NAGDADABOG si Clara na naglakad patungo sa buffet table upang i-check kung maayos at lahat ng request na putahe ay naroon. Naiinis pa rin siya. Ang kapal ng mukha ng peke niyang boss. Siya pa talaga parurusahan nito? At sa anong kasalanan? Ito nga ang hindi na siya pinansin. Nagpapabebe lang naman siya, pero ang herodes, hinayaan naman siya. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid.Hindi talaga maikakaila na isa ang mga Villaflor sa mayaman na angkan hindi lang sa bansa. At patunay ang napakagandang okasyon na ito. Kahit na siya ang nag-asikaso kung wala naman budget ay wala rin. Kaya madali sa kanya ang lahat dahil walang problema sa budget.Gold and purple ang napili niyang theme dahil 'yon ang naaayon sa edad ni Tita Leila. Kahit forty seven na ito ay talagang lumalaban pa sa gandang taglay. "Good evening miss bu-tiful!" Napalingon si Clara sa kanyang likuran nang marinig ang maarteng boses na 'yon. Napakagwapong tingnan ng bakla na akala mo ay talagang lalaking-lalaki. "Good
HABANG NAGMAMANEHO ay pasulyap-sulyap si Anthony kay Clara na hindi mapakali sa pagkakaupo sa tabi niya. Pati paglalagay ng seat belt ay pahirapan. Malilintikan talaga sa kanya si Kevin. "Why is so so so hot!" reklamo ni Clara habang nakapikit at nakasandal ang likuran."Clara, behave ok. Kasalanan mo 'yan. Basta-basta ka na lang kasi umiinom. Paano kung hindi agad ako dumating? Baka saan ka na nadala ng g*gong lalaking 'yon." Uunahan pa ako. Gusto niya sanang idugtong pero sinarili na lang niya. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho ng magsimulang maghubad si Clara."What the f*ck, Clara!" Gulantang siya ng itinaas nito ang laylayan ng gown kaya ngayon ay litaw na litaw ang mapuputi nitong hita. Mabuti na lang at nakahinto sila at hinihintay mag-green ang stop light. "Sinusubukan mo talaga pasensya ko, honey. Humanda ka talaga sa akin. Nagsuot ka pa ng ganyan, akala mo naman ang laki-laki ng dibdib m-Aray!" hiyaw niya nang tumama sa mukha niya ang stiletto nito.Mapupungay ang mga
PAKIRAMDAM NI Clara ay may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang tiyan. Kaya naman pupungas-pungas niyang iminulat ang mga mata. Papikit-pikit pa siya dahil tila pagod na pagod ang kanyang katawan.Napakunot ang kanyang noo na dahan-dahan bumaling sa kanang bahagi niya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala kung sino ang lalaking katabi. Mabilis niyang binawi ang tingin at tumitig sa kisame. Inaalala ang mga nangyari at wala sa sariling bumaba ang kamay sana sa kanyang pagkababae ngunit binti ni Anthony ang kanyang nakapa na ito pala ang mabigat. Dahan-dahan niyang inalis ang binti nito at nagmamadaling bumangon para lamang muli mapahiga dahil sa sumigid na kirot sa gitnang bahagi niya. Hindi na siya birhen. Tuluyan na niyang naisuko ang pinakaiingatan sa lalaking ang himbing ng tulog, humihilik pa.Napagawi ang mga mata ni Clara pababa sa leeg nito, pababa sa malalapad na dibdib, pababa pa sa anim nitong pandesal. Biglang nanubig ang bagang niya sa nakikita. Kusang gumalaw an
