MABILIS NA HINAWI NI PIERCE ANG KAMAY nito at nagsalita sa malamig na tono. “Ayoko, madumi ka pa.” sabi niya rito.Agad naman na natigilan si Serene nang marinig niya ang sinabi nito sa kaniya. Nang makita niyang paalis na ito ay wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ito. “Pierce, malinis ako… malinis na ako…” sabi niya rito at humikbi. “Huwag kang umalis please…” pagmamakaawa niya rito.Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nakagawa siya ng isang nakakahiyang buhay. Hindi niya na napigilan pa ang pagbagsak ng kanyang luha ngunit kahit na ganun ay hindi siya susuko.Sa sumunod na sandali ay tuluyan na ring nawalan ng kontrol si Pierce at itinulak niya ito sa kama at idiniin doon habang unti-unting nababalot ng pagnanasa ang kanyang mga mata. “Ikaw ang humiling nito—” ngunit bago pa man siya matapos sa akniyang sinasabi ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang leeg at ibinaba sa mukha nito at hinalikan siya. Hindi na gusto pang marinig ni Serene ang mga masasakit na salit
Huling Na-update : 2024-11-18 Magbasa pa