Hanggang sa umangat ang kamay niya, at siya naman ang yumakap kay Kerry.“Ikaw pa rin po ang mommy ko,” mahina niyang sabi. “Kahit si Mommy Tara ang tunay kong mommy… kayo pa rin po ang nagpalaki sa akin.”Doon ko nakita ang pagpatak ng mas marami pang luha sa mata ni Kerry.Mahigpit niyang niyakap si Leo, parang hindi kayang bumitiw. “Salamat, anak…”At sa sandaling iyon, alam kong naintindihan na ni Leo ang lahat.Hindi man perpekto, hindi man madali…Pero unti-unti, magsisimula kaming buuin ang pamilya namin.Ng buo.At ng walang kasinungalingan.Bagong Pagsisimula sa Pamilya namin.AFTER A MONTHMabilis na nakapag-adjust si Leo sa amin, at pakiramdam ko ay isa na siyang bahagi ng pamilya. Hindi na siya yung batang hindi alam ang katotohanan, at sa kabila ng lahat ng nagdaang hirap at takot, nakita ko sa kanya ang isang batang puno ng pangarap at tapang. Si Kerry, ang kakambal ko, ay naging higit pang sandigan sa kanya. Lalo na nang malaman ni Leo ang katotohanan tungkol sa kanya—n
Terakhir Diperbarui : 2025-02-05 Baca selengkapnya