ARTHUR POVUnang araw ko bilang bagong instructor sa klase, at halos lahat ng estudyante ay may kanya-kanyang reaksyon nang ipakilala ako. Lalo na ang mga kababaihan, ang mga mata nilang nagniningning, may ilan pang pabirong nagtatanong kung may asawa na ako, at may iba na tila nagpo-propose pa. Pakiramdam ko ay para akong isang celebrity sa loob ng classroom. Hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon mula sa mga estudyante, lalo na mula sa mga kababaihan na parang kinikilig sa presensya ko.“Sir, will you marry me?” sigaw ng isa mula sa likod, sabay nag-tawanan ng iba.Ngumiti lang ako bilang tugon, hindi dahil sa gusto kong pagbigyan ang kilig nila, kundi dahil ayaw kong magkaroon ng awkward na atmosphere sa unang araw ng klase. Pero habang binabati ko ang mga estudyante at sinasagot ang ilang tanong nila tungkol sa subject namin, hindi ko maiwasang mapansin si Frances.Tahimik lang siya.Nakaupo siya sa ikalawang hilera, pero hindi siya tulad ng ibang estudyante na aliw na aliw sa p
Last Updated : 2025-02-09 Read more