NAG-AAYOS na si Clara ng kanyang mga gamit dahil oras na ng uwian. Nakabalik na rin ang kanyang tunay na boss na si Mr.Andrew James Villaflor. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng isinuko niya ang kanyang pagkababae kay Anthony.Wala pa nakakaalam sa nangyari lalo na ang tungkol sa kanilang relasyon. Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, kinabukasan ay bigla nagkaroon ng emergency si Anthony at kailangan magtungo sa Dubai. Ayaw niyang umasa pero hindi naman niya maiwasan lalo na at consistent ang kanilang communication. Araw-araw silang nag-uusap, chat at minsan ay video call pa. Gusto pa nga siyang isama nito kaso hindi maaari dahil may trabaho siya.Napangiti siya nang marinig ang pag-ring ng kanyang cellphone. Kinuha niya ang mobile na naisilid na pala niya sa kanyang bag. Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ang caller id. "Hello," sagot ni Clara pagkapindot sa answer button. "Hon, out ka na ba?" sagot mula sa kabilang linya. "Pa-out pa lang, how about you?" "Where
HIYANG-HIYA talaga si Clara kaya hanggang sa makapasok ng tuluyan sa kotse ni Anthony ay nakayuko siya. Hindi niya kinaya ang mga matang dumako sa kanila pagkalabas nila ng elevator. Paanong hindi sila agaw-pansin? Hindi binitawan ni Anthony ang kanyang kamay at proud na proud pa ito na taliwas sa kanyang nararamdaman. Hindi sa ikinahihiya niya ito ngunit mas umaapaw ang nararamdaman niyang hiya. "Hon, are you okay?" tanong ni Anthony nang mapansin na tila wala sa sarili si Clara.Nabalik sa ulirat si Clara at napaatras pa nang mapansin na halos gahibla na lang ang layo ng binata sa kanya. "I'm good," tanging naitugon niya sabay tingin sa labas ng bintana. Ang sunod niyang narinig ay ang pag-click ng seat belt. Doon niya lang napagtanto na isinuot pala nito ang seat belt sa kanya. Pati 'yon ay nawala sa isip niya."Where are we going?" tanong niya nang magsimula ng paandarin ni Anthony ang makina ng kotse nito. "Somewhere. Where I can make love to you non stop." Anthony started ma
HALOS LUMUWA ang mga mata ni Clara nang makita ang resulta ng kanyang pregnancy test. Isang buwan na kasi siyang delay. At sa kanyang mga naririnig ay may posibilidad na buntis siya lalo na at hindi naman gumagamit si Anthony ng proteksyon. Dalawang buwan na rin naman sila magkarelasyon at wala siyang ibang masasabi kundi sobrang thankful siya. At ngayon nga ay muli siya magpapasalamat sa panibagong blessing. Matutuwa kaya si Anthony? Ang mga magulang nila, maging kaibigan ay tuwang-tuwa nang ipaalam nila ang kanilang relasyon. Walang pagsidlan ang saya ng kanyang mga magulang na para bang gusto na talaga siyang ipagtabuyan… Joke lang. Linggo ngayon at nasa bahay lamang siya. Talagang ginusto niya ngayon i-check kung buntis siya. Sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa ulirat ni Clara. Mabilis niyang itinago sa drawer ang hawak na tatlong pregnancy test. Tatlo talaga ang binili niya para sigurado. "Mom," bati niya nang buksan niya ang pintuan. Malawak ang pagkakangiti niya sa kan
HINDI malaman ni Clara kung matatawa siya o maiinis sa inaasal ng nobyo. Bigla na lang ito dumating at parang hinabol ng sampung kabayo. Hingal na hingal nang pumasok sa kanyang silid. At ang unang sinabi ay layuan niya raw si Sandra. Paano niya lalayuan ang beshie niya? Nababaliw na ba ito?"Hon, umuwi ka na," agaw niya sa atensyon ng nobyo na nakaupo sa may armrest malapit sa kanyang kama.Kasalukuyan kasi siya nakahiga at medyo nahihilo siya. Isa daw 'yon sa mga sintomas ng pagbubuntis. Ayaw niya muna sana magpacheck up pero ang kanilang mga magulang ay pinilit sila upang masiguro daw na maayos ang baby.Her pregnancy was really big news. Maging si Sandra ay hindi makapaniwala. Ito kasi ang inalok niya na pumalit sa kanya bilang secretary ng dati niyang boss na pinsan ng kanyang nobyo. Pinilit niya talaga ito. Sa tingin pa man din niya ay 'patok' o 'bagay' sina Mr. Andrew Villaflor at ang kanyang best friend. A perfect combination.Napalakpak tuloy siya dahil sa naiisip."Anong me
