Lahat ng Kabanata ng FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE: Kabanata 181 - Kabanata 190

240 Kabanata

Chapter 121.2

LUMAPIT SI SERENE KAY PIERCE NA namumula ang mukha at pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang kamay upang tulungan nga itong maghubad ng suot nitong damit. Dahil nga para hindi masyadong magalaw-galaw ang kamay nito ay talagang pasadya ang suot nitong damit kung saan ay madali lang namang tanggalin.Nang dumating sa pantalon nito ay mas naging mapula pa ang kanyang mukha lalo. Hindi niya maiwasang mapasulyap sa abs nito at masasabi niyang napaka-perpekto talaga ng katawan nito.Nang makita ni Pierce na sobrang namumula ang mukha ni Serene ay mas inasar pa niya ito lalo. “Kamusta ang pakiramdam?” tanong nito sa kaniya.“Huh?” gulat na tanong naman nito sa kaniya.Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Pierce at tumingin rito. “Palagi nang ikaw ang maghuhubad ng damit ko para hindi ka na palaging nahihiya.” sabi niya rito.Mabilis naman na umiling si Serene at nagbaba ng ulo pagkatapos ay mabilis niyang hinubad ang pantalon nito ngunit dahil sa sinabi nito ay mas lalo lang siyang nag-pani
last updateHuling Na-update : 2024-11-21
Magbasa pa

Chapter 121.3

AGAD NA NAPAMULAT SI SERENE NG KANYANG mga mata at biglang napaupo sa takot. “Binabangungot ka ba?” nakakunot ang noong tanong sa kaniya kaagad ni Pierce.Bigla siyang napatingin rito at hindi nagsalita pagkatapos ay mabilis na tumango. Bumuntung-hininga ito. “Halika dito at dito ka sa tabi ko matulog.” sabi nito sa kaniya at tinapik ang tabi nito.Agad naman na umuling si Serene dito. “Hindi na.” sagot niya dahil paano siya makakatulog kung ang katabi niya ay isang pasyente.“Ano ka ba, dito ka na mahiga. May sugat ako ngayon kaya hindi kita mahahawakan tulad ng iniisip mo.” sabi nito sa kaniya. Tumanggi pa rin siya rito.“Hindi na nga. Baka madaganan lang kita at magalaw ko yang sugat mo.” sabi niya rito.“Dito ka sa kabila para hindi mo ako madaganan.” pilit ni Pierce sa kaniya.“Okay.” mabilis na sagot niya ay hindi na nag-atubili pa. Sa totoo lang ay hindi niya nga kayang matulog ng walang katabi ngayon dahil baka mapanaginipan niya na naman ang mukha ni Sharmaine. Nakakatakot an
last updateHuling Na-update : 2024-11-21
Magbasa pa

Chapter 121.4

BIGLANG NAG-VIBRATE ANG CELLPHONE NI PIERCE. Nang pulutin niya ito at tingnan ay nakita niyang si Liam ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. “Sir, na-check ko na ang mental hospital kung saan nakakulong si Miss Sharmaine at kaya ito nakalabas ay dahil sa kapabayaan ng nurse na naka-duty upang bantayan siya. Chineck ko rin ang cctv at totoo nga.” sabi nito sa kaniya.“Okay sige. Pero gusto kong i-check mo pa rin ang background ng nurse na naka-duty sa kaniya at kung may kung sinong tao na konektado sa kaniya.” sabi niya rito.“Okay sir.” mabilis na sagot nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay nagbilin siya rito. “Tyaka, gusto ko na ilihim mo ang tungkol dito at hindi malaman ng DAddy ko ang tungkol dito.” sabi niya rito. Tiyak na kapag nalaman niya na nasugatan siya dahil sa iniligtas niya si Serene ay paniguradong magkakaproblema.“Pero sir, alam na ng Daddy niyo.” agad na sabi ni Liam mula sa kabilang linya.Agad na nagdilim ang mga mata ni Pierce. “Paano niya nalaman?” malami
last updateHuling Na-update : 2024-11-21
Magbasa pa

