Share

5 - Bahala Ka

Bigla namang dumilim ang mukha ni Hari. Gusto kong matawa dahil sa biglaang pag-iba nito ng ekspresyon. And that’s when I realized that Hari might change physically, but he’s still the Hari that I once knew.

“May lakad ka?” tanong nito habang sunod ng sunod sa akin.

Palakad-lakad kasi ako sa loob ng bahay para kunin ang mga kailangang kunin. Susi, bag, cellphone, wallet, nag-lipstick, nagsuot ng sapatos. At habang ginagawa ko ang mga kailangan kong gawin ay nakasunod ito na parang tuta.

“Oo, kaya pwede ba, umalis ka na?” kalmado kong saad sa kanya, kahit na sa totoo ay naaasar na ako sa kanya.

“Harsh.” ngumuso ito nang mapatingin ako sa kanya ay halos mahulog ang puso ko sa ginawa niya.

Ugh! Bakit ba ang gwapo at cute niya? Pwede ba iyon? Gwapo at the same time cute? Tangina. Hindi na ata kakalma itong puso ko sa mga pinaggagawa ni Hari!

“Busy ako, Hari kaya ‘wag kang istorbo,” saad ko sa kanya tsaka lumabas ng bahay, bitbit si Misty habang bitbit niya naman si Kari.

Sa tuwing umaalis kasi kami ni Mavie ay kailangan namin dalhin ang furrbabies namin, lalo na kapag gagala kami. Kaya naman ay kasama ko ito ngayon, kahit na mag-isa lang ako—kung mag-isa pa ba dahil sa panggugulong ginagawa ni Hari.

“Saan ka ba kasi pupunta. Can I come? I can be your chaperone,” Hari insisted.

Nakita kong ilalapag na sana ni Hari si Kari nang pigilan ko ito. “Huwag mong ibababa si Kari!”

Nagulat naman si Hari at kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. “Just don’t. Akin na nga!” kukunin ko na sana si Kari sa kanya pero ayaw niyang ibigay at mas lalong niyakap si Kari, hinahalik-halikan pa.

Sana aso na lang ako!

Lumakad ako sa may labasan para sana magpara ng tricycle nang hilain ni Hari ang kamay ko. “Ano ba!” sigaw ko sa gulat, dahilan na rin para mapatingin sa amin ang mga tao sa paligid.

Alas diyes pa lang ng umaga, pero medyo makulimlim at mukhang uulan pa nga.

“I brought my motor with me—”

“Motor? Mukhang uulan oh! Mag-commute na lang tayo!” asik ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni Hari, kaya napairap ako. Sierra siya, Haven! Malamang hindi uso sa kanila ang commute!

“Kaya nga magmo-motor tayo para mapadali ang pagdating natin sa pupuntahan mo. And just like you’ve said, mukhang uulan nga. So ano pa hinihintay mo? Abutan tayo ng ulan dito?”

Pinaningkitan ko ng mga mata si Hari, pero tinaasan niya lang ako ng kilay tsaka niya naman inabot sa akin ang helmet.

I have no choice kun’di sumakay sa motor niya. “Maggo-grocery ako! Hindi naman kakasya sa motor mo ang mga bibilhin ko!” halos pasigaw kong saad sa kanya. Ngumisi si Hari at mukhang binigyan pa ng ibang meaning ang sinabi ko.

“Means you want to ride with me again after this, don’t worry. Ikaw lang naman ang pwedeng sumakay sa akin,” pilyong saad ni Hari.

Napaungol ako sa inis at tinapon ang helmet sa kanya na kaagad niyang sinalo. Tumawa pa ito dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Hindi naman ako tanga para hindi ma-gets ang mga pinagsasabi niya! Nagawa na namin ‘yon dati! Malamang sa malamang ay iyon ang pinapahiwatig niya!

“Anong connect? Madami akong bibitbitin—”

“I can carry that, and I can carry you to bed too, if you like,” pangangasar pa nito. I can really say that he doesn’t even changed after seven years! Hindi pa rin pumapalya ang pangangasar niya sa akin!

Sinipa ko na siya sa binti niya dahil kanina pa ako asar na asar sa mga pangangasar niya! Napahiyaw naman ito sa sakit tsaka napahawak sa binti nito, dahilan para mabitawan niya si Kari tsaka ito tumakbo palayo. Nakakainis!

“Bakit mo binitawan?!” sigaw ko kay Hari. Kaagad kong binigay si Misty sa kanya. “Huwag mo ring bibitawan si Misty! Subukan mo ililipad na kita sa Mars, Hari!”sigaw ko sa lalaki tsaka tumakbo para habulin si Kari.

Fck. This is why I don’t want to put Kari down! Kahit kasi may tali ito ay mabilis naman itong nakakatakas! Ilang beses na naming nahahabol si Kari at sobrang na-stress kami ni Mavie dahil ang bilis nitong tumakbo! Lalong-lalo na kapag mating season! Argh!

“Kari! Come to mommy! Let’s buy you a burger!” sigaw ko at paulit-ulit na hinanap si Kari. Naiinis ako. Ang hirap hagilapin ang asong iyon! Kahit na may kaedaran na iyon e sobrang likod pa rin!