THE Awaited day... Clara and Anthony wedding.Kanina sa simbahan kung saan sila ikinasal ni Anthony ay hindi napigilan ni Clara ang maiyak. Sobrang saya ang kanyang nararamdaman. Finally...bShe got married to the man she doesn't expect to be in love. At ngayon ay narito na sila sa reception na ginanap sa hotel ng mga Villaflor. "I love you, hon," bulong ng asawa niya na ikinalingon niya rito.Nginitian niya ito at bumulong din, "I love you, too, hon." Akmang hahalikan siya nito nang magsalita ang emcee. Natawa na lang siya sa hitsura nito na tila bitin na bitin."We are now requesting our bride to throw her bouquet, so, all the single ladies, come forward and prepare your own wedding." Nang marinig ni Clara ang anunsyo ng emcee ay lumapit siya rito kasabay nang pagtayo ng mga dalaga at nagpunta sa harapan.Kinuha ni Clara ang mic sa emcee kapagkuwan ay bumaling sa direksyon ng kanyang matalik na kaibigan. "I want to say sorry to all the ladies in front, but this bouquet of mine is
SOBRANG BILIS nang tibok ng puso ni Anthony. Pauwi na sila at hindi niya malaman kung ano ang nararamdaman. Takot at pananabik ay naghahalo. Ngayon din kasi mismong araw na ito ipakikilala siya bilang ama ni Jarret. Ang daming pumapasok na scenario sa utak niya tulad na lamang kung hindi siya nito matanggap. Galit kaya ang anak sa kanya? Napalingon si Anthony kay Clara na katabi niya sa passenger seat, sumabay na sila kina Kevin at Ada. At idadaan sila sa bahay nina Clara kung nasaan ang anak niya. Habang si Jacob ay kasunod nila. Ang plano ay siya muna ang ipakikilala kay Jarret pagkatapos ay si Jacob naman. Wala naman problema kay Brianna dahil alam nito na hindi siya ang tunay na ama. Ang inaalala niya ay si Jarret, baka hindi siya matanggap nito. Gusto niya nga na si Jacob muna mauna kaso nagpumilit ang mga ito na siya muna kaya wala na siyang nagawa. "Hingang malalim. Kinakabahan ka?" tanong ni Clara sa asawa nang mapansin na hindi ito mapakali mula nang umalis sila ng isla
KAPWA NAKAUPO SA MAGKABILANG DULO ng kama sina Anthony at Clara sa loob ng silid na inookupa ni Anthony. Kapwa tahimik. Matapos ang huling sinabi ni Jacob ay si Sandra ang pumagitna. Mas makakabuti raw kung makakapag-usap silang mag-asawa matapos ang mga ipinagtapat ni Kevin. Habang si Kevin at Jacob naman ay sina Andrew ang nag-asikaso. "I'm sorry," mahinang sambit ni Anthony matapos ang ilang minutong katahimikan namayani sa pagitan nila ng asawa. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin. Clara looked at her husband. Nakayuko ito habang nakakuyom ang mga kamao. Alam niya na darating na naman sila sa sitwasyon na ito. Pero hindi na niya hahayaan maulit ang nakaraan. "Come here, h-hon," saad niya. Mabilis na umangat ang mukha nito at nakasalubong ang kanilang mga mata. Bumakas ang gulat sa mukha nito. Kaya naman tinapik niya ang parte ng kama sa tabi niya. "Halika rito, para makapag-usap tayo nang maayos." Hindi na muli inulit ni Clara ang sinabi nang mabilis na tumayo si Anth
NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa buong kabahayanan sa isiniwalat ni Clara.Shocked was all written in everyone's face except Kevin who stayed on the floor. Second pass becomes minutes until Clara speaks again. "Tell us your reason Kevin. Kasi kung ako ang huhusga baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko," humihikbi na sambit ni Clara habang hawak-hawak ang papel sa kamay niya.Hindi makapaniwala si Anthony na tiningnan si Kevin. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung may katotohanan ba ang mga sinasabi ng asawa niya. Hanggang sa may maalala siya.FLASHBACK "Are you sure about it?" tanong ni Kevin sa kanya.Tumango si Anthony saka isinandal ang likuran sa swivel chair. "Yes, it's about time.""Hindi mo ba naisip na kapag nalaman niya ay kunin sa 'yo ang bata," nag-aalala na saad ni Kevin. Huminga si Anthony nang malalim. "I know. Pero hindi natin pwede na itago habang buhay ang katotohanan. Isa 'yon sa mga kahilingan ni Amiya. Ang makilala ni Brianna ang tunay na ama. Pwede naman siguro
HINDI YATA nag-sink in sa pinaka-utak ni Anthony ang sinabi ni Clara. O, hindi lang siya makapaniwala?"Wha-what did you say?" Ang lakas ng tibok ng puso niya. As in malakas, malakas pa sa tambol tuwing may piyesta. Mali ba siya ng narinig.Clara took out a deep breath then looked at her husband. Hindi niya naiwasan na mapangiti sa reaksyon nito. He was really shocked. Kinulong ni Clara ang mukha ng asawa sa kanyang dalawang palad saka niya ito tinitigan. Mata sa mata. "I said, Jarret is your son. Nabuntis ako dahil sa namagitan sa atin bago ako umalis. Huwag mong sabihin hindi mo inaasahan 'yon. Pakiramdam ko nga plinano mo talaga buntisin ako bago ako umalis," nakangusong saad ni Clara. Maging siya kasi ay hindi inaasahan ang magandang regalo na 'yon. Hindi niya inaasahan na sa gabi bago ang pag-alis niya ay muli niya malalasap ang sarap ni baby arm.Nang wala pa rin makuhang reaksyon si Clara sa asawa ay tinampal niya na ang pisngi nito na mukhang epektibo dahil kumurap-kurap ito
KANINA PA SILA naiwan ni Clara sa parte ng isla na iyon. Pero nanatiling nakatingin si Anthony sa daan tinahak ng mga ito. Bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha. Totoo ba ang narinig niya sinabi noong lalaki. Kuya? "Mukhang maayos ka naman, papasok na ako," sabi ni Clara nang lumipas ang ilang minuto na hindi ito nagsalita. Tumayo siya at inayos ang sarili. Pinagpagan ang nadumihan na damit.Anthony panicked and quickly got up and stopped Clara. "Wait."Napahinto sa paghakbang si Clara saka tumingin sa kamay ng asawa na nakahawak sa braso niya. Lumipat ang tingin niya sa mukha nito kaya nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Nakikiusap ang mga ito. Para saan?Huminga si Clara nang malalim. "Ang kamay ko," sabi niya. Nakita niya pa ang pag-aalinlangan sa mukha nito ngunit bumitaw naman ito."Can we talk?" seryosong tanong ni Anthony kay Clara. Bigla siyang kinabahan nang talikuran siya nito."Talk about what? Kung tungkol sa annulment, I'm sorry but I won't sign it," diretsong sagot n
FLASHBACKPapikit-pikit si Anthony habang nagmamaneho ng kotse niya. Isang linggo na mula nang umalis si Clara. At isang linggo na rin na wala siyang inatupag kundi ang uminom. Mabuti nga at buhay pa siya. Pero mukha ito na ang huling gabi niya sa mundo. Isang malakas na paglagitik ng gulong at malakas na sigaw nang isang babae ang umagaw sa tahimik na harapan nang isang village. Tila nawalan ang pagkalasing ni Anthony na mabilis na bumaba upang tingnan kung nakabunggo ba siya.Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang buntis na babae ang nakahiga na sa kalsada, kaharap ng kotse niya.Humahangos naman na lumapit ang dalawang guwardiya na nakabantay sa gate ng village. "Misis, ayos ka lang po ba?" tanong agad ni Anthony at tila gusto siyang takasan ng kaluluwa dahil sa nangyari. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa mag-ina. Lumapit si Anthony at lumuhod upang tingnan ang kalagayan nito."Mr. Villaflor, hindi n'yo naman po siya natamaan, mukhang hinimatay po
