Home / Romance / HIDDEN BONDS OF VENGEANCE / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of HIDDEN BONDS OF VENGEANCE : Chapter 31 - Chapter 40

87 Chapters

CHAPTER 31-CELEBRATE

Pagpasok ni Nathan, kaagad niyang nilapitan ang kapatid at niyakap. "Nang malaman kong nagising ka na, kaagad akong bumalik dito sa mansyon para makita ka." May iniabot rin itong bagay na naglalaman ng gamot. "May dala akong supplements para sa iyong mga paa, at hinihiling kong mas lalo ka pang maging malusog." Aniya. Pinagmasdan lang siya ni Nicholas na parang wala lang sa kanya ang pagdating ng kapatid. Itinuon niya lang ang atensyon sa mga nakalapg na pagkain sa mesa at kumuha siya ng kutsara para subuan ang sarili. Bahagyang sumilay ang pagka-inis sa mukha ni Nathan, "Dahil kumakain ka pa, hindi muna kita iistorbohin."Hindi rin tumugon si Nicholas na patuloy lang kumain. At bago siya iwan ng kapatid may pinahabol muna itong isa pang balita. "Pinapasabi ni Dad na bibisitahin ka niya kapag nakauwi na siya dito sa bansa. Nagagalak din siyang nagising ka na." Sinamahan naman ni Estrella si Nicholas na kumain doon sa terrace at sobrang tahimik nilang dalawa. Pareho din silang mala
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

CHAPTER 32-HATE

Sa oras na ito, lumapit si Lola Conchita sa kanila, "Tanggapin mo na, Estrella. Isa iyang pasasalamat ni Diana sayo." Napilitan si Estrella na tanggapin nalang para hindi mapahiya si Diana, kaya tinanggap niya ang pulseras at inilagay sa kanyang pulsuhan. "Maraming salamat po sa bracelet na ito, Madame." Pasalamat niya. Nakita naman nilang may dumating pang panauhin at nakita nila si Nathaniel na may kasamang lalaki na hindi ganoon katanda at makikita ang pagkakahawig nito kay Nicholas. Ang lalaki ay may makapal na kilay at singkit na mga mata, makisig na katawan, at maputi ang balat. Siya ang ama nina Nicholas at Nathaniel na si Nolan. Lumapit si Nolan sa kanila at hindi nito maalis ang tingin kay Nicholas na ilang taon niya ng hindi nakikita, at nakuha rin ng kanyang pansin si Estrella na alam niyang asawa nito. "Nicholas, anak. Masaya ako na bumalik ka na at congratulations na mayroon ka ng maganda at mabuting asawa." Lumapit si Nolan at yumuko para hagkan siya per
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

CHAPTER 33-CONNECTION

Pagkatapos na ihatid ni Estrella ang tatlo, bumalik siya sa ibaba dahil gusto siyang makausap ni Nolan. Pumasok siya doon sa kwarto nito at nakita niyang nakaupo sa sofa habang nagsisindi ng tabako. Naupo si Estrella sa tapat niya tsaka medyo nakaramdam siya ng kaba. "Kusang-loob ka bang nagpakasal sa anak ko?" Bigla nitong tanong at inasahan na agad iyon ni Estrella. "Ako ang napili ni Lola Conchita sa dami ng babaeng gustong magpakasal kay Nicholas." Sagot ni Estrella. "Ano naman ang layunin mo? Pumirma ka na ba ng prenuptial property agreement at nangakong hindi ka lalahok sa anumang hindi pagkakaunawaan sa ari-arian sa pamilya namin?" Sunod pa nitong tanong. "Wala akong ibang balak o layunin kung hindi matulungan ang anak ko na binigyan ni Lola Conchita ng pagkakataon na pumasok sa isang prestigious school kasama si Nikolai. Iyon lamang ang benepisyo ko." Paliwanag niya. "Hindi naman problema iyon sa akin pero sigurado ka ba sa pinasok mo? Mahirap maging isang asawa ni Nicho
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

