Home / Romance / The Other Woman of the CEO / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Other Woman of the CEO: Kabanata 21 - Kabanata 30

187 Kabanata

The Other Woman of the CEO Chapter 21

Habang abala sina Neil at Wilma sa kanilang honeymoon, si Alona naman ay pinaghahandaan ang paglabas ng kanyang ina, si Gina Adarna, mula sa ospital sa Australia. Ang tagal niyang hinintay ang araw na iyon, ang araw na tuluyan nang gagaling ang kanyang ina mula sa lupus. Plano niyang manatili muna sila ng isang buwan sa Australia para magpahinga at tuluyang gumaling si Gina. Habang nagpapagaling ang kanyang ina, inaasikaso na rin ni Alona ang kanilang mga papeles para sa paglipat nila sa Amerika. Target nila ang New York, kung saan magsisimula sila ng panibagong buhay—malayo sa mga alaala ng nakaraan, malayo kay Neil."Mom, malapit na tayong umuwi," sabi ni Alona habang kinukunan ng wheelchair ang kanyang ina mula sa kwarto ng ospital. "Isang buwan lang tayo dito, magpapahinga ka, at pagkatapos, diretso na tayo sa New York."Ngumiti si Gina, halatang nakakapagod man ang sakit, ngunit kitang-kita ang pag-asa sa kanyang mga mata."Salamat, anak. Hindi ko alam kung paano ko ito malalampa
last updateHuling Na-update : 2024-10-12
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 22

Pagdating sa airport, ramdam ni Alona ang bigat ng bawat hakbang. Hawak niya ang boarding pass, ang simbolo ng isang bagong buhay na sisimulan niya sa New York. Kasama ang ina, si Gina, na nasa tabi niya, tahimik na humahawak sa kanyang kamay. Bagaman masakit ang mga nangyari sa nakaraan, alam ni Alona na ito na ang tamang panahon para tuluyan siyang makalaya. Gusto niyang burahin ang lahat ng alaala ni Neil—ang lalaking minsan niyang minahal ng buong puso, ngunit hindi kailanman naging para sa kanya.Matagal na niyang pinalitan ang kanyang contact details, iniwasan ang anumang paraan na mag-uugnay pa sa kanya kay Neil. Hindi na niya kailangan ng mga tawag o mensahe na magpapaalala sa sakit at pagkabigo. Gusto niyang magsimula ng bagong kabanata, para sa kanyang sarili at higit sa lahat, para sa mga anak niya.Magdadalawang buwan na ang tiyan ni Alona, at kahit medyo maaga pa para sa iba, kapansin-pansin na ang laki ng kanyang tiyan dahil pinagbubuntis niya ay kambal. Bawat araw, bawat
last updateHuling Na-update : 2024-10-12
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 23

Sa malamig at preskong hangin ng Maldives, tahimik na nakahiga si Neil sa kanilang private cabana habang pinagmamasdan ang mala-kristal na dagat. Ang kanyang mga mata’y malalim na nakatitig sa walang katapusang alon, parang sinasalamin nito ang bagong buhay na natagpuan niya kasama si Wilma. Ang liwanag ng araw ay tila naglalaro sa balat ng kanyang asawa habang si Wilma ay abala sa pagbabasa ng isang magazine sa tabi niya.Napakabilis ng mga pangyayari, naisip ni Neil. Noon, parang imposibleng maisip na magmamahal muli siya matapos ang kanilang dalawa—siya at Alona—na minsang napuno ng masasayang alaala. Pero sa ngayon, tila nabura na ang lahat ng iyon. Si Wilma ang kanyang asawa ngayon, ang babaeng nagpaparamdam sa kanya ng bagong pag-asa at pagmamahal.Biglang iniwan ni Wilma ang binabasang magazine at tumingin kay Neil, ngumiti ito ng malambing bago magsalita."Neil, ano ang iniisip mo?" tanong ni Wilma, bahagyang nag-aalala dahil tila malalim ang iniisip ng asawa.Tumawa nang baha
last updateHuling Na-update : 2024-10-12
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 24

