Lahat ng Kabanata ng FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE: Kabanata 191 - Kabanata 200

240 Kabanata

Chapter 123.2

PAWISAN ANG MGA PALAD NI SERENE at bahagyang nanginginig ang kanyang kamay habang nakahawak siya sa kanyang cellphone. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Hindi mo na ako kailangang sunduin. Nandiyan ka na? Okay lang diyan, hintayin mo na lang ako diyan.” sabi niya.Ang mga yabag sa likod niya ay tila nag-iba bigla at nakahinga ng maluwag at mabilis an naglakad dahil medyo malapit na siya sa kabahayan at hindi na siya lumingon pa. Ang subdibisyon na iyon ay napakahigpit ng seguridad at kapag nakapasok ka na doon ay sigurado ka nang ligtas ka na. Ngunit bago pa man makarating ay bigla na lang may humawak sa braso niya bigla. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang lalaki na nakangiti sa kaniya.“Sabi ko na e. Wala ka talagang kausap.” sabi nito sa kaniya.Agad na nanlaki ang kanyang mga mata. “Anong binabalak mo ha?!” sigaw niya at sinusubukan niyang hilahin niya ang kamay mula dito ngunit hindi niya mahila ito.“Kung ako sayo ay huwag ka nang manlaban pa kung ayaw mong masaktan.” nakan
last updateHuling Na-update : 2024-11-25
Magbasa pa

Chapter 123.3

IYON NA ANG PANGALAWANG BESES NA MAKAPASOK SI SERENE sa loob. Namamaga ang kanyang bibig dahil sa pagsampal ng lalaki kanina sa kaniya. Ang kanyang kamay at damit ay may bahid ng dugo ng lalaki. Idagdag pa na dahil sa pagsalampak niya kanina sa kalsada ay nadumihan din siya kaya mukha na siyang gusgusin.Pagkatapos nila siyang interbyuhin ay dinala nila ang lalaki sa harapan niya. Wala na ang suot nitong sumbrero dahil may nakabalot ng gasa sa mukha nito. Nang makita siya nito ay bigla na lang kumislap ang saya sa mga mata nito. Binalingan nito ang pulis sa harap nila. “Sa totoo lang po sir ay ibinebenta ng babaeng ito ang sarili niya kaya lang ay hindi siya pumayag sa presyo ko kaya nagalit siya at pinukpok ako sa ulo.” sabi nito sa pulis.Bigla naman siyang napatayo, nanginginig ang buong katawan niya sa galit. “Sinungaling ka!” sigaw niya rito. “Bakit hindi mo sabihin ang totoo na sinundan mo ako at gusto mo akong halaying hayop ka!” galit na galit na sigaw niya at halos magtaas ba
last updateHuling Na-update : 2024-11-25
Magbasa pa

Chapter 123.4

NAPATITIG SI PIERCE SA KANYA PAGPASOK NITO sa silid at hindi niya mabasa kung ano ang emosyon na nakapaloob sa mga mata nito. Sa totoo lang ay nanghihina siya dahil sa naranasan niya kanina ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin dito at makiusap na pwede bang sa ibang araw na lang dahil ilang araw na niya itong hindi pinagsilbihan.Siya na ang gumawa ng unang hakbang at unti-unting tinanggal ang pagkakabutones ng suot niyang pantulog.Ang eksenang iyon ang nagpatawa kay Pierce sa labis na galit. Agad siyang naglakad palapit rito at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito upang pigilan. “Anong ginagawa mo ha? Pagkatapos sa iba ay sa akin naman?” malamig na tanong niya rito.Biglang namutla ang mukha ni Serene sa kanyang narinig. Malinaw na hinuhusgahan na naman siya nito. Hindi ba at nangako siya rito na magiging malinis siya habang may kasunduan pa silang dalawa? Ngunit bakit palagi na lang siya nitong pinagdududahan? Napalunok siya at napakagat-labi. “Malinis ako…” mahinang s
last updateHuling Na-update : 2024-11-26
Magbasa pa

