NAG-AAYOS na si Clara ng kanyang mga gamit dahil oras na ng uwian. Nakabalik na rin ang kanyang tunay na boss na si Mr.Andrew James Villaflor. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng isinuko niya ang kanyang pagkababae kay Anthony.Wala pa nakakaalam sa nangyari lalo na ang tungkol sa kanilang relasyon. Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, kinabukasan ay bigla nagkaroon ng emergency si Anthony at kailangan magtungo sa Dubai. Ayaw niyang umasa pero hindi naman niya maiwasan lalo na at consistent ang kanilang communication. Araw-araw silang nag-uusap, chat at minsan ay video call pa. Gusto pa nga siyang isama nito kaso hindi maaari dahil may trabaho siya.Napangiti siya nang marinig ang pag-ring ng kanyang cellphone. Kinuha niya ang mobile na naisilid na pala niya sa kanyang bag. Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ang caller id. "Hello," sagot ni Clara pagkapindot sa answer button. "Hon, out ka na ba?" sagot mula sa kabilang linya. "Pa-out pa lang, how about you?" "Where
HIYANG-HIYA talaga si Clara kaya hanggang sa makapasok ng tuluyan sa kotse ni Anthony ay nakayuko siya. Hindi niya kinaya ang mga matang dumako sa kanila pagkalabas nila ng elevator. Paanong hindi sila agaw-pansin? Hindi binitawan ni Anthony ang kanyang kamay at proud na proud pa ito na taliwas sa kanyang nararamdaman. Hindi sa ikinahihiya niya ito ngunit mas umaapaw ang nararamdaman niyang hiya. "Hon, are you okay?" tanong ni Anthony nang mapansin na tila wala sa sarili si Clara.Nabalik sa ulirat si Clara at napaatras pa nang mapansin na halos gahibla na lang ang layo ng binata sa kanya. "I'm good," tanging naitugon niya sabay tingin sa labas ng bintana. Ang sunod niyang narinig ay ang pag-click ng seat belt. Doon niya lang napagtanto na isinuot pala nito ang seat belt sa kanya. Pati 'yon ay nawala sa isip niya."Where are we going?" tanong niya nang magsimula ng paandarin ni Anthony ang makina ng kotse nito. "Somewhere. Where I can make love to you non stop." Anthony started ma
HALOS LUMUWA ang mga mata ni Clara nang makita ang resulta ng kanyang pregnancy test. Isang buwan na kasi siyang delay. At sa kanyang mga naririnig ay may posibilidad na buntis siya lalo na at hindi naman gumagamit si Anthony ng proteksyon. Dalawang buwan na rin naman sila magkarelasyon at wala siyang ibang masasabi kundi sobrang thankful siya. At ngayon nga ay muli siya magpapasalamat sa panibagong blessing. Matutuwa kaya si Anthony? Ang mga magulang nila, maging kaibigan ay tuwang-tuwa nang ipaalam nila ang kanilang relasyon. Walang pagsidlan ang saya ng kanyang mga magulang na para bang gusto na talaga siyang ipagtabuyan… Joke lang. Linggo ngayon at nasa bahay lamang siya. Talagang ginusto niya ngayon i-check kung buntis siya. Sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa ulirat ni Clara. Mabilis niyang itinago sa drawer ang hawak na tatlong pregnancy test. Tatlo talaga ang binili niya para sigurado. "Mom," bati niya nang buksan niya ang pintuan. Malawak ang pagkakangiti niya sa kan
