Share

2 - Until Then

“Ang gwapo ni Doc!” kinikilig na saad ni Ina.

“Oo nga e. Shit. Nakakalaglag panty, teka check ko muna kung suot ko pa ba!” Pabirong saad ni Yuri, kaya napatawa ako ng mahina.

“Gaga ka talaga, Yuri!” wika ni Ina sabay pinalo ang

Napailing nalang ako sa mga sinasabi nila tungkol kay Hari—Doc Hari. Sht. I’m still not used to call him doc. Pero mukhang masasanay na ako ngayon.

Paano ba naman, siya pala ang bagong resident doctor. Bakit dito pa talaga? Sa Isabela? Pwede naman siya sa Manila, o hindi kaya sa Cebu?

Hindi naman ako sa Sierra Hospital nagtatrabaho, dahil kung maaari ay iniiwasan ko talaga maging konektado sa mga Sierra, pero mukhang sila na mismo ang lumalapit sa akin! Nakakabaliw.

Siniko ako ni Mavie nang makalapit ito sa’kin, dala na ang food tray nito at malawak ang ngiti. She knows Hari. Naikwento ko kasi iyon sa kanya, dahil kailangan ko ng kausap ng mga panahong lumayo ako sa kanila.

“He’s hot. Didn’t know na may boyfriend kang hottie, Ven.” tumawa ito na parang baliw.

“Hindi ko siya boyfriend, for Pete’s sake, Maria Eva!”

“Gross ka, sis! Mavie nga e. Mavie! Hindi ako kasing birhen ni Maria kaya huwag mo ‘kong tatawaging Maria!” naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa akin, pero inirapan ko lang ang babae.

“Anyways, mukhang lagi mo nang makakasama ah, emergency room,” muli itong ngumisi kaya sa inis ko ay isinubo ko sa kanya ang burger sa bibig niya at kaagad na tumayo.

Aalis na sana ako sa upuan ko nang pagkaliko ko ay may naibangga ako, dahilan para mahulog lahat ng pagkaing bitbit ko. And I heard gasped from all over the places. Kaya maging ako ay napasinghap nang makita kong doctor ang nakabangga ko, pero nang napaangat ako ng tingin, mas napasinghap ako nang makita kong si Hari iyon.

Seryoso lang itong nakatitig sa akin, wala man lang ka-emosyon-emosyon dahilan para kumirot ang puso ko. Hari’s changed.

Anong akala mo, Haven? Babalik siya at ngingiti sa’yo na parang wala lang nangyari? Na hindi mo siya sinaktan ng paulit-ulit? At ang tuluyang pag-iiwas at ang pag-iwan mo sa kanya? Heck. You wish.

“Sorry, Doc...” paghingi ko ng tawad sa kanya tsaka ko kaagad na pinupulot ang mga pagkaing natapon dahil sa pagkakabangga, pero hindi pa ako tapos nang may humagit sa braso ko para itayo ako. It wasn’t aggressive, but it wasn’t gentle either. It made me freeze.

Slowly, I straightened up, and that's when I met Hari's eyes—serious, intense, and unreadable. Sobrang lalim ng tingin nito sa akin na para bang kakainin ako ng buhay. Ano na naman bang ginawa—well, aside sa hindi ko namang sinasadyang banggain siya! Ano pa ba? Aren’t we clear with what I wanted seven years ago?

Ano ba talaga dahilan niya kung bakit siya nandito? Sa Isabella pa mismo! Ako? Bakit?

“Let it be. Someone will clean the mess, go and get changed.” Hari muttered. His voice changed. Deep and husky. And the way he speak, it has now with accent. American mixed with British accent.

Hindi ko na pinansin pa si Hari tsaka tuluyang umalis gaya ng sabi niya. Ramdam ko namang nakasunod si Mavie sa akin.

“Tngina talaga! Ang gwapo ni Doc Hari! Shit! Pwede akin nalang—”

Sinamaan ko ng tingin si Mavie dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.

Tumawa naman ang babae, na para bang may ibang pahiwatig ang pagtawa nito. Ilang saglit lang ay tumigil siya tsaka ako ningisihan. “I knew it! You still have feelings—” kaagad ko namang tinakpan ang bibig ni Mavie gamit ang kamay ko.

“Manahimik ka nga, Mavie!” asar kong sabi sa kanya. Tinanggal niya naman ang kamay na pagkakahawak ko sa kanyang bibig.

“Ayan na, binalikan ka na. Pwede mo nang sagutin agad-agad! Para saan pa ang pag-iyak mo gabi-gabi kung hindi ka makikipagbalikan sa kanya?”

“Dami mong alam!” asik ko sa kanya.

Muling tumawa naman ang babae. “Ako pa! Bestfriend mo kaya ako! Sa’yo na si Doc, para sa akin na si Chef!”

