Share

Kabanata 218

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2025-01-28 16:15:38

DRAKE POV

Sabay kaming napahiga sa aming kama. Habang nakahilig ako sa kaniyang mga braso ay biglang nag ring ang telepono ni Tara , nang tignan ko iyon ay pangalan ni General ang rumehistro. Tumango siya hudyat para sagutin niya ang tawag.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni General, halata sa boses niya ang pag-aalala habang binabalita ang bagong plano na gagawin ng mga kapulisan.

“Sir, ililipat na si Jorge bukas ng tanghali sa pinakamalaking piitan. Ito na ang pagkakataon natin para mapadali ang imbestigasyon,” sabi niya nang direkta. "kapit din natin ang mga matataas na lider sa loob kaya naman dito siguradong aamin na siya. Masyadong malaki ang tao sa likod nito dahil hindi talaga siya mapaamin sa maliit na piitan. Handa siyang isakripisyo ang buhay niya kapalit nito" sagot ni General sa akin

Napangiti ako ng bahagya, pero ramdam ko ang tensyon sa likod ng balita. “Magandang balita ’yan, General. Kailangang siguruhin nating maayos ang paglilipat. Ayoko ng kahit anong sablay.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 219

    Tumalikod ako, tumingin sa labas ng bintana. Sa kabila ng galit ko, nararamdaman ko rin ang bigat ng responsibilidad. Pero isa lang ang malinaw sa akin—hindi matatapos ang laban na ’to hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisya para kay Tara at sa Mama niya. “Tandaan niyo,” dagdag ko, “kapag sinimulan nila ’to, ako ang tatapos.”Pagkaalis ng mga tauhan ay mabilis na din akong umuwi sa bahay. Pagbukas ko ng pintuan, agad kong napansin si Tara na nakaupo sa sofa, hawak ang isang basang panyo. Puno ng luha ang kaniyang mga mata, at kahit pinilit niyang punasan ang mga ito, huli na, alam kong umiiyak siya. Lumapit ako sa kaniya nang marahan. Hindi ko inasahang malalaman niya agad ang tungkol sa ambush, pero sa isang iglap, naunahan na ako ng balita sa telebisyon. Sa screen ay paulit-ulit na ipinapakita ang footage ng nasunog na convoy, ang mga pulis na abala sa crime scene, at ang balitang wala nang natirang buhay. “Tara…” tawag ko, pero hindi siya sumagot. Hinaplos ko ang balikat

    Last Updated : 2025-01-28
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 220

    BENIE POV2 HOURS EARLIER Kagaya ng pinag utos sa akin ni Boss Drake, sinimulan kong sundan si Stephanie mula sa bahay niya. Mula pa lang sa labas, kitang-kita ko na ang ngiti niya pagktapos pumutok ang balita tungkol sa pagkakasabog ng convoy ni Jorge. Parang abot hanggang langit ang saya niya habang naglalakad papunta sa sasakyan niya. Bago pa siya sumakay, napansin kong tumigil siya saglit. May kausap siya sa telepono. Malakas siyang tumawa, rinig ko iyon dahil naka park ang sasakyan ko sa tapat lang ng bahay niya sa di kalayuan. Sinadya kong buksan ang kabilang side ng bintana para mas marinig ko ang paligid. “Oo, Boss Ermac. Hindi ako sumablay. Siguradong wala silang makukuhang ebidensya” sabi niya bago pumasok sa sasakyan. Sinundan ko ang kotseng minamaneho niya kahit saan siya magpunta. Pagkatapos ng ilang minuto, huminto siya sa isang sikat na restaurant. Nag-park siya malapit sa entrance, habang ako naman ay naghanap ng puwesto sa kabilang parte ng parking lot. Mula

    Last Updated : 2025-01-29
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 221

