NANG LUMABAS SI SERENE NG KUMPANYA ay may hawak siyang kahon sa kanyang mga bisig. Paglabas niya ay napatingala siya sa kalangitan kung saan ay kitang-kita na niya ang kadiliman at mukhang uulan pa yata.Nakakatatlong hakbang pa lamang siya nang bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos lahat ng tao sa labas ay nagmamadaling nagsitakbuhan para sumilong ngunit siya, hindi siya tumakbo at sa halip ay mabagal na naglakad sa gitna ng malakas na ulan.Nang makarating siya sa sakayan ng bus ay basang-basa ang kanyang damit ang hawak niyang kahon ay halos napuno ng tubig ulan. Umupo siya sa isang bench at naghintay ng bus.Sa mga oras naman na iyon ay may dumaan na isang kulay itim na mamahaling sasakyan sa hintuan ng bus kung saan ay biglang bumaba ang bintana. Kitang-kita ni Serene ang isang maputla ngunit nakangiting mukha ng babae sa loob ng sasakyan.“Pierce, umuulan!” sabi ng malambing na tinig at umabot yon sa pandinig ni Serene, hindi nagtagal ay sumagot ang kasama nito
HINDI ALAM NI SERENE KUNG PAANO siya nakabalik sa subdibisyon. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan. Basang-basa ang katawan niya at gulo-gulo pa ang buhok niya na may hawak na kahon at naglakad papasok ng building pagkatapos ay sumakay ng elevator. Kung titingnan ay mukha siyang isang basang sisiw sa itsura niya.Pagbukas ng elevator ay bigla na lang bumigat ang katawan niya. Nakalabas naman siya ng elevator ngunit habang inihahakbang niya ang kanyang paa ay parang matutumba siya. Ilang sandali pa ay bigla na lang umikot ang paningin niya kasunod nito ay bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.Nang muling magmulat ng mata si Serene ay bigla siyang napahilot sa kanyang ulo. Napabangon siya, nasa loob na siya ng unit niya at pakiramdam niya ay para bang nag-aapoy ang buong katawan niya. Inalala niya ang nangyari, kanina ay papasok na sana siya sa loob ng unit niya pero, pero bigla siyang nawalan ng malay. Pero paano siya nakapasok?Ilang sandali pa ay nilingon niya ang kanyang da
DAHIL SA TONO NG KANYANG PAGTATANONG ay biglang napasimangot si Pierce ng wala sa oras. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? Dahil ba dumating ako sa hindi tamang oras dahil may kasama ka sa loob?” tanong niya rito.Ang hindi nasisiyahang tono nito ang nagpabilis ng tibok ng puso ni Serene.Walang ibang naisip si Pierce noong panahong nasa ibang bansa siya kundi tanging ito lang pero ito ay mukhang hindi man lang siya naisip at nakakatulog pa ito ng mahimbing. Dahil dito ay gusto niya tuloy itong parusahan dahil sa hinanakit niya na parang wala lang itong pakialam. Ilang sandali pa nga ay dali-dali niyang itinaas ang kanyang kamay at hinila ito pagkatapos ay hinalikan niya ito ng mariin. Wala na siyang pakialam pa kung ang dala niya ay nahulog na sa sahig. Hinalikan niya ito ng marahas.Agad naman na nataranta si Serene nang halikan siya nito at pagkatapos ay mabilis niyang itinulak ito ngunit sa halip ay hinawakan lang nito ang kanyang mukha gamit ang dalawa nitong kamay. Tumigil ito sa pa
NANG MAKITA NI PIERCE NA AYAW MAGSALITA ni Serene ay tumaas ang sulok ng kanyang labi at napakalamig ng mga matang tumingin dito. “Ganyan na ba talaga ng ugali mo at talagang dis-oras ng gabi ay may kasama kang lalaki?” tanong niya rito.Agad na namutla ang mukha ni Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Alam niya na kaagad kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito, na napakakati niya at hindi makuntento kahit na ilang araw pa lang itong wala. Ilang sandali pa ay narinig niyang muling nagsalita si Mike mula sa likod niya. “Mr. Smith, huwag naman kayong magsalita ng ganyan dahil hindi niyo naman alam ang tunay na nangyari.” sabi nito.Ano? Huwag magsalita ng masakit? Bigla niyang tinapunan ito ng tingin at napatitig sa hubad nitong katawan. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at muling napatingin kay Serene ng malamig. “Hinding-hindi ko na pag-iinteresan ang babaeng para sa lahat, kung gusto mo siya then take her.” sabi niya at agad na tumalikod at umalis doon.Biglang natahimik ang pali