HINDI malaman ni Clara kung matatawa siya o maiinis sa inaasal ng nobyo. Bigla na lang ito dumating at parang hinabol ng sampung kabayo. Hingal na hingal nang pumasok sa kanyang silid. At ang unang sinabi ay layuan niya raw si Sandra. Paano niya lalayuan ang beshie niya? Nababaliw na ba ito?"Hon, umuwi ka na," agaw niya sa atensyon ng nobyo na nakaupo sa may armrest malapit sa kanyang kama.Kasalukuyan kasi siya nakahiga at medyo nahihilo siya. Isa daw 'yon sa mga sintomas ng pagbubuntis. Ayaw niya muna sana magpacheck up pero ang kanilang mga magulang ay pinilit sila upang masiguro daw na maayos ang baby.Her pregnancy was really big news. Maging si Sandra ay hindi makapaniwala. Ito kasi ang inalok niya na pumalit sa kanya bilang secretary ng dati niyang boss na pinsan ng kanyang nobyo. Pinilit niya talaga ito. Sa tingin pa man din niya ay 'patok' o 'bagay' sina Mr. Andrew Villaflor at ang kanyang best friend. A perfect combination.Napalakpak tuloy siya dahil sa naiisip."Anong me
THE Awaited day... Clara and Anthony wedding.Kanina sa simbahan kung saan sila ikinasal ni Anthony ay hindi napigilan ni Clara ang maiyak. Sobrang saya ang kanyang nararamdaman. Finally...bShe got married to the man she doesn't expect to be in love. At ngayon ay narito na sila sa reception na ginanap sa hotel ng mga Villaflor. "I love you, hon," bulong ng asawa niya na ikinalingon niya rito.Nginitian niya ito at bumulong din, "I love you, too, hon." Akmang hahalikan siya nito nang magsalita ang emcee. Natawa na lang siya sa hitsura nito na tila bitin na bitin."We are now requesting our bride to throw her bouquet, so, all the single ladies, come forward and prepare your own wedding." Nang marinig ni Clara ang anunsyo ng emcee ay lumapit siya rito kasabay nang pagtayo ng mga dalaga at nagpunta sa harapan.Kinuha ni Clara ang mic sa emcee kapagkuwan ay bumaling sa direksyon ng kanyang matalik na kaibigan. "I want to say sorry to all the ladies in front, but this bouquet of mine is
MAGKAHAWAK-KAMAY sina Anthony at Clara habang naglalakad sa napakaputi at pinong buhangin ng isa sa mga private islands ng mga Villaflor. And they both can't believe that they are now the owner of this island. Iba rin magregalo ang matandang Villaflor. Nakakalula. "Do you like it, hon?" tanong ni Anthony sa kanyang asawa na ngayon ay namimilog ang mga matang nakatingin sa kanilang harapan.Sino ba naman ang 'di mapapa wow sa sumalubong sa kanila.A perfect place for a honeymoon under the moon.May isang floating bed na nasa gitna nang malawak na baybayin ng karagatan. Napapalibutan ito ng apat na poste kung saan may transparent na harang. To protect them from rain, maybe. Maingat na inalalayan ni Anthony ang asawa na mas lumapit pa. At maging siya ay namangha sa nakita. A table full of different kinds of foods, drinks, snacks, and more. Dinala na yata lahat dito ang handa sa reception. "A-ang ganda," namamanghang sambit ni Clara. She can't believe that she will experience this kin
KINUHA ni Anthony ang Roba na nakasampay sa gilid ng kama. Naiiling pa siya habang kinukuha ito. Alam na alam talaga ni Kevin mga galawan niya. Talagang naka-ready. Walang hiya."Hon, wear it at baka hindi na talaga ako makapagpigil," banta niya rito at inalalayan ito upang maisuot ang roba.Natatawa naman si Clara na isinuot ang roba. Hanggang sa hindi na niya napigilan humagalpak ng tawa dahil sa hitsura ng asawa. Bakas pa kasi ang pagkadismayado nito dahil sa kanyang pagpapatigil dito. Kaya naman mabilis niya itong hinalikan sa labi saka siya naglalambing na yumakap sa baywang nito habang nakaupo siya sa kama."Sorry na, hon. Promise later wala nang awatan. Gutom na kami ni baby, e. Hindi naman kasi ako nakakain nang maayos sa reception, alam mo naman," malambing niyang pahayag sa asawa.Napabuga na lang ng hangin si Anthony at ginantihan ng yakap ang asawa. "Wala naman ako magagawa. Siyempre, what my honey wants, my honey get it. Tara na at baka magwala na si baby natin." Binuhat
