All Chapters of Arranged Marriage with the Ruthless CEO: Chapter 91 - Chapter 100

210 Chapters

KABANATA 91  

Mahigpit ang pagkakakapit ni Irene sa bewang ni Mateo. “Nagisip-isip ako over the past two days, Mateo. Hindi ko talaga kaya…” Tinitigan ni Mateo ang babaeng nasa mga bisig niya. Gusto niyang maawa pero nagkunot lang ang noo niya. “Irene…” Bigla na lang pumasok si Natalie sa opisina niya at mabilis ding lumabas. Marahil ay dahil sa naabutan niya sa loob. Nagulat pa si Alex ng makita ang babae dahil namumutla ito. “Miss Natalie, galing po kayo sa loob?” Pinilit ni Natalie ang ngumiti pero ang ngiting iyon ay hindi umabot sa mga mata niya. “Ha, oo. Pero paalis na din ako. Busy siya. Huwag mo na lang sabihin na nandito ako.” Mabilis niyang linisan ang lugar na iyon. Hindi niya kayang manatili doon kahit na isang segundo lang. Kung tutuusin ay isang minuto lang ang itinagal niya doon pero sa loob ng isang minutong iyon----sinampal na siya ng katotohanan. Galing siya sa ospital bago dumaan doon, puno pa siya ng pag-asa at ngayon ay durog na durog ang pag-asang iyon. Dahil lang s
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 92  

Pababa na sa underground parking lot si Mateo, panay pa din ang pag-dial niya sa cellphone number ni Natalie pero hindi ito sumasagot. Nakabalik na sa ospital si Natalie. Tinutulungan niya ang medical team para mag-empake at maghanda para sa pag-alis nila. Sa katunayan, ginusto niyang sumama ulit sa huling team pero hindi niya itinuloy. Ngayon, parang gusto na lang niyang makipag-palitan sa kanila dahil wala naman siyang dahilan para manatili. Patuloy sa pagba-vibrate ang cellphone niya sa bulsa ng white coat niya. Sinilip niya iyon at nakitang si Mateo ang tumatawag. Para hindi na siya maistorbo, inactivate niya ang airplane mode. Dumating si Mateo sa ospital at naabutan pa niyang paalis na ang medical team. Hinarang siya ng guwardiya. “Bawal po mag-park dyan, sir. Doon lang po pwede sa central parking lot.” Sabi pa nito sa kanya. Sinunod niya ang utos sa kaniya kahit na naiinis siya. Dumiretso siya sa emergency reception desk para magtanong. “Excuse me, hinahanap ko si Dok Na
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 93

Biglang naalala ni Natalie ang sinabi ng lalaki na pagtulong sa bunsong kapatid. “Tungkol ba ‘yan kay Justin?” [Nangako ako diba?] Natawa pa ito. [Syempre, tutuparin ko iyon. Tinutupad ko ang mga pinangako ko, Nat.] Dahil tungkol ito sa kapatid niya, hindi na nagtanong pa si Natalie. “Okay, sige. Tawagan mo ako ulit kapag nandito ka na.” [Syempre naman.] Napangiti si Drake pagkatapos ng tawag na iyon. Kahit na para kay Justin ang ginagawa niya, okay na din. Iyon lang ang paraan para muli siyang patuluyin ni Natalie sa buhay nito. Gusto niyang maging bahagi siya ng buhay nito ngayon at maging dependent ito sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang makiusap na manatili siya. … Lumakas lalo ang buhos ng ulan. Sinipat ni Nilly si Natalie na nakatayo sa may bungad ng pintuan. “Grabe, may bagyo ba? Parang gigil na gigil ang langit, ah. Tsaka, kanina ka pa dyan, may hinihintay ka ba? Malapit ka ng tubuan ng ugat dyan.” Hindi pa siya tapos sa pambubuska sa kaibigan ay muli itong nag
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 94  