    Nilapitan ko si General at hinawakan ito sa kaniyang pisngi. "hayop ka!, kung sino sino pa ang pinagbintangan kong kasabwat ni Jorge, ikaw lang pala! Hudas!" malakas kong sigaw sa kaniyang mukha.Naglakad ako papunta ng silya at naupo sa harapan niya habang naka dikwatro. Hinayaan ko sila Benie sa ginagawa nila pero hindi ako papayag na matapos lang ang buhay nito ng wala akong nakukuhang impormasyon . “Tama na muna,” utos ko sa kanila na may malamig na boses. Agad silang tumigil sa kanilang pagsuntok at parehong hingal na hingal. Tumingin ako kay General, na halos hindi makatingin pabalik sa akin.“General,” panimula ko, habang nakatingin nang diretso sa kanyang namamagang mukha. “Sinabi ko na sa’yo, di ba? Huwag na huwag mo akong ta-traydurin. Pero ano’ng ginawa mo? Hindi ka marunong makanig sa mga babala ko."Tahimik lang siya at pilit na iniiwasan ang tignan ako ng diretso sa aking mga mata. Tumayo ako at tumingin kay Benie. “Bitawan mo siya saglit.” Lumapit akong muli kay

    Last Updated : 2025-01-29
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 222

    DRAKE POV “Paano yung plano natin, boss? Kailan natin sisimulan?” tanong ni Benie sa akin.. “Ngayon din,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan. “Simulan niyo ng pagalawin ang mga tauhan niyo. Hindi pwedeng magtagal pa to. Alamin niyo ang bawat kilos ni Boss Ermac . At sa lalong madaling panahon hanapin niyo ang kinaruruonan ni Stephanie, hindi yan makakapagtago sa malayo. Siguradong magpapaikot-ikot lang yan malapit sa kung nasaan man ako. Siguraduhin niyong makikita niyo ASAP ang kinaruruonan niya” istrikto kong utos sa aking mga tauhan. Napapahampas ang aking kamao sa lamesa sa sobrang galit. Pagkatapos kong itawag ang pinag-uutos ko kay Benie, may biglang tumawag sa akin, si Detective Santos. “Boss,” bungad niya na may mabigat ang boses. “May impormasyon ako tungkol kay Erwin.” “Spill it Detective,” sagot ko, malamig ang tono. “May insider akong nakausap. Mukhang nagpatawag ng meeting si Erwin sa private estate niya ngayong gabi. Doon niya balak pag usapan kasama ng m

    Last Updated : 2025-01-31
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 223

    Tumingin ako kay Benie. “Dalhin n’yo si Erwin at Stephanie sa safehouse. Hindi rito matatapos ang lahat.”“Drake…” Tumigil siya sa paghalakhak at itinapat ang malamig niyang tingin sa akin. “Bakit tahimik ka ngayon? Hindi ito ang Drake na inaasahan ko. Nasan ang tapang mo Drake?!!” Tumawa ulit siya, ngunit mas malademonyo ngayon. “Ilang taon na ba?”Nagtataka akong tumingin sa kaniya“Alam ko naman kung anong dahilan ku

    Last Updated : 2025-01-31
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 224

    Nadatnan ko si Tara na abala pa rin sa kusina. Nakatalikod na siya sa akin, inihahanda ang mga gulay sa chopping board. Lumapit ako nang dahan-dahan.“Drake?” Lumingon siya at ngumiti “Gutom ka na ba? Malapit na ‘to. Konting hintay na lang.”Huminga ako nang malalim. “Tara, may kailangan akong sabihin sa’yo.”Napakunot ang noo niya. “Ano iyon? May problema ba?”“May resulta na ang DNA test,” simula ko, "DNA test? para saan? para kanino?" nagtataka niyang tanong sa akin."tungkol sayo at kay Leo. Hindi ko kagad sinabi sayo ang tungkol dito dahil gusto kong masigurado ang mga bagay bagay. Ang hirap kasing timbangin kung dapat ko bang sabihin sayo ang lahat ng mga sinabi ni Erwin during interrogation." sabi ko pa sa kaniya"bakit ano ba ang sinabi nila? " Nag isip ako ng salitang hindi masasaktan si Tara pero kahit anong pag iisip ko iisa lang ang kalalabasan ng lahat ng ito. Masasaktan at masasaktan pa rin siya. “Ikaw ay inutusan niya para mag-matyag sa akin pero dahil sa pagkahulog m

    Last Updated : 2025-01-31
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 225

