro ang tadhana ko dahil pagkabuo ko pa lang ay hindi na tama.

“Before anything else ay gusto ko munang malaman kung sino ang papakasalan ko.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ng unggoy na kaharap ko.

Hindi na ako naka-react ng bigla niyang iangat ang belo ko. “Shit, hindi naman ikaw si Mikaela.”

Tumingin siya kung saan naroroon ang aking ama at ang pamilya niya bago ibinaling ang tingin sa ama niyang si Don Damian. “Ano ‘to, Dad? Baka hindi ko makuha ang mamanahin ko dahil hindi naman ito ang anak ni Mr. Aragon tapos sila ay makukuha nila ang bayad mo sa kanila. ”

Nagbulungan ang mga tao dahil sa sinabi niya. Hiyang-hiya ako dahil talagang ipinagsigawan pa niya ang dahilan ng pagpapakasal namin.

“Anak ko siya, Victor,” mabilis na sagot ng aking ama.

“Talaga lang ha?” sagot naman ng sanggano bago tumingin sa akin. “Totoo ba?”

“Unfortunately, yes.” Nagsimula ulit ang bulungan kasabay ang pagtawa ng unggoy.

“Counted ba ito, Dad? Where's the attorney? Baka mamaya ay ito ang gagawing dahilan ng asawa mo para hindi ibigay sa akin ang mana ko. Baka mamaya ay magulat na lang ako at sabihing hindi rin valid ito.” Kumulo ang dugo ko sa sinabi ng unggoy na ito. Tapos pagtingin ko pa sa kinauupuan ng tatay ko at ng mag-ina niyang haliparot ay nakangisi ang mga ito sa akin.

“Atty. Benavidez,” sigaw ng matandang don.

“Yes, Don Damian?”

“Assure this bastard na valid ang kasal nila.” Nasaktan ako para sa unggoy pero ng tignan ko siya ay nakangisi pa nga.

“Anong pangalan mo?” tanong sa akin ng attorney na parang tinatamad. Ang lakas ng loob ipakita sa amin ang ganong asal gayong bayad naman siya para magtrabaho. Ipupusta ko ang talino ko na wala pang kasong naipanalo ito kahit na isa.

“Arianne De Castro, surname ng nanay ko ang gamit ko.”

“I hereby testify that the marriage between Victor Monteclaro and Arianne De Castro is lawful, binding and valid,” walang kabuhay buhay na sabi pa ng attorney na sigurado akong pulpol.

“Ayan, yan lang naman ang gusto kong malaman.” Pagkasabi ng unggoy na si Victor 'yon ay nagpalakpakan ang mga lalaking nasa likurang bahagi ng pagtitipon na malamang ay mga kaibigan niya tsaka nagsimula na ang officiating officer na magsalita ng kung anu-ano.

Wala akong naintindihan sa kung anumang pinagsasasabi ng nasa harapan namin, basta nalaman ko na lang na may singsing na sa aking mga daliri at nagulat na lang ako ng biglang hinapit ako ng unggoy na si Victor at tsaka hinalikan.

Nanlaki ang aking mga mata dahil first time ko iyon at mas lalong hindi ako handa!
Comments (8)
goodnovel comment avatar
JADE DELFINO
ang shubit ang bet kong salita HAHAHA
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
maganda pooooo
goodnovel comment avatar
Rose Montanez
...️...️...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0002

    Arianne “Welcome sa ating mansyon!” Umikot ang mga mata ko sa sinabi ng unggoy na si Victor pagpasok namin sa kanyang maliit na tirahan. “Bakit, ang akala mo ba ay sa mansyon ka talaga ng mga Monteclaro titira?” “Wala akong pakialam kung saan ako nakatira, kaya ko ang sarili ko.” Hindi naman ako

    Last Updated : 2024-10-30
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0003

    Arianne Pagdilat ng aking mga mata ay napakagaan ng aking pakiramdam. Paglapat ng likod ko sa kama matapos kong maligo kagabi ay wala na akong namalayan na kahit na ano. Nagtangka akong bumangon ngunit may mabigat na kung anong pumigil sa akin para magawa ko iyon. Nang tignan ko ay kamay pala. Ina

    Last Updated : 2024-10-30
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0004

    Arianne Pulang pula ang mukha ko habang nakaupo ako. Magkaharap kami sa dining table at nagkakape siya. Aalis na ako ngunit hindi siya pumayag na hindi ko siya samahan sa pagkakape. “Bilisan mo naman at may lakad pa ako.” Hindi ko na napigilan ang pagkainis dahil parang nananadya pa ito habang hum

    Last Updated : 2024-10-30
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0005

    AriannePaglabas ko ng main door ay lumigid ako sa likod. Baka may alam ang mga kasambahay kung saan nailagay ang mga gamit ko kaya tatanungin ko sila.Dahil sa sama ng ugali ng pamilyang iyon ay malapit naman ako sa mga katulong. “Sabi ko na nga ba at babalikan mo ang mga gamit mo eh.”Ngumiti ako

