Home / Romance / Make Me Yours Again / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Make Me Yours Again: Chapter 41 - Chapter 50

59 Chapters

Chapter 41

MAGKAHAWAK-KAMAY sina Anthony at Clara habang naglalakad sa napakaputi at pinong buhangin ng isa sa mga private islands ng mga Villaflor. And they both can't believe that they are now the owner of this island. Iba rin magregalo ang matandang Villaflor. Nakakalula. "Do you like it, hon?" tanong ni Anthony sa kanyang asawa na ngayon ay namimilog ang mga matang nakatingin sa kanilang harapan.Sino ba naman ang 'di mapapa wow sa sumalubong sa kanila.A perfect place for a honeymoon under the moon.May isang floating bed na nasa gitna nang malawak na baybayin ng karagatan. Napapalibutan ito ng apat na poste kung saan may transparent na harang. To protect them from rain, maybe. Maingat na inalalayan ni Anthony ang asawa na mas lumapit pa. At maging siya ay namangha sa nakita. A table full of different kinds of foods, drinks, snacks, and more. Dinala na yata lahat dito ang handa sa reception. "A-ang ganda," namamanghang sambit ni Clara. She can't believe that she will experience this kin
Read more

Chapter 42

KINUHA ni Anthony ang Roba na nakasampay sa gilid ng kama. Naiiling pa siya habang kinukuha ito. Alam na alam talaga ni Kevin mga galawan niya. Talagang naka-ready. Walang hiya."Hon, wear it at baka hindi na talaga ako makapagpigil," banta niya rito at inalalayan ito upang maisuot ang roba.Natatawa naman si Clara na isinuot ang roba. Hanggang sa hindi na niya napigilan humagalpak ng tawa dahil sa hitsura ng asawa. Bakas pa kasi ang pagkadismayado nito dahil sa kanyang pagpapatigil dito. Kaya naman mabilis niya itong hinalikan sa labi saka siya naglalambing na yumakap sa baywang nito habang nakaupo siya sa kama."Sorry na, hon. Promise later wala nang awatan. Gutom na kami ni baby, e. Hindi naman kasi ako nakakain nang maayos sa reception, alam mo naman," malambing niyang pahayag sa asawa.Napabuga na lang ng hangin si Anthony at ginantihan ng yakap ang asawa. "Wala naman ako magagawa. Siyempre, what my honey wants, my honey get it. Tara na at baka magwala na si baby natin." Binuhat
Read more

Chapter 43

IT'S BEEN five months since Clara got married to Anthony. And those five months were so amazing for her. Her husband never failed to make each day extraordinary. Anthony spoiled her so much. To her cravings, though sometimes he really can't provide those cravings she wants. She saw how her husband was trying not to snap at her because of her mood swings. What can she do? It's the hormones. Simple.Tulad ngayon, kanina niya pa hinahanap ang asawa pero hindi niya mahagilap. Hindi niya rin maintindihan kung bakit pinipilit niyang hanapin may mobile naman siya para tawagan ito. Trip niya lang para may maireklamo na naman siya rito."Iha, ayos ka lang? Saan ka ba pupunta?" salubong na tanong ni Mommy Leila sa kanya. "Ayos lang po ako, my. Hinahanap ko po kasi si Anthony. Nakita n'yo po ba siya?" magalang niyang tanong."Nagpaalam siya kanina na may pupuntahan lang. Hindi niya ba nasabi sa 'yo?"Pinilit ni Clara na ngumiti pa rin dahil nasa harapan niya ang mommy ng asawa. But hearing that
Read more

