Napakuyom ako ng kamao. "Kerry, hindi kita gustong saktan. Pero ito ang totoo. Anak ko si Leo. Anak namin siya ni Drake. May karapatan akong makuha siya—" "ANONG KARAPATAN?!" muli niyang sigaw. Nanginginig na siya sa galit, at halos gusto na niyang lumapit para itulak ako. Biglang sumingit si Drake, ang boses niya mababa pero puno ng awtoridad. "Kerry, alam kong mahirap itong tanggapin. Pero hindi natin maitatanggi ang katotohanan." Lalo lang umigting ang galit ni Kerry. "HINDI! HINDI! HINDI! Sa mata ng batas, si Leo ay anak namin! Kami ang nagpalaki sa kanya! Wala kayong karapatan ni Drake na basta na lang siyang bawiin!" Ramdam ko ang pag-init ng dugo ko. Hindi ko na kaya. "Hindi mo ba naiisip kung gaano kahirap sa akin ang mawalan ng anak?" Mabilis kong pinunasan ang luha sa mata ko, pero patuloy ito sa pagtulo. "Kerry, ikaw ang kakambal ko! Ikaw dapat ang mas nakakaunawa sa akin! Pero bakit parang gusto mo akong alisan ng karapatan sa sarili kong anak?!" Napaurong si K
Si Leo—ang anak ko. Si Leo—ang dahilan kung bakit nakaupo ako ngayon sa harap ng kakambal kong si Kerry, sa isang pribadong restaurant kung saan dapat ay magkakaroon kami ng maayos na pag-uusap. Pero paano kami magkakaintindihan kung ang pinakamahalagang katotohanan ay hindi niya matanggap? Na ang batang inalagaan niya, minahal niya, tinuring niyang sarili niyang anak—ay ako ang tunay na ina. At si Erwin, ang demonyong lalaking nagwasak ng buhay ko, ang may pakana ng lahat. Ninakaw niya ang anak ko at iniwan sa pintuan ng bahay ng mismong kakambal ko. Sinadya niyang guluhin kami, wasakin ang pamilya namin. Ginawa niya ito hindi lang upang saktan ako, kundi upang paglaruan kami ni Kerry. At masasabi kong nagtagumpay siya sa mga plano niya ng dahil sa matinding selos niya kay Drake na siya naman mismo ang may kagagawan. At ngayon, nandito ako, humaharap sa kapatid kong sarado ang isip para pag usapan ang anuman tungkol kay Leo. Pagdating namin sa restaurant, halos hindi pa
Pero mahalaga si Leo. Siya ang anak ko. Hindi ko hahayaang maging permanente ang pagkakawalay niya sa akin. Kaya sa halip na ipagpatuloy ang diskusyon na alam kong hahantong lang sa mas matinding bangayan, bumuntong-hininga ako at piniling bumalik sa nakaraan. Isang nakaraan kung saan wala pang away, wala pang sakit—panahong kaming dalawa ni Kerry ay magkakampi laban sa mundo. “Naalala mo ba,” mahina kong simula, “’yung araw na nagtago tayo sa ilalim ng hagdan kasi ayaw nating matulog sa tanghali?” Nakita kong napakunot ang noo niya, halatang naguguluhan sa biglang pagbabago ng usapan. Tiningnan ko siya, inaasahan na hindi niya ito papatulan. Pero ilang saglit lang, at nakita ko ang bahagyang pagkalma ng kanyang mukha. “Anong… anong araw?” tanong niya, may bahagyang alinlangan sa boses. Napangiti ako, kahit na pakiramdam ko’y may mabigat na batong bumara sa lalamunan ko. “’Yung araw na nagtiyaga tayong umupo sa ilalim ng hagdan nang halos isang oras,” sagot ko, pilit n
TARA POVNasa harap ko si Leo, abala sa pagsulat ng kung anong nasa notebook niya. Ilang buwan na ang lumipas simula nang magsimula ang joint custody namin ni Kerry. Sa umpisa, mahirap para sa akin—nakikita ko siya, pero hindi ko siya lubos na makasama. Alam ko na sa tuwing nasa bahay namin siya ay nasa puso pa rin niya ang Mommy Kerry niya. Hindi ko masisisi ang anak ko dahil lumaki siya ng kasama sila Kerry kaya malaking adjustment din ang nangyari sa kaniya. Hindi din niya lubusang naiintindihan ang sitwasyon dahil hindi pa namin nasasabi ang katotohnan. Nakiusap ako noon kay Kerry na wag muna naming sabihin ang totoo sa bata para hindi siya mabigla. Kailangan kong maghintay, kailangan kong magpakahinahon. Pero ngayon, alam kong panahon na.“Kerry i think, it’s time . Leo deserves to know the truth. nahihirapan na din kasi akong magpaliwanag sa kaniya sa mga tanong niya sa akin.” Mahinahon kong sabi sa kakambal ko.Napatingin ako sa kaniya na nakaupo sa tabi ko. Tahimik lang siy
