Share

6 - If I Stayed

HARI YASIEL SIERRA

“WHO is this girl, Doc Hari?” Tanong nito, tsaka ito napatayo at lumakad papalapit sa kanyang lamesa.

Kinalikot nito ang kanyang computer na para bang may hinahanap.

“Nurse Haven. Haven Francheska Laurier.”

My heart can’t stay still, especially now that I’m working with my beloved Cheska. Pero nasasaktan ako sa tuwing umiiwas siya ng tingin at daan, kapag nakakasalubong niya ako, na para bang ayaw niyang maging bahagi ulit ako ng buhay niya.

It hurts. It’s fucking hurts to see her avoiding me. Pero anong magagawa ko? 

“Doc may gusto ka sa kanya ano?” Lumapit sa akin ang isang nurse na si Dylan.

Nabigla pa ako sa tanong niya, pero tumawa ito. “Halata ka, doc. Lagi mong tinititigan,” aniya tsaka tinuon ang atensyon sa patient’s chart, pero nagsasalita pa rin ito. “May nangliligaw kay Ven. Laging nandirito si Chef Isaac para dalhan kami ng mga lutong ulam at gawa nihang pastries. Sobrang tagal nang nangliligaw kay Ven, pero hindi pa rin niya sinasagot. Mukhang may ibang mahal ata,” muli siyang tumawa tsaka nagpaalam na iikot para tignan ang mga pasyente.

May mahal na iba. I bet it could be Daniel. Siya lang naman ang unang minahal ni Cheska. But I felt relieved when Dylan said that Isaac and Cheska are not together.

But I couldn’t stop getting jealous when I visited her house. It was filled with her and her roommate’s photo with Isaac.

Kung nilapitan ko ba siya that time… Hindi na niya ba ako ipagtatabuyan? I should have given up. Ilang beses na akong tinulak palayo ni Haven, pero hindi ko magawang mapalayo sa kanya.

I don’t know why, but I really love her. She’s my everything, my dream, my world, and my universe.

Ang daming babae na pwede kong mahalin, pero hindi ko kayang magmahal ng iba. How can I love someone kung kaharap ko sila ay mukha ni Cheska ang nakikita ko. Am I too obsessed with her?

I stared at the ceiling of my hotel room when my phone vibrates. Nang kunin ko iyon ay nakita kong tumatawag si Yari.

“Kuya! I hate you! I hate you!” 

Boses kaagad ni Hope ang narinig ko nang sagutin ko ang tawag. Huminga ako ng malalim dahil sa tono pa lang ng boses ni Hope, alam kong nagtatampo na ito.

“You can hate me all you want, Hope. Anong gusto mo?” I asked, slightly chuckled. Hope requested a video call, so I immediately accepted it.

Napangiti ako nang makita ko ang nakanguso at nagtatampong mukha nito.

“I really hate you, Kuya! Hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka pala ng Pinas! Edi sana pinaulanan na kita ng halik!” singhal nito sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

I was about to open my mouth when Yari knocked my sister’s head. “Ang OA mo, Hope! Hindi na magpapahalik si Kuya Hari sa’yo dahil na kay Ate Haven na siya!” 

Napangisi ako habang nakatingin sa kanila, pero laman ng isip ko ay si Cheska. I still don’t know how to approach her. Naiinis ako na naiilang si Cheska sa akin. Na iiniwsan niya ako. It’s been a week since I arrived here at Isabela, and still no progress.

“Kuya Hari!” 

Naagaw ni Yari ang atensyon ko, kaya muli akong napatingin sa screen ng phone ko. “I know Ate Ven’s address. Pagkakaalam ko e, bakante ang katabi ng bahay nila, bilhin mo na kuya! Ahh, I’ll call Ate Ven na pupuntahan namin siya bukas, pero dapat ikaw ang pumunta! Day-off niya bukas ‘di ba? Agahan mo kuya, kasi may mga lakad si Ate Ven sa tuwing day-off niya!”

Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Yari, to the point na napatayo pa ako, pero naalala kong gabi na pala. Rinig ko pa ang pagtawa ng dalawa.