Naglalakad si Alona sa makukulay na kalsada ng New York, may bitbit na portfolio at isang malalim na buntong-hininga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Isang buwan pa lang mula nang dumating siya sa Amerika, at ngayon, sa kabila ng kanyang kalagayan bilang isang buntis at single mom, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang sikat na fashion house—YNK Styles. Alam niyang malaki ang posibilidad na hindi siya tanggapin dahil sa kanyang sitwasyon, pero umaasa pa rin siya na may himala.Pagdating niya sa gusali ng YNK Styles, tila napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Napatingala siya sa harap ng malaking signage at sinubukang magtimpi ng emosyon. Ito na ang pagkakataon niyang makapagsimula ulit, malayo sa Pilipinas at kay Neil, ang lalaking minsang nagbigay sa kanya ng lahat ng saya at sakit.Pagpasok niya, agad siyang sinalubong ng assistant at dinala sa isang pribadong opisina. Isang eleganteng babae ang nakaupo sa likod ng malaking desk, nakasuot ng simpleng itim na
last updateHuling Na-update : 2024-10-12
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 21.2

Pagdating sa airport, ramdam ni Alona ang bigat ng bawat hakbang. Hawak niya ang boarding pass, ang simbolo ng isang bagong buhay na sisimulan niya sa New York. Kasama ang ina, si Gina, na nasa tabi niya, tahimik na humahawak sa kanyang kamay. Bagaman masakit ang mga nangyari sa nakaraan, alam ni Alona na ito na ang tamang panahon para tuluyan siyang makalaya. Gusto niyang burahin ang lahat ng alaala ni Neil—ang lalaking minsan niyang minahal ng buong puso, ngunit hindi kailanman naging para sa kanya.Matagal na niyang pinalitan ang kanyang contact details, iniwasan ang anumang paraan na mag-uugnay pa sa kanya kay Neil. Hindi na niya kailangan ng mga tawag o mensahe na magpapaalala sa sakit at pagkabigo. Gusto niyang magsimula ng bagong kabanata, para sa kanyang sarili at higit sa lahat, para sa mga anak niya.Magdadalawang buwan na ang tiyan ni Alona, at kahit medyo maaga pa para sa iba, kapansin-pansin na ang laki ng kanyang tiyan dahil pinagbubuntis niya ay kambal. Bawat araw, bawa
last updateHuling Na-update : 2024-10-13
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 25

Habang lumilipas ang mga araw, si Neil ay abalang-abala sa kanyang trabaho at sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang asawa ni Wilma. Halos araw-araw silang magkasama sa mga business meetings, gala events, at personal trips. Parang isang perpektong buhay—magarang tahanan, matagumpay na negosyo, at isang magandang asawa. Ngunit may isang bahagi ng kanyang isipan na hindi mapakali. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng kasal nila, at simula noon, tila naglaho si Alona.Isang gabi, habang nakahiga si Neil sa tabi ni Wilma, hindi niya maiwasang mag-isip. Bakit bigla na lang nawala si Alona? Bakit walang kahit isang balita mula sa kanya? Hindi rin niya nakita ang mga kaibigan nilang pareho na pwedeng magbigay sa kanya ng impormasyon tungkol kay Alona. Ni isang mensahe o tawag, wala. Tuluyang inisip ni Neil na baka pinili ni Alona na magpatuloy na lang sa buhay, malayo sa kanya, at tuluyang naglaho."Neil, are you okay? Your mind seems so faraway" tanong ni Wilma habang nakayakap sa kanya
last updateHuling Na-update : 2024-10-13
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 26

Habang patuloy na namumuhay si Alona sa New York, natutunan niyang yakapin ang kanyang bagong buhay bilang assistant fashion designer sa YNK Styles. Sa kabila ng kanyang kalagayan bilang isang ina na nagdadala ng kambal, hindi siya nagpapatinag. Araw-araw ay puno ng mga bagong hamon at tagumpay sa kanyang trabaho. Naging matagumpay ang kanyang mga unang proyekto sa kompanya, at ang boss niyang si Penelope Ramsey ay labis na nasiyahan sa mga ideyang inilalapit niya."Alona, you're really something," papuri ni Penelope isang hapon, matapos nilang ipresenta ang bagong koleksyon. "I can see great potential in you. I’m glad I hired you.""Thank you, Penelope," tugon ni Alona, hindi maitago ang saya at kasiyahan. Para sa kanya, malaking biyaya na natanggap siya sa YNK Styles, lalo na't hindi niya inasahan na isang buntis na kagaya niya ay mabibigyan ng ganitong pagkakataon.Sa kabila ng mga bagong tagumpay at kasiyahan sa kanyang karera, may mga gabi pa rin na bumabalik ang alaalang iniwan
last updateHuling Na-update : 2024-10-14
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 27