    DRAKE POV Tahimik akong nakatayo sa harapan ni Tara, nakatingin sa kanya habang siya naman ay halos hindi makatingin nang diretso sa akin. Kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata, ang kaba sa kanyang katawan, ang nanginginig niyang mga kamay. Pero hindi iyon sapat para mapawi ang galit na bumabalot sa dibdib ko. "Drake..." bulong niya, pilit inabot ang kamay ko, pero umiwas ako. "Ano Tara? Plano mo ba itong ilihim sa akin habambuhay?” Umiling siya at nanginginig ang boses. "Hindi, hindi ko ginusto ito. Hindi ko ginustong magtago. Pero hindi ko alam kung paano... paano ko ipapaliwanag sa'yo—" "Sa tagal ng panahon nating magkasama, ni minsan hindi mo ba naisip na karapatan kong malaman ang totoo?" Tumingala siya, tuluyang tumulo ang mga luha niya. "Drake, natakot akong mawala ka... Natakot akong hindi mo ako mapatawad." Napakuyom ako ng kamao. "Dahil may ginawa kang hindi ko kayang patawarin." Natahimik siya at tuluyang yumuko, pero hindi ko magawang kaawaan siya

    Last Updated : 2025-02-01
  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 226

    Pero sa dulo, naibulalas ko pa rin ang katotohanan. Lumapit siya sa akin, sa sobrang lapit ay nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko.Ang mapupungay na mga mata niya ay pinagmamasdan akong mabuti, naghihintay na magpatuloy ako. "Alam ko na hindi tama ang pinakita kong galit sayo, dahil kahit ako ay may inilihim din sayo" Iniyuko niya ang kanyang ulo, nakaharang sa aking paningin sa mga magagandang mata na iyon.Ayokong saktan siya, pero iyon ang katotohanan. Wala siyang ideya kung sino ako o kung ano ang aking mga responsibilidad. “Hindi ko din ginusto na maging ganito ako pero dahil sa mga pagbabago sa pamilya ay wala din akong nagawa. Sa kabila ng lahat ng katatagan ko, naakit ako sa iyo ng isang malaking puwersa na sinusubukan kong pigilan. Tulad ng nakikita mo, na may maliit na tagumpay” umamin ako nang may pag-aalinlangan. Napangiti si Tara at napakagat sa ibabang labi. “Gusto kong mas makilala ka Tara, nararamdaman kong masaya ako sa tuwing kasama kita. At Tang ina , gust

    Last Updated : 2025-02-01

Latest chapter

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 325

    Ito pala ang plano ni Andrew mula pa noong una, balak pala niyang mag-propose sa akin sa mismong birthday ko.Hayop ka Jackie!, alam mo pala ang plano ng anak mong mag-pakasal sa akin sa pagbabalik niya mula sa business trip niyang ito. Kaya pala ganoon na lang ang pagmamadali niyong mag ina na itulak ako sa kama ng ibang lalaki! Sinong mag aakala na papalpak ang plano niyo at kay Arthur ako mapupunta!“napaka dimonyo mong ina!” Galit na galit ako!Sobrang galit na galit ako kay Jackie!Nagagalit ako dahil pinapatay ako ng kunsensya dahil sa biglaang pagtalikod ko kay Andrew. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kahit magalit pa ako?Tapos na ang lahat. Hindi ko na maaaring balikan ang nakaraan namin ni Andrew.Sunod-sunod ang pagtawag ni Andrew sa akin.Paulit-ulit kong kinakansel iyon, hanggang sa tuluyan ko ng patayin ang telepono ko at naupo nang mag-isa sa tabi ng park.Tahimik akong nakaupo roon, nakatulala nang matagal, bago ko muling binuksan ang telepono ko at tinawagan ko s

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 324

    Ang buong restaurant ay napuno ng mga paborito kong bulaklak. Bago pumasok sa loob ng resto, ang mga puno ng sycamore sa magkabilang gilid ay nakasabit ang mga makukulay na ilaw at iba't ibang "birthday wishes" at "love" na mga card. Ang mga makukulay na ilaw ay kumikislap, ang simoy ng hangin sa gabi ay humahaplos sa aking katawan, at ang paligid ay puno ng isang romantikong atmospera. Sumunod ako sa kasamahan ni Andrew papasok sa looban ng resto nang medyo malabo ang iniisip. Hindi ko kagad nagets ang mga nangyayari pero na wiwirduhan ako. Nakita ko ang mga kasamahan ni Andrew sa kaniyang trabaho na may hawak na mga heart-shaped balloons ng iba't ibang kulay, na kusang bumubuo ng isang bilog, na may ngiting may pagpapala sa kanilang mga mukha. Sa gitna ng resto ay may malaking projection screen na kasing taas ng isang tao. Matapos ang dalawang malalakas na tunog, lumitaw ang imahe ni Andrew sa screen. Naka-Formal attite siya, may suot na pulang bow tie, may hawak na isang bu

