Tahimik siyang tumango, pero ramdam ko pa rin ang pag-aalangan niya. Pagdating namin sa bahay ng pamilya niya, bumungad sa amin ang isang di katandaang babae —ang Mommy Claire ni Tara. Nang makita niya si Tara, agad siyang napaiyak. “Tara…” mahina niyang tawag. Halos manginig si Tara sa kinatatayuan niya. “Mommy…” Sa isang iglap, nagyakapan silang mag-ina, at doon tuluyang bumigay ang luha ni Tara. “Patawarin mo ako, Mama…” bulong niya habang umiiyak. “Anak, Tara…. Bakit ngayon ka lang nagpakita saming lahat? Kamusta ka na? Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka namin makita?” nag-aalalang tanong ni Tita Claire. Tahimik lang akong nakatayo sa gilid, pinapanood silang nagkakabalikan. Sa sandaling iyon, napagtanto kong tama ang naging desisyon namin—ang ayusin ang lahat ng hindi pagkakaunawaan, ang muling bumangon mula sa nakaraan. Pagkapasok namin sa loob ng bahay, ramdam ko ang tensyon sa hangin. Tahimik si Tara, halatang pinipigilan ang kaba at takot na bumabalot sa kanya.
Huling Na-update : 2025-02-02 Magbasa pa