Chapter 123.5

HINDI INAASAHAN NI SERENE na ang iniisip pala nilang dalawa ay ganap na magkaiba. Napakagat labi na lang siya ngunit hindi pa rin niya maintindihan ang lahat. Ilang sandal pa ay bigla na lang itong pumatong sa kanyang ibabaw. Napatitig ito sa kaniya. “Gusto mong pumunta sa ibang bansa at itago sa akin ang lahat. Sabihin mo nga, may nagawa ba akong mali sayo?” tanong nito sa kaniya.“Gusto ko lang namang maging successful at tuparin ang pangarap ko.” sabi niya rito.Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong hinalikan at wala siyang lakas na labanan ito dahil nanghihina ang katawan niya kaya hinayaan siya nito. Hindi nagtagal ay bigla na lang tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa bedside table. Agad niya itong itinulak. “Yung cellphone mo…” sabi niya rito.Agad naman itong tumigil ngunit tiningnan lang nito kung sino ang tumatawag ngunit bigla din nitong ibinaba iyon at hindi sinagot. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siya nitong nahubaran at hinalikan ang bawat sulok ng kany
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

Chapter 124.1

SAGLIT NA TINITIGAN NI PIERCE ang natutulog na mukha ni Serene bago niya kuhanin ang kanyang cellphone. Nakita niya ang tatlong missed calls ng kanyang ama doon. Dahil dito ay agad siyang tumayo mula sa kama at nagbihis. Bago umalis ay muli pa siyang napasulyap sa kanyang likuran at muling lumapit dito upang kumutan ito. Mukhang himbing na himbing na ito sa pagtulog.Hindi niya napigilan ang sarili niyang mapayuko at pagkatapos ay kinurot ang pisngi nito at hinalikan ang noo nito bago tuluyang lumabas ng silid.Habang naglalakad siyang pababa ay bigla niyang binuksan ang ipinadala sa kanyang text ,message ng kanyang ama sa kaniya. “Anong klaseng pag-iisip meron ka ha? Ang paghintayin doon si Ashley at inutusan mo si Liam na humingi ng paumanhin dahil sa paghihintay niya sayo ng matagal?” iyon ang nakalagay sa text message nito kaya mas binilisan niya pa ang kanyang paglalakad.Nang makasakay siya sa kanyang kotse ay agad niyang pinaandar iyon patungo sa kanilang mansyon. Mukhang alam
last updateHuling Na-update : 2024-11-27
Magbasa pa

Chapter 124.2

KINABUKASAN NANG MAGISING SI SERENE ay nakita niya na tahimik na nakaupo sa isang tabi si Pierce at para bang pinapanuod siya nito habang natutulog siya. Agad niyang napansin na namumula ang mga mata nito na para bang puyat na puyat at ni hindi man lang nakatulog. “Good morning.” sabi nito sa kalmadong tinig ngunit medyo malabo ang mga mata nito.Agad na natigilan si Serene at hindi maiwasang magtanong. “Maaga ka yatang nagising?” tanong niya rito.“Ah, oo. Well anyway hinintay lang kitang magising.” sabi nito pagkatapos ay tumayo na at doon niya lang napansin na nakabihis na pala ito ng pang-opisina na agad niyang ikinakunt-noo. “Hindi ba at walang pasok ngayon?” tanong niya.“Marami akong naiwang gawain kaya hindi ako pwedeng magpahinga. Aalis na ako.” sabi lang nito at tuluyan na ngang naglakad patungo sa pinto. “Bumangon ka na at kumain.” sabi nito bago tuluyang lumabas ng pinto.Ipinilig na lamang ni Serene ang kanyang ulo at ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano. Bumangon na si
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

Chapter 124.3

PAGKAALIS NIYA DOON AY AGAD NA DUMIRETSO SI Serene sa may banyo ng mga babae at pumasok ngunit laking pagtataka niya nang lahat naman ng cubicle ay nakabukas at walang bakas ni Amber. Agad siyang kinabahan at talagang inisa-isa pa iyon ngunit wala talaga ito doon.Ilang sandali pa ay bigla na lang niyang naisip na tawagan ito at dali-daling lumabas sa banyo. Habang naglalakad ay kabang-kaba siya at hindi nagtagal ay nag-ring iyon at bigla niyang narinig ang pamilya na ringtone nito at may pinanggalingan ito na malapit lang sa kaniya. Iniikot niya ang kanyang paningin sa kanyang paligid at pagkatapos ay nakita niya ang isang pinto na para bang isang stockroom at para bang doon nanggagaling ang tunog. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serene habang inihahakbang niya ang kanyang mga paa.Malapit na siya sa pinto nang biglang lumabas doon ang isang lalaki. Ilang beses siyang tiningnan nito at pagkatapos ay binati ng may interes. “Hello, hija.” bati nito sa kaniya.“Sino ka?” nanlalaki
last updateHuling Na-update : 2024-11-28
Magbasa pa