    Last Updated : 2024-11-01
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0006

    Arianne“Siya ba ang importanteng sinabi mo na aasikasuhin mo?” tanong ni Victor ng makapasok na kami ng bahay.“Hindi.”“Bakit kayo magkasama? At talagang nagpahatid ka pa rito? Para ano? Para ipakita na mas nakalalamang siya sa akin?” sunod sunod niyang tanong. Napailing na lang ako at wala akong

    Last Updated : 2024-11-01
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0007

    ArianneHindi na sumama sa akin ang unggoy at ang babaeng iyon na ang inasikaso niya. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na supermarket.Hindi naman ganun karami ang mga binili ko dahil ayaw ko rin namang gumastos ng gumastos dahil limited edition lang din ng budget ko. Isa pa, walang

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0008

    Arianne“Kung ikaw nga ayaw kong katabi, ano naman ang naisip mong gusto kong katabi ang Nancy mo?”“Nakikiusap lang naman ako sa’yo na kung pwede."“Pwes, hindi pwede.” Nagsukatan kami ng tingin. Hindi ako magpapatalo sa kanya dahil alam ko naman kung ano ang karapatan ko.“Arianne,” nagtitimping t

    Last Updated : 2024-11-02
  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0009

    Ang nangyari ay si Rico na boyfriend ni Candy ang unang dumating. Isa siya sa mga kasosyo namin at mukhang sila na rin talaga ng aking best friend ang magkakatuluyan.“Nasaan na si Candy?” tanong ko habang isinasara ko ang pintuan.“Susunod na lang daw, pero baka mamaya maya pa. Alam mo naman ‘yon,

    Last Updated : 2024-11-02

Latest chapter

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0193

    Arianne“And what the fuck are you doing here?” galit na tanong Victor sa lalaking bagong dating. Kagaya ni Erik kanina ay kunot din ang noo niya ng tumingin sa akin na tila naghahanap ng sagot. “Huwag na huwag mong matingnan tingnan ang asawa ko. Babe, just look at me.”“He has temporary amnesia.”

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0192

    Arianne“Buti nandito ka, did you know?” excited na tanong ni Victor pagkakita kay Erik na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya habang iiling-iling naman ako. “But why do you look old?”“Umayos ka pare at pagod ako,” tugon naman ni Erik na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng hospital bed n

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0191

    Arianne“What do you mean?” tanong ko. Nalilito ako, bakit niya tinatanong kung sino ako? Hindi ba niya ako natatandaan?“Why are you calling me babe?”“Dahil babe kita,” sabi ko naman. Tapos ay pumasok na ang doktor kasunod si Candy na tumabi na agad sa akin.“Doc, why is he asking me kung sino ako

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0190

    ArianneNakatulog ako agad pero naramdaman ko na lang na tila may kumakaluskos sa paligid kaya naman agad akong napabangon.“Victor!’ sabi ko ng makita ang aking asawa na nakahiga na sa kabilang hospital bed habang paalis ang sa tingin ko’y doktor at nurse. Agad akong bumangon ngunit mabilis din ako

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0189

    Arianne“Please save my husband, doc.”“Kami na po ang bahala sa kanya.” Mabilis ng itinulak ng ilang nurses at doktor ang gurney kung saan nakahiga si Victor.Naramdaman ko naman ang kamay ni Erik sa aking balikat at inalalayan na ako para makasunod kami sa emergency room kung saan dadalhin ang aki

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0188

    ArianneGrabeng takot ang naramdaman ko ng paglingon ko sa aking kanan ay masilaw ako sa napakalakas na ilaw na nagmumula sa malaking truck. Hindi ko alam pero may palagay akong kami talaga ang tinutumbok niya dahil ng mapansin ko ang mabilis na pagpapatakbo ni Victor para malagpasan iyon ay parang

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0187

    Victor“Are you okay, babe?” tanong ko kay Arianne. Gusto ko sanang mag-stay doon dahil gusto kong personal na makita kung paano mahuli ang mga lalaking iyon. Gusto kong personal na makita kung paano sila managot sa pananakot sa asawa ko.Isa pa, paano si Sophia? Kawawa naman ang babae na nadamay pa

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0186

    VictorMukhang patayan kung patayan ang gustong mangyari ng lalaki. Kalmado ito na parang alam na alam na talaga nila ang kanilang gagawin.“Victor!” patuloy na sigaw ni Arianne habang hinihila na siya ng lalaki. Nag-aalala na ako, hindi lang para sa kanya kung hindi para sa aming anak.Napakakompli

  • Ang Husband kong Hoodlum   Kabanata 0185

    VictorHindi ko nasalo si Sophia dahil bigla na lang itong natumba. Tutulungan ko na sana siya ng mapansin ko ang lalaking may kutsilyo at uunday na naman ng panibagong saksak na agad kong nailagan at nahawakan ang kanyang kamay.“Victor!” sigaw ni Arianne na ikinatakot ko dahil baka mamaya ay siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status