Hanggang sa umangat ang kamay niya, at siya naman ang yumakap kay Kerry.“Ikaw pa rin po ang mommy ko,” mahina niyang sabi. “Kahit si Mommy Tara ang tunay kong mommy… kayo pa rin po ang nagpalaki sa akin.”Doon ko nakita ang pagpatak ng mas marami pang luha sa mata ni Kerry.Mahigpit niyang niyakap si Leo, parang hindi kayang bumitiw. “Salamat, anak…”At sa sandaling iyon, alam kong naintindihan na ni Leo ang lahat.Hindi man perpekto, hindi man madali…Pero unti-unti, magsisimula kaming buuin ang pamilya namin.Ng buo.At ng walang kasinungalingan.Bagong Pagsisimula sa Pamilya namin.AFTER A MONTHMabilis na nakapag-adjust si Leo sa amin, at pakiramdam ko ay isa na siyang bahagi ng pamilya. Hindi na siya yung batang hindi alam ang katotohanan, at sa kabila ng lahat ng nagdaang hirap at takot, nakita ko sa kanya ang isang batang puno ng pangarap at tapang. Si Kerry, ang kakambal ko, ay naging higit pang sandigan sa kanya. Lalo na nang malaman ni Leo ang katotohanan tungkol sa kanya—n
FRANCES POVKaperahas na eksena magmula pa pagkabata ko. Heto na naman ako, nakasilip ako mula sa siwang ng pintuan ng aking kwarto, dahan-dahan, ingat na ingat na hindi ako mahuhuli.At heto na naman siya.Si Kuya Arthur.Parang may sariling spotlight ang mukha niya habang nakaupo sa sofa ng aming sala habang abalang nakikipagkwentuhan kay Kuya Frank. Suot niya ang kaniyang itim na leather jacket na bagay na bagay sa kaniyang matipunong katawan. Hindi ko alam kung ako lang, pero parang ang sarap niyang titigan nang matagal.Wala akong pakielam kahit hindi niya ako pansinin. Higit na sa isang dekadang siya ang pinapangarap ko. Palagi ko siyang napapanaginipan na siya ang napang-asawa ko. Kahit na dilat ang mga mata ko, napapanaginipan ko at maliwanag kong nakikita ang sarili kong siya ang kasama ko sa kama , ginagawa ang mga gawain ng isang mag-asawa. Sa edad kong 20 years old , na cu-curious na din ako, kung paano nga ba ang makipagtalik sa isang lalaki. Siya din ang dahilan kung
“Sige kuya. Gusto ko. Gustong gusto” hindi ko na napigilang mapangiti sa kaniya“Hay naku mabuti naman. Nang hindi na ako ang ligaligin mo. Don’t worry bro. Hindi naman free ang pagtuturo mo sa kapatid kong ito. Magkano ba ang fee?, alam kong mahal na ang tutorial fee sayo?. Pero magbigay ka naman ng discount. Magkaibigan naman tayo!”“Pag-iisipan ko!” seryoso niyang sagot. Bahagya pa akong natakot dahil baka biglang umatras pa si kuya dahil sa presyo.Sa huli ay humalakhak siya “Frank siraulo ka talaga, naisip mo talagang sisingilan kita para kay Frances?! Baliw ka… siyempre sapat na ang meryenda” sagot niya at nagtawanan silang dalawa ni Kuya. “Maiwan ko muna kayo kuya. Maaga akong matutulog at may pasok pa ko bukas. “ pagpapaalam ko sa kanila “Kuya Arthur, salamat” sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Kinagabihan, muli na namang umandar ang aking malikot na pantasya. Ayokong magising mula sa aking panaginip. Pumasok na naman si Kuya Arthur sa tila may reyalidad kong panaginip. Naramda
Nakakabilib talaga si Kuya Arthur. Hindi siya mahilig makipagtalo. Palagi lang siyang neutral. Hindi ko rin masisisi si Kuya kung bakit ganoon ang galit niya kay Daddy. Dahil totoong si Daddy ang may kasalanan ng maagang pagkamatay ni Mommy. Hindi ko maintindihan noon kung ano ang set-up nila Daddy na pumapayag sila ni Mommy na nakikipag-sex sa ibang tao habang nasa kasal sila. Pero kalaunan, naintindihan ko na din kung anong klaseng kasal mayroon sila. Dahil mayroon sila Mommy’ng agreement na open marriage. At sa kasamaang palad ay nakatapat si Mommy ng isang obssesed guy . Isang lalaki na pinakilala mismo ni Daddy sa kaniya. Dahil sa hindi pumapayag si Mommy na iwanan niya ang pamilya niya ay humantong ang kanilang pagtatalo hanggang sa kitilin nito ang buhay ni Mommy. Magmula noon ay matinding poot na ang naramdaman ni Kuya para kay Daddy. Later on napag-alaman din naming isa si Daddy sa mga nagpapatakbo ng illegal na gawain dito sa lugar namin. Kaya naman si Kuya Arthur ang is
Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s
Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu
SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila
FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan
Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand
Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat
FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin
[Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n
Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al