Home / Romance / Make Me Yours Again / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Make Me Yours Again: Chapter 31 - Chapter 40

59 Chapters

Chapter 31

ABALA SI Clara sa pag-aayos ng mga papeles na kailangan pirmahan ng boss niya. Hindi niya pa rin makalimutan ang namagitan sa kanila kahapon sa loob ng opisina nito. Kung hindi pa tumawag ang daddy nito ay siguro hindi pa tumigil ang boss niya na parang gusto siyang ubusin sa mga oras 'yon. Ang bagong diskubreng pakiramdam na 'yon ay tila nararamdaman pa rin niya. Talaga bang hinayaan niya na ang binata na hawakan ang pinaka-iingatan niyang perlas. Pero wala naman siyang makapang pagsisisi. Handa na naman siya? Hindi na nga siya bumabata, 'di ba? Pero, may takot pa rin sa puso niya. Alam niya kasing hindi na simpleng pagkagusto ang nararamdaman niya para sa binata. At natatakot siya na baka paggising niya isang araw ay mahal na niya ito. Nabalik sa sarili si Clara nang tumunog ang kanyang mobile. Kunot ang noo niyang kinuha ito na nakapatong sa isang folder. Mas kumunot ang noo niya nang makita ang caller. Si Sir Anthony."Hello, Sir," bungad na sagot niya. "Clara, hindi ako maka
Read more

Chapter 32

PAGKALAPAG NI Clara ng kape ng pasamantalang boss niya ay nagsimula na siyang ipaalam ang schedule nito sa araw na 'yun."Sir, at 10 in the morning you need to meet Mr.Lazaro for the verification of the contract. Then, you have lunch meeting to Mrs.Biniago para sa pag-inquire niya na hindi ko alam kung para saan. At 2 in the afternoon, you're free here but I schedule you to meet Mrs. Venuara for the food on your mother's birthday. After that-""Wa-wait!" awat ni Anthony kay Clara sa pagsasalita. Hindi pa man siya nakapag-ayos ay ibinungad na agad nito ang kanyang mga schedule. Dati naman hinihintay muna siya nito na magtanong. "What is your problem? May lakad ka ba? Pwedeng maupo muna ako at sumimsim ng kape?" biro niya at sinundan niya pa ng tawa. Napatigil siya ng hindi man lang ngumiti si Clara. Ano problema ng babaeng ito? "Clara, may problema ba? Masyado kang seryoso," untag niya rito.Huminga ng malalim si Clara bago tumingin kay Sir Anthony. "Wala po, Sir. Balik na lang po ako
Read more

Chapter 33

NAGDADABOG si Clara na naglakad patungo sa buffet table upang i-check kung maayos at lahat ng request na putahe ay naroon. Naiinis pa rin siya. Ang kapal ng mukha ng peke niyang boss. Siya pa talaga parurusahan nito? At sa anong kasalanan? Ito nga ang hindi na siya pinansin. Nagpapabebe lang naman siya, pero ang herodes, hinayaan naman siya. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid.Hindi talaga maikakaila na isa ang mga Villaflor sa mayaman na angkan hindi lang sa bansa. At patunay ang napakagandang okasyon na ito. Kahit na siya ang nag-asikaso kung wala naman budget ay wala rin. Kaya madali sa kanya ang lahat dahil walang problema sa budget.Gold and purple ang napili niyang theme dahil 'yon ang naaayon sa edad ni Tita Leila. Kahit forty seven na ito ay talagang lumalaban pa sa gandang taglay. "Good evening miss bu-tiful!" Napalingon si Clara sa kanyang likuran nang marinig ang maarteng boses na 'yon. Napakagwapong tingnan ng bakla na akala mo ay talagang lalaking-lalaki. "Good
Read more

