Bigla namang dumilim ang mukha ni Hari. Gusto kong matawa dahil sa biglaang pag-iba nito ng ekspresyon. And that’s when I realized that Hari might change physically, but he’s still the Hari that I once knew.“May lakad ka?” tanong nito habang sunod ng sunod sa akin. Palakad-lakad kasi ako sa loob ng bahay para kunin ang mga kailangang kunin. Susi, bag, cellphone, wallet, nag-lipstick, nagsuot ng sapatos. At habang ginagawa ko ang mga kailangan kong gawin ay nakasunod ito na parang tuta.“Oo, kaya pwede ba, umalis ka na?” kalmado kong saad sa kanya, kahit na sa totoo ay naaasar na ako sa kanya.“Harsh.” ngumuso ito nang mapatingin ako sa kanya ay halos mahulog ang puso ko sa ginawa niya. Ugh! Bakit ba ang gwapo at cute niya? Pwede ba iyon? Gwapo at the same time cute? Tangina. Hindi na ata kakalma itong puso ko sa mga pinaggagawa ni Hari!“Busy ako, Hari kaya ‘wag kang istorbo,” saad ko sa kanya tsaka lumabas ng bahay, bitbit si Misty habang bitbit niya naman si Kari.Sa tuwing umaali
Huling Na-update : 2024-10-01 Magbasa pa