Chapter 44

THE BABY SHOWER went well. As in sobra. Akala ng lahat ay tapos na but there's more. Masayang nagkukwentuhan sina Clara, Sandra, Aljane at Ada."Ikaw Ada, wala pa ba?" makahulugang tanong ni Sandra. "Hu-huh? Anong wala pa?" Inosenteng tanong ni Ada."Wala pa raw bang laman ang tiyan mo?" Paglilinaw ni Clara at hinaplos pa ang kanyang kalakihang tiyan.Napasinghap si Ada sa tanong ng mga ito at tila namula ang kanyang mukha. Paano naman magkakalaman, e, halik pa lang ang nangyari sa kanila ni Kevin. "Wa-wala, ah. Vi-virgin pa ako," mahina niyang tugon.Nagkatinginan naman sina Clara at Sandra na tila hindi makapaniwala. Kapagkuwan ay si Aljane naman ang kanilang tiningnan. "Wala pa. Virgin pa rin ako," mabilis na sagot ni Aljane kahit na wala pang itinatanong ang dalawa. Kilala na niya kasi ang mga ito sa ilang beses na nakasama niya. At masaya siya na naging kaibigan ang mga ito. Muling nagkatinginan sina Clara at Sandra na parang hindi talaga makapaniwala. "Good evening everyone.
Read more

Chapter 45

BIGLA ang kabang naramdaman ni Anthony at ang asawa agad ang pumasok sa kanyang isipan. Ngunit dahil importante ang kliyente nila ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Pasimple rin siyang tumitingin sa kanyang cellphone at hinihintay ang tawag ng asawa.Isang oras pa ang lumipas na naging abala na si Anthony dahil mas nag-demand pa ang kanilang kliyente. At sobrang saya niya dahil mas pa sa inaakala niya ang nangyari. He closed the deal with one of the biggest clients his company got. Lahat ay sobrang natuwa sa balita. "Painom ka niyan boss," sabi ni Raj, isa sa mga trabahador niya."Oo nga boss," segunda naman ng iba. Naiiling na lang si Anthony. Sasagot sana siya nang makitang humahangos na parating ang kanyang secretary. Kunot noo niya itong hinintay makalapit."Sir, si Madam Leila po nasa phone." Mabilis nito inabot ang cellphone sa kanya. Hindi niya alam pero bumalik 'yong kabang kanina niya pa nararamdaman. Akala niya dahil lang 'yon sa kliyente nila. Never pa siyang tinawa
Read more

Chapter 46

NAPATAYO si Kevin at agad na dinaluhan ang kapatid nang bigla itong bumalikwas ng bangon."Bro," tawag ni Kevin sa kapatid."It's just a dream. Yea, a dream only," mahinang sambit ni Anthony. Akala niya ay totoo na ang mga nangyari panaginip lang pala. Bigla siya napalingon sa tabi niya at nakita si Kevin na parang namumula ang mga mata. Kapagkuwan ay inilibot niya ang tingin, nagtataka kasi siya kung ano ginagawa ni Kevin sa silid nila mag-asawa.Napakunot noo siya nang makita wala siya sa silid nila kung hindi nasa isang silid na puro puti ang makikita. Natuon ang tingin niya sa may paanan ng kama kung saan nakita niya si Ada. Bumalik ang tingin niya kay Kevin at nagtatanong siya gamit ang mga mata.Narinig ni Kevin ang mga sinabi ng kapatid. Iniisip nito na panaginip lang ang lahat. Ayaw niya man sabihin na totoo ang inaakala nitong panaginip ay wala siyang pagpipilian. His brother needs to know the truth.Tumikhim si Kevin habang nakatingin sa kanya si Anthony. "Bro, na-nasa hospi
Read more

Chapter 47

HALOS hindi makatingin ng diretso si Clara habang papasok sa maliit na chapel na nasa loob ng bakuran ng mansion ng mga Villaflor. The main mansion kung saan nakatira ang mga grandparents nina Anthony.Mugto na rin ang kanyang mga mata sa kakaiyak mula nang ipagtapat sa kanya ni Anthony na pa-patay na nga ang anak nila. Inilalaban niya pa na buhay ang anak hanggang sa yayain siya ng asawa at sabihin na nakaburol na ito. Ayon sa doctor ay naipit ang tiyan niya dahilan upang maapektuhan ang bata sa loob. Pinilit pa na mailigtas ito pero wala na talaga itong buhay nang makuha ng mga ito. Ni-revive nang paulit-ulit hanggang sa ideklara ng patay ang anak nila.Hindi pa siya maayos dahil may mga galos siyang natamo. Napag-alaman din niya na namatay ang taxi driver habang ang driver ng truck ay critical. Hindi niya masabi na maswerte siya na nakaligtas siya dahil walang swerte para sa kanya kung ang kapalit ay ang buhay ng anak nila. Ang sabi-sabi nagsakripisyo raw ang anak niya upang ilig
Read more