IT'S BEEN five months since Clara got married to Anthony. And those five months were so amazing for her. Her husband never failed to make each day extraordinary. Anthony spoiled her so much. To her cravings, though sometimes he really can't provide those cravings she wants. She saw how her husband was trying not to snap at her because of her mood swings. What can she do? It's the hormones. Simple.Tulad ngayon, kanina niya pa hinahanap ang asawa pero hindi niya mahagilap. Hindi niya rin maintindihan kung bakit pinipilit niyang hanapin may mobile naman siya para tawagan ito. Trip niya lang para may maireklamo na naman siya rito."Iha, ayos ka lang? Saan ka ba pupunta?" salubong na tanong ni Mommy Leila sa kanya. "Ayos lang po ako, my. Hinahanap ko po kasi si Anthony. Nakita n'yo po ba siya?" magalang niyang tanong."Nagpaalam siya kanina na may pupuntahan lang. Hindi niya ba nasabi sa 'yo?"Pinilit ni Clara na ngumiti pa rin dahil nasa harapan niya ang mommy ng asawa. But hearing that
“GRABE talaga sa higpit. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil kahit ako hindi ko hahayaan masaktan ang aking prinsesa,” wika ni Kevin na sinang-ayunan naman nina Anthony at Andrew. Nagkatinginan na lang sina Ada, Clara at Sandra at napailing sa tinuran ng mga asawa. Silang tatlo ay may mga babaeng anak at kahit anong pigil nila sa mga asawa at mga anak na lalaki na huwag maging O.A ay hindi naman sila pinapakinggan. “Pero mukhang desidido talaga si Sepher kay Cassiopeia. Ano ang balak mong gawin?” tanong ni Anthony kay Kevin. Hindi nila napigilan matawa nang hindi na maipinta ang mukha nito. “Pwede ba, Anthony, huwag mo na ipaalala sa akin ‘yan. Sa tuwing naaalala ko ang paghingi niya ng permiso na pakasalan ang prinsesa ko ay para akong sinasakal. And take note, I can't say no. Baliw kasi ang kambal na ‘yon at kung ano-ano naiisip na laro,” nakasimangot na litanya ni Kevin saka yumakap sa asawa. Naiinis talaga siya sa tuwing naalala ang 7th birthday ng anak na babae. “Pero h
“NAKAKABADTRIP talaga!” Padabog na umupo si Jarret sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Sandrew. “Problema mo, couz?” tanong ni Sandrew na tinapunan ng tingin si Jarret saka ibinalik ang atensyon sa cellphone niya. “Si Kiara na naman ba ang sumira ng araw mo?” natatawang tanong naman ni Avin na gumagawa ng lobo sa Buble gum na nasa bibig. Kasalukuyan silang nasa loob ng canteen dahil vacant class nila. Pareho ang course na kinuha ng magpipinsan, which is about business. Mabuti na lang at mukhang nasa dugo talaga nila ‘yon dahil nag-e-enjoy sila. “Not Zane,” mabilis na tanggi ni Jarret. Talaga naiinis siya. Sabay na tumuon ang tingin nina Sandrew at Avin kay Jarret sa sagot nito. Madalas kasi ay kapatid lang nito ang dahilan para mabadtrip ito ng gano’n. Kaya ang marinig na hindi si Kiara ang dahilan kung bakit ito badtrip ay nakakuha ng kanilang atensiyon. “Then who?” Hindi na napigilan itanong ni Avin. Umayos ng upo si Jarret habang ang mga kamay niya ay ipinatong niya sa ibab
HINDI maipinta ang mukha ni Kiara habang papasok sa loob ng kanilang bahay. Naiinis siya sa kanyang Kuya Jarret na walang ginawa kundi takutin ang mga lalaking lalapit sa kanya. “Zane! I'm still talking to you,” tawag ni Jarret sa kapatid na basta na lang siya iniwan sa kotse habang nagsasalita pa siya.Hindi pinansin ni Kiara ang tawag ng kuya niya at nagpatuloy sa pagpasok pero napahinto siya nang makita ang mga magulang na nasa sala. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay biglang napalitan ng tuwa. Natural, sobrang na-miss niya ang mga magulang, bumilis ang lakad niya patungo sa mga ito.Mabilis naman tumayo sina Clara at Anthony para salubungin ang kanilang mga anak. Kauuwi lang nila galing sa isang linggong bakasyon. Kung si Clara ang tatanungin ay hindi na naman kailangan pero makulit ang asawa at sinuportahan pa ng kanyang mga in-laws. Tama naman ang mga ito. They need some break from their busy schedule na pati sa mga anak ay nawawalan sila ng oras pero sinisigurado pa rin
ABALA SI Clara sa pag-aasikaso ng kanilang bagong branch ng JDZ Bakeshop. Pinalitan nila ang pangalan nang dumating sa buhay nila si Kiara Zane. Ang kanilang pangatlong anak. At napagdesisyunan na nilang huli na si Kiara Zane dahil delikado na talaga na magbuntis pa siya. Laking pasalamat lang nila at muli silang pinalad. "Hon, are you done?" tanong ni Anthony na kapapasok lang sa maliit na opisina ng bagong branch ng negosyo ng asawa na narito ngayon sa Tagaytay. Nag-angat ng mukha si Clara at sumalubong ang napakagwapo at walang kupas pa ring kagwapuhan ng asawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Hon, pinagnanasahan mo na naman ba ako?" Tudyo ni Anthony nang makita ang ngiti ng asawa habang nakatingin sa kanya. Inirapan ni Clara ang asawa saka ibinalik ang tingin sa binabasa na report. Isang linggo na lang ay magbubukas na ang JDZ dito sa Tagaytay. "Hon, kailangan na natin bumalik sa Maynila at nagtatampo na ang prinsesa natin," pukaw ni Anthony sa asawa na mu
ISANG BUWAN na ang lumipas mula nang magka-ayos sina Clara at Anthony. Sa ngayon ay nanatili silang nakatira sa mansion ng mga magulang nang huli dahil 'yun ang pakiusap ng mga magulang nito.Gusto daw kasi ng mga ito makabawi kay Jarret. Kaya naman pumayag na rin silang mag-asawa habang ginagawa ang kanilang sariling bahay. Dahil para sa kanila ay mas maganda pa rin na humiwalay sila sa mga magulang."Hon, sige na kasi," pangungulit ni Anthony kay Clara na kasalukuyang pinapatuyo ang buhok dahil kakatapos lang nito maligo. Napailing na lang si Clara sa kulit ng asawa. Paano ba naman nagyayaya ito na magpunta raw sila sa Tagaytay. Pero alam niya na may hidden agenda ito lalo na at sila lang dalawa. Paano matapos nila sa isla ay hindi na ito naka-score, ay mali. Naka-score naman kaso mga quickie lang at bitin daw ito. Sa gabi kasi ay katabi nila ang anak matulog kaya talagang hindi ito makapasok.Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Nakaupo kasi siya sa kanilang
NAPUNO NANG TAWANAN ang buong J&D Bakeshop. Ngayon ay ipinagdiriwang ng lahat ang anniversary ng mag-asawa na sina Clara at Anthony. Isang linggo matapos ang mga rebelasyon na nangyari."I can't get over about you owning this bakeshop. Kaya pala iba ang dating sa akin. You did a great job, hon," puri ni Anthony sa asawa na nasa tabi niya. Hindi talaga siya makapaniwala na ang asawa ang nasa likod nang papasikat na bakeshop na kinagiliwan nila. Matamis na ngumiti si Clara saka inihilig ang ulo sa balikat ng asawa. "Kahit ako hindi ko akalain na magagawa ko. I hate cooking even though it's baking still related to cooking. Sabi ko ayoko humarap sa 'yo na wala man lang ako maipagmamalaki," tugon niya sa asawa."I am so proud of you, hon. Noon pa man at hanggang ngayon. I will always be proud of you. I love you," malambing na saad ni Anthony at hinalikan pa ang likod ng palad ng asawa."I love you, too, hon." "Bilib na talaga ako sa 'yo Ate Clara, ganda ng mga pangalan tapos ang sasarap