“Nakakainis talaga siya! Tahimik na sana ang buhay ko pero bumalik pa talaga!”

Napakagat ako nang labi nang hindi ko mahanap si Kari. Naiiyak ako. Hindi naman ito ang unang beses na laging nakakatakas si Kari sa amin, pero...

Hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Galit? Inis? Saya? Ano pa ba?

“Kari!” muling tawag ko kay Kari.

“Kari!” nagulat ako nang sumulpot si Hari sa tabi ko, akap si Misty.

“Kasi! Kaya ayokong binibitawan si Kari! Ganito nangyayari e.” tumawa naman si Hari dahil alam niya naman iyon.

“We’ll find him. Don’t cry baby,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“I’m not your baby, Hari! Ang kulit!” inis kong saad sa kanya at palinga-linga sa paligid.

Ginulo naman ni Hari ang buhok ko kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. But Hari showed me his gentle and sweet smile.

“Maybe not now, but surely in the future,” aniya.

“Wow, lakas naman ng amags mo. Sure ka niyan?” natatawang saad ko tsaka ako napatingin sa kanya.

Nakatingin pala si Hari sa akin. Isang tingin na mas lalo kang mahuhulog sa kanya. His green eyes were so deep and full of emotions. Tingin pa lang ni Hari ay alam kong mahal na mahal niya talaga ako.

Kahit na pitong taon na ang nagdaan, his love for me never faltered. And so Isaac. Kaya ang unfair naman sa parte ni Isaac kung sasagutin ko si Hari, na siya itong pitong taon kong hindi nakasama. Isaac been always there for me.

“Doctors are not a hundred percent sure with medicines—but I am a hundred and one percent sure of you being mine, Francheska.” Hari said smoothly, a confident smile playing on his lips.

Inirapan ko ang lalaki dahil sa pa-pick up lines nitong hindi ko alam kung saan niya pinulot. “At saan mo naman pinulot ‘yan?” taas kilay kong tanong sa kanya.

“Sa puso ko, para sa nag-iisang Haven Francheska Laurier-Sierra!” taas noo nitong wika. I scoffed at his confidence!

But hearing a Sierra in my name makes my heart flutter. I shouldn’t feel this way! This is ridiculous!

“Asa ka!” asik ko sa kanya tsaka muling nagkalad para mahanap si Kari. Ilang sandali lang ay nahanap ko ito habang may kinakalarong aso, tuwang-tuwa naman ang may-ari ng asong kinakalaro ni Kari dahil sa pagiging makulit ng aso ko.

“Kari!” tawag ko sa aso ko. At nang makita ako ay kaagad itong tumakbo papalapit sa akin.

“Subukan mo ulit tumakas sa akin, hinding-hindi na tayo lalabas ng bahay!” pinagalitan ko si Kari, pero kaagad naman itong tumakbo papalapit kay Hari tsaka nagpapa-baby rito, nagtago pa ito sa likuran ni Hari, kaya ang lalaki ay tawang-tawa.

“Parang dati ay ayaw na ayaw ni Kari sa akin, tapos ngayon gusto na kay daddy. Tsk. Tsk. Bad mommy!” wika ni Hari, sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Ang cute ng aso niyo! Parang teddy bear!” komento ng babae na siyang may-ari ng kinakalaro ni Kari.

“Nako, sobrang kulit nga e.” sagot ko sa kanya. Napatawa naman ang babae.

“Mag-syota kayo? Ang cute niyo rin! Bagay na bagay kayo!” aniya sa’ming dalawa ni Hari.

Naramdaman ko naman ang pag-akbay ni Hari sa akin, at malawak ang ngiti na binigay sa babae. “No,” sabay naming saad sa babae.

Naguluhan naman siya pero napangiti ito. “So, mag-asawa?” kinikilig niyang sabi.

“Nope. But soon. Nililigawan ko pa lang ngayon, pero makukuha ko rin ang matamis niyang oo,” napatingin si Hari sa akin tsaka ito napa-wink.

I pursed my lips in disbelief. This guys is so unbelievable!

Nagpaalam ang babae sa amin na aalis na ito matapos ang ka-cornyhan na ginawa ni Hari.

“Ilang mais ba kinain mo ngayong araw?” asar kong saad sa kanya tsaka ko kinarga si Kari. Hindi naman ito malaki dahil isa siyang Bichon Frisé.

“Do I need that?” he asked. Muli akong napapikit at huminga ng malalim para iwasan ang pagiging kapilyuhan niya. Feel ko ay mukhang sasabog na talaga ako dahil sa kakulitan niya!

“Ewan ko sa’yo!” saad ko tsaka ako lumakad sa may paradahan ng tricycle.

“Hey! Cheska, wait!” hinabol talaga ako ni Hari, pero hindi ko siya sinagot.

“Can I court you?” ulit nitong tanong sa akin.

“Bahala ka,” sagot ko nalang dahil pagod na akong magpaliwanag sa taong hindi naman makikinig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status