PAGKALABAS PA LANG NI Anthony sa may elevator ay nakita na niya si Clara na nakatayo sa may gilid ng lamesa nito.Bakit ba kasi walang silent mode ang elevator para hindi tumutunog na may dumating? Hindi niya alam pero tila siya pa ang nahihiya harapin ang sekretarya pagkatapos ng sinabi nito kahapon. Kailan pa siya nahiya? 'Di ba nga fvck boy siya? Dahil sa isipin na 'yon ay diretso na siyang naglakad upang ipakita rito kung sino siya. "Goodmorning, Sir Anthony," masiglang bati ni Clara. Heto na ang kanyang simula upang landiin ang pasamantalang boss. "Go-goodmorning too," nautal pang sagot ni Anthony. 'Fvck boy pala, ah!' tukso ng kabilang bahagi ng isip ni Anthony. "Coffee or me-i mean milk, yes, milk," matamis pang ngumiti si Clara. Sinadya niya talaga ang bagay na 'yon. Pangalawa sa golden rules ay to tease him. Napalunok naman si Anthony dahil sa offer nito na binawi rin agad. Bakit iba ang nararamdaman niya sa babaeng nasa harapan parang....parang.... "Sir," untag ni Cla
Last Updated : 2024-09-23 Read more