SOBRANG BILIS nang tibok ng puso ni Anthony. Pauwi na sila at hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman. Takot at pananabik ay naghahalo. Ngayon din kasi mismong araw na ito ipakikilala siya bilang ama ni Jarret. Ang daming pumapasok na scenario sa utak niya tulad na lamang kung hindi siya nito matanggap. Galit kaya ang anak sa kanya? Napalingon si Anthony kay Clara na katabi niya sa passenger seat, sumabay na sila kina Kevin at Ada. At idadaan sila sa bahay nina Clara kung nasaan ang anak niya. Habang si Jacob ay kasunod nila. Ang plano ay siya muna ang ipakikilala kay Jarret pagkatapos ay si Jacob naman. Wala naman problema kay Brianna dahil alam nito na hindi siya ang tunay na ama. Ang inaalala niya ay si Jarret, baka hindi siya matanggap nito. Gusto niya nga na si Jacob muna mauna kaso nagpumilit ang mga ito na siya muna kaya wala na siyang nagawa. "Hingang malalim. Kinakabahan ka?" tanong ni Clara sa asawa nang mapansin na hindi ito mapakali mula nang umalis sila ng isla
KAPWA NAKAUPO SA MAGKABILANG DULO ng kama sina Anthony at Clara sa loob ng silid na inookupa ni Anthony. Kapwa tahimik. Matapos ang huling sinabi ni Jacob ay si Sandra ang pumagitna. Mas makakabuti raw kung makakapag-usap silang mag-asawa matapos ang mga ipinagtapat ni Kevin. Habang si Kevin at Jacob naman ay sina Andrew ang nag-asikaso. "I'm sorry," mahinang sambit ni Anthony matapos ang ilang minutong katahimikan namayani sa pagitan nila ng asawa. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin. Clara looked at her husband. Nakayuko ito habang nakakuyom ang mga kamao. Alam niya na darating na naman sila sa sitwasyon na ito. Pero hindi na niya hahayaan maulit ang nakaraan. "Come here, h-hon," saad niya. Mabilis na umangat ang mukha nito at nakasalubong ang kanilang mga mata. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Kaya naman tinapik niya ang parte ng kama sa tabi niya. "Halika rito, para makapag-usap tayo nang maayos." Hindi na muli inulit ni Clara ang sinabi nang mabilis na tumayo si Anth
NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa buong kabahayanan sa isiniwalat ni Clara.Shocked was all written in everyone's face except Kevin who stayed on the floor. Second pass becomes minutes until Clara speaks again. "Tell us your reason Kevin. Kasi kung ako ang huhusga baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko," humihikbi na sambit ni Clara habang hawak-hawak ang papel sa kamay niya.Hindi makapaniwala si Anthony na tiningnan si Kevin. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung may katotohanan ba ang mga sinasabi ng asawa niya. Hanggang sa may maalala siya.FLASHBACK "Are you sure about it?" tanong ni Kevin sa kanya.Tumango si Anthony saka isinandal ang likuran sa swivel chair. "Yes, it's about time.""Hindi mo ba naisip na kapag nalaman niya ay kunin sa 'yo ang bata," nag-aalala na saad ni Kevin. Huminga si Anthony nang malalim. "I know. Pero hindi natin pwede na itago habang buhay ang katotohanan. Isa 'yon sa mga kahilingan ni Amiya. Ang makilala ni Brianna ang tunay na ama. Pwede naman siguro