PAGKALABAS NI SERENE SA NURSING HOME ay nakaupo siya at tulala habang naghihintay ng kanyang masasakyan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon at kung ilang bus na ang dumating ngunit naroon pa siya hanggang sa tuluyan na siyang inabutan ng dilim. Sa huli ay inilabas niya ang kanyang cellphone at humugot ng malalim na buntung-hininga bago niya hinanap ang numero ni Pierce sa kanyang cellphone at tinawagan ito ngunit nakapatay ang cellphone nito.Ilang sandali pa ay si Liam na ang kanyang tinawagan na kaagad naman nito iyong sinagot. “Liam, pwede ko bang malaman kung nasaan si Pierce? Gusto ko sana siyang makausap.” sabi niya rito ngunit mabilis ang naging pagsagot nito sa kaniya.“Pasensya ka na Miss Serene pero hindi ko kasi pwedeng sabihin. Pasensya na talaga.” sabi nito.Ibubuka pa lang sana niya ang kanyang bibig upang magsalita ngunit mabilis na nitong ibinaba ang tawag niya. Napatitig na lang siya sa kanyang cellphone ng wala sa oras. Napakadami niyang tanong sa kanyang i
NAPAHAWAK SI SERENE SA PADER AT hinahabol ang kanyang paghinga. Ang kanyang isang kamay ay nasa kanyang dibdib. Ang kanyang mukha ay napakaputla. Hindi pa rin siya nakaka-recover mula sa sakit na naramdaman niya kanina. Pumikit siya at huminga ng malalim. Matapos ng ilang segundo ay bumalik na rin sa wakas sa normal ang tibok ng puso niya kaya handa na sana niyang ihakbang ang kanyang mga paalis ngunit bigla na lang may humila sa kaniya at nang lingunin niya ito ay nakita niya ang madilim na mukha ni Pierce. Sinundan pala siya nito. “Pinuntahan mo ba ako?” walang ekspresyong tanong nito sa kaniya.Nang makita ni Pierce ang itsura nito na sobrang putla at parang walang bahid ng sigla ay parang kinurot ang puso niya pero maya-maya lang ay agad na nanlamig ang kanyang mga mata. Hindi siya dapat magpadala sa mukha nito at pagpapaawa nito sa kaniya dahil napakagaling nga pala nitong umarte at paniwalain siya. “Bakit? Dahil kulang ka na naman sa pera?” puno ng sarkasmong tanong niya rito.A
SA MGA ORAS NA IYON, pakiramdam ni Nicole ay parehas lang naman iyon lalo na kung siya naman ang pakakasalan nito. Ilang sandali pa ay tinanong niya ito. “Kung ganun ay sino ang mahal mo?” Nagulat naman sandali si Pierce sa naging tanong nito sa kaniya at sandaling nag-isip. Mahal niya ba ang babaeng iyon? Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit niya mamahalin ang isang malikot na babae? Ilang sandali pa ay sumagot siya sa tanong ni Nicole sa kaniya. “Hindi pa ako nagmahal kahit na isa.” Nang marinig naman ni Nicole ang sagot nito ay nakahinga siya ng maluwag. Ilang sandali pa ay bahagya siyang ngumiti. “Handa ka pa rin bang tuparin ang pangako mo noon sa akin?” tanong niya rito.“Anong pangako?” kaagad naman na tanong nito sa kaniya.“Ang pakasalan ako.” sabi niya at kumislap ang kanyang mga mata. Bago pa man ito sumagot ay mabilis na siyang nagsalita. “Gusto ko lang ang maging asawa mo.” Matagal na hindi umimik si Pierce kaya muli na naman siyang nagsalita. “Pierce, ito lang naman a
HINDI NAMAN MAIWASAN NI SERENE NA sumagot dito ng magalang. Isa pa ay tapos na dapat ang usapan ngunit talagang tumanggi si Nicole na paalisin na siya at talagang kinausap pa siya. Tyaka pumili ng araw? Ibig bang sabihin ay nagpaplano na ang mga ito na magpakasal? Biglang humigpit bigla ang puso niya. Kaya pala mukhang hindi ito masaya dahi mukhang nagmamadali na pala ang mga itong magpakasal.Sinalubong niya ang mga mata ni Nicole at nagpaskil ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi. “Pasensya na pero baka wala akong oras pero, wala akong ibang nais kundi ang maging masaya kayong dalawa.” sabi niya habang kumikirot ang puso niya.Ang ngiti naman sa labi ni Serene ng mga oras na iyon ay nagparamdam na sobrang nakakasilaw sa kanyang mga mata dahil mukhang napakasaya nito. Ganun ba talaga ito kasaya? Sa sobrang inis niya ay agad niyang binalingan si Nicole. “Tara na.” sabi niya rito.Napuno naman ng ngiti ang mukha ni Nicole at muling tumingin sa kaniya. “Pauwi ka na ba? Gusto mo bang i
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin