All Chapters of FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE: Chapter 161 - Chapter 170

240 Chapters

Chapter 117.2

BUMUNTONG-HININGA SI MIKE at pagkatapos ay tumingin sa kaniya. “May isa akong kakilala na nasa ibang bansa at planong magbukas ng isang medical research institute sa bansang Malaysia at iyon ang tinututukan ng research niya. Kung gusto mo ay pwede ko siyang kausapin para magamot si Tita kaso sa ibang bansa nga lang pero wala ka namang gagastusin dahil libre naman iyon.” sabi nito.Kahit na hindi naman medisina ang larangan ni Serene ay alam niya kung ano ang layunin ng mga research na iyon. Bahagya siyang nag-alinlangan. “Safe ba iyon?” tanong niya rito.Agad naman na tumango sa kaniya si Mike. “oo naman. Isa pa, hindi lang naman siya basta-bastang tao kundi magaling siyang doktor. Sa tingin ko sa sitwasyon ni Tita ay mayroon siyang napakataas na posibilidad na gumaling doon.” pangungumbinsi nito sa kaniya.Naisip naman ni Serene na kapag nga ganuon ay high-teh na ang mga kagamitan at talagang hindi din naman talaga basta-basta ang mga doktor na kasali doon. Isa pa, ayaw niya din naman
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 117.3

DAHIL SA INIS AY HINDI NA NIYA napigil pa na hawakan ang likod ng ulo nito upang halikan ng marahas at bigyan ito ng parusa. Mas lalo pa namang nanlaban si Serene at pinagpapalo niya ng dibdib nito. Ngunit ang lakas nito kumpara sa kanyang lakas ay walang saysay.Hingal na hingal si Serene at ang kanyang mga mata ay namumula habang ang mga mata nito ay mabangis na nakatitig sa kaniya na para bang galit na galit na hayop. Ilang sandali pa ay napatitig ito sa kaniya at pagkatapos ay napangisi. “Ano, titingnan mo na lang ba ako?” tanong nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon naubos na nang tuluyan ang pasensya ni Pierce rito at pagkatapos ay binuhat na niya ito at binuksan ang pinto. Agad na namutla ang mukha ni Serene sa labis na pagkagulat. “Paano mo nabuksan ang pinto ko?” puno ng pagtatakang tanong niya.Walang ekspresyon ang mukha ni Pierce at hindi nagsalita. Bago pa man niya ulit maibuka ang kanyang bibig ay ibinaba na siya nito sa may kama at biglang pumatong sa kanya at hinalikan
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 117.4

SOBRANG GALIT ANG NARAMDAMAN NI PIERCE nang marinig niya ang sinabi nito at halos maglabasan ang ugat sa noo habang nagtatagis ang kanyang mga bagang. Naglakad ito patungo sa labas at binuksan ang pinto na sinundan niya at sa sobrang galit niya ay agad niya itong hinila at idiniin sa may pinto.“Sinabi ko na sayo hindi ba? Hindi na kita pakakawalan pa.” galit na tumitig ito sa kanyang mga mata. “Ikaw mismo ang lumapit sa akin hindi ba, tapos ngayon kung ipagtabuyan mo ako ay ganito lang kadali.” sabi niya habang nakatiim bagang.Namutla ang mukha ni Serene at nakaramdam ng takot habang nakatitig sa mga mata nito. “Nagsasabi ako ng totooo. Hinding-hindi na ako makikipag-s3x pa sayo at kung gusto mo ay humanap ka ng babaeng gugustuhing makatalik ka.” sabi niya. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya ay tinapangan niya pa rin ang loob niya. “Ayoko na. Kung pipilitin mo pa ako ay magagalit ako sayo ng sobra at baka hindi na kita mapatawad pa.” determinadong sabi niya.“Maghanap ng ibang
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 117.5

NAKATULALA SI SERENE HABANG NAKATITIG sa nakasarang elevator na para bang walang lamang ang kanyang isip. “Serene…” tawag sa kaniya ni Mike na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.“Kailangan nating gamutin ang sugat mo.” sabi niya rito at inaya itong pumasoka kanyang unit para gamutin. Nang matapos ay hindi niya maiwasang magtanong rito. “Mike, bakit kayo nag-away ni Mr. Smith?” nag-aalangang tanong niya rito.Bahagya namang nagulat si Mike sa naging tanong sa kaniya ni Serene dahil hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito. “Hindi ko alam. Baka nagkamali siya ng pagkakaintindi sa akin.” sagot niya rito.Dahil naman sa naging sagot nito ay gumaan kahit papano ang pakiramdam ni Serene. Alam niya kasi na sobrang galit si Pierce rito. “Pasensya ka na.” sabi niya at pagkatapos ay napailing dahil nagduda pa talaga siya kay Mike na alam niya mali siya. Sa lahat ng taong nakilala niya ay si Mike ang pinaka mabait sa lahat dahil napakaraming naitulong na nito sa kaniya.Sinulyapan siya ni
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Chapter 118.1

MAAGANG BUMANGON SI SERENE NANG ARAW na iyon. Napatitig siya sa ilalim ng kanyang mga mata kung saan ay halata ang pangingitim dahil sa hindi siya nakatulog ng maayos. Naglagay na lamang siya ng light make-up na hindi niya naman ginagawa dato para takpan iyon at pagkatapos ay nagbihis.Paglabas niya ay agad siyang sumakay ng taxi upang pumunat sa Civil Affairs Bureau. Sa takot kasi niya na baka mainip si Pierce sa paghihintay ay inagahan na niyang magpunta doon ng kalahating oras bago ang napagkasunduan nila.Sa di kalayuan ay may tumigil na isang luxury car. Nang bumukas ang pinto ay kaagad na nahagip ng mga mata ni Serene ang gwapo at malamig na mukha ni Pierce. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serene nang makita niya itong papalapit ng papalapit sa kaniya at malamig ang mga mata. Nagtuloy-tuloy ito sa pagpasok nang hindi man siyang pinansin na bahagyang ikinagulat niya. Nilampasan siya nito kaya dali-dali siyang sumunod rito papasok sa loob.Sa loob ng opisina, sila ay mag-asaw
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 118.2

PAPAALIS NA HALOS SI SERENE sa kumpanya at pauwi nang bigla na lamang siyang nakatanggap ng isang tawag mula sa isang customer niya noon na nagpagawa ng mga sketch sa kaniya at nagsasabi na kailangan nilang magkita para pag-usapan ang ilang bagay tungkol sa ipinagawa niya.Habang nakaupo sa kanyang mesa at hindi niya maiwasang mag-isip. Ilang sandali pa ay bigla na lamang pumasok sa kanyang isip si Reid. kung alam lang nito ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Pierce ay baka kung anong gawin nito sa kaniya lalo pa at pinagbantaan siya nito na hindi na ito makapaghintay na matapos ang kanilang relasyon para tuluyan na itong makaganti sa kaniya.Pagkatapos nga niyang iligpit ang kanyang mga gamit ay agad siya lumabas para magtungo sa sinasabi ng kanyang customer kung saan sila magkikita. Pumasok siya sa loob ng isang silid ngunit wala siyang nakitang tao at akmang magsasalita pa lamang sana siya nang bigla na lamang may humila sa kaniya at isinara ang pinto.Nanlalaki ang mga mata niya
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 118.3

HALOS MAMUTLA ANG MUKHA NI SERENE.Dahil nga hindi niya pa ito mapasunod sa gusto niya ay kailangan niya na muna itong mapapayag sa gusto niya at gagawin niya iyon sa paraan na alam niya. “Pagkatapos ng araw na ito ay tiyak na luluhod ka sa paa ko at magmamakaawa.” sabi nito na punong-puno ng kumpyansa.Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at pilit na ibinubuka ngunit mariin niyang isinara ang kanyang bibig. Dahil dito ay tuluyan na ngang nawalan ng pasensya si Reid at sinakal niya ito dahilan kung bakit halos mawalan ng hininga si Serene at napilitan na ibuka ang kanyang bibig. Halos manlabo ang kanyang mga mata. Ngunit ilang sandali pa ay may isang malakas na tunog ang narinig niya mula sa labas.At kasunod nito ay ang tunog ng pagkabasag at ang pagbagsak ng isang katawan sa sahig. Nang buksan ni Serene ang kanyang mga mata ay nakita niya si Amber na naka-uniform pa at mukhang natataranta. Nang bumango siya ay nakita niya sa lapag si Reid at ginamit ang bote na nasa mesa at ib
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 118.4

PAGKAHIGA NI SERENE AY SI AMBER pa rin ang iniisip niya. Ilang oras siyang nakatitig sa kisame hanggang sa bumangon siya at napaupo na lamang habang tulala pa rin. Sa buong magdamag ay hindi siya nakatulog sa kakaisip at hindi niya namamalayan ay umaga na pala.Nang bumangon siya ay agad siyang nagbihis. Alas singko pa lamang iyon ng umaga. Hindi siya pwedeng mag-aksaya pa ng oras kaya nang makabihis siya ay agad siyang nag-abang ng kanyang masasakyan at nagpahatid sa Solace. Kailangan niyang subukan ang kanyang kapalaran. Kakausapin niya si Pierce at muling magmamakaawa rito na tulungan siya.Pagdating niya doon ay agad siyang bumaba sa taxi at nagbayad ngunit habang naglalakad papasok sa may gate nang bumukas iyon at lumabas ang isang mabilis ang takbong mamahaling kotse. Dumaan ito sa tabi niya kung saan ay dahil sa bilis ay natumba siya sa sobrang takot na rin niya.Nakita ni Pierce ang pigurang iyon at nilingon niya si Liam. agad naman na nagsalita ito. “Sir, tinawagan ako kagab
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Chapter 118.5

SUMUNOD SI SERENE SA KUMPANYA NI PIERCE. Dahil nga sa wala siyang appointment ay hindi niya pinapasok. Matiyaga siyang naghintay kay Pierce sa labas hanggang hapon ngunit hindi niya ito nahintay na lumabas. Nang bandang hapon ay lumabas si Liam at hindi na siya nagdalawang isip pa na lapitan ito at tinanong kung nasaan si Pierce ngunit umalis daw ito at nakipag-meeting. Nasa harap ng kumpanya, ang sabi nito ay sa likod daw ito dumaan kaya hindi niya ito nakita. Laylay ang balikat niya na umalis doon at muling sumakay ng taxi. Kahit na ganun ang sinapit niya ay hindi pa rin siya susuko. Nagpahatid siya sa Solace at doon niya na lamang ito hihintayin. Tiyak na uuwi din ito.MATAPOS ANG MEETING ni Pierce ay dumiretso siya sa hotel malapit sa pinagdausan ng kanyang meeting ngunit nang makarating siya sa may mismong harap nun ay biglang nagbago ang isip niya. “Idiretso mo na lang sa Solace.” sabi niya sa kanyang driver na kaagad namang ikinatango nito.Dahil nga medyo may kalayuan iyon ay h
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more

Chapter 119.1

NAKAKAILANG HAKBANG PA LAMANG SI PIERCE nang bigla na lamang niyang naramdaman ang pagyakapa mula sa kanyang likod. “Pierce, please… nagmamakaawa ako. Tulungan mo ako, magiging masunurin na ako sa lahat ng gusto mo…” humihikbing sabi nito at ang mainit nitong luha ay unti-unting binabasa ang kanyang damit sa likod.Nang maramdaman niya iyon ay halos matibag ang inilagay niyang pader mula sa kanyang sarili. Hindi niya tuloy maiwasan na pagsisihan na pinalapit niya ito at hinayaang makapasok. Naging mahina na siya dahil sa babaeng ito pero alam niya na ginagawa lang nito iyon dahil may kailangan na naman ito sa kaniya.Kaya lang ito nanghingi sa kaniya na paano kung gusto nito isapubliko ang relasyon nila dahil humanap lang talaga ito ng dahilan para magalit ito sa kaniya at para maghiwalay silang dalawa at para makasama ang lalaking iyon. Sa tingin ba nito ay madadala siya nito ng pag-arte niya? Hindi siya ganun katanga.Hinawakan niya ang kamay nito at lumayo rito pagkatapos ay tumawa
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
24
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status