Anim na buwan na ang nakalipas. Samantala, sa New York, si Alona ay abala sa kanyang trabaho bilang assistant fashion designer sa YNK Styles. Naging matagumpay siya sa kanyang karera kahit na pinili niyang mamuhay na malayo sa Pilipinas at sa kanyang nakaraan. Hindi niya pinagsisisihan ang kanyang pag-alis, ngunit hindi rin madali ang lahat, lalo na’t malapit na siyang manganak sa kambal na kanyang dinadala.Habang tinitignan ni Alona ang kanyang mga ginawang disenyo sa isang presentation, naramdaman niya ang isang sipa mula sa kanyang tiyan. Napangiti siya at hinaplos ang tiyan, na para bang kinakausap ang kanyang mga anak. "Soon, you'll be out here with me," bulong niya sa mga ito.Bagamat masaya siya sa bagong buhay na kanyang binuo, hindi niya maiwasang maisip ang ama ng kanyang mga anak—si Neil. Minsan, sa kalaliman ng gabi, tinatanong niya ang sarili kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Neil kapag nalaman nitong may kambal sila. Alam niyang hindi ito magiging madali, at ang
last updateHuling Na-update : 2024-10-14
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 28

Si Wilma ay nakaupo sa dulo ng kanilang malawak na kama, ang mga kamay ay nakakrus sa kanyang dibdib habang tahimik na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Ilang gabi na siyang nag-iisa. Ilang gabi na niyang hinihintay ang pag-uwi ni Neil, ngunit lagi itong hatinggabi na kung dumating. At kung sakaling umuwi man ito nang maaga, tila wala na itong interes na makipag-usap o makipagkwentuhan sa kanya tulad ng dati. Nagiging malayo ang loob nito, at hindi niya maintindihan kung bakit. Sinasabi ni Neil na abala lang siya sa trabaho, sa pagmamanage ng Tropical Air, pero ramdam ni Wilma na hindi iyon sapat na dahilan.Pitong buwan na silang kasal, ngunit tila wala pa ring nangyayari sa kanilang pagsasama. Hindi lang ito tungkol sa kakulangan ng oras, kundi pati na rin sa kawalan ng anak. Si Wilma, tulad ng karamihan sa mga babae, ay nangangarap magkaroon ng sariling pamilya. Subalit sa bawat buwang lumilipas, lalo siyang napupuno ng pangamba—lalo na kapag naririnig niya ang mga pang-uusisa
last updateHuling Na-update : 2024-10-14
Magbasa pa

The Other Woman of the CEO Chapter 29

Maagang nagising si Alona sa New York, hindi dahil sa lakas ng mga sikat ng araw, kundi dahil sa kanyang natutulog na kaba at pananabik. Magaganap ang isa sa pinakamalaking fashion show na kanyang sasalihan, at sa kabila ng kanyang lumalaking tiyan, determinado pa rin siyang tapusin ang lahat ng proyekto na ipinagkatiwala sa kanya ni Penelope, ang kilalang fashion designer at mentor niya.Naka-ready na ang kanyang damit at bag, ngunit bago siya lumabas ng silid, hinaplos muna ni Alona ang kanyang tiyan. “Mga babies, malapit na ang show. Maging mabait kayo kay mommy, okay?” bulong niya habang nakangiti. Kahit medyo mahirap na ang pagkilos dahil sa kanyang pagbubuntis, hindi ito hadlang sa kanya. Lumaki siya sa isang pamilya na laging hinaharap ang anumang pagsubok, at hindi niya hahayaang hadlangan ng kanyang sitwasyon ang kanyang mga pangarap.Pagdating niya sa event venue, agad siyang sinalubong ng mga kasamahan at assistants. Hindi maikakailang nagningning si Alona sa gitna ng lahat
last updateHuling Na-update : 2024-10-14
Magbasa pa
PREV
123456
...
19
DMCA.com Protection Status