“Si Ate Ven na bahalang mag-kiss sa’yo!” Hope said, giggling with Yari. Mga baliw.

But I love how they supported me with Cheska. Bakit hindi, e botong-boto nga sila sa akin kay Cheska.

Kinabukasan ay maaga akong kumilos, at excited pa akong puntahan si Cheska. Binigay nga ni Yari ang address ni Cheska.

Nasa labas na ako nang makatanggap ako ng text mula kay Yari. 

From Yari:

Geez! Kuya, don’t forget to bring flowers! And chocolates!

Napakamot ako sa ulo ko nang makalimutan kong bumili no’n kaya ay napabalik ako sa motor ko, pero may nakita akong tanim ng kalachuchi. I fell in love with the flower.

Lumapit ako roon pero kaagad na bumukas ang pintuan ng bahay na may-ari no’n. 

“Ano atin, hijo?” Tanong ng matandang babae. Lumapit ako sa kanya para alalayan siyang makababa. Nakasungkod kasi ito at tila nahihirapan sa pagbaba lalo na’t may dala itong mukhang basura.

“Nako, salamat, napakabait na bata,” aniya kaya ngumiti ako sa kanya.

“Lola, pwede po ba ako makahingi ng bulaklak?” Nahihiyang tanong ko, may pakamot pa sa batok akong nalalaman.

Tumawa naman si Lola tsaka tumango. “Oo, kuha ka lang. Para ba sa nililigawan mo?” Tanong nito dahilan para makaramdam ako ng pagkainit sa pisngi.

“Opo e, nakalimutan ko kasing magdala ng bulaklak…” sagot ko. 

“Kumuha ka lang, ramihan mo. Mahalaga sa mga babae ang bulaklak. Mayaman man o mahirap, importante sa kanila na makatanggap noon, kasi kahit paano, ramdam nilang mahalaga sila.” 

Ningitian ko si Lola. Tinapik niya naman ang braso ko tsaka ito naglakad papasok, pero muli itong lumingon sa akin. “Be loyal, love her with all your heart and don’t cheat on her.” 

Kabadong-kabado akong nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay ni Cheska, nagdadalawang isip kung pipindutin ko ba ang doorbell. 

Shit! Bakit ba ako kinakabahan? 

In the end, I chose to press the doorbell. Ilang sandali lang ay bumukas iyon at nakita ko si Cheska. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang makita siyang magulo ang ayos. 

She’s wearing a croptop shirt, revealing slightly her tummy, at medyo basa pa ang kanyang buhok na para bang kakalabas lang ng banyo, dahil tumutulo pa iyon pababa sa kanyang leeg.

Leeg.

Kaagad akong napaiwas ng tingin at binigay sa kanya ang bulaklak. 

“Don’t tell me, para sa akin iyan?” tanong nito sa akin. Napakunot naman ako ng noo.

“Para kanino pa ba?” Asar kong tanong sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. I wanted to smile at her. I miss her being m*****a. Sobrang na miss ko ang lahat sa kanya.

“To Mavie? She’s living with me.” she said nonchalantly. 

I scoffed and give her the flowers I picked from the next door and went inside of her house. Simple lang ang bahay ni Cheska, but I felt the warmth in it.

“Hey! Hindi kita pinapapasok dito, Hari!” sigaw ni Cheska sa akin pero hindi ko siya pinansin at dumiretso sa sala.

As soon as I saw my baby, I ran to him. Tumahol naman ito at tumakbo ring papalapit sa akin. He really knows who’s his dad! “My baby!” 

“Paano mo nalaman ang address ko?” Tanong niya sa’kin.

Pero hindi ko pinansin si Cheska at napatingin sa mga larawang nakasabit sa dingding niya, sa mga pictures frame na nakapatong sa mga shelves and cabinet. And I can say that her life for the past seven years has been great. She was filled with love by her friends, her family, my family, and, of course, Isaac.

“So, Isaac is with you all the time?” I asked. My voice is slightly broken. 

Naikuyom ko ang kamao ko habang hawak ng isa kong kamay ang picture frame na kasama ni Cheska si Haven nang makapasa ito sa board exam. I wish it was me.

“If I stayed... Will this be this close, Cheska?” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status