“Okay, next guess,” sabi niya, tumatawa pa rin habang pinupunasan ang gilid ng mata niya. “Baka naman mafia ka? Tipong boss ng isang malaking grupo.” Halos hindi siya makahinga sa kakatawa. “Mafia? Maya, kung mafia ako, dapat may tattoo ako dito sa braso,” sabi niya, itinuro ang sariling braso na malinaw namang walang kahit anong marka. Natawa na rin ako. “O sige, seryoso na. Baka naman may koneksyon ka sa gobyerno? Tipong mataas na opisyal o may mataas na ranggo.” “Hmmm,” sabi niya, kunwaring nag-iisip habang hawak ang baba. “Malay mo, malapit-lapit ka na diyan.” Bigla akong natigilan at napatingin nang seryoso sa kanya. “Drake, seryoso ba ’yan? May koneksyon ka talaga sa gobyerno?” Nakangiti pa rin siya, pero halatang hindi niya sasagutin nang direkta ang tanong. “Ang mahalaga lang, kaya kong gawin ang mga kailangan kong gawin para sa’yo. ’Yun ang dapat mong tandaan.” “Drake, bakit parang ang hirap mong intindihin minsan?” sabi ko, naiiling habang natatawa nang bahagya.
Terakhir Diperbarui : 2025-01-27 Baca selengkapnya