Lahat ng Kabanata ng Arranged Marriage with the Ruthless CEO: Kabanata 41 - Kabanata 50

50 Kabanata

KABANATA 41  

“Anong ginawa ni Natalie at bakit may regalo siya sa akin? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?” Tanong ni Mateo sa sarili. Nagulat siya dahil sa huling sinabi ng babae. Tsaka niya tiningnang muli ang t-shirt na bigay nito. “Ikaw ang nagtahi nito?” “Um…oo…” Hindi maintindihan ni Natalie kung bakit ganoon ang reaksyon ni Mateo. Kung bakit parang gulat na gulat ito na kaya niyang gumawa ng damit. Kung sabagay, iilan lang naman ang nakakaalam ng tinatago niyang talento. Ang namayapa niyang ina ay isang magaling na fashion designer. May studio ito dati, noong maliit pa si Natalie, madalas niyang pinapanood ang ina habang nagtatahi ito gamit ang mga kamay. Kahit na maaga itong nawala, naituro na ni Emma ang mga basic skills ng pananahi sa anak. Magaling si Natalie, marahil ay namana nga niya ang galing ng ina. Ang pananahi ng simpleng t-shirt ay madali para sa kaniya. Tahimik lang si Mateo pero sa loob-loob niya---talagang nasupresa siya. Hindi niya lubos akalain na ginawa ito ng
Magbasa pa

KABANATA 42   

Nasa art exhibit na sina Irene at Mateo. Maraming tao at gaya ng inaasahan ng babae, mababato siya doon. Hindi rin maganda ang mood ni Mateo. Pinapasadahan ng mga tingin ni Mateo ang iba’t-ibang uri ng paintings na  naka-display doon. Naroroon man ang pisikal niyang katawan, ang isipan naman niya ay wala sa exhibit na iyon. Sa bawat painting na pinagmamasdan niya, ang imahe ni Natalie na nakangiti kanina at walang pakialam ay paulit-ulit niyang nakikita. “Mateo,” tinabig na siya ni Irene para mapansin niya ito. May pag-aalala sa mga mata nito. “Trabaho pa din ba ang iniisip mo? O masakit ang sugat mo?” “It’s neither, Irene.” Hindi na napigilan ni Mateo ang sarili. “What?” Walang pakialam si Natalie sa kaniya. Pero bakit tila apektado siya. Oo, mag-asawa sila, pero alam nilang pareho kung ano lang ang namamagitan sa kanila. Mag-asawa sila sa papel. At malapit ng magtapos ang relasyon nilang iyon. Si Irene ang kasama niya at siya ang babaeng gusto niyang makasama hanggang pagta
Magbasa pa

KABANATA 43  

“Ako? Iniimbitahan mo akong mag-dinner?” Hindi talaga magawang maintindihan ni Natalie kung ano ang trip ni Mateo kahit anong pilit niya. “Hindi ka na pwedeng lumabas, Mateo. Unang-una, lumabas ka na kanina para makipag-date sa nobya mo. Pinalampas ko na iyon, dahil sabi mo importante iyon. Pero bilang doktor mo, hindi ako pwedeng lumabas kasama ka. Paglabag iyon sa code of conduct ko.” “Nat, marami tayong dapat na pag-usapan.” Naging seryoso ito. “Ang sagot lang sa tanong ko ay oo o hindi.” Napalunok si Natalie. “Kakain lang naman, diba?” Hindi magawang tumanggi ni Natalie lalo na at naging seryoso na ito. Bukod pa doon ay may bahagi ng pagkatao niya na gustong malaman kung bakit siya niyaya nitong mag-dinner. Pakiramdam niya ay importante ang gabing ito. “Pumapayag ka na?” Muling tanong nito. “Oo nga.” Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. “Okay, magkita na lang tayo mamaya sa kwarto ko. Ayaw mo namang paalisin ako ulit ng ospital.”  … Ang kwarto ni Mateo Garcia a
Magbasa pa

KABANATA 44

“Hmm,” napansin n ani Irene ang nakahandang mesa. May dalawang plato, kaya kunot ang noo nito nang tanungin ang nobyo. “May ibang tao ba dito?” Hindi naman kasi alam ni Mateo na maka-cancel ang shooting nito ngayong gabi. Lalong hindi naman para kay Irene ang hinanda niyang dinner. Kung alam lang niya, sana pala ay nagpumilit na lang siya na sa labas na lang sila maghapunan ni Natalie. Naiinis siya sa pagsulpot nito ng walang pasabi. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo kaya kailangan niyang makaisip agad ng kapanipaniwalang rason. “Para sa amin ni Isaac yan. Hindi pa lang siya dumarating.” “Oh, I see.” Tsaka pa lamang nakahinga ng maluwag si Irene. Ang una niyang inisip ay baka may babaeng kasama si Mateo at kakain pa lang sila. Mabuti na lang at si Isaac lang pala ang kasama nitong kumain. Humila siya ng isa pang upuan. “Alam mo, boring kumain nang kayo lang. Samahan ko na kayo, okay?” Nanatiling nakatayo si Mateo, napansin na naman ito ni Irene. “Ayaw mo bang umup
Magbasa pa

KABANATA 45

Nakahawak pa din si Mateo sa kamay ni Natalie. Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. “'yong kamay ko…pwede pakibitawan tsaka, pwede na ba akong umalis? May lakad ako.” “Saan?” Nakasimangot na ang lalaki at hindi nagustuhan ni Natalie ang tono ng pananalita nito. Hindi niya maitago sa mukha ang disgust sa inaasta ni Mateo. “Teka, bakit ka nagmamaasim dyan? Eh, ikaw ‘tong nagyayang maghapunan tapos pinapasok mo ako sa banyo ng humigit kumulang isa o dalawang oras. Diba, dapat ako ang magalit?” Nagulat si Mateo at wala siyang naisagot. Hindi din niya alam bakit bigla na lang nawala ang pasensya niya at nagalit siya gayong tama naman ito dahil sino nga naman ang hindi magagalit kapag pinapasok ka sa banyo para magtago? Nabigla siya ng mga oras na iyon at aminado siyang mali ang ginawa niya. “Hey,” sabi ni Natalie sa kaniya. “Hindi naman ako galit. Naiintindihan ko. Natural na maging ganoon ang reaksyon mo. Priority lagi dapat ang girlfriend kaya no worries.” Para kay M
Magbasa pa

KABANATA 46

Wala pa ding sagot si Natalie. Namumutla lang ito na tila nawalan ng dugo ang balat. Nakaramdam ng simpatya si Mateo para sa babae. Nainis din siya sa sarili dahil sa sobrang galit niya ay kung ano-ano ang nasabi niya. “Ayos ka, Mateo. Bakit mo kailangang magsalita ng masasakit kapag dismayado ka?” Puna niya sa sarili. “Nat…”nagsisisi siya sa mga sinabi pero hirap siyang humingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya. A-ang ibig kong sabihin…” “Tama ka.” Ngumiti si Natalie. “May bastardo nga sa tiyan ko. Ang mga taong kagaya ko ay hindi nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga kagaya mo. Huwag kang mag-alala, Mateo. Hindi naman namin kailangan ng tulong mo.” Nagbukas ang elevator at mabilis na lumabas ang babae kahit hindi niya floor iyon. “Natalie!” Hindi na niya naabutan pa ito. Sa inis niya sa sa sarili, nasuntok ni Mateo ang elevator. Halo-halong emosyon ang nanaig sa kaniya. Sa palagay niya ay malalagutan siya ng hininga. Kinahapunan, nagrounds si Natalie sa kwarto ni Mateo per
Magbasa pa

KABANATA 47

Nagsisimula nang bumalik ang ulirat ng matanda at nang makita nitong si Natalie ang nasa tabi niya, nangilid ang mga luha nito. Naintindihan ni Natalie ang ibig nitong sabihin. “Ayos lang po si Mateo. Alam ko po ang naging kalagayan niya. Ako po mismo ang tumitingin sa kaniya sa ospital na ito. Huwag na po kayong masyadong mag-alala sa kaniya.” Ipinikit muli ni Antonio ang mga mata niya. Bakas sa mukha nito na hindi na ito nagaalala ng malamang maayos ang apo. Hindi namalayan ni Natalie na nasa likod na niya si Mateo. Tinabihan nito ang lolo at hinawakan ang isa pa nitong kamay. “Lo, nandito na po ako…see? I’m fine.” Gustong magsalita ng matanda ngunit garalgal na tinig lamang ang naririnig ng dalawa. Muli na namang nagalala si Mateo para sa lolo. “A-ano pong kailangan niyo?” Ang sumunod na ginawa ng matanda ay malinaw para kina Mateo at Natalie. Dahil hindi ito nakakapagsalita, marahan nitong hinila ang mga kamay nilang hawak niya sa kamay at pinag-isa. Gusto nitong maging maa
Magbasa pa

KABANATA 48   

Umiling si Natalie. Kailan man ay hindi niya magagawang sumuka sa kamay nino man. Pero sukang-suka na siya. Anumang oras ay mailalabas na niya ang kanina pa niya pinipigilang mangyari. “Dali na, Nat!” Utos ni Mateo sa kaniya. Hindi na nga nagawang pigilan pa ni Natalie ang suka niya. Nagsuka siya at sinalo iyon ng mga nakaabang na kamay ni Mateo. Pati ang suoy nitong jacket ay nasukahan niya. “S-sorry…” hingal niyang sabi, namumutla pa din ito. “Okay lang.” Tinanggal niya ang jacket na suot at itinapon sa nakitang basurahan sa sulok. “Maghuhugas lang ako.” Nang bumalik ito, basang-basa ang suot nitong damit. Napansin ni Natalie na hindi suot ni Mateo ang t-shirt na ginawa niya para dito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya ngunit hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan iyon. Nasukahan niya si Mateo. Ano na lang ang iisipin ng lalaki kung itatanong niya ang t-shirt? “Kamusta ang pakiramdam mo, Nat?” Nasa tapat niya si Mateo at may bahid ng pag-aalala sa
Magbasa pa

KABANATA 49  

“Hindi ko alam. Pwedeng hindi niya alam o pwede ding alam niya pero ayaw lang niyang maging responsableng ama. Pwede ding wala kang itinama.” Ang tanong na galing kay Mateo ay ikinagulat ni Natalie. Bigla-bigla na lang kasi itong nagtatanong. Paano nga naman niya masasagot ang tanong na iyon kung sa una pa lang ay hindi naman niya kilala ang ama ng bata? Ang sinagot sa kaniya ni Natalie ay nagpalaki ng mga mata ni Mateo. Naisip niyang napakawalang-kwenta naman pala ng lalaking iyon. Hindi maituturing na matinong lalaki ang mga lalaking ganoon ang prinsipyo sa buhay. “So…'yon na ‘yon? Magkakaanak ka na, Nat…” Napahawak si Natalie sa tiyan niya. Hindi pa niya sigurado kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa ngayon, iisa lang ang sigurdo niya…walang kasalanan ang bata kaya wala siyang karapatan na sisihin ito  sa kung ano man ang magiging takbo ng buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Napakaraming nakataya. Alam din niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mateo. Sa ngayon ay iniisi
Magbasa pa

KABANATA 50  

Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status