NAKASIMANGOT SI Clara na pumasok sa loob ng bahay nila. Nang makita ang mga magulang ay nagmano siya sa mga ito."Bakit hindi maipinta ang mukha mo, Clara?" tanong ni Samara sa anak. Umupo si Clara sa mahabang sofa kung saan nakaupo ang daddy niya saka yumakap dito. Sarap talaga maging daddy's girl.Natawa naman si Clarence saka ginantihan ng yakap ang anak. "What is wrong with my baby?" malambing niyang tanong. "She's too old to be your baby," boses ni Jacob na kapapasok lang habang buhat-buhat si Jarret. Mabilis naman nagpabababa ang bata at tumakbo sa lola nito. Isang irap ang isinukli ni Clara sa sinabi ni Jacob at mas yumakap pa sa daddy niya. 'Inggit ka lang'Tiningnan ni Clarence si Jacob. "Anong nangyari? Bakit nakasimangot ang prinsesa natin?" Lumapit si Jacob at nagmano sa mga ito bago umupo sa kabilang gilid ni Clarence. Kaya naman napagitnaan nila ito."We saw Anthony—her husband," sagot ni Jacob.Nanlaki ang mga mata ni Clara na mabilis tumingin kay Jarret. Mabuti na
"HELLO, Mommy. How are you there? Alam mo mommy I met a beautiful woman today. She is ganda at bait pa po. Look mommy... " Ipinakita ni Brianna ang galos sa tuhod nito, "ginamot niya po ang sugat ko. I wish I also had a mommy like Jarret but of course you're still the best mommy for me because you keep me alive. I love you mommy." Inilapag nito ang hawak na bouquet of flowers sa puntod ng mommy nito. Hinaplos pa nito ang ibabaw no'n.Anthony just watches Brianna as she talks to her mother. It's been like this for the past four years. Once a week they never failed to visit Amiya and Darko graveyard. Tumabi siya ng upo sa anak."Mommy loves you so much, you know that right?" Tumango ito at naririnig na niya ang mahihinang paghikbi nito. Hindi rin pwede na sa tuwing pupunta sila roon ay hindi ito iiyak. Sino ba hindi malulungkot kung hindi na niya nasilayan buhay ang mommy nito. Amiya died after she gave birth to Brianna. "I know daddy and I love her so much." Tuluyan na yumakap si Bria
After more than three years..."ARE YOU EXCITED, BABY?" masiglang tanong ni Anthony kay Brianna. "Yes! Yes, daddy. Super duper excited," tuwang-tuwa naman na sagot nito at kulang na lang ay magtatalon sa loob ng kotse."Careful baby. Huwag masyado malikot," saway ni Anthony kay Brianna. Napangiti siya nang mabilis naman itong sumunod. Kasama nila ang yaya nito na nakaupo sa may likuran. Brianna is already four years old. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matino pa siya. Si Brianna ang naging ilaw niya sa madilim niyang mundo nang iwanan siya ng asawa.It's been more than three years since Clara left. After that night… the night where he and Clara made love. Hindi na niya ito nakita. Nag-iwan lamang ito nang isang papel kung saan nakasulat dito ang kanyang pamamaalam. That she was sure about what they discussed. Nakiusap din ito na huwag siyang hanapin bagkus ay gamutin nila ang mga puso nilang sugatan. Hanapin ang kanilang mga sarili at muling buuin. When God let them me