Bumukas ang pintuan at ang bumungad sa kay Mateo ay ang mukha ni Drake Pascual. Sa itsura nito, mukhang kakatapos lang nitong maligo, wala itong pang-itaas na suot. Ang tanging suot lang nito ay isang kulay asul na sweatpants. Hiniram lang ito ni Natalie sa isang kaklaseng lalaki dahil walang kasya sa kaniya sa mga gamit ni Natalie. Matiim na tinitigan ni Mateo ang bisita ni Natalie.  “Mr. Garcia,” si Drake na ang naunang magsalita. “Hinahanap mo ba si Natalie? Nasa banyo pa siya.” Alam ni Drake na magiging ganon ang reaksyon ng lalaki. Sinadya niyang sabihin iyon dahil sa simula pa lang, nagdududa na siya tungkol sa tunay na kaugnayan ng dalawa. Malakas ang kutob niya na higit pa sa patient-Doktor ang relasyon nila.  Kahit sinong lalaki ay magagalit pero pinili ni Mateo na maging sibil. “Nasaan si Natalie? Gusto ko siyang makausap.” “Drake, sino ‘yan?” Galing ang boses ni Natalie sa loob ng banyo. Nagulat pa siya ng makita kung sino ang kausap ni Drake sa may pintuan. “Mateo?
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 95  

**Sa loob ng Garcia Corporation conference room** Inilatag ni Isaac ang isang file sa harapan ni Mateo. May bagong proyekto ang kumpanya at kailangan nila ng isang technical partner pero hanggang ngayon ay wala pa silang nakikita. Sa araw na iyon ay may pangalawang batch ng potential collaborators na kailangan niyang i-review. Pinagmasdan niyang maigi ang dokumento at nahagip ng mata niya ang Pascual Technology. Ang kumuha ng atensyon niya ay ang chief engineer nito, si Drake Pascual. Tinapik-tapik ni Mateo ang pangalang iyon ng ilang beses. “Sir, maganda ang track record ni Drake Pascual kahit kakabalik lang niya sa bansa. Nag-aral siya sa abroad at nanalo ng ilang tech awards doon.” “So…ano sa tingin mo?” “Sa tingin ko po, magaling siya at siya ang kailangan natin.” Magaling na negosyante si Mateo at hinihiwalay niya ang personal na buhay niya mula sa pagpapatakbo ng kumpanya. Hindi niya hinahayaang manaig ang emosyon niya lalo na kung pera ang pag-uusapan. “Alright, tawa
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 96  

Natameme si Natalie pero tinraydor siya ng puso niya. Ang pagtanggi sa tunay niyang nararamdaman para kay Mateo ay isang malaking kasinungalingan. Sa buong buhay niya, mabibilang lang ang taong tinrato siya ng mabuti. Sa sobrang konti, pinaka-iingatan niya ang mga pagkakataong iyon. Ang bawat tulong na natanggap niya, ibabalik niya ng sampung beses kung kaya niya. Pagkaalis sa ospital, bumalik siya sa bahay ng mga Garcia sa Antipolo. Labis na natuwa ang matanda ng makita siya sa bahay at agad na ipinatawag si Mateo. Hinawakan pa nito ng mahigpit ang mga kamay niya. “Halos isang linggo din tayong hindi nagkita at ito namang si Mateo, abala din at hindi na rin kami nagkikita. Kumain naman tayo ng hapunan ng sabay mamaya.” Ng tinawagan nila si Mateo, iba ang sinagot nito sa paanyaya ng matanda. [Lo, pasensya na, marami akong ginagawa dito at hindi pa ako makakabalik dyan.] “Saan ka naman na-busy?” Tanong ni Antonio sa apo. “Masyado ka na bang abala para kumain? Isa pa, kakabalik l
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 97

Panandaliang nagulat si Mateo sa tanong na iyon. Pero sinagot pa rin niya ng buong katotohanan iyon. “Yes, why?” “Salamat,” seryoso ito. “Talagang nagpapasalamat ako. Lumaki akong kaunti lang ang mga taong mabait sa akin.” May kakaibang sensasyon ang gumapang sa kabuuan ni Mateo, umabot iyon hanggang sa puso niya. Pigil na pigil ang pagngiti niya. Tumango lang siya. “Pero…” may sasabihin pa sana ito pero tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong sinagot. “Andrew, oo, tatawagan pa sana kita. Mabuti at tinawagan mo na ako. Ano kasi, naiwan ng kaibigan ko ang coat niya dyan sa dorm room mo. Tsaka hindi pa ako nakakapagpasalamat dahil pinatulog mo siya dyan. Kung hindi lang sa lakas ng ulan, nag-hotel na sana siya. Totoo bang sa supply room ka natulog? Sorry, libre na lang kita para quits na tayo.” Habang nagsasalita si Natalie, itinuro na niya ang MRT para sabihing mauuna na siya. “Dahan-dahan!” Sigaw ni Mateo sa babae. Hindi niya sigurado kung narinig pa siya nito pero ang n
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 98  