Chapter 121.5

SA LOOB NG SILID AY AGAD NA TININGNAN NI ANDREI ang report sheet at nakita niya doon na wala namang malaking problema at dahil doon ay agad siyang nakahinga ng maluwag. “Pierce, ayokong maulit na ulit ang bagay na ito.” sabi ni Andrei sa napaka-seryosong ekspresyon.Kalmada namang sumagot si Piece rito. “Masyado naman kayong kinakabahan, alam ko.” sabi niya rito. Agad niyang naunawaan ang sinabi nito kaya tuloy-tuloy siyang nagsalita. “Tulad nga ng napagkasunduan ay magiging abala ako sa mga gawain sa kumpanya sa loob ng kalahating taon.” sabi niya rito.Bumuntung-hininga ito. “Kapag gumaling ka mula diyan sa natamo mong sugat ay mag-aayos ako ng mga blind date para sayo.” sabi nito sa kaniya. “Pierce, alam mo naman na ang pagpapakasal ay kailangan hindi ba? Isa pa, isa lang naman iyong titulo at pwede mo namang gawing dekorasyon lang pero sana ay sa tamang babae naman.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.“Titingnan ko kung may free time ako.” sagot ni Pierce pero sa totoo lang ay wala
last updateHuling Na-update : 2024-11-21
Magbasa pa

Chapter 122.1

PAGKAHIGA NIYA AY AGAD ITONG TUMITIG SA KANYA. “Anong ginawa mo kanina?” biglang tanong nito sa kaniya na ikinakunot naman ng noo niya.“Hindi ba at kinuha ko ang report sheet mo?” balik niyang tanong rito.Tinitigan siya nito. “Iyon lang?” nakataas ang kilay nitong tanong sa kaniya.Agad naman siyang tumango rito. Ilang sandali pa ay muli naman itong natanong. “Sigurado ka ba na wala ka ng ibang ginawa?” tanong nito ulit sa kaniya.Bigla naman siyang natigilan. Ano pa sana ang ibang gagawin niya? Dahil kinukulit siya nito ay bigla niyang pinilit na mag-isip kung ano pa an ginawa niya kanina pero wala na siyang maisip pa. Napailing siya rito. “Wala naman na.” sagot niya.Ilang sandali pa ay bigla na lang siya nitong hinalikan sa likod ng kanyang tenga. Hindi nagtagal ay tinanggal nito ang pagkakabutones ng damit niya kung saan ay humantad ang kanyang balikat at ang bahagi ng kanyang dibdib. Dali-dali niyang tinakpan ito gamit ang kanyang kamay at nanlalaki ang matang napatingin siya k
last updateHuling Na-update : 2024-11-22
Magbasa pa

Chapter 122.2

SA ISANG SULYAP PA LANG ni Mike sa kama ay agad niyang nakita ang isang maliit na paa na hindi natakpan ng kumot. Agad na nanlamig ang kanyang mata nang makita niya ito. Kumislap ang kanyang mga mata sa likod ng suot niyang salamin at humarap sa mga intern na kasama niya na nakatayo sa likod niya.“Mas mabuting siguruhin natin kung may nararamdaman nga ang pasyente, mabuting i-check pa rin natin.” sabi niya sa mga ito.Malamig na tiningnan naman ni Pierce ang likod nito. “Talagang tapat si Dr. Mike sa kanyang tungkulin ah. Kaya hindi kataka-taka na sa murang edad ay naging deputy chief kaagad.” sabi niya rito at pagkatapos ay napaubo ng dalawang beses.Samantala, kinurot naman ni Serene si Pierce habang nasa ilalim ng kumot at sinasabi niya rito na paalisin na niya ito kaagad. Ilang sandali pa ay biglang tumaas ang sulok ni Pierce at ngumiti pagkatapos ay tumingin kay Mike. “Huwag ka ng mag-abala pa Dr. Mike, pwede ka nang bumalik sa trabaho mo.” sabi niya rito.Tumitig din naman si M
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

Chapter 122.3

SA SILID NI PIERCE AY AGAD NA HINILA ANG kumot na nakatakip kay Serene at nakita niya ang namumulang mukha ni Serene pagkatapos ay galit na bumangon at gustong bumaba sa kama nito ngunit hinawakan ni Pierce ang braso nito upang pigilan. “Nakita mo na ang consequence na ginagawa mo? Huwag mo kasi akong gagalitin.” sabi niya rito.“Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko nga sayo na hindi kami nagkita.” sabi ni Serene. Ang kanyang mga mata ay namula sa labis na galit. “Hindi mo dapat ipahiya ang mga tao kung hindi ka naman sigurado kung tama ang sinasabi mo o hindi…” halos maiyak na sabi ni Serene dito.Sa totoo lang ay ilang araw nang wala si Mike at hindi niya alam na nakabalik na pala ito. Isa ay hindi niya talaga ito nakita kaninang umaga kaya paano naman kakalat ang ganung klaseng balita? Bigla siyang nakaramdam ng hinanakit ng wala sa oras. “Sino ba talaga ang nagsabi sayo niya? Iharap mo ako sa kaniya.” sabi niya rito.Tiningnan naman ni Pierce ang basa niyang mga mata at pakiramdam niy
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

