HAVEN FRANCHESKA LAURIER “Let’s have a date, baby,” Hari said as he turned around to face me. Nasa kwarto ko kaming dalawa, as usual. Mukhang ginawa na naming dating place ang kwarto ko. Pareho lang din naman kaming busy. Siya nag-aaral, habang ako ay nagbabasa ng libro—novel. “Ang dami mo pang aaralin, date ka d’yan.” Wika ko sa lalaki. Napatawa naman siya, tsaka ito gumapang papalapit sa’kin at humiga sa hita ko habang yakap ang bewang ko, nakapatong naman ang baba niya sa t’yan ko. “Sige na, let’s go to Japan? O hindi kaya Hongkong? Saan mo gusto?” Tanong nito sa akin, kaya naibaba ko ang librong binabasa ko para harapin siya. “Marami ka pang aaralin, next time na natin gawin,” wika ko sa kanya. Gusto ko rin namang gumala kami, pero may mga trabaho pa kami at isa pa, maraming kailangang aralin si Hari. “Study can wait, baby.” Napatawa ako nang ngumuso si Hari, habang pinipilit na gumala kaming dalawa. Umayos siya sa pagkakahiga tsaka kinuha ang cellphone. Muli kong kinuha a
Last Updated : 2024-10-25 Read more