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 323

    SA OPISINANakahinga ng maluwag si Ella nang matiyak niyang alam ni Arthur na ngayong araw ay birthday ni Frances. Pagdating ng oras ng tanghalian, hinanap niya si Frances para mag-lunch.FRANCES POVBinuksan ko ang cellphone ko at tiningnan ito, at naalala ko na iniiwasan ako ni Arthur kaninang umaga kahit pa alam kong mag flight siya ngayon, kaya't bigla akong tumango ng malungkot.Pero dahil kilala ako ni Ella, alam niyang may hindi okay na nangyayari sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko at tinignan ang mga message ko.Sa huli, nagbiro na lang si Ella sa akin "Baka gusto ka niyang sorpresahin ka. Pinipigilan niya lang ngayon at hindi ka pinapansin, tapos bibigyan ka ng sorpresa pagkatapos ng trabaho. Para maging emosyonal ka at ma touch ka!” Tumingin ako kay Ella at ngumiti "Saan mo na naman natutunan lahat ng 'yan?"Itinaas ni Ella ang kanyang baba nang may kumpiyansa, "Maghintay ka lang!"Pagdating namin sa canteen, tinawagan ko iba pa naming mga kasamahan at trineat ko sila

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 322

    FRANCES POVKinabukasan, nagising ako ng maaga para magluto ng almusal, gusto ko sanang magka-ayos kami ng aking asawa sa aming alitan nitong nakaraang gabi. Halos hindi kasi niya ako pinapansin, sa di ko malamang dahilan. Masaya naman kami noong nakaraang araw pero biglang nagbago ang mood niya kagabi.Marahan akong kumatok sa pinto ng guest room pero walang Arthur na sumagot mula sa kabilang bahagi ng kwarto kaya naman nagdesisyon na akong pumasok na.Habang naglalakad, hindi maipinta ang mukha ko, kakaibang kalungkutan ang bumabalot sa aking katauhan.Pagdating ko sa pintuan ng Office ko ay biglang nanakbo si , Ella papunta sa akin at sinadya akong banggain, kinuha niya ang isang regalo at inabot sa akin . "Frances, Happy Birthday!"Sandali akong napatigil, at saka ko lang naalala na birthday ko pala ngayong araw. Magmula naman kasi ng mamatay si Mama, kinalimutan ko ng mag celebrate ng birthday. Para sakin ang araw sa buong taon ay normal lang. Kinuha ko ang regalo at walang gan

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 321

    Sa totoo lang nainis ako sa mga sinabi niya kaya sinagot ko din sila ng nararapat na sagot.“Teka lang huh…Una sa lahat ang obligasyon namin si Papa, at FYI nagbibigay kami ng pang gastos ni Papa.Pangalawa, hindi niyo nga ako tinuring na anak niyo, ngayon kung maka-asta ka akala mo ay talagang ulirang ina ka?At pangatlo, bakit hindi niyo pag-trabahuhin yang si Ate Leonor. Hindi yung aasa lang siya sa binibigay namin kay Papa. Kung tutuusin siya ang pinaka-matanda sa amin pero siya ang pinaka-walang pinagka-katandaan.” agad na napa-ismid si Tita Mylene pero nagmatigas siyang umalis ng kusa.Napaisip ako, ngayon lang ako nakakita na niyawyawan ng kaniyang mapang-aping madrasta sa sarili nitong bahay, pagka bukas na pagkabukas pa lang ng pinto. ANo pa nga bang magagawa ko, kung palalayasin ko sila malamang na gagawan nila ito ng malaking issue kaya naman hinayaan ko na lang silang pumasok. Inalok ko na lang sila ng juice. Alam kong may naglalaro na naman sa isip ng mga ito kaya nand