Chapter 48

ITO ANG araw na kailangan na nilang pakawalan ang anak. Araw ng libing ng kanilang munting anghel. Tatlong araw lang binurol ang sanggol sa kadahilanan na mas lalo lang nila pahihirapan ang mga sarili kapag tumagal pa na nakikita ang anak.Ayaw pumayag ni Clara, halos ayaw niyang bitawan ang anak. Sa puso niya ay umaasa siya na mabubuhay pa ito. Oo, himala 'yon pero kung ang paniniwala roon ang maaring magbalik sa buhay ng anak ay kakapit siya.Pero hanggang sa dumating ang araw ng libing ng anak. Hindi ito nabuhay. "Ho-hon, ikaw na ang susunod. Kaya mo ba?" pukaw ni Anthony sa asawa. Nasa chapel sila kung saan ililibing ang anak nila. At nagdaos ng seremonyas para sa libing ng kanilang anak kasabay na rin ang pagbibigay ng eulogy para sa kanilang anak. At ang asawa na niya ang susunod.Walang buhay na tumingin si Clara sa asawa saka tumango. Mabilis siyang inalalayan ng asawa tumayo at lumapit sa pinakaharap.Gusto ni Clara na bago man lang ilibing ang anak ay masabi niya ang kanyan
Read more

Chapter 49

IT'S BEEN ONE week since their son died. Pero hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Anthony ang sakit. Araw-araw ay patuloy na naninikip ang dibdib niya sa tuwing naalala ang kanilang anak. Huminga siya nang malalim saka hinaplos ang buhok ng asawa. Isang linggo na ganito rin ang buhay nila. Still mourning for their loss. And seeing his wife everyday, ay mas lalo siya nahihirapan. Seeing her tummy back to normal made him remember that their son was gone.Inayos niya ang kumot nito saka siya nagpasya bumaba. Hindi niya alam kung ano ba dapat maramdaman. He just lost himself somewhere that he could not know what to do.Hanggang sa dalhin siya ng mga paa sa hardin ng kanilang mansion. Natigil siya sa paghakbang nang makita si Kevin na nakaupo at tila malalim ang iniisip. Malaki rin ang pasasalamat niya rito dahil hindi siya iniwan nito, maging ng kanyang pamilya. Ipinagpatuloy niya ang paghakbang palapit kay Kevin."Wala ka bang balak sundan si Ada sa Batangas?" tanong niya kay kevin pa
Read more

Chapter 50

HINDI alam ni Clara kung paano lumipas ang isang buwan. Isang buwan na simula mamatay ang kanilang anak. Isang buwan na rin na hindi siya lumalabas ng mansion kahit anong pilit pa sa kanya. Pinapasyalan nga lang siya ng kanyang mga magulang, ni Sandra at mga kaibigan. Para siyang naging robot na sasabihin kapag oras na para kumain, magpahinga kulang na lang maging ang paliligo niya.Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas ito at iniluwal si Anthony. Lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa noo. Bago hinubad ang suit nito. Kailan lang ito bumalik sa trabaho. Kailangan nga naman nito magtrabaho para sa mga taong umaasa rito."Hindi ka na naman lumabas?" Hindi nakaligtas sa kanyang ang paghugot nito nang malalim na buntung-hininga. "Hanggang kailan ka magtatago rito?"Hindi niya alam pero tila nakaramdam siya nang inis dito. "Why? Are you tired? Nagsasawa ka na ba? O, napapagod ka na sa akin?" Sarkastikong niyang tanong dito. Ewan niya ba bakit bigla ay nakaramdam siya ng inis.
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status