Share

The Other Woman of the CEO Chapter 21

Habang abala sina Neil at Wilma sa kanilang honeymoon, si Alona naman ay pinaghahandaan ang paglabas ng kanyang ina, si Gina Adarna, mula sa ospital sa Australia. Ang tagal niyang hinintay ang araw na iyon, ang araw na tuluyan nang gagaling ang kanyang ina mula sa lupus. Plano niyang manatili muna sila ng isang buwan sa Australia para magpahinga at tuluyang gumaling si Gina. Habang nagpapagaling ang kanyang ina, inaasikaso na rin ni Alona ang kanilang mga papeles para sa paglipat nila sa Amerika. Target nila ang New York, kung saan magsisimula sila ng panibagong buhay—malayo sa mga alaala ng nakaraan, malayo kay Neil.

"Mom, malapit na tayong umuwi," sabi ni Alona habang kinukunan ng wheelchair ang kanyang ina mula sa kwarto ng ospital. "Isang buwan lang tayo dito, magpapahinga ka, at pagkatapos, diretso na tayo sa New York."

Ngumiti si Gina, halatang nakakapagod man ang sakit, ngunit kitang-kita ang pag-asa sa kanyang mga mata.

"Salamat, anak. Hindi ko alam kung paano ko ito malalampa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status