“Daldal mo! Wala nga akong gusto sa kanya, isa pa sobrang tagal na iyon!” naiirita kong saad kay Mavie, pinipilit talaga ang bagay na iyon.

“Yeah, yeah, actions speaks louder than words, Uhhh ugh!” napalo ko pa si Mavie nang umungol ito, pero tumawa lang lalo ang babae.

Gagong babaeng ‘to! Ang sarap sapakin.

Iwas na iwas ako kay Hari kahit na gusto niya akong lapitan. Hindi naman tungkol sa trabaho ang paglapit niya sa akin kaya bago pa niya ako tuluyang lapitan ay umaalis na kaagad ako.

Isa pa ayoko ng issue. Knowing my workmates, lahat sa kanila issue. Issue na nga ang pagbibisita ni Isaac sa akin e. Kay Hari pa kaya na doctor ng ospital ito.

“Isaac!” bati ko nang pagbuksan ko ng pintuan si Isaac. Inabot niya naman sa akin ang dala nitong pink and white roses, na lagi niyang dinadala sa tuwing dadalaw ito sa bahay ko.

Inabot ko iyon tsaka ito pumasok. Sa kabilang kamay naman ay may dala siyang red white at mga ingredients na lulutuin niya.

“Chef!” bati ni Mavie ng lumabas ito sa banyo. May tuwalya pa sa ulo, at naka night gown na ito kaya wala na itong suot na bra.

Tuwang-tuwa itong lumapit kay Isaac at niyakap ang lalaki. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Isaac dahil sa ginawa ni Mavie.

“Hoy, babae! Magbihis ka nga!” sigaw ko kay Mavie kaya napatingin ito sa damit niya pero ngumisi lang siya.

“There’s nothing wrong with my clothes, Ven. Sus,” aniya tsaka pumasok sa kwarto nito. Pero muling binuksan ang pintuan at sinilid ang ulo nito.

“Pwede akin ka na lang, Chef? Mukha kasing may nagbalik sa buhay ni Ven, kaya willing akong saluhin ka!” Mavie winked at him before closing her door again.

“Nagbalik?” tanong ni Isaac.

Hindi ko siya pinansin tsaka ko nilapitan si Kari na nakahiga sa higaan nito katabi si Misty, ang pusa ni Mavie, para pakainin sila.

Napahiga naman ako sa sofa dahil ramdam na ramdam ko ang pagod ngayong araw dahil sa walang katapusang pagpasok ng mga pasyente kanina.

Bigla kong naalala si Hari, na kakarating lang ay napasubok kaagad sa matinding labanan.

“Sino bumalik?” tanong muli ni Isaac tsaka ito lumapit sa kusina para magsimula nang magluto.

“Does it matter?” I asked grabbing the remote control and turn the TV on.

“Oo, Angel. It does matter. Para makita ko kung sino ang magiging kaagaw ko sa’yo.” seryosong saad ni Isaac. Napaangat ako ng tingin tsaka ako ngumiti kay Isaac.

“Alam mong ayaw ko nang pumasok sa ganyan, Isaac. You knew how I was before and I don’t want that to happen ever again. So, stop pursuing me. You could date Mavie instead.”

Nabigla ako nang padabog na ibinagsak ni Isaac ang kutsilyo kaya kaagad akong napapunta sa kanya at nakita ko ang paghiwa sa kanyang daliri. Ang daming dugo na umaagos mula roon.

“Isaac!” singhal ko sa kanya. Kaagad kong kinuha ang kamay niya at binabad iyon sa umaagos na tubig.

Kaagad kong inabot ang first aid kit na naaa itaas ng kabinet at nilinisan ang sugat ni Isaac. “Dapat nag-iingat ka, Isaac! Chef ka pa naman! Mahalaga ang kamay—”

Pero napatigil ako nang hagitin ni Isaac ang kamay ko at isinandal ako sa lababo. Sobrang lapit ng mukha niya at seryoso itong nakatitig sa mga mata ko.

“No, I won’t give up on you, Haven,” he said firmly, his voice low but unwavering. “Not that it took me seven years to pursue you and I will keep on pursuing you.”

Marahan kong tinulak si Isaac tsaka ko iniwasan ang tingin sa kanya. I’ve been pushing him away, pero ayaw niya akong lubayan, hanggang sa hayaan ko na lang siya dahil gano’n din naman, hindi rin naman siya makikinig sa akin.

“I... I’m sorry, Haven pero hindi ko kaya ang pinapagawa mo.” Isaac’s voice softened, yet the bitterness in his tone was unmistakable. “I will do everything, until you chose me. But...” napahinto ito na para bang nagdadalawang isip na sasabihin ang kasunod na kataga.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin. “If you chose him... Then I have no choice but to let you go,” he said with a bitterness on his voice. “But until then... Until then, let me love you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status