CHAPTER 34-RUSH

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Estrella nang mabasa ang dokumento at kaagad siyang pumunta sa kwarto ni Nicholas. "Ano bang dahilan mo kung bakit mo ako hihiwalayan?" Seryosong tanong ni Estrella. Hindi siya papayag na maaga siyang mapapalabas sa mansyon na ito hangga't hindi pa siya tapos sa misyon. Kahit na nag-offer si Nicholas ng sampung milyon at isang ari-arian para sa kanila ni Catherine, hindi niya ito matatanggap. "Hindi ako sumasang-ayon dito." Tutol niya. Bahagyang tumaas ang kilay ni Nicholas, "Hindi pa ba 'yan sapat?"Umiling si Estrella, "Wala akong pakialam sa halaga ng perang ibibigay mo, hinding-hindi ako papayag na maghihiwalay tayo." "At bakit? Anong rason mo?" Seryosong tanong ni NicholasLumapit ng kaunti si Estrella sa kanyang gawi. "Dahil nangako ako na hindi kita iiwan." "Ano naman kung iiwan mo'ko? Hindi ka naman kawalan sa buhay ko." Dikta pa ni Nicholas. Hindi alam ni Estrella kung bakit ang bigat na marinig iyon mula sa kanya. Saglit siyang
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

CHAPTER 35-ROLLING

Napaisip si Estrella na hindi niya nga sinipot ang asawa dahil napilitan siyang puntahan si Oliver. "Tsaka bakit mo naman pinagsisihan na puntahan ako eh, pinigilan ko nga si Nathan na siraan ka?" Isa makahulugang tanong ni Oliver. "At ano bang koneksyon niyo ni Nathan para matakot ka sa gagawin niya?" Bumilis ang tibok ng puso ni Estrella, "Sinabi ko na sayo na tutol siyang magkaroon ng asawa si Nicholas kaya gusto niya akong mapatalsik sa mansyon. Pati na rin ang asawa niya ay mainit ang dugo sa akin. Tsaka wala kaming koneksyon ni Nathan, sadyang hindi niya ako gusto na dumagdag sa pamilya nila." Matapos nilang magbangayan, kaagad na pinabigay ni Oliver ang mga gawain ni Estrella na tatapusin niya ng dalawang oras. Saktong natapos si Estrella mga alas-nuebe ng gabi at kaagad siyang umuwi sa mansyon. Alam niyang nagkulong si Nicholas sa kwarto na mayroong inaasikaso kaya dumeretso siya sa mga bata na naglalaro sa play room. Umakyat naman si Yaya Merrill sa taas at ipinaalam ka
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

CHAPTER 36-TREAT

Pareho nilang ramdam ang pagbagal ng ikot ng mundo at nanatili silang magkayakap. Hindi alam ni Estrella ang takot na naramdaman niya kanina habang si Nicholas naman ay hindi makapaniwala na handa siyang magbuwis buhay para maligtas siya. "Sir! Ma'am!" Pareho silang napabitaw nang marinig si Mang Alfred na papalapit sa kanilang direksyon. "Okay lang ba kayo?" Hingal na hingal ito na huminto sa kanilang harapan. Hindi alam ni Estrella at ni Nicholas kung sasabihing ayos lang dahil muntikan na silang kunin ni kamatayan. Huminto naman ang trailer truck at nilapitan sila ng driver nito. At sa sobrang galit na naramdaman ni Estrella tumayo siya mula sa pagkakandong kay Nicholas para pagsabihan ang driver. "Magdahan-dahan naman kayo sa kalsada! Muntik na kayong makapatay ng tao!" Sigaw niya rito. "Pasensya na po ma'am, nawalan po kasi ng preno ang truck." Paumanhin ng driver. Sinubukan naman ni Estrella na kumalma dahil alam niya ring hindi ito sinasadya ng driver. Sinapo niya ang noo
last updateLast Updated : 2024-09-27
Read more

CHAPTER 37-PAST

Namamangha si Estrella sa side ng tito ni Nicholas dahil mababait ang mga ito, hindi siya nakakaramdam ng ano mang poot. "Pumasok na tayong lahat. May mga nakahanda ng pagkain para sa inyo." Masayang sabi ni Uncle Nelson. Maraming tao ang pumasok sa pinagmamay-arian nilang restaurant na napakaaliwalas, may mga eleganteng palamuti, at magandang fountain sa labas na atraksyon sa mga bisita. Pagpasok ng mag-asawa, magkatabi silang naupo sa mesa at nasa tapat nila si Nelson at ang asawa nitong si Rosanna. "Ang aking asawa ang nagluto nito para sayo, Nicholas." Sabi ni Nelson, nilagyan niya ng napakasarap na Kare-kare na isa sa mga paborito putahe ni Nicholas. "Amoy palang, masarap na." Nakangiting sabi ni Nicholas. Nagsimula ring kumain si Estrella at medyo nahirapan siya dahil gumagamit sila ng chopsticks, marunong siyang kumain gamit ito pero medyo sumasakit pa ang kanyang mga kamay. Napansin naman ni Rosanna na may benda ang kamay ni Estrella at parang nahihirapan sa pagkain. "M
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