Chapter 34

HABANG NAGMAMANEHO ay pasulyap-sulyap si Anthony kay Clara na hindi mapakali sa pagkakaupo sa tabi niya. Pati paglalagay ng seat belt ay pahirapan. Malilintikan talaga sa kanya si Kevin. "Why is so so so hot!" reklamo ni Clara habang nakapikit at nakasandal ang likuran."Clara, behave ok. Kasalanan mo 'yan. Basta-basta ka na lang kasi umiinom. Paano kung hindi agad ako dumating? Baka saan ka na nadala ng g*gong lalaking 'yon." Uunahan pa ako. Gusto niya sanang idugtong pero sinarili na lang niya. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho ng magsimulang maghubad si Clara."What the f*ck, Clara!" Gulantang siya ng itinaas nito ang laylayan ng gown kaya ngayon ay litaw na litaw ang mapuputi nitong hita. Mabuti na lang at nakahinto sila at hinihintay mag-green ang stop light. "Sinusubukan mo talaga pasensya ko, honey. Humanda ka talaga sa akin. Nagsuot ka pa ng ganyan, akala mo naman ang laki-laki ng dibdib m-Aray!" hiyaw niya nang tumama sa mukha niya ang stiletto nito.Mapupungay ang mga
Read more

chapter 35

PAKIRAMDAM NI Clara ay may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang tiyan. Kaya naman pupungas-pungas niyang iminulat ang mga mata. Papikit-pikit pa siya dahil tila pagod na pagod ang kanyang katawan.Napakunot ang kanyang noo na dahan-dahan bumaling sa kanang bahagi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ang lalaking katabi. Mabilis niyang binawi ang tingin at tumitig sa kisame. Inaalala ang mga nangyari at wala sa sariling bumaba ang kamay sana sa kanyang pagkababae ngunit binti ni Anthony ang kanyang nakapa na ito pala ang mabigat. Dahan-dahan niyang inalis ang binti nito at nagmamadaling bumangon para lamang muli mapahiga dahil sa sumigid na kirot sa gitnang bahagi niya. Hindi na siya birhen. Tuluyan na niyang naisuko ang pinakaiingatan sa lalaking ang himbing ng tulog, humihilik pa.Napagawi ang mga mata ni Clara pababa sa leeg nito, pababa sa malalapad na dibdib, pababa pa sa anim nitong pandesal. Biglang nanubig ang bagang niya sa nakikita. Kusang gumalaw an
Read more

Chapter 36

NAG-AAYOS na si Clara ng kanyang mga gamit dahil oras na ng uwian. Nakabalik na rin ang kanyang tunay na boss na si Mr.Andrew James Villaflor. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng isinuko niya ang kanyang pagkababae kay Anthony.Wala pa nakakaalam sa nangyari lalo na ang tungkol sa kanilang relasyon. Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, kinabukasan ay bigla nagkaroon ng emergency si Anthony at kailangan magtungo sa Dubai. Ayaw niyang umasa pero hindi naman niya maiwasan lalo na at consistent ang kanilang communication. Araw-araw silang nag-uusap, chat at minsan ay video call pa. Gusto pa nga siyang isama nito kaso hindi maaari dahil may trabaho siya.Napangiti siya nang marinig ang pag-ring ng kanyang cellphone. Kinuha niya ang mobile na naisilid na pala niya sa kanyang bag. Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ang caller id. "Hello," sagot ni Clara pagkapindot sa answer button. "Hon, out ka na ba?" sagot mula sa kabilang linya. "Pa-out pa lang, how about you?" "Where
Read more

Chapter 37

HIYANG-HIYA talaga si Clara kaya hanggang sa makapasok ng tuluyan sa kotse ni Anthony ay nakayuko siya. Hindi niya kinaya ang mga matang dumako sa kanila pagkalabas nila ng elevator. Paanong hindi sila agaw-pansin? Hindi binitawan ni Anthony ang kanyang kamay at proud na proud pa ito na taliwas sa kanyang nararamdaman. Hindi sa ikinahihiya niya ito ngunit mas umaapaw ang nararamdaman niyang hiya. "Hon, are you okay?" tanong ni Anthony nang mapansin na tila wala sa sarili si Clara.Nabalik sa ulirat si Clara at napaatras pa nang mapansin na halos gahibla na lang ang layo ng binata sa kanya. "I'm good," tanging naitugon niya sabay tingin sa labas ng bintana. Ang sunod niyang narinig ay ang pag-click ng seat belt. Doon niya lang napagtanto na isinuot pala nito ang seat belt sa kanya. Pati 'yon ay nawala sa isip niya."Where are we going?" tanong niya nang magsimula ng paandarin ni Anthony ang makina ng kotse nito. "Somewhere. Where I can make love to you non stop." Anthony started ma
Read more