Chapter 124.4

DAHIL SA TUNOG NG CELLPHONE ni Pierce ay nagising si Serene. Naramdaman niya na bumangon si Pierce. Bumangon ito sa kama at sinagot ang tawag sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito nakita na maging siya ay gising na. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang nagbibihis na ito habang may kausap sa cellphone. Mahina ngunit malinaw na narinig ni Serene ang dalawang salita. Nicole at gising. Iyon ang narinig niya kung saan ay agad siyang nanigas mula sa kinahihigaan niya. Gising na si Nicole? Samantala, nang matapos naman na magbihis ni Pierce ay hindi sinasadyang mapasulyap sa kama at sa pag-aakalang napagod ito kagabi sa pagniniig nila ay hindi na niya ito ginising pa pagkatapos ay dahan-dahang naglakad patungo sa pinto at marahang isinara din ito. Pagkarinig ni Serene ng pagsara ng pinto ay parang piniga ang puso niya. Nagpakurap-kurap siya ng wala sa oras. Gising na si Nicole. Ibig bang sabihin ay oras na para umalis siya sa puder ni Pierce? Hindi na nakaramd
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Chapter 125.1

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW AY WALA siyang naging balita mula kay Pierce na para bang bigla na lang itong naglaho bigla sa mundo niya. Bagamat napakarami niyang iniisip ay pinilit niya pa rin ang mag-focus sa kanyang trabaho hanggang sa dumating ang biyernes ng hapon.Hiniling sa kaniya ng sekretarya ng general manager na pumunta sa VIP room. Bagamat gulat siya ay agad siyang sumunod at naglakad patungo doon. Pagkatarating niya sa pinto ay agaw siyang kumatok sa pinto bago tuluyang pumasok. Wala siyang ideya kung sino ang nagpapatawag sa kaniya, hindi kaya si Pierce? Napalunok siya at hindi niya alam ngunit bigla na lang siyang kinabahan bigla.Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang DAddy ni Pierce na nakaupo sa harap ng mesa. Halata sa mukha nito ang galit at disgusto nang makita siya nito. Nang makita siya nito ay itinaas nito ang kamay. “Maupo ka.” sabi nito. Agad siyang naglakad patungo sa harap nito kung saan ay napakalakas ng tibok ng puso niya.“Tapos na ang paghihintay para maku
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Chapter 125.2

NANG LUMABAS SI SERENE NG KUMPANYA ay may hawak siyang kahon sa kanyang mga bisig. Paglabas niya ay napatingala siya sa kalangitan kung saan ay kitang-kita na niya ang kadiliman at mukhang uulan pa yata.Nakakatatlong hakbang pa lamang siya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos lahat ng tao sa labas ay nagmamadaling nagsitakbuhan para sumilong ngunit siya, hindi siya tumakbo at sa halip ay mabagal na naglakad sa gitna ng malakas na ulan.Nang makarating siya sa sakayan ng bus ay basang-basa ang kanyang damit ang hawak niyang kahon ay halos napuno ng tubig ulan. Umupo siya sa isang bench at naghintay ng bus.Sa mga oras naman na iyon ay may dumaan na isang kulay itim na mamahaling sasakyan sa hintuan ng bus kung saan ay biglang bumaba ang bintana. Kitang-kita ni Serene ang isang maputla ngunit nakangiting mukha ng babae sa loob ng sasakyan.“Pierce, umuulan!” sabi ng malambing na tinig at umabot yon sa pandinig ni Serene, hindi nagtagal ay sumagot ang kasama nito
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa
PREV
1
...
1819202122
...
24
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status