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 320

    Kagaya ng hindi ko pagyayabang, bumungad sa kanila ang isang mala mansyong bahay na tinitirahan namin ni Arthur. Hindi ko kailanman flinex sa aking social media account ang aming bahay dahil hindi naman ito sa akin. “Tang in*! Frances, ito ang bahay niyo?!” sigaw ng kasamahan kong bakla na halos ikahulog ko na sa golf cart sa sobrang pagkagulat.Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga. “Bwisit ka bakla, gulat na gulat ako sayo!, oo ito yung bahay namin.” Ngunit hindi agad sila gumalaw. Nakabuka ang mga bibig nila, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila sa kanilang harapan. Si Kristal, na kanina ay puro kayabangan ngayon ay halatang hindi makasabay sa pangyayari. Kahit na inaatake siya ng pride niya dahil sa dami ng paninirang sinasabi niya sa akin sa opisina ay hindi rin maipagkailang namangha din siya sa bahay na tinutuluyan namin ni Arthur. “Frances… ito ba talaga ang bahay mo?” tanong ng isa na hindi pa rin makapaniwala.“Hindi. Trip ko lang pumasok para sa staycat

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 319

    FRANCES’ POV Pagdating ng Sabado, maaga akong nagbihis ng komportableng damit at tumungo sa tagpuan kung saan ko sasalubungin ang mga kasama ko sa trabaho. Isa-isa na silang dumating, at agad akong binati ng ilan sa kanila. “Congratulations sa promotion mo, girl!” sigaw ni Mary, sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako at isa-isang nagpasalamat. Habang naghihintay pa sa iba, naisipan kong bumili ng maiinom sa mini-store sa kanto. Tahimik lang ang paligid nang biglang dumating si Kristal, ang babaeng kilalang mahilig mambara at laging may masasabi tungkol sa iba. “Oh, dito ba ‘yung inyo?” tanong niya, sabay irap sa mumurahing apartment sa harapan namin. “Anong apartment number ‘yung bahay niyo?” Bago pa ako makasagot, sumabat na ang isa pang kasamahan namin na malapit kay Kristal. “Oo nga, Ma’am! Dapat sa susunod lumipat ka na ng mas magandang apartment. Hindi bagay sa isang aviation manager ang nakatira sa ganitong klaseng bahay!” Napataas ang kilay ko at napatingin kay Ella. Hin

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 318

    [Gusto ko lang magtanong, may boyfriend na nga ba talaga si Miss Frances?] Matapos ang maanghang na akusasyon laban kay Frances , ngayon lahat ay pumabor sa kaniya. Napapangiti naman si Mr. Rivera sa kaniya.Kagaya ng orihinal na dahilan kung bakit nagpunta si Frances sa restaurant ay nagsimula ang kanilang meeting. Ilang discussiona ng naganap sa pagitan nila at hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Bumalik siya sa opisina. Nagulat siya ng salubungin siya ng kaniyang mga kasamahan.“Frances, congratulations!”“Frances, treat mo kami this time!”“Tama, Frances, weekends naman sa susunod na araw, mas okay siguro kung sa bahay niyo tayo mag-celebrate. Para makatipid at double celebration na din tayo. Ang pagkaka promote sayo officially at ang kasal mo.”Hindi naman kaagad nakasagot si Frances. Sa kalagitnaan ng pangungulit ng mga kasamahan niya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello!”“Love, mukhang pagod ka? Hindi mo ata hiyang ang magpanggabi. Dibale malapit na din n

  • Play Me, I’m Yours   Kabanata 317

    Pagkatapos sabihin ni Mr. Rivera ay naglakad na sila pabalik sa loob ng restaurant. Ngunit napansin ni Frances na mula sa di kalayuan ay may nagkakagulong mga tao at kumakapal na kamera na nagmumula sa mga vloggers, isang babae ang napansin nilang nagpunta sa isang sulok. Halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha, at tila gusto niyang maglaho na lang sa hangin.Pero hindi nagtagal, agad siyang pinalibutan ng mga vloggers."Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Sabi mo may relasyon si Mr. Rivera at Frances! Ng dahil sayo muntik pa akong makasuhan" singhal ng isang lalaki habang nakatutok ang camera sa kanya.“Oo nga, hayop ka. Mali-mali ang mga impormasyong sinasabi mo samin!”“Kaya nga pahamak ka!” "Ano ang masasabi mo na nalantad na ang totoo?" sigaw naman ng isa pa.Napayuko ang babae at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang kaniyang sarili. Pero wala na siyang lusot. Nalantad na ang katotohanan, ang mga maling ipinakakalat niya dahil sa galit kay Frances ay nalantad na. Si Al

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status