Halos malunok ni Leo ang usok ng sigarilyong ibubuga sana niya. “What the…sinong tinatawag mong babaero? Lahat ng mga nakarelasyon ko ay mga kaibigan ko lang talaga…” Napansin ni Leo na lahat ay nagsi-taasan ng kilay. “Hmph. To answer your question, hindi pa ako nag-date ng babaeng may anak.” “Weh?” Pambubuska ni Stephen. “Wala pa sa ngayon dahil hindi mo pa nakikita yung babaeng may anak na iyon na gusto mo. Kung gusto mo siya, walang kaso kung may anak siya o wala, diba?” “Ah, pinagtatawanan mo ako at ang prinsipyo ko, Stephen?” Nagtawanan sila at nag-alaskahan gaya ng lagi nilang ginagawa kapag magkakasama sila. Pero nagseryoso ulit si Leo. “Pero seryoso, what if may anak nga siya? Mahaba ang buhay at hindi sapat ang isang anak para matali ang isang tao.” “Alam mo, tama at mali yung sinabi mo,” pasok naman ni Aries na kanina pa nakikinig lang. “Sabi nga nila, it’s not about the time we live in. Kahit noong panahon pa ng mga mananakop, uso na yung mga single mothers. Madalas
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 99

Makalipas ang ilang araw, binisita ni Drake ang Garcia Corporation. Masusi niyang sinunod ang mga prosesong kailangan para sa partnership ng Pascual Technology sa kumpanya nila at ngayong araw ay may meeting siya kasama si Mateo Garcia. Dinala siya ng sekretarya nito sa isang maliit na conference room. Pagka-upo ni Drake, pumasok na si Mateo. Muli siyang tumayo. “Mr. Garcia.” “Mr. Pascual, please, maupo ka.” Hindi nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinag-usapan ang collaboration ng mga kumpanya nila. Natuwa naman si Mateo sa kapasidad ni Drake at napagdesisyunan niyang pirmahan na ang deal. “It’s a pleasure working with you,” sabi ni Mateo. “I’m grateful for your trust, Mr. Garcia. I look forward to a fruitful partnership.” Gaya ng nakagawian, isang piging ang nakahanda para sa tagumpay ng dalawang kumpanya. “Mr. Pascual, hindi mo ba kami sasamahan mamaya sa dinner?” “Maraming salamat. Hindi sa hindi ko gustong kumain kasama kayo pero may prior commitment kasi ako
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more

KABANATA 100  

Kumpara kina Natalie, mas maagang dumating ang grupo nina Mateo doon. Nagsilapitan sina Stephen at Aries sa kanila at huling-huli nila ang pagtingin ni Mateo kay Natalie, halos hindi na ito kumukurap. “Alam mo, noong una, nagiisip pa ako kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, dito sa isang putchu-putchung park mo kami hinatak---yun pala, yung misis ng isa dyan ay narito.” Tukso ni Aries sa kanya. As usual, hindi siya pinansin ni Mateo, naglakad ito papunta sana kina Natalie, pero bigla itong tumigil. Nagdadalawang-isip ito. Si Mateo Garcia ay hindi nagdadalawang-isip kung kaya para itong isang palabas na pinapanood ng mga kaibigan. “Hala, ano kayang problema? Wala silang ticket? Hindi mo ba tutulungan ang asawa mo?”Sarkastiko ang ngiting namutawi sa labi ni Mateo. “Ang tanong, kailangan ba talaga niya ng tulong ko?” “Natalie!” Dumating si Drake, kakapark pa lang nito ng sasakyan. “May problema ba?” “Meron…ganito ang nangyari…” nagsimula ng magkwento si Natalie, baka
last updateLast Updated : 2024-10-14
Read more
PREV
1
...
89101112
...
21
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status