Chapter 38

HALOS LUMUWA ang mga mata ni Clara nang makita ang resulta ng kanyang pregnancy test. Isang buwan na kasi siyang delay. At sa kanyang mga naririnig ay may posibilidad na buntis siya lalo na at hindi naman gumagamit si Anthony ng proteksyon. Dalawang buwan na rin naman sila magkarelasyon at wala siyang ibang masasabi kundi sobrang thankful siya. At ngayon nga ay muli siya magpapasalamat sa panibagong blessing. Matutuwa kaya si Anthony? Ang mga magulang nila, maging kaibigan ay tuwang-tuwa nang ipaalam nila ang kanilang relasyon. Walang pagsidlan ang saya ng kanyang mga magulang na para bang gusto na talaga siyang ipagtabuyan… Joke lang. Linggo ngayon at nasa bahay lamang siya. Talagang ginusto niya ngayon i-check kung buntis siya. Sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa ulirat ni Clara. Mabilis niyang itinago sa drawer ang hawak na tatlong pregnancy test. Tatlo talaga ang binili niya para sigurado. "Mom," bati niya nang buksan niya ang pintuan. Malawak ang pagkakangiti niya sa kan
Read more

Chapter 39

HINDI malaman ni Clara kung matatawa siya o maiinis sa inaasal ng nobyo. Bigla na lang ito dumating at parang hinabol ng sampung kabayo. Hingal na hingal nang pumasok sa kanyang silid. At ang unang sinabi ay layuan niya raw si Sandra. Paano niya lalayuan ang beshie niya? Nababaliw na ba ito?"Hon, umuwi ka na," agaw niya sa atensyon ng nobyo na nakaupo sa may armrest malapit sa kanyang kama.Kasalukuyan kasi siya nakahiga at medyo nahihilo siya. Isa daw 'yon sa mga sintomas ng pagbubuntis. Ayaw niya muna sana magpacheck up pero ang kanilang mga magulang ay pinilit sila upang masiguro daw na maayos ang baby.Her pregnancy was really big news. Maging si Sandra ay hindi makapaniwala. Ito kasi ang inalok niya na pumalit sa kanya bilang secretary ng dati niyang boss na pinsan ng kanyang nobyo. Pinilit niya talaga ito. Sa tingin pa man din niya ay 'patok' o 'bagay' sina Mr. Andrew Villaflor at ang kanyang best friend. A perfect combination.Napalakpak tuloy siya dahil sa naiisip."Anong me
Read more

Chapter 40

THE Awaited day... Clara and Anthony wedding.Kanina sa simbahan kung saan sila ikinasal ni Anthony ay hindi napigilan ni Clara ang maiyak. Sobrang saya ang kanyang nararamdaman. Finally...bShe got married to the man she doesn't expect to be in love. At ngayon ay narito na sila sa reception na ginanap sa hotel ng mga Villaflor. "I love you, hon," bulong ng asawa niya na ikinalingon niya rito.Nginitian niya ito at bumulong din, "I love you, too, hon." Akmang hahalikan siya nito nang magsalita ang emcee. Natawa na lang siya sa hitsura nito na tila bitin na bitin."We are now requesting our bride to throw her bouquet, so, all the single ladies, come forward and prepare your own wedding." Nang marinig ni Clara ang anunsyo ng emcee ay lumapit siya rito kasabay nang pagtayo ng mga dalaga at nagpunta sa harapan.Kinuha ni Clara ang mic sa emcee kapagkuwan ay bumaling sa direksyon ng kanyang matalik na kaibigan. "I want to say sorry to all the ladies in front, but this bouquet of mine is
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status