Chapter 122.4

MAKALIPAS ang tatlong araw ay nakalabas na rin sa wakas si Pierce ng ospital. Dahil nga halos hindi din pumasok si Serene sa mga araw na iyon ay natambakan din siya ng kanyang mga trabaho kaya pagpasok niya ay naging abala siya na umabot ng halos ilang araw.Isang hapon ay pumunta si Serene sa isang cite ng kanyang project kasama niya ang kanyang mga katrabaho at nang pauwi na sila ay dumaan na muna siya sa isang mall para bumili ng mga kape para sa mga kasamahan niya. Pagkalabas niya ng store at naglalakad na palabas ay natigilan siya nang makita si Pierce sa entrance ng mall.Ang lalaki ay nakasuot ng itim na suit at sobrang gwapo nito at masasabi mo na namumukod tangi talaga ang kagwapuhang taglay nito. Sa tabi nito ay nakita niya na may kasama itong isang magandang babae at nakasuot ng mamahaling mga damit. Mukhang napaka-perfect tingnan ng mga ito na para ba silang mag-asawa. Ito kaya ang babaeng napili ng Daddy nito para ipakasal kay Pierce?Habang nakatingin sa mga ito ay hind
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

Chapter 122.5

AGAD NAMAN NA LUMAMBOT ANG EKSPRESYON ni Pierce nang marinig niya ang sinabi nito. Agad niyang hinaplos ang buhok ni Serene. “Mabuti naman kung ganun.” sabi niya rito at pagkatapos ay agad niyang ibinaba ang kanyang ulo at akmang hahalikan sana ito nang iiwas nito ang mukha. Agad niyang hinawakan ang baba nito at inis na tinanong ito. “Ano na naman?” Napakagat-labi naman si Serene. “Pwede bang sa ibang araw na lang?” sabi niya rito.Kitang-kita niya kung paano nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit na naman?”Lumunok siya. “Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko…” mahinang sabi niya rito.Ngunit sa halip na pakinggan siya nito ay naramdaman niya na lang ang kamay nito sa laylayan ng kanyang damit kaya mabilis siyang nanlaban. Inis na binitawan siya nito at tumingin sa kanyang mga mata. “Hindi ka sumakay sa kotse ko kanina at tinatanggihan mo ako ngayon. Nakalimutan mo na ba ang relasyon nating dalawa?” tanong nito bigla sa kaniya at nang marinig niya iyon ay para bang tinusok-tusok an
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

Chapter 123.1

AGAD NA NANLAKI ANG MGA MATA NI SERENE NANG makita niya ang hawak na papel ni Pierce. “Yan ay…” agad niyang ibinuka ang kanyang bibig ngunit wala siyang alam na sabihin dito. Sobrang lamig na itsura nito ng mga oras na iyon at halos kilabutan siya nang magtama ang kanilang mga mata.Agad nitong inihagis ang papel sa kama at ang madilim na mga mata nito ay tumingin sa kaniya. “Care to explain?” malamig na sabi nito sa kaniya.Agad na pinawisan ang mga palad ni Serene. Parang nagkaroon ng bara ang lalamunan niya at hindi makapagsalita. Naging malikot ang kanyang mga mata na halos hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. “Nag-naghahanda pa lang naman at matagal-tagal pa bago umalis kung sakali mang makapasa ako…” mahinang sabi niya rito.“27th huh?” tiningnan siya nito nang banggitin nito ang date na may malamig na tono. “So nag-start ka nang mag-umpisa nang araw na iyon kaya ba noong gabing iyon ay binigyan mo ako ng regalo. Nakiusap ka rin sa akin na hindi ka titira sa suite ko
last updateHuling Na-update : 2024-11-25
Magbasa pa
PREV
1
...
1718192021
...
24
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status