PAGKARATING NINA Clara sa kanilang bahay ay napatanga na lang siya. Nakabukas lahat ng ilaw sa labas. Kulang na lang maglagay rin ng disco ball para kumpleto na props. Kahit kailan talaga napaka-o.a ng mommy niya.Nakabukas na rin ang gate kaya diretso na silang pumasok ni Anthony."Anong meron?" tanong ni Anthony."Nagmura daw ang kuryente kaya ayan sinusulit." Kunot noong tiningnan ni Anthony si Clara. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o ano."Anak!" malakas na sigaw ang umagaw sa dalawa. Napapikit na lang si Clara nang makita ang mommy niya na pasalubong sa kanila. Nasa loob na kasi sila ng bahay, sa sala.Nagmano siya sa kanyang mommy at humalik sa pisngi nito. "God bless you, anak," malawak ang pagkakangiti ng mommy niya habang ang mga mata ay nakatingin sa kasama niya. "Good evening po ma'am," magalang na bati ni Anthony at nagmano rin siya rito."Awnn, what a good boy. God bless you, iho. Clara, go upstairs and change your clothes," utos ni Samara sa anak. Ayaw niyang pal
Last Updated : 2024-09-27 Read more