CHAPTER 38-SLEEP

Parehong may lungkot sa kanilang mga mata habang inaalala ang kanilang mga ina. Hindi alam ni Nicholas na pareho sila ng pinagdaanan. Umiwas naman ng tingin si Estrella dahil ramdam niyang nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha. "Mabuti pa pumasok na tayo." Tumayo si Estrella at itinulak ang wheelchair ni Nicholas pabalik sa loob ng kanilang tinutuluyan na silid. Iisa lamang ang kama sa kwarto at hindi pwedeng paalisin ni Nicholas si Estrella dahil baka magtaka ang kanyang Uncle Nelson kung bakit hiwalay silang matulog na mag-asa. "Dito ako sa couch matutulog kaya huwag mag-alala." Sabi ni Estrella na kinuha ang isang unan. "Sige." Tugon ni Nicholas na walang pakialam kahit matulog man siya sa sahig. Iginulong ni Estrella ang mata at nahiga doon sa couch, ramdam niyang sumakit ang kanyang kabilang balikat kaya naghanap siya ng komportableng posisyon. Dahil hindi siya makatulog sa hinihigaan, naisipan niya nalang na maligo muna para presko ang tulog kaya nagpunta siya sa banyo.
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

CHAPTER 39-MILK

Nagising na sa wakas si Nicholas at nagitla siya na makitang yakap ang asawa. Kita niyang tulog pa ito. Unti-unti niyang itinanggal ang mga braso at ipinatong ang ulo ni Estrella sa unan. Bumangon siya at napatingin sa orasan, alas siete na ng umaga. Naiihi naman siya at naglakad deretso sa banyo, hindi na siya umupo sa wheelchair. Nagising din ulit si Estrella at napagtanto niyang wala na ang asawa sa tabi, lumingon siya at ang tanging nakita ay ang wheelchair na nasa gilid. Nagtaka siya kung nasaan ang asawa. Tumayo siya papunta sa banyo kung saan umiihi pa si Nicholas pero may kumatok sa pinto kaya binuksan niya muna ito."Good morning, Estrella!" Bati ni Tita Rosanna. Isinama siya nito papunta sa kusina para magluto ng umagahan. Pagkatapos umihi ni Nicholas, lumabas siya sa banyo at nakita na wala ang asawa. Umupo siya kaagad sa wheelchair at mag-isang lumabas sa kwarto. Nagpunta siya sa kusina at natagpuan si Estrella na kasama lang pala ang tiyahin. "Good morning!" Bati niya
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more

CHAPTER 40-REVEAL

Hindi makapaniwala si Estrella na malamang katulad siya ni Oliver na allergic sa gatas. Muntik niya na talaga itong mapatay nang dahil lang sa cake. "I'm so sorry, hindi ko alam." Paumanhin ni Estrella. Dumating naman si Yaya Merrill sa kwarto para tingnan si Nicholas. "Anong nangyari?" Nagtataka ito na makita ang lalaki na namumula ang mukha. "Pinakain ko kasi siya ng cake na mayroomg gatas." Pag-aamin ni Estrella. Halos mabigla si Yaya Merrill dahil alam niyang allergic ito sa gatas tsaka wala siya kanina sa kusina dahil abala siya sa paglilinis sa pool. "Hindi ko talaga alam na allergic pala siya sa gatas. Nasa isip ko kasi na nangangailangan siya ng calcium sa katawann. Pasensya na talaga." Paliwanag ni Estrella. "Dios mio, Estrella! Hindi sana ito kumalat. Manatili sana itong sekreto dahil kung makaalam ang iba, maari itong gamitin ng kanyang kalaban sa kanya." Pakiusap ni Yaya Merrill. Agad na naunawaan ni Estrella ang sinabi ni Yaya Merill. "Huwag kang mag-alala, hindi k
last updateLast Updated : 2024